Close
 


Our COVID Journey

« Back
Message Menu
Author Photo by: nesterbalauro Badge: Native Tagalog SpeakerOfficial Tagalog.com Teacher Teacher
Jan 28 2021, 4:39am CST ~ 1 mo., 8 days ago. 
Our COVID Journey
Tunay ngang masalimuot itong ating mundo
Kailan may di alam ang tunay na takbo,
Sa bawat araw na tayo’y nandito
Kahit anong oras, pwedeng bawiin ito.
 
Manapay kung ating lilimi-limiin,
Ang bawat araw sa ati’y darating.
Di mapigilang pagmuni-munihin,
Ano ‘ng nangyari sa paligid natin.
 
Dumating ang unos sa buong mundo,
Sa kalapastanganan ng iisang tao.
Kaya’t di malaman ang pagsugpo dito,
Di mabilang - bilang biktima nito.
 
Siyensya’y kumilos , nagtimpla’t eksperimento,
Mula sa hayop, hanggang kapwa tao.
Naging matagumpay ang bawat minuto,
Kaya’t nagbunyi ang buong mundo.
 
Ngayon ang hamon ay muling pagbangon,
Mula sa pagkalugmok nitong Paraiso.
Tiklop-tuhod tayo’y magdasal at sumamo,
O Makapangyarihang Diyos, awa’y idulot Mo.
Reply
 


Become a patron
We love our supporters! :)

© copyright 2021. Do not copy or reproduce content or audio without prior written authorization. Scraping and republishing our data is a copyright violation. We put a lot of hard work and TLC into this website -- please don't copy or publish our content without permission.