Back
Close
 

Ang Boracay ay nabibilang sa kumpol ng isla sa Panay sa Kanluran

« Back
Message Menu
Author Photo by: Kingrick Badge: Native Tagalog Speaker
Oct 15 2020, 9:03pm CST ~ 1 week, 2 days ago. 
Ang Boracay ay nabibilang sa kumpol ng isla sa Panay sa Kanlurang Visayas. Ito ay maliit lamang at korteng buto. Matatagpuan ang Boracay mga dalawandaang kilometro sa timog ng Maynila. Bahagi ito ng bayan ng Malay sa probinsiya ng Aklan. Binubuo ito ng tatlong barangay: Manoc-Manoc, ang Balabag, at Yapak. Ang Yapak ay nasa hilagang dulo ng isla, Balabag ay nasa gitna, at ang Manoc-Manoc naman ay nasa timog. Ang Boracay ay pinamamahalaan ng Department of Tourism (DOT) kasama ng gobyerno ng Aklan. Ang isla ay may habang pitong kilometro at laking 1083 ektarya. Ang sentro ng isla kung saan naninirahan ang mahigit kumulang 16000 katao, ay patag at makitid. Ang katimugan at hilagang bahagi ng isla ay mas malapad at maburol. Ang pinakamataas na parte ng isla ay ang Bundok Luho na may taas na isandaang metro at nasa hilagang-silangang bahagi ng isla. Sakop ng Malay town sa Aklan, ang Boracay ay sinasakop ng tatlong barangay. Sikat ang isla dahil sa taglay nitong white sand beach. Bukod sa scuba diving, snorkeling, windsurfing, kiteboarding, at cliff diving, dinadagsa rin ang Boracay dahil sa night life dito na pinasisigla ng iba't ibang restaurants, bars, at night clubs. Bukod sa magandang mga buhangin nito, ipinagmamalaki rin nila ang mga naggagandahang mga resorts dito. Nahirang din ang islan ng Boracay ng isang travel ang leisure magazine bilang “Best Island in the World”. Ito rin ang nangungunang pasyalang sa Aklan.
Reply
 
Message Menu
Author Photo Ahkasi
Oct 17 2020, 2:16am CST ~ 1 week, 0 days ago. 
Great sand.
I was lucky enough to see it 20 years ago.
 
Message Menu
Author Photo nesterbalauro Badge: Native Tagalog SpeakerOfficial Tagalog.com Teacher Teacher
Oct 17 2020, 7:49am CST ~ 1 week, 0 days ago. 
In additon to that, before Boracay bacame world reknown beach because of its crystal -like sand , Aklan is famous for its Ati-atihan festival which is held annually in honor of Sto NIno (Feast of Holy Child of Infant Jesus).
 
Post a Reply»




« Back to Main Page
Views: 127

Search DictionaryDCTNRY TDC Corpus ToolCORPUS
Become a patron
We love our supporters! :)
© copyright 2020. Do not reproduce content or audio without prior written authorization. We put a lot of hard work and TLC into this website -- please don't copy our content without permission.