Close
 


LABAN NG BAYAN KONTRA KASINUNGALINGAN: NAGING DIKTADOR NGA BA SI CORY?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
LABAN NG BAYAN KONTRA KASINUNGALINGAN: NAGING DIKTADOR NGA BA SI CORY? #EnzoRecto #BUNYOG #AttyRPT
Enzo Recto
  Mute  
Run time: 27:30
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:30.0
nakikipaglaban para sa bayan.
01:00.0
... So here we go. Magandang araw mga kabunyog mga kababayan! Welcome sa isa na namang episode ng ating Laban ng Bayan kontra sa Kasinungalingan.
01:19.0
Ito pong ating programa, naisipan ko pong magkaroon ng isang separate na segment dito po sa ating FB page na Atty. Ricky Tumuturgo, ganoon din sa ating YouTube channel na Atty. Ricky Tumuturgo at nakacrosspost din tayo sa isa pa po nating FB page na Enzorecto at Enzorecto YouTube channel.
01:45.0
So ito pong ating segment na ito. Pumipili po tayo, tinitingnan natin ano ba yung mga lumalabas na mga fake news, kasinungalingan, sa YouTube man yan, sa Facebook, bibigyan po nating kasagutan.
02:06.0
Ipi-play natin kung yan man ay video o kaya anong klase man na post. Kahit sa mainstream media kung may nakikita tayong fake news o kasinungalingan, pag-usapan natin dito tapos kumprontahin natin kung kasinungalingan yan, bakit kasinungalingan yan at ano yung katotohanan.
02:35.0
Labanan natin ang kasinungalingan ng katotohanan. Ngayon, nakikita ko mga kabunyog, may programa na kasi itong si Juan Ponce Enrile.
02:44.0
Dawang ko ba hindi pa rin ito nagpapahinga si Juan Ponce Enrile? Ano na nga bag-edad nito? Ano na ito? Matanda ng masyado ito. Parang 98 na yan. Kung hindi ako nagkakamali, mga kabunyog.
03:05.0
Sa SMNI, bayan ni Juan. Kasi Juan, bayan ni Juan, Juan Ponce Enrile. Ngayon napanood ko kapartner niya diyan ang anchor ng SMNI, yung Admar.
03:26.0
Ngayon pinag-usapan nila, nung panahon daw ni Cory, inako daw ni Cory ang lahat ng kapangyarihan. So sabi ni Enrile, kaya sa totoo lang, tinatawag daw si Marcos Señor na diktador, pero ang totoo daw, si Cory Aquino ay naging diktador din.
03:46.0
Inako niya lahat ng kapangyarihan. Kaya hindi lang si Marcos dapat ang sinasabing diktador. Kahit si Cory ay naging diktador. Totoo ba ito? Totoo bang inako lahat ni Cory ang kapangyarihan nung panahon na siya presidente?
04:08.0
Totoo bang naging siyang diktador? Inabuso niya nga ba ang kapangyarihan? Yan po ang pag-usapan natin mga kabunyog. Anyway, i-play natin para may resibo tayo. Ano ba talaga ang sinabi ni Enrile mga kabunyog? Ito po, i-play po natin.
04:38.0
SMNI Truth That Matters
05:08.0
Q1. Ano ba naman agad ang konstitusyon after ni Marcos Señor?
05:38.0
Siya ang naging ehekutibo. Sinasabi niya diktador si Presidente Marcos. Hindi niya sinasabi sa taong bayan na siya ay diktador din. Madam dictator.
05:58.0
Kaya kami nabulabog. Dahil kung hindi dahil sa amin hindi maging presidente si Cory. That is the truth.
06:28.0
Ang naging advisor ni Cory sa kanyang gobyerno karamihan, kaniwa. Mga kaniwete.
06:45.0
Mga haging kailigan ko, nag-iisa lang ako na opposition noon. Dahil si Ernaf mawawala.
07:15.0
Sa mga nakakasubaybay sa akin, ako hindi ako panatiko ng mga akino. Hindi rin ako dilawan. Hindi ako pingklawan. Sinuportahan ko si Lenny dahil siya ang nakikita kong mas maayo sana, mas matino sana naging presidente ng Pilipinas.
07:38.0
May kanya-kanya tayong sinusuportahang kandidato. Ang iba nag-isko, nag-lakson. Ako ang sinuportahan ko si Lenny Rubredo. Pero hindi ako pingklawan, hindi rin ako dilawan.
07:55.0
Ililinaw ko, hindi ako panatiko nila Cory Aquino, nila Pinoy, nila Pinoy. Hindi, hindi pa ako panatiko. Pero sa isyong ito, sa usaping ito, naging diktador nga ba si Cory Aquino?
08:11.0
Lumalabas dito sa pinapaliwanag ni Enrique, naging diktador daw kasi inako ni Cory lahat ng kapangyarihan. Yan ang sinasabi ni Enrique dyan, inako ni Cory lahat ng kapangyarihan.
08:28.0
Ngayon ang tinanong kasi nitong angkor ng SMNI na susuka tayo pag naririnig ang truth that matters nila, ang tinanong kasi nito ni Admar Bilario. Itong Admar ito ang tanong niya.
08:58.0
Q1. Bakit ang bilis na ipasa noon ng 1987 Constitution after mapalitan si Marcos Sr.?
09:28.0
Hindi niya alam ang history ng Pilipinas. Unang-una parang ang takbo ng isip nitong Admar, nitong staff ng SMNI na pagupo ni Cory kaagad-agad ang Constitution ni Marcos pinalitan ng isang bagong Constitution.
09:52.0
So napakabilis na palitan ang mga kabunyog ni Cory pinalitan. Pakinggan ulit natin ang tanong.
10:01.0
Q2. Bakit ang bilis na ipasa noon ng 1987 Constitution after mapalitan si Marcos Sr.?
10:18.0
So mali siya. Hindi niya alam. Hindi alam nito ni Admar bakit daw ang bilis na mapalitan ng 1987 Constitution matapos mapalitan si Marcos. Bakit madali na ilusot ang 1987 Constitution.
10:36.0
Mali. Hindi niya alam. Ang Constitution ni Marcos 1973 Constitution. Yan ang Constitution ni Marcos. Yun ang Martial Law Constitution.
10:46.0
Sa 1973 Constitution, ito yung ginamit ni Marcos para mabigyan siya ng mga kapangyarihan ng isang diktador. Yun ang talagang diktador.
10:57.0
Binigay sa kanya ng 1973 Constitution ang lahat ng kapangyarihan. Pwedeng gumawa si Marcos ng batas. May lawmaking power siya.
11:06.0
Nung panahon ng Martial Law, walang tayong kongreso, walang senado, walang kamara. Walang House of Senate, walang House of Representatives. Dinisolve yan ni Marcos.
11:17.0
Ang lawmaking power noon o ang pagawa ng mga batas, siya mismo ang gumagawa. Binigay sa kanya yan ng 1973 Constitution.
11:26.0
Kaya nga ang mga batas noon na ginagawa ni Marcos ang tawag PD. Presidential Decree. Yung mga batas natin ngayon, Republic Act yan. Republic Act. R.A.
11:37.0
Kasi dumaan niyan sa tamang proseso. Ang nagpasanyan ay kongreso. Pinasayan ng kongreso. Tapos inaprubahan ng presidente. O yan.
11:49.0
Yan ang proseso ng pagawa ng batas. May kongreso. At yung batas na dumaan sa kongreso na inaprubahan ng presidente, tinatawag na Republic Act.
12:00.0
Pero nung panahon ni Marcos, wala. Lahat ng mga batas na ginagawa niya mula 1972 nung magkaroon ng Martial Law at dinissolve niya yung kongreso, dinissolve niya, pinadlock niya yung kongreso.
12:15.0
Siya na yung mismo gumagawa ng batas. At gaano katagal na nasa kanya yung kapangyarihan gumawa ng batas. 1972 to 1978.
12:25.0
1972 to 1978. Lahat ng kapangyarihan nasa kanya. Yung pagawa ng batas, siya mismo gumagawa ng batas. Yun yung totoong diktador.
12:37.0
Siya rin ang ehekutibo. Walang ile-eleksyon na noon. Mahabang panahon yan. Yan yung Martial Law.
12:45.0
Ngayon ang sinasabi nitong Admar, bakit napakabilis na maipasa kaagad yung 1987 Constitution matapos mapatalsik si Marcos?
12:56.0
Hindi po ganoon kabilis. Hindi naman pagkagaling kay Marcos na 1987 Constitution. Hindi niya alam nito ni Admar na mayroon pang Constitution pagkatapos mapatalsik si Marcos mayroong Constitution na tinatawag na Freedom Constitution.
13:15.0
Yan pong Freedom Constitution, mga kabunyog. Freedom Constitution, yan ay isang manipis lang na Constitution. Pinalitan nito yung 1973 Constitution ni Marcos.
13:28.0
Pero hindi pa ito yung 1987 Constitution. Yan ang hindi niya alam. Hindi po mabilis na pagkagaling kay Marcos kaagad-agad pinasa ni Cory 1987 Constitution. Hindi!
13:38.0
Ang 1987 Constitution ay naipasayan February 1987. Nagplibisito noon February 2, 1987 at prinuklama yan bilang officially in effect na ang 1987 Constitution, February 11, 1987.
14:00.0
So, nagtagumpay ang People Power Revolution February 1986. So mula February 1986, hindi naman kaagad nagkaroon ng 1987 Constitution. Hindi!
14:15.0
Hindi niya alam nito ni Admar. Bakit daw ang bilis na pagkagaling daw nung mapalitan si Marcos, biglang nagkaroon ng 1987 Constitution. Hindi ganoon kabilis yun.
14:26.0
Mula 1986 nang mapatalsik si Marcos, ang 1987 Constitution na balangkas yan at naaprubahan niyan ang mga tao sa isang plibisito, February na ng 1987.
14:39.0
So one year. So matagal po yan. So ano palang Constitution ang umiral sa atin mula nang mapatalsik si Marcos sa People Power 1986 hanggang 1987 February?
14:53.0
Anong Constitution? Mayroon pong Constitution na umiral noon. Hindi pa po 1987 Constitution. Ang tawag po doon na Freedom Constitution.
15:02.0
At ano ang Freedom Constitution? Ang Freedom Constitution ay ang pumalit na Constitution sa 1973. Bakit inalis yung 1973? Kasi Marcello Constitution yung 1973.
15:15.0
Ikalawa, diniklara ni Cory na siya'y hindi naupo bilang presidente sa ilalim ng 1973 Constitution. Hindi. Hindi siya na-elect sa ilalim ng 1973 Constitution.
15:28.0
Bakit? Kasi ang iprinuklama ng Comelec ni Marcos at saka yung Batasang Pambansa ni Marcos, si Marcos at si Tolentino, sila yung prinuklama.
15:42.0
Siyempre hawak ni Marcos yung Comelec at Batasang Pambansa noon. Si Nicanor Iniguez ang speaker. Alam ko yun kasi nung 1986, 16 years old na ako.
15:53.0
Teenager na ako niyan. Alam ko yun. Itong si Admarang hindi niya alam yun. Ngayon, nung magtagumpay ang People Power Revolution, inalis ni Cory ang 1973 Constitution kasi Marcello yun.
16:05.0
So ibig sabihin, kung si Cory magiging diktador, gagamitin niya yung 1973 kasi sa diktador na Constitution yun.
16:13.0
Pero binaliwala ni Cory yun. Inalis niya yun. Bakit? Kasi under the 1973 Constitution, ang prinuklama ng Comelec at ng Batasang Pambansa ay si Marcos Tolentino.
16:28.0
Kaya sabi ni Cory, sa isang proclamation, siya ay iniluklok ng People Power. Kaya siya ay, ang kanyang gobyerno ay mula sa tao.
16:42.0
People Power Revolution. Hindi galing sa 1973 Constitution.
16:47.0
So dahil hindi siya galing sa 1973 Constitution, revolusionary ang gobyerno niya.
16:53.0
Kaya ang ginawa niya, binaliwala niya ang 1973, tapos bumalangkas ng isang pansamantalang constitution, temporary, interim constitution.
17:03.0
At yan yung Freedom Constitution.
17:06.0
Pero, dahil ayaw naman ni Cory ng Freedom Constitution na yan, kasi ano lang yan, pansamantal lang yan, temporary yan,
17:14.0
bumuo siya ng tinatawag na Constitutional Commission.
17:19.0
Itong Constitutional Commission na ito, marami ito, mga 50 katao yata ito o mahigit pa.
17:25.0
Itong Constitutional Commission, ito yung nag-draft ng Constitution na bago.
17:31.0
At yang dinaft na Constitution na bago, yan yung prenisent sa tao sa isang plebisito noong February 2, 1987.
17:39.0
At diniklara yan, overwhelmingly ratified yan, kaya noong February 11, 1987, diniklara ng, in effect, ang 1987 Constitution.
17:49.0
So yun ah, February 1987, hindi si Cory ang gumawa ng 1987 Constitution.
17:55.0
Nagbuo siya ng tinatawag na Constitutional Commission.
17:59.0
Ang chairman noon ng Constitutional Commission, si Cecilia Muñoz Palma, dating justice ng Kurti Suprema.
18:07.0
Marami yan, maraming mga members ng Constitutional Commission noon, mga kilalang tao yan, mga magagaling na tao.
18:13.0
May mga negosyante, may mga abogado, may representative ang mga magsasaka, manggagawa.
18:20.0
Maganda yung Constitutional Commission na naggumawa ng Constitution natin.
18:24.0
Kaya nga maganda yung 1987 Constitution eh.
18:27.0
Pero hindi si Cory ang gumawa niyan.
18:29.0
Nagbuo siya ng Constitutional Commission at pinagtiba yan ng tao sa isang plebisito.
18:35.0
Kaya yung sinasabi nito ni Admar na bakit napakabilis.
18:38.0
Hindi, hindi, hindi naman kaagad nagkaroon ng 1987 Constitution.
18:43.0
Mayroong Freedom Constitution muna na ginawa.
18:48.0
O yan.
18:49.0
Ngayon, itong Freedom Constitution, supposed to be, dito sa Freedom Constitution, binigyan dito ng power si Cory.
18:57.0
Nang isang revolutionary power nitong Freedom Constitution.
19:04.0
Ito yung sasabihin ni Enrique.
19:34.0
Inaakunyan lahat ng mga kapangyarihan sa gobyerno maliban sa Supreme Court.
19:42.0
Siya ang naging kongreso, siya ang naging ehekutibo.
19:49.0
Sinasabihin niya diktador si Presidente Marcos.
19:55.0
Hindi niya sinasabi sa taong bayan na siya ay diktador din.
20:02.0
Madam Diktator.
20:05.0
Kumbaga sa...
20:07.0
Kita niyo, nagdiktador daw si Cory.
20:11.0
Totoo ba na binigyan si Cory ng mga kapangyarihan ehekutibo, lehislativo?
20:17.0
Totoo. Binigay sa kanya yan ang Freedom Constitution.
20:20.0
Kasi nga, revolutionary nga ang government niya.
20:23.0
Produkto ito ng people power, revolution.
20:26.0
E pag sinabi mong revolutionary ang gobyerno mo, talagang makapangyarihan ka talaga.
20:33.0
Pero sa totoo lang, hindi ginamit ni Cory yung revolutionary power na yan.
20:38.0
Hindi siya nag-abuso at hindi siya naging diktador.
20:41.0
Bakit? Unang-una, lagi ko nangang sinasabi ito sa mga talakayan ko.
20:46.0
Dahil may revolutionary power siya.
20:48.0
May revolutionary power kasi revolution yung naglagay sa kanya sa pwesto e.
20:53.0
Pwede niyang kumpiskahin yung mga yaman ng mga Marcoses pero hindi niya ginawa.
20:58.0
Instead, nag-create siya ng PCGG.
21:01.0
Tapos yung PCGG na yan, sabi niya, yan ang maghabol ng yaman ng mga Marcos.
21:06.0
Idaan sa due process.
21:08.0
So, ibig, paano mong masabing naging diktador?
21:10.0
Na dapat nga sana, ako nga, kung akong tatanungin,
21:13.0
ang dapat na ginawa niya, naging diktador sana talaga siya.
21:16.0
Dapat talaga ang ginawa ni Cory, naging diktador siya.
21:19.0
Dapat yung mga yaman ng Marcos, kinuha niya na yan, kinumpiska niya na yan.
21:23.0
Kasi, nakaw na yaman naman ng mga yan e.
21:27.0
Malinaw namang nakaw na mga yaman e.
21:29.0
Mayroon siyang revolutionary powers, tama si Enrique.
21:33.0
Mayroon siyang kapangyarihan bilang diktador.
21:35.0
Pero hindi niya ginamit ang kapangyarihan bilang diktador.
21:38.0
Hindi siya naging diktador.
21:40.0
Yung mga ano e, yung mga yaman ng Marcos, sabi niya,
21:43.0
idaan niyan sa due process, kasuhan niyan.
21:45.0
Mag-create tayo ng komisyon, yun ang maghabol.
21:48.0
Idadaan sa korte, sa prosesong legal.
21:50.0
O anong nangyari? Natagalan.
21:52.0
Hanggang ngayon, hindi pa natin nababawi lahat ng mga ninakaw na yaman ng mga Marcos.
21:57.0
Kasi hindi ginamit yung revolutionary power e.
22:00.0
Yan. Kaya ano, ang isa pa, maraming mga nag-abusong mga militar,
22:06.0
mga PC nung panahon ni Marcos,
22:08.0
hindi naman lahat ng mga military sumama sa people power revolution.
22:13.0
Mayroon lang mga matitino na nagising, namulat,
22:18.0
kumalas na sila ng suporta kay Marcos, sumama na sa people power revolution.
22:22.0
Pero mas marami pa rin ang naiwan, mga abusadong militar, mga abusadong PC,
22:28.0
na hindi naman nagbago.
22:31.0
Sa katunayan, hindi sila kumbensido kay Cory, Marcos pa rin sila.
22:35.0
Marami silang mga tinorture na mga aktivista nung panahon ng Marcialo.
22:40.0
Hindi rin yun naparusahan.
22:43.0
Hindi ginamit ni Cory yung kanyang revolutionary power.
22:46.0
Kaya itong sinasabi ni Enrique na naging diktador, baliktad.
22:51.0
May revolutionary power si Cory, may dictatorial power siya,
22:54.0
pero hindi niya ginamit.
22:56.0
Hindi siya naging diktador.
22:58.0
Sa katunayan, napakaiksilang nung panahon na mayroon siyang revolutionary power.
23:05.0
Ayaw niyang patagalin. Pwede niya pang patagalin yun e.
23:08.0
Pwede niya yun mga three years. Pwede.
23:10.0
Total, revolutionary government siya e.
23:13.0
Pero anong ginawa ni Cory?
23:15.0
Within one year, nagform siya ng constitutional commission.
23:19.0
Ito yung magbabalangkas ng bagong constitution.
23:22.0
Within one year yun, nagawa niya yun.
23:25.0
So ibig sabihin, ayaw niyang patagalin yung kanyang revolutionary powers.
23:29.0
So paano niya nasabing naging diktador yan?
23:32.0
O sige nga, ano bang mga ginawa ni Cory na ala diktador?
23:37.0
Wala.
23:38.0
Sa katunayan, wala nga siyang ginawa na bilang diktador.
23:42.0
Pero mayroon siyang kapangyarihang maging diktador.
23:45.0
Binigay sa kanya yan ng freedom constitution dahil produkto siya ng people power.
23:50.0
Revolutionary yung government niya.
23:52.0
Ito nga yung pagkakaiba ni Duterte.
23:55.0
Si Duterte gustong-gustong magkaroon ng revolutionary powers pero hindi niya magawa
24:00.0
kasi naupo siya sa pwesto sa ilalim ng constitution, hindi people power revolution.
24:05.0
Kaya maraming nagtutulak kay Duterte noon, mag-revolutionary government ka na.
24:12.0
Hindi magawa ni Duterte.
24:14.0
Bakit? Gusto niya ng revolutionary powers.
24:17.0
Gusto niya maging diktador pero hindi niya magawa kasi wala siyang revolutionary powers.
24:22.0
Nakalagay ang kapangyarihan niya sa ilalim ng 1987 constitution.
24:28.0
Na-elect siya sa eleksyon noong 2016.
24:30.0
Pag nagdeklara siya ng revolutionary government, babaliwalaan niya na yung eleksyon noong 2016.
24:38.0
Unconstitutional niya ang kanyang pagupo.
24:41.0
Pero si Cory malinaw, inilukluk siya.
24:45.0
Revolution talaga ng tao. People power revolution.
24:48.0
Mayroon siyang kapangyarihan.
24:50.0
Kaya tama ba si Enriling sabihin may revolutionary powers si Cory?
24:54.0
May dictatorial powers si Cory?
24:57.0
Tama siya pero hindi ginamit ni Cory yun.
25:00.0
Ang mga ginawa niya lang, inalist niya yung mga mayor saka mga governors na panahon pa ni Marcos,
25:08.0
pinalitan niya ng mga OIC.
25:10.0
Sa ilalim niya ng kanyang revolutionary powers.
25:12.0
Kasi kailangan naman talagang palitan.
25:14.0
Kailangan naman naupo siya bilang presidente.
25:17.0
Tapos yung mga mayor saka governor, mga tao pa ni Marcos.
25:23.0
Kaya naglagay siya ng OIC.
25:25.0
At isa sa kinabang ng mga OIC ay si Duterte.
25:29.0
Kasi ginawa siyang vice mayor ng Dabao.
25:32.0
Mula noon, lumaki na ang political career ni Duterte.
25:40.0
Pero ang naglagay kay Duterte na maging vice mayor ng Dabao,
25:44.0
si Cory sa ilalim ng kanyang revolutionary powers.
25:47.0
Naglagay si Cory ng mga OIC.
25:49.0
Pero hindi rin nagtagal yung mga OIC na yan.
25:52.0
1986 lang yan hanggang 1987.
25:55.0
Pag 1987, nagpaeleksyon na.
25:59.0
Pagkatapos magkaroon ng bagong konstitusyon,
26:02.0
nagkaroon na ng eleksyon.
26:04.0
1987-88, magkasunod na eleksyon yan.
26:06.0
Nag-eleksyon sa kongreso,
26:08.0
tapos nag-eleksyon din ng mga local government.
26:11.0
So yan, mga kabunyog. Yan yung ano dyan.
26:15.0
Kaya yan po ang sagot yan sa sinasabi ni Enrique
26:20.0
na kinamkam daw, kumbaga inaako daw ni Cory
26:24.0
lahat ng kapangyarihan.
26:27.0
Naging diktador nga ba si Cory?
26:29.0
Yan po ang ating paliwanag tungkol dyan.
26:32.0
So ito po ang ating paliwanag tungkol sa katotohanan.
26:35.0
Yan po ang ating paglaban ng bayan
26:38.0
kontra sa kasinungalingan.
26:40.0
Pakishare nito mga kabunyog.
26:43.0
Pakishare nitong talakayan natin ngayon
26:45.0
para mas malaman ang ating mga kababayan ang katotohanan.
26:48.0
Mabuhay po tayo!
27:18.0
KABUNYOG!
27:20.0
KABUNYOG!