Close
 


At ito ang tanging daigdig kongayon

« Back
Message Menu
Author Photo by: nacubuan89
Nov 27 2020, 7:34pm CST ~ 3 years, 5 mos ago. 
At ito ang tanging daigdig kongayon
bilangguang mandi'y libingan
ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng
taon
ng buong buhay ko'y dito
mapipigtal.
Nguni't yaring diwa'y walang
takot-hirap
at matitiis pa rin nitong aking
puso;
piita'y bahaging pakikilamas
mapiit ay tanda ng hindi
pagsuko.
Ang tao't Bathala ay di natutulog
at di habang araw ang api ay
api
tanang paniniil ay may pagtutuos
habang may Bastilya'y may
bayang gaganti.
At bukas, diyan din, aking
matatanaw
sa sandipang langit na wala
nang luha
sisikat ang gintong araw ng
tagumpay.. .
layang sasalubong ako sa
paglaya.
 
can anyone paraphrase this for me in tagalog word also.
Reply