Close
 


Nakaligtas sa Pinaka Malubhang Pagsabog ng Eruplano
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
NAKU PO! Napaka GRABE naman ng nangyari. HETO NA! ang ating hinihintay. HALA KA! Siguradong Magugulat ka dito, dahil ngayon mo lang ito maririnig. PETMALU na paliwanang upang maunawaan ng mabuti at matuto ng aral. Ating alamin ang mga malalim na paksa at unawain ng buong pagiisip ang mga kaganapan noon at ngayon sa loob at labas ng bansang Pilipinas. Dito mapapanood ang mga misteryo at kababalaghan na kinagigiliwan at kinatatakutan ng mga Pilipino. MABUHAY PHILIPPINES! SAMAHAN ANG PINOY MYSTERY CHANNEL UPANG BIGYANG KABULUHAN ANG MGA NAPAKA LALIM NA MGA PAKSA SA MUNDONG IBABAW. SURIIN AT PAGARALAN NATIN MGA KAGANAPAN NOON AT NGAYON GAMIT ANG THEOLOGY, PSYCHOLOGY AT AGHAM UPANG LINAWAIN ANG MGA MISTERYO. AT SA MABUTI NATING MENSAHE AY MABAGO NATIN ANG TAKBO NG BUHAY PATUNGO SA KAPAYAPAAN AT KABUTIHAN. Paki pindot na lang po ang subscribe button pati ang notification bell para palagi po kayong updated sa mga makabuluhang videos ng PMC. Magingat po tayong lahat. CREDITS: https://www.reshot.com/ https://p
Pinoy Mystery Channel
  Mute  
Run time: 13:13
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Pagpagsak ng NW Airlines Flight 255, isa sa pinakamamatay na aksidente ng aeroplano
00:29.7
sa Estados Unidos.
00:31.7
Lahat ng mga tauhan, kasama ng mga pasahero sa McDonnell Douglas, ang nasawi.
00:37.5
Katabi ng isang malaking simenteryo, napakabala ng airport,
00:41.7
kaya maraming nakalilitong pangyayari ang sinundan ng pagbagsak ng MD-28.
00:47.7
Siguradong mananayo ang iyong balahibo kung sasabihin sa iyo na bagamat malupit ang pagsabog nito sa ere,
00:55.5
isang batang pasahero ang nakaligtas dahil sa kanyang ina.
01:00.7
Mayroong mga naniniwala, at marami din namang naghihinala.
01:05.7
Ang tanong...
01:07.7
Totoo ba?
01:33.7
Katabi lamang ng Colman Young Airport ang tahimik na simenteryo ng Gethsemane.
01:38.7
Ngunit isang gabi, ang sipol ng hangin ay nasapawa ng isang nakabibinging pagsabog na kahit yung mga nakalibing ay mabibingi.
01:52.1
Ilang daang beses bumabiyahe ang mga aeroplano sa airport ng Detroit bawat linggo,
01:57.7
at minsan doble ang bilang kung araw ng bakasyon.
02:01.7
Natural na lang ang mga ingay ng higanteng makina na dumadagundong sa bubong ng mga bahay na malapit sa paliparan.
02:09.1
Ginawa ito noong pang 1922 dahil sa pwesto at malapit sa mga kabahayan.
02:15.1
Ilang beses nang pinagawa ito upang palakihin,
02:17.9
subalit dahil sa katabi nito sa bandang iba ba ay ang simenteryo ng Gethsemane,
02:22.5
tumagal ng ilang taon bago na pagpasyahang palawakin ito.
02:27.1
Syempre nga naman, walang gustong magpahukay ng mga buntod sa simenteryo para lamang magbigay daan sa isang paliparan.
02:34.9
Taong 1986, maraming naganap sa Michigan.
02:38.9
Nasaksiyan sa Detroit ang pagbaha nung mga buwan ng Setembre at Oktubre
02:43.7
na puminsala sa mga ari-arihang nagkakahalaga ng mga 400 milyong dolyares.
02:49.7
Pati ang paghihina ng General Motors dahil nalugi ito sa negosyo na sobra sa mga 300 milyong dolyares
02:57.1
na sinundaan ng pagkawalaan ng trabaho ng maraming taga-Detroit.
03:01.5
Ngunit mayroon isang kaganapan na hindi makakalimutan ng mga taga-Roon.
03:06.1
Pangyayari na babaon sa kanilang isipan hanggang sila ay nabubuhay.
03:11.1
Ang piloto na si Captain John Meiyas at ang katuwang nito na First Officer na si David Dodds
03:17.1
ay ang mga piloto ng eroplano na kapapalapaglamang sa biyahe mula Minneapolis at Saginaw.
03:23.5
Habang hinahanda ng crew ng MD-28 ang kagamitan ng eroplano,
03:28.5
abala naman ang mga tauha ng Detroit Metropolitan Airport
03:32.1
dahil sa mga eroplanong dumarating at apalis.
03:35.7
Tinawag sa hintayan ang 144 mga pasahero upang lumulan papunta ng Phoenix Airport.
03:43.5
Kasama sa nakasakay ay ang pamilya ng 4 na taong gulang na si Cecilia Sichan,
03:49.5
ang 6 na taong gulang na kapatid nito na si David,
03:52.5
ang ina na si Paula, isang nurse,
03:55.1
at ang kanyang ama na si Michael, isang profesor sa Arizona State University.
04:00.3
Pabalik sa Tempe, Arizona ang buong pamilya,
04:03.9
matapos bisitahin ng lolo nito na nakatira sa Philadelphia.
04:07.5
Malabit ang babae sa kanyang lolo na si Anthony at sa dalawa nitong T. Ewin.
04:12.5
Siya kasi ang paborito nilang pamangkin dahil malakas raw umiyak ang babae.
04:17.5
Nagpaalam sina Cecilia sa mga kaanak
04:20.5
kaya alam ng lahat ang sinasakyang eroplano ng pamilya.
04:24.5
Normal lang ang pagsakay ng mga nito sa eroplano
04:27.5
kaya bakit nga naman sila mag-isip na mayroong masamang mangyayari.
04:32.1
Pero bago lumayo sa gate ang eroplano,
04:34.9
pinadala ng company transportation agent ang flight release package.
04:39.5
Kapag sinabing flight release package,
04:41.9
ito ay mga dokumento na ginagamit ng piloto
04:44.7
upang malaman ang mga kalkulasyon at mga numero sa datos
04:48.7
para makatake off ito nang walang altos.
04:52.1
Biasa naman ang piloto pagdating sa mga kalkulasyon.
04:55.5
Biroin mo,
04:56.5
mayroon itong mga 21,000 oras na karanasan sa pagpapalipad
05:01.3
kaya wala dapat ipangamba.
05:03.7
Subalit magugulantang ang iyong kaaluluwa sa malalaman mo
05:07.5
ng checklist na nararapat nasiguraduhin bago lumipad ang eroplano ay hindi nasunod.
05:14.3
Dahil pinalipat ito sa ibang runway.
05:17.9
Paano nakaligtas ang 4 na taong gulang na bata?
05:48.1
Mga sampung minuto bago umalis sa gate ang eroplano.
05:51.5
Habang nakaupo na ang mga pasahero kasama ang pamilya ni Cecilia
05:55.3
na nakikinig sa mga anunsyo sa speaker,
05:57.9
inabisuhan ng control tower ang piloto
06:00.5
na imbis na patakbuhin ang eroplano sa runway 21L o sa 21R,
06:05.9
pinapunta ito sa ikatlung runway.
06:08.7
Sinunod ito nang walang aling langan.
06:11.1
Subalit kaila sa lahat na ang paglipat ng runway
06:14.5
ay isang pagkakamali na magdudulot ng isa sa pinakamasahol na aksidente ng eroplano sa buong Amerika.
06:21.7
Bago lumipad, nagsasagawa muna ng tinatawag na taxing ang mga eroplano sa runway.
06:27.9
Kapag sinabing taxing,
06:29.7
ito ay ang pag-anda ng mabagal sa runway
06:32.5
habang iniisa-isa ng mga tauhan ang checklist bago lumipad.
06:36.5
Subalit may nakaligtahan ng mga ito ang flaps sa pakpak.
06:41.3
Ang flaps ng mga eroplano ay ang nasa bandang likuran ng pakpak na gumagalaw.
06:46.3
Depende sa lakas ng hangin,
06:48.1
kailangan nakababa ang mga flaps kung ang eroplano ay palipad.
06:52.1
Subalit dahil sa paglipat nila ng runway,
06:54.9
ito ay nakaligtahan.
06:56.9
Malakas ang makina ng eroplano palipad,
06:59.7
kumbaga ang makina ang tumutulak sa sasakyan para makaangat sa ere,
07:03.9
tapos ang dalawang pakpak ay upang makabalansa ito sa himpapawid
07:08.1
at ang mga flaps na nakalimutang pagganahin ay upang manatili sa itaas.
07:13.5
At dahil nakatikom ang mga flaps,
07:16.3
kaya ilang segundo lamang matapos umere ang eroplano
07:19.5
para lamang itong tumalun at bumagsak.
07:22.7
Tumagilid ito tumama sa isang poste na nasa parking lot.
07:26.7
Nabiyak ang isang pakpak tapos tumama sa bubong ng isang gusali
07:31.3
hanggang tuluyan itong bumalabag sa middle belt road.
07:35.1
Subalit hindi ito tumigil.
07:37.3
Dumaos dos ang wasak-wasak na eroplano sa kalsada
07:40.5
at nagsitilapon ang mga bagahe pati yung mga nakasakay ay humagi sa ere.
07:45.7
Sa ikinagulat ng mga driver sa kalsada,
07:48.3
ang umuukong na higanta ay parang tangki na sumasagasa sa anumang nasa harap nito.
07:53.5
Nahagip din ang mga maliliit na rampa ng relays ng tren
07:56.9
at doon biglang nagliyab ang natira sa MD-28.
08:02.1
Nagsigawa ng mga nakasaksi habang natataranta ang mga gustong tumulong.
08:07.3
Umula ng tawag sa emergency ng triple zero.
08:10.7
Halos malito ang munisipyo at ang pulisiya.
08:13.9
Sabay-sabay ang alert at humihingi ng saklulo.
08:17.3
Inabot ng ilang minuto bago pa makarating ang mga bumbero at ambulansya.
08:21.5
Hindi nila kalain ang kanilang inatnan.
08:24.9
Para bang isang apokalips sa pelikula ang bumulaga sa kanila.
08:29.3
Nagsitakbuhan ang mga gustong tumulong upang maligtas ang mga pasahero.
08:34.1
Subalit sa kasawiang palad,
08:36.1
tila patay na lahat ang nagkalat na katawan sa kalsada.
08:39.7
Yung iba, nakaseat belt pa sa kanilang upuan.
08:43.9
Ngunit sa gitna ng gulo,
08:45.7
nakarinig ang bumberong si John Tidy ng Romulus Fire Department ng isang sigaw.
08:51.3
Sigaw ng batang umiiyak.
08:53.7
Nahanap ito sa loob ng nawasak na bahagi ng eroplano
08:57.3
na nakayapos sa bangkay ng kanyang patay na ina.
09:00.9
Nasa ilalim ang bata nung ito ay natagpuan.
09:03.9
Nakaligtas dahil nung bumagsak ang eroplano,
09:07.1
niyakap ito ng ina at dumaba sa ibabaw ng batang babae.
09:12.1
Ayon sa Click on Detroit,
09:14.3
na nuong nakita nila ang malaking pagkawasak,
09:16.9
hindi inakala ng bumbero na mayroong mabubuhay.
09:20.3
Kaya kahit nakakalungkot ang pangyayari,
09:22.9
masaya sila na mayroong nabuhay.
09:25.7
Sa gitna ng kaguluhan, maraming reporters ang nakarating.
09:29.7
At nung pinahayag na may batang nakaligtas na malakas ang iyak,
09:33.7
alam agad ng lolo nito na nanonood ng balita na si Cecilia ay nabuhay.
09:39.3
Ang ulat sa Washington Post na sinabi ng lolo ng apat na taong gulang na si Cecilia
09:45.1
na nung narinig niya ang ulat hinggil sa sumisigaw na bata,
09:48.5
alam nito na nabuhay ang kanyang abo.
09:51.5
Dahil kilalarao nito ang kanyang manugang,
09:54.3
na ipagsasapalaran ang kanyang buhay para kay Cecilia.
09:59.3
Ilang araw isinara ang kalsada sa Romulus
10:02.3
upang malinis ito at makuha ang mga bangkay
10:05.3
ng isanaraan at limamput-anim na tauhan,
10:07.9
mga pasahero at dalawang nasagasaan.
10:10.9
Kinikilala ang trahedya na isa sa pinakamalubang aksidente sa eroplano
10:15.7
sa kasaysayan ng Estados Unidos.
10:18.9
Sa kasalukuyang taon-taon makikita ang mga pamilya ng naiwan
10:22.9
sa memorial na itinirik malapit lang sa kalsada ng Middle Belt Road.
10:27.5
At si Cecilia naman, ngayon ay malaki na,
10:30.5
ay inako ng pamilya.
10:32.5
Subalit, hindi pa rin ito makadalo sa memorial.
10:36.3
Marayil sa inaarap, ang sakit sa kalooban ni Cecilia
10:39.9
dahil sa pagpanaw ng kanyang buong pamilya
10:42.3
ay mapalitan ng isang magandang kinabukasan.
10:47.7
Anong araal ang mapupulot dito?
10:50.3
Ang buhay ng tao ay sandalian lamang
10:53.3
parang apoy ng kandila na sa isang iglak ay napapatay.
10:57.7
Kaya huwag kalimutang mahali ng iyong pamilya.
11:00.7
Pahalaga ng oras na kapiling sila
11:03.3
bigyang importansya ang pagsasama-sama.
11:06.3
Dahil sa mundong ibabaw,
11:08.1
hindi masasabi ang ating kapalaran.
11:12.1
Buksan mo ang iyong isip
11:14.1
at hayaang lumalim pa ng lubusan ng iyong paunawa
11:18.3
sa mga kasaysayang kapupulutan ng maraming araal.
11:23.3
Tandaan, katotohanan ng susing sa tunay na kalayaan.