Close
 


10 Dapat Iwasan Pag May Pera Ka Na
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Kung may pera ka na ngayon ay dapat mo malaman ang 10 bagay na need mo maiwasan para hindi mawala ang pera mo sayo DOWNLOAD Kasosyo App Now! For ANDROID users 👇👇👇 https://play.google.com/store/apps/details?id=com.kasosyoapp.android For APPLE users 👇👇👇 https://apps.apple.com/ph/app/kasosyo-app/id1574831688 JOIN KMG Now! https://www.facebook.com/groups/kasosyongmalupet FOR SPONSORSHIP opportunities please contact arvinorubia.businesses@gmail.com TO BUY my BOOK https://www.facebook.com/ArvinOrubiaPage
Arvin Orubia
  Mute  
Run time: 15:12
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
What's up mga ka-sosyo! Kamusta po tayo dyan?
00:02.3
Ito ang 10 dapat mong iwasan kapag may pera ka na.
00:05.6
Ang unang-una dyan ay ang people who is not there when you still have no money.
00:10.8
Tama po mga ka-sosyo.
00:12.1
Kapag ika'y biglang nagka-pera na mga ka-sosyo,
00:14.7
yung biglang tumama na yung mga ginagawa mo sa buhay mo
00:17.5
at nagsisimula na pumasok yung pera sa iyo,
00:19.7
tapos biglang nagsisipaglapitan sa'yo yung mga taong hindi mo namang close
00:24.2
nung mga panahong walang-wala ka pa pero ngayon kumaka-asta,
00:27.3
parang kasama sila nung mga panahong hikahus na hikahus ka,
00:31.0
yan ang numero unong iwasan mong tao mga ka-sosyo.
00:33.7
Dahil sobrang kapal ng mga muka ng mga tao na yan.
00:36.0
At kahit alam nila sa sarili nila na isa sila sa mga nagkukutsa sa'yo
00:39.9
at nagsasabing hindi mo yan kaya,
00:41.8
pero ngayong may mga napapatunayan ka na,
00:43.7
eh umaas na silang parang may utang na loob ka sa kanila.
00:46.5
Hindi pagiging masamang tao mga ka-sosyo kung ichipwerain mo sila.
00:49.8
Sobrang tindi lang talaga ng kapal ng muka nila.
00:52.2
Kaya kaya nilang umasta na parang may dapat kang bayaran sa kanila.
00:56.2
Maging matatag ka.
00:57.3
Pinakita na nila ang kanilang tunay na kulay sa'yo.
00:59.8
Huwag mong kakalimutan yun.
01:01.2
Wala sila sa tabi mo nung mga panahong kailangan mo ng suporta.
01:04.2
At ngayong may kwarta ka na,
01:05.5
sila pa ba dapat ang una mong dapat bigyan ng pasasalamat?
01:08.4
Dahil lang sakabilis nilang dumikit agad sa'yo?
01:10.6
Ngayong meron na silang mauhut-hut kasi sa'yo?
01:12.6
Huwag mong patulan yung mga makakapalang muka
01:14.6
na nandyan lang sa tabi mo pagsagana ka.
01:16.8
Bagkos isipin mo maigi
01:18.6
kung sino yung mga taong tahimik lang
01:20.6
pero mga siyang tunay na naniwala sa'yo.
01:26.6
Okay, next.
01:27.4
Isang dapat iwasan ngayong may pera ka na, mga kasosyo,
01:30.0
ay yung mga legit salespeople.
01:32.4
Ngayong may pera ka na, mga kasosyo,
01:34.2
at nababalitaan na yan ng maraming tao sa paligid mo,
01:37.1
magsisimula ng putaktihin ka na mga taong may ibebenta sa'yo.
01:40.9
Dahil napag alaman nilang may bultong pera ka
01:43.5
at kailangan nilang makabenta,
01:45.2
magiging mabait sila sa harapan mo.
01:47.9
Sobrang galing nilang magbenta
01:49.6
at dahil may pangbayad ka sa mga inoofer nila,
01:52.8
bagong kotse man yan, bagong bahay,
01:55.3
bagong investment na hindi mo naman maintindihan,
01:58.3
at kung ano-ano pang bagay na hindi mo naman talaga kailangan
02:01.3
pero dahil sobrang galing nilang magbenta,
02:03.3
eh masisipsip nila yung pera mo.
02:05.3
Kaya ngayong nakakapera ka na,
02:06.9
iwas-iwasan mong makinig sa mga talentadong salesperson.
02:10.3
Yung iba may legit talagang binibenta na kailangan mo.
02:13.8
Pakinggan mo lang pero huwag kang pauuto.
02:16.1
Magiging mas matalino,
02:17.3
lalo na ngayon na may pera ka na
02:19.0
at may masisipsip na sila sa'yo.
02:20.8
Magingat sa mga magagaling magbenta,
02:22.8
lalo na yung mga bagay na binibenta nilang
02:24.8
wala naman talagang halaga.
02:26.3
Okay, next.
02:27.0
Isang bagay na dapat mong iwasan
02:28.7
ngayon na nakakapera ka na ay ang sugal.
02:31.5
Huwag mong kakalimutan mga kasosyo
02:33.5
na yung perang pumapasok sa'yo ngayon
02:35.5
ay galing yan at dulot yan
02:37.5
ng pagtatrabaho mo ng malupet.
02:39.8
Hinaghihirapan mo yung pera na yan
02:41.8
at hindi yan galing sa easy money.
02:43.6
Kaya pag sumikapan mo
02:45.3
na hindi yan dumulas sa iyong mga kamay
02:48.1
at mawala na lang sa isang iglap.
02:50.1
Isang aktividades na kinasusunugan
02:52.1
kagad ng ating mga pera ay ang pagsusugal.
02:55.1
Kapag wala kang pera,
02:56.4
mas madali pa nga magsugal
02:57.8
kasi pag nasunug ka na talo ka,
02:59.7
konti lang yung mawawala sa'yo.
03:01.2
Ang problema ngayong may pera ka na
03:03.0
at nagsugal ka,
03:04.3
mas malaki na yung pwede nilang masunug
03:06.6
sa kaperahan mo.
03:07.7
Mas malaki ang talo mo.
03:09.1
Huwag na huwag kang matututo magsugal
03:11.1
lalo na nung hindi ka pa marunong
03:13.1
nung wala ka pa ang pera.
03:14.4
Huwag mo ng pag-aralan yan.
03:15.9
Magpokus ka sa pinagtatrabahoan mo
03:17.9
na siyang nagpapasok ng pera
03:19.4
at gawin mo lahat para hindi ka matuto
03:21.6
magsugal.
03:22.5
Delikado yan kasosyo.
03:24.2
Kung dati sanay ka magtrabaho ng matinde
03:26.4
at nakatikim ka ng konting biyaya
03:28.4
dulot ng sugal,
03:29.5
baka dyan mo na iasa ang buong kabuhayan mo.
03:32.0
Umiba sa sugal,
03:32.9
ngayong may kwarta ka na.
03:34.1
Okay, next.
03:34.8
Isang dapat mong iwasan
03:36.1
ngayong nagkakapera ka na mga kasosyo
03:38.2
ay ang babae.
03:39.5
Para sa aming mga lalaki,
03:40.7
babae.
03:41.3
At sa mga babae naman,
03:42.5
ay yung mandalaki.
03:43.5
Usapang matanda,
03:44.6
mas madali ang akses sa masamang relasyon
03:47.3
lalo na ngayong may pera ka na.
03:49.0
Kaya yan ang dapat natin pagingatan mga kasosyo.
03:51.6
Yung mga relasyon na nakakadrain ng utak,
03:54.0
ng energy,
03:55.0
ng reputasyon,
03:56.0
at ng pera.
03:57.0
Ang pera ay pwedeng gamitin sa kabutihan
03:59.0
at pwede rin gamitin sa kasamaan.
04:00.8
At ang isa dyan,
04:01.7
ay yung makipagrelasyon ng mali.
04:03.9
Wala sa ayos,
04:05.0
ay mali.
04:05.8
Ay makipagrelasyon ng mali
04:07.4
hindi tama
04:08.3
kahit pagano pa yung kasarap o kasaya.
04:10.5
Ang mali ay mali.
04:11.4
Iwasan ang dapat iwasan.
04:12.8
Dahil sayang naman yung natatama sa nating tagumpay ngayon
04:15.1
kung pagbabayaran natin ng malaki dahil sa mga bagay na padalos-dalos nating ginawa.
04:19.3
Okay, next.
04:19.9
Isang bagay na dapat nating iwasan
04:21.7
ngayong nagkakapera na tayo mga kasosyo
04:23.8
ay ang
04:24.6
Poor Person's Advice.
04:26.5
Ngayong nagsisimula ng pumasok ang pera sa buhay mo,
04:29.2
mga kasosyo,
04:30.0
kung sino-sino ang magpapayo sayo
04:31.9
kung saan mo gagamitin
04:33.0
o kung saan mo ilalagay ang iyong mga kaperahan.
04:35.6
Nakamit mo yung kwarta na yan ngayon
04:37.6
dahil naging matalino ka sa pera.
04:39.4
Ngayon, bakit ka makikinig sa payo
04:41.7
ng mga taong walang kapera-pera ngayon?
04:44.2
Kahit pamabuti ang isang tao,
04:46.0
pero pag nagpayo siya sa pera
04:47.8
na siya mismo ay wala siyang pera,
04:49.5
garantisado,
04:50.6
mali yung ipapayoy nila sayo.
04:52.4
Kasi sila mismo,
04:53.5
ba't hindi nila na-apply sa sarili nilang pamumuhay?
04:56.1
Higit na mas mag-ingat ngayon
04:57.5
sa mga papakinggan mo ng mga payo,
04:59.6
lalo na sa about sa pera.
05:01.0
Bukod sa makinig ka sa mga mabubuting tao,
05:03.4
higit na makinig ka
05:04.6
sa mga taong
05:05.5
ginagawa rin nila yung mga advice nila.
05:07.9
Malaki ang pinagkaiba
05:09.2
ng taong magaling lang magsalita
05:10.8
na wala namang pinapakitang gawa.
05:12.8
Matalino ka na ngayon, kasosyo.
05:14.5
Kumikita ka na ng pera
05:15.7
dahil tama ang iyong mga ginagawa.
05:17.5
Huwag ka nang makinig
05:18.6
sa mga taong talunan
05:19.9
at takot na humakbang
05:21.4
dahil malamang sa malamang
05:22.6
yung payo nila sayo
05:23.8
pang duwag,
05:24.7
pang normal na tao
05:26.1
at ang resulta ay normal na buhay.
05:28.2
Ikaw, nagsusumikap ka
05:29.6
kasi may gusto kang patunayan
05:31.1
na hindi normal.
05:32.1
Kaya huwag mong hayaan sayong
05:33.2
payuhan ka ng mga taong mahirap
05:34.9
na ibababa ka ulit
05:36.1
dun sa regular na buhay.
05:37.4
Magpatuloy ka sa ginagawa mo,
05:39.0
patuloy kang maniwala sa sarili mo
05:40.8
at umiwas makinig sa mga poor person's advice
05:44.0
na magpapahinto sa momentum mo.
05:46.0
Hindi sila masamang tao
05:47.1
dahil mahirap sila.
05:48.1
Kasi nasabi ko lang sa'yo, kasosyo,
05:49.8
mamili ka nang papakinggan mo ng advice
05:51.7
lalo na ngayon na meron ka na.
05:53.3
Okay, next.
05:54.0
Isang bagay na dapat mong iwasan
05:55.9
ngayong may pera ka na, mga kasosyo,
05:57.8
ay ang comparing yourself
05:59.6
sa ibang taong may pera na din.
06:01.3
Noong mga panoong wala ka pang pera,
06:02.9
mga kasosyo,
06:03.6
solo ka lang sa mundo mo.
06:04.8
Wala ka nakakasalamuhang
06:05.9
ibang matagumpay na rin
06:07.1
o ibang may pera na rin
06:08.3
kaya paya pa ka.
06:09.3
Ngayon, nagsisimula ka na magtagumpay
06:10.9
at nagkakapera ka na.
06:12.1
Magsisimula na rin na makita mo
06:13.8
yung ibang mga taong katulad mo
06:15.6
na may mga nararating na rin sa buhay
06:17.5
at hindi mo may iwasan
06:18.7
na ikumpara yung sarili mo sa kanila.
06:20.7
Nasukatin yung perang meron ka
06:22.6
sa perang meron din sila
06:24.1
at iwasan mo yan, mga kasosyo.
06:25.9
Napakadelikado na ikumpara mo
06:27.7
ang success mo sa iba
06:29.1
dahil kahit gaano ka nagtatagumpay ngayon,
06:31.7
makakahanap ka ng paraan
06:33.2
para makaramdam na talunan ka pa rin
06:35.6
at hindi yun maganda sa momentum mo.
06:37.7
I-appreciate mo ang tagumpay mo.
06:39.3
Huwag mo ikumpara ang sarili mo
06:40.9
sa dami ng pera ng kapitbahay mo
06:43.0
o ng katunggali mo
06:44.3
o ng kahit sino paman.
06:45.6
May sarili kang laban.
06:46.8
May sarili kang takbuhan.
06:48.2
Magfocus ka dyan
06:49.4
at ituloy-tuloy mo lang
06:50.7
yung ginagawa mo ngayong tama
06:52.3
at huwag kang malungkot
06:53.2
kung laging may mas mayaman sa'yo,
06:55.1
mas may pera sa'yo,
06:56.4
mas kilala sa'yo
06:57.4
dahil yan ang nakakaagaw
06:58.6
ng tunay na kaligayahan at kapayapaan.
07:00.9
Okay, next.
07:01.6
Isang bagay na dapat mong iwasan
07:03.4
ngayong nagkakapera ka na, kasosyo,
07:05.3
ay ang huwag magpahinga. Keep doing what you're doing.
07:08.9
Ngayong nagkakapera ka na, kasosyo,
07:10.6
alam ko matagal ka nang nagsasakripisyo,
07:13.1
nagbabalat ng buto, kayod ng kayod,
07:15.4
pero ngayong nagtatagumpay ka na,
07:16.9
hindi ito yung time para mag-slowdown ka.
07:19.8
Kaya ka nagtatagumpay ngayon
07:21.1
at unti-unti ka na nagkakapera
07:22.8
kasi hudjat lamang yan
07:24.5
na tama ang ginagawa mo ngayon.
07:26.4
Sa mahabang panahon,
07:27.6
tumama ka din, kasosyo,
07:29.3
na figure out mo rin
07:30.4
kung ano yung gumagana sa buhay mo.
07:32.0
At huwag kang mainip na magrelax agad
07:34.7
dahil sayang yung init ng momentum mo.
07:37.1
Ituloy-tuloy mo pa yung ginagawa mo ngayon,
07:39.1
mag-double down ka pa,
07:40.5
isagad mo pa,
07:41.6
humataw ka pa lalo ng matindi.
07:43.3
Huwag mo nga hayaang mawala yung bola sa'yo,
07:45.5
yung momentum sa'yo.
07:47.2
Saka ka na magpahinga,
07:48.6
saka na,
07:49.5
gumana na ngayong kapabahihinto.
07:51.8
Ngayon tayo dapat magpursige
07:53.6
kung kailan may nahanap na tayong tama,
07:55.6
gumagana, kumikita sa ating buhay.
07:58.2
Karamihan kasi yung mga taong
07:59.8
nagsisimula ng kumita,
08:01.1
magtagumpay,
08:02.1
biglang magrelax,
08:03.3
biglang magpapahinga,
08:04.5
iisipin nila na deserve nila yun
08:06.5
kasi matagal naman na sila nagsasakripisyo.
08:08.6
Oo, pwede.
08:09.6
Pero make sure na hindi magtuloy-tuloy
08:11.4
yung pahinga mo,
08:12.3
yung pagre-relax mo.
08:13.5
Kasi sayang naman yung nakamit mong momentum
08:15.8
kung unti-unti din itong manlalamig.
08:17.8
Ngayon, hahataw ka na naman sa future
08:19.7
para mabawi ulit yung momentum.
08:21.5
Damor tayo dapat laging mas nangigigil
08:23.7
na magtrabaho pa lalo ng matindi.
08:25.7
Bihira ang nakaka-figure out
08:27.5
ng bagay na gumagana sa kanila.
08:29.3
Kaya pag nahanap mo yung sa'yo kasosyo,
08:31.4
ibuhos mo pa lahat-lahat, saka na pahinga, saka na ang leisure,
08:35.3
saka na ang pasyal, saka na ang pagre-reward sa sarili.
08:38.5
Basta dere-derecho pa din.
08:40.0
Pagsisisian mo yan pag huminto ka at bumagal ka ng dahan-dahan
08:43.3
kasi ang hirap ibalik ulit nung momentum na yan.
08:46.0
Kaya huwag magpahinga,
08:47.0
mas lalo pa tayo magtrabaho ng matindi.
08:48.8
Oo, ang ibig ko sabihin sa pahinga na yan
08:50.2
hindi yung huwag matulog,
08:51.5
ang punto ko lang e huwag tumenga
08:53.1
habang yung ginagawa mo ngayon e,
08:54.6
mainit pa.
08:55.4
Okay, next.
08:56.0
Isang bagay na dapat mong iwasan mga kasosyo
08:58.4
kapag nagsisimula ng pumasok ang pera sa'yo ay ang
09:01.3
huwag mabilib sa sarili.
09:03.1
Pag nakakaranas ka na ng tagumpay,
09:04.9
magsisimula ng magfeed yung ego mo
09:07.2
at masabi mo sa sarili mo na ang galing-galing mo.
09:09.6
Nagtatagumpay ka ngayon mga kasosyo,
09:11.3
nagsisimula kang magkapera
09:12.9
dahil sa karakteristik mong
09:14.4
wala kang kayabang-yabang.
09:16.2
Yan yung isang katanghian mo.
09:17.5
Kaya nagagawa mong humingi ng tulong sa mga taong
09:20.4
nararapat na hinga ng tulong.
09:21.9
Ngayon nagkakapera ka na at kumikita ka na,
09:24.0
nagtatagumpay ka na,
09:25.1
huwag mong hayaang maisip mo
09:27.1
na alam mo na lahat, kaya mo na lahat,
09:29.0
na hindi mo kailangan ng tulong ng iba,
09:30.9
kaya mo mag-isa
09:31.9
dahil yan ang ikakabagsak mo kasosyo.
09:34.1
Damor na nagtatagumpay tayo,
09:35.8
damor nating maunawaan
09:37.4
na mas kailangan natin ang tulong ng iba
09:39.4
at mas wala tayong alam
09:40.8
sa tinatahak nating landas.
09:42.5
Panatilihin natin yung pagiging mababang loob natin,
09:44.9
pagiging humble,
09:46.1
pagtanggap sa sarili na hindi tayo ganung kagaling
09:48.9
kaya kailangan natin ang galing ng ibang tao.
09:51.3
Huwag maging mayabang mga kasosyo
09:53.2
pag nagsisimula ng pumapasok ang pera sa'yo
09:55.7
dahil ang kayabangan ang isang malaking elemento
09:58.5
kung bakit hindi nagtatagumpay
10:00.1
o pumapalpak ang isang tao.
10:02.1
Ilang beses ko nang napatunayan yan
10:03.7
dahil mayabang din ako noon mga kasosyo.
10:05.9
Akala ako kaya ko rin mag-isa,
10:07.7
akala ako alam ko na rin lahat
10:09.5
pero not until na nagkaroon ako ng mga business partner
10:12.6
doon lang ako nakatamasa
10:13.9
ng unang matagumpay na negosyo.
10:15.8
Kahit gano'ng magalingan kung mag-isa ka,
10:17.8
hirap na hirap ka pa rin dyan.
10:19.4
Kaya huwag tayong maging mayabang mga kasosyo,
10:21.3
maging mapagkumbaba,
10:22.4
humingi ng tulong
10:23.5
dahil hindi natin alam lahat,
10:25.0
kahit gaano mo pa,
10:26.0
papaniwalaan yung sarili mo
10:27.6
na ang sobrang galing mo.
10:28.9
Huwag masyadong mabilib sa sarili
10:30.5
dahil baka yung kayabangan mo sa sarili mo
10:32.5
ang magpapahamak sa iyo.
10:34.0
Okay, next.
10:34.7
Isang bagay na dapat nating iwasan
10:36.5
mga kasosyo pag kumikita na tayo ng pera
10:38.5
ay ang huwag i-tie up ang pera sa kaligayahan.
10:41.8
Ngayon nagsisimula nang pumasok ang pera
10:43.5
sa buhay mo mga kasosyo.
10:44.9
Kumikita ka na ngayon.
10:46.1
Nagtatagumpay ka na paunti-unti.
10:48.0
Tumama na rin yung ginagawa mo.
10:49.7
Huwag kang magkakamali
10:50.7
na makunek mo na yung kaligayahan na nararamdaman mo ngayon ay dahil nagkakapera ka na.
10:55.3
Na dahil sa pera.
10:56.5
Hindi ka masaya ngayon dahil may pera ka na.
10:58.9
Masaya ka ngayon kasi nagbubunga na yung mga pinagtrabahoan mo.
11:02.5
May risulta na na nakaka-benefisyo sa iba
11:04.8
at doon ka talaga tunay na sumasaya.
11:07.2
Hindi ka masaya dahil nagkakapera ka na.
11:09.4
Masaya ka ngayon kasi after mahabang-mahabang panahon,
11:12.9
tumama rin yung mga ginagawa mo.
11:15.5
Nagkakamali nga lang tayo na akala natin na
11:18.0
masaya tayo ngayon kasi ang dami nating pera.
11:20.2
Hindi tayo masaya ngayon dahil marami tayong pera.
11:22.6
Masaya tayo ngayon kasi yung mismong act of doing nung ginagawa natin.
11:27.7
Nasa paggawa ang tunay na kaligayahan.
11:30.3
Wala sa pera na nakamtan.
11:32.5
Ngayon nagkakapera ka na ka-sosyo,
11:34.3
darating ang mga araw o buwan o taon
11:36.7
na mawawala ulit ang pera mo.
11:38.3
At huwag mong i-associate sa pera dahil wala ka ng pera sa mga panahon na yun
11:42.0
kaya ka malulungkot.
11:43.3
Huwag mong kakalimutan na ang kaligayahan mo ay hindi dahil sa nagkapera ka.
11:47.3
Ang kaligayahan mo dahil yung ginagawa mo ngayon
11:50.2
ayan yung matagal mo nang pinapanalangin
11:52.3
na magawa mo sa buhay mo.
11:53.9
Nasa paggawa ang kaligayahan
11:55.8
at wala sa pera na yun ang kinikita.
11:58.0
Huwag pag-isahin ang iyong kaligayahan at ang pera.
12:01.3
Ang pera ay pera.
12:02.5
Ang kaligayahan ay kaligayahan.
12:04.2
Hindi ka masaya dahil may pera ka na.
12:06.0
Masaya ka kasi yung ginagawa mo ngayon
12:08.1
nagtatagumpay na yung ginagawa mo ngayon
12:11.5
at hindi yung perang na sam-sam mo ngayon.
12:14.1
Kailangan mong maintindihan maigyan mga ka-sosyo.
12:16.3
Maraming taong marami ng pera ngayon
12:18.4
pero malungkot pa rin sila.
12:19.8
Bakit?
12:20.3
Kasi yung ginagawa nila ngayon
12:21.8
hindi talaga yun ang gusto nilang gawin sa buhay nila.
12:24.6
Kaya kahit gano'ng kadami yung pera
12:26.4
malungkot pa rin sila.
12:27.7
Kaya ang pinaniwalaan ko
12:29.2
nasa kung anong ginagawa mo ngayon
12:30.9
ang iyong kaligayahan o kalungkutan.
12:33.0
Ang pera ay pera.
12:34.2
Basta pera yan.
12:35.4
Pero hindi naka-tie-up ang pera sa iyong kaligayahan.
12:38.4
Unawain mo maigyan.
12:39.9
Hindi masama ang pera dahil kailangan niyan.
12:42.4
Pero hindi yan ang magpapasaya talaga sa'yo.
12:45.5
Okay, next.
12:46.3
Isang bagay na dapat mong iwasan
12:47.9
pag unti-unti ka na nagkakapera, mga kasosyo,
12:50.3
ay ang iwasan ng pakiramdam na
12:52.3
you don't deserve it.
12:53.6
Pag nagsisimula na tayo magtagumpay, mga kasosyo,
12:55.8
at nagkakapera na tayo pa unti-unti,
12:57.7
merong pakiramdam sa puso natin
12:59.5
o sa damdami natin
13:00.9
na hindi tayo karapat dapat sa pera na yun,
13:03.3
sa tagumpay na yun, o sa karangyaan na yun.
13:05.4
Kaya kung anong magkaroon tayo,
13:07.0
pinupush ng ating sarili
13:08.6
na mawala rin yung bagay na yun
13:10.3
kasi binubulong ng ating isipa
13:11.8
na hindi natin deserve yung resulta na yun. Ito yung mga limbawa na mga taong
13:15.9
biglang nagkakapera
13:17.1
at nawala rin yung lahat ng pera nila sa kanila.
13:19.4
Bakit? Kasi kung sanay silang walang pera
13:21.6
at bigla silang nagkakapera,
13:23.0
ang tendency sa likod ng kanilang isipan
13:25.5
kailangan maubos yung pera na yun
13:27.1
para bumalik sila sa normal nilang buhay.
13:29.7
Ang buhay na marami silang pera ay hindi normal sa kanila.
13:32.5
Hindi sila komportable na maraming pera.
13:34.6
Kaya uubusin nila yung mga pera na yun
13:36.7
para maging wala na ulit silang pera
13:38.7
at okay na ulit sila.
13:40.1
I-stress sila pag may pera sila.
13:41.9
Pakiramdam nila hindi sila bagay na may pera
13:44.5
kaya gagasusin nila nang gagasusin yun
13:46.5
kasi masanay sila na walang pera.
13:48.4
Hindi nila deserve yung pera.
13:50.3
Kaya ikaw mga kasosyo,
13:51.5
dahil alam mo nagsumikap ka maigi,
13:53.5
pag nagkakapera ka na,
13:54.6
unawain mo na deserve mo yan.
13:56.8
Pinaghihirapan mo yan.
13:58.1
Huwag mong haahayaan na mablow up yan,
14:00.3
na masunog yan,
14:01.4
mahipa ng hangin na mawala na lang ng parang bula.
14:03.8
Pag sumikapan mo na paramihin palalo yan
14:06.6
at dahil yung maraming maraming pera natin
14:08.9
ay gagamitin natin para mas mapalawak pa natin
14:11.6
ang kabutihan at pagmamahalan dito sa mundo.
14:14.8
Maraming masasamang tao ginagamit ang pera
14:17.2
para makapaghasik pa ng kadiliman.
14:19.3
Ngayon tayong mga mabubuting tao,
14:21.3
gamit din natin ang pera
14:23.0
para mas maparami pa natin
14:24.7
ang mga kagaya nating mabubuting tao.
14:26.9
Kaya huwag mong haahayaang dumulas yan sa mga kamay mo.
14:29.2
Ang pera ay ating utusan.
14:30.9
Ang pera ay ating alipin.
14:32.6
Mas marami tayong magagawa
14:34.1
kung mas marami tayong pera.
14:35.5
Deserve mo yan, kasosyo.
14:36.8
Kumikita ka ng maraming pera ngayon
14:38.4
dahil lagtatrabaho ka ng tama,
14:40.1
hindi ka nandadaya.
14:41.2
Panatalihin mo yung mga pera na yan
14:42.7
na umiikot sa buhay mo
14:44.0
at para mas maraming taong mabiyayaan
14:46.2
sa iyong galing, kabutihan at malasakit
14:48.9
sa ibang tao.
14:49.8
Yan ang sampung bagay
14:50.8
na dapat nating iwasan, mga kasosyo,
14:52.3
tuwing nagkakapera na tayo.
14:53.6
Salamat sa pagtapos ng video na ito, mga kasosyo.
14:55.4
Huwag kalimutang mag-subscribe,
14:56.8
mag-follow, i-like, i-share ang ating mga video.
14:59.2
Maraming salamat po sa tiwalaan nyo sa akin, mga kasosyo.
15:01.4
Huwag din kalimutan na meron din tayong podcast
15:03.4
at meron din tayong kasosyo app na pwede nyo i-download, yung mga link nasa description sa baba.
15:08.4
Glory to God, mga kasosyo. I love you.
15:09.9
Trabaho malupet, bawal tamad.
15:10.9
Bye!