Close
 


Sa panahon na ating kinakaharap ngayon, maraming katanungan ang

« Back
Message Menu
Author Photo by: pakboy
Jan 27 2021, 11:09pm CST ~ 1 mo., 9 days ago. 
Sa panahon na ating kinakaharap ngayon, maraming katanungan ang pumapasok sa ating isipan.
Paano nga ba nating haharapin ang bawat pagsubok sa ating buhay?
Paano nga ba natin pangangalagaan ang ating kalusugan?
 
Sa bawat araw na nagdaan, pagpupursige at tiwala sa sarili ang ating kailangan upang sa ganon, tayo ay hindi mawalan ng pag-asa.
Ang ating mga mahal sa buhay ang siyang dahilan kung bakit tayo nagpapatuloy lumaban at harapin ang bukas na binigay sa atin ng diyos.
Kailangan nating maging konektado sa isat-isa sa pamamagitan ng Internet, facebook or sa tinatawag
Na sosyal medya dahil alam nating may kinakaharap tayo na virus upang sa ganun tayo ay magkaroon ng koneksyon sa bawat taong mahal natin sa buhay. Minsan ito rin ang ating paraan o gamit upang tayo ay maaliw at hindi mabagot. Malaking tulong ang nabibigay sa atin ngayon ng sosyal media,
dahil nabibigay nito ang iba nating mga katanungan,impormasyon,komunikasyon at tayo ay hindi nahuhuli sa mga balitang nangyayari sa mundo.
 
Sa ating patuloy na pag konek sa sa internet upang makasagap ng maayos na signal at maka gamit ng facebook ay dapat tayong maging maingat, mapagmatiyag, kung nais nating komunikasyon sa bawat taong kinakausap natin sa sosyal media.
Tayo ay maging positibo sa lahat ng bagay at ipakita ang sarili sa maayos na pakikitungo sa iba sa pamagagitan ng mga bagong paraan ng pakikipagtalastasan.
Reply
 
See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.


Become a patron
We love our supporters! :)

© copyright 2021. Do not copy or reproduce content or audio without prior written authorization. Scraping and republishing our data is a copyright violation. We put a lot of hard work and TLC into this website -- please don't copy or publish our content without permission.