Close
 


S*X LANG ANG HABOL NG MGA LALAKI - Raqi's Secret Files (January 26, 2023)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Paano kaya nauwi ang sender nating si Dina sa mindset na sex lang ang habol ng mga lalaki sa kanya? Raqi's Secret Files with DJ Raqi Terra 3pm-5pm Share your secrets at raqiterra@gmail.com Watch Live: http://bit.ly/WatchLiveLoveRadio Listen Live: http://bit.ly/LoveRadioListenLive Download our Mobile App: http://bit.ly/LoveRadioPH Facebook: https://www.facebook.com/loveradiomanila Twitter: https://twitter.com/loveradiomanila Instagram: https://www.instagram.com/loveradiomanila #LoveRadioManila
Love Radio Manila
  Mute  
Run time: 16:32
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
And now, it's time for DJ Rocky's Secret Files.
00:26.0
Secret Files
00:30.0
Intro
00:44.0
Ngayon ko mas napatunayan na sex lang ang gusto ng mga lalaki.
00:51.0
Hi DJ Rocky. Matagal, tagal na rin akong nakikinig sa mga kuwento ng ibang tao sa programa mo.
01:04.0
Ngayon lang ako nagkaroon ng oras na sipaging magsulat ng sarili kong kwento.
01:13.0
Gusto kong ibahagi ito sa lahat ng mga nakikinig sa iyo.
01:24.0
Itago mo ko sa pangalang Dina, isang tarlakenya. At ito, ang aking secret file.
01:44.0
August 2022. Naisipan kong mag-apply ng trabaho dito sa Pilipinas. Lalo na at ilang buwan na lang, ay magpapasko na naman para may income ako.
02:00.0
May nakapagsabi sa akin na hiring daw sa isang gasolinahan sa Tarlac.
02:08.0
Okay naman sa akin kahit anong klaseng trabaho. Kahit panlalaki pa yan o ano, kayang-kaya ko yan.
02:17.0
At dahil meron akong experience na magtrabaho sa gasolinahan, nag-apply ako.
02:25.0
Sinwerte ako, tinawagan ako.
02:30.0
Ang alam ko, sa Pangasinan ako, Made Destino. Meron kasing magbubukas na branch doon.
02:42.0
Kaya lang, tinawagan ako ng HR. At ang sabi, sa Tarlac na lang daw ako.
02:53.0
Ang sabi ko naman, okay lang naman kahit saan. Hanggang sa na-interview ako.
03:02.0
At yung nag-interview, isang lalaking itago natin sa pangalang Mr. R.
03:13.0
Hindi siya gwapo. Medyo may katandaan. At nalaman kong 6 na taon ang tanda sa akin.
03:29.0
And then, ang sabi na sa akin, sa Pangasinan na lang daw ako, Ide Destino.
03:42.0
Kasama yung station head na itago natin sa pangalang Mr. C.
03:51.0
Nabanggit pala ako ng Mr. R kay Mr. C.
03:59.0
At nang malaman na okay ang aking track record, ilalagay na lang daw ako sa Pangasinan.
04:13.0
Meron daw naman ako nga makakasamang ibang babae na pwedeng mag-stay-in.
04:22.0
Nagpasalamat ako. Dahil at least, may trabaho na ako. Hindi na ako choosy no.
04:32.0
Then September 29, 2022 came.
04:38.0
Eto yung araw na babiyahi ako papuntang Pangasinan.
04:42.0
Hindi ko kabisado ang lugar. At ang tanging ka-chat ko that time at ang nag-gaguide sa akin ay si Mr. R.
04:52.0
Nakarating na nga ako sa Destinasyon. September 30, opening ng stasyon.
05:00.0
Eto yung unang araw na nag-start na kami sa trabaho. Normal ang lahat. Pito kaming lahat sa stasyon na yun.
05:10.0
Ang stasyon head na si Mr. C., si Mr. R. at ako.
05:16.0
At iba pang mga taga-Pangasinan. Dalawang kaherang babae at dalawang pump attendant na lalaki.
05:24.0
Normal ang bawat araw na nagdaraan. Hanggang sa isang araw, parang naramdaman ko nga,
05:31.0
iba ang ipinapakita o ikinikilos ni Mr. R. sa akin. Sobrang caring niya.
05:38.0
Kapag nasa kwarto ako at tapos na ang duty ko, chat siya ng chat sa akin.
05:44.0
Tatawagan niya pa ako through video call para tanungin kung kumain na ako. At kung hindi pa, kumain daw kami.
05:53.0
Ramdam ko na parang may gusto siya sa akin.
05:58.0
Pero dahil mataas ang standards ko sa lalaki at gusto ko, guwapo,
06:04.0
eh hindi ko siya pinapansin, naiilang ako sa kanya. Hindi naman kasi kagwapuhan si Mr. R.
06:12.0
And aaminin ko naman DJ Rocky, hindi rin naman ako kagandahan.
06:17.0
Pero maraming nagsasabi na malakas daw ang sex appeal ko.
06:23.0
Ako kasi yung klaseng babae na maraming kalbigan. Mapalalaki man niya ano babae.
06:29.0
Kalog, kayang makipagsabayan sa lahat, madaldal.
06:34.0
Kaya nga, madali rin kaming naging close ni Mr. R.
06:38.0
Pati na rin si Mr. C. na station head namin.
06:42.0
Si Mr. R. puro paramdam sa akin. Sinasakyan ko na lang din paminsan yung pangharot niya sa akin.
06:49.0
At alam kong ramdam din ang mga kasamahan namin sa trabaho yun.
06:54.0
Pero ako talaga DJ Rocky, wala. Ayoko talaga sa kanya.
07:00.0
Then one day, sa sala ko natulog.
07:04.0
Nakisama akong matulog sa kanila ni Mr. C.
07:08.0
Sa sala na yun, may apat na malalapad na sofa. Tigi-isa kami ng sofa.
07:15.0
Sa sala kasi na yun, yung pintuan, roll-up door lang.
07:21.0
Kaya sa mga sofa lang kami natutulog.
07:24.0
Nung gabing yun, nakikipagharutan sa akin si Mr. R.
07:29.0
Nang bigla niya akong tinabihan at ninyakap.
07:34.0
Pilit kong tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin.
07:37.0
Kasi naman, ang higpit ng pagkakayakap na parabang gusto na akong magsanib pwersa sa kanya.
07:46.0
At sa mga oras na yun, ilang beses tinanong ako ni Mr. R.
07:52.0
Ayaw mo ba ako?
07:55.0
At paulit-ulit kong sinasabot sa kanya ang, hindi.
08:02.0
Fast forward, patuloy pa rin ang pagpaparamdam sa akin ni Mr. R.
08:08.0
Hanggang sa isang gabi, matapos ng duty namin, nagkayayaan kaming uminom.
08:15.0
Kami-kami lang ni Mr. C. at Mr. R.
08:18.0
At yung isa pa namin katrabaho, kalahating case ng beer ang nainom namin.
08:25.0
May tama na ako nun at alam kong may tama na rin si Mr. R.
08:30.0
Nagpaalam na kong maliligo na ako.
08:34.0
Pero, ang sabi pa ng kasama namin si Mr. R., sandali lang daw.
08:44.0
At magkwentuhan muna kami.
08:49.0
Bukayag ako, nakipagkwentuhan pa ako.
08:54.0
Hanggang sa inaaya ako ni Mr. R. na matulog, nakitulog siya sa kwarto ko.
09:02.0
Hindi naman din yun ang first time naming magkatabing matulog,
09:07.0
pero yun ang unang gabi na may nangyari sa amin.
09:12.0
Lasing na lasing kami nun at pakiramdam ko,
09:16.0
iiba rin ang init ng katawan ko, kaya napapayag ako.
09:22.0
Pero, ewan ko ba, ayoko naman talaga kay Mr. R.
09:31.0
Pero, bumigay ako.
09:35.0
Then after that day, parang nag-iba si Mr. R. sa akin.
09:41.0
Hindi na siya katulad ng dati.
09:45.0
Nakinukulit ako, hinaharot ako, at hindi na rin caring.
09:52.0
Para bang wala na siyang pakisaakin.
09:56.0
Nanibago ako DJ Rocky kasi hindi na rin karing.
10:00.0
Doon nag-uusap naman kami pero hindi na talaga tulad ng dati na malapit kami sa isa't isa.
10:07.0
At doon ko napatunayan na sex lang ang gusto niya sa akin.
10:13.0
Sa sobrang sama ng luwap ko sa kanya dahil na nagbago na siya,
10:17.0
sinat ko siya ng pagkahaba-haba.
10:20.0
Sabi ko, hindi na rin kasingan ako.
10:25.0
Sinat ko siya ng pagkahaba-haba. Sabi ko, ikaw ang pangalawang lalaki
10:33.0
na nagpatunay sa akin na katawan lang ang habol sa akin.
10:40.0
Nagdaan ang mga araw, linggo, pinagpatuloy ko lang ang aking pagtatrabaho.
10:46.0
Hanggang sa nasunda na naman yung gabi na merong nangyari sa amin.
10:52.0
Para bang may nangyayaring ganon sa amin pero wala kaming emotional attachment sa isa't isa.
11:03.0
Ganon na naging setup namin.
11:06.0
And fast forward, napansin ko na sa sarili ko na nagkaka-feelings na ako kay Mr. R.
11:17.0
Nagseselos na ako, meron kaming kaherang babae na sobrang close niya.
11:23.0
Alam ko naman na yung kaherang yun merong asawa at dalawang anak.
11:28.0
Ewan ko ba sa tuwing nakikita ko silang nag-uusap parang nasasaktan ako.
11:33.0
Patuloy pa rin ang setup namin na ganon ni Mr. R.
11:39.0
At yung dating hate na hate ko kasi nga hindi naman kagwapuhan,
11:48.0
biglang naging like na like ko.
11:53.0
Siguro nga love na love ko pa.
12:01.0
Sa ngayon, nasa tarlac na ako.
12:06.0
Paglaan na lang din ang desisyon kong umuwi dito.
12:10.0
Nag-resign na ako sa trabaho.
12:13.0
Bakit?
12:16.0
Nasasaktan kasi ako.
12:21.0
Nasasaktan ako na ganon na lang yung pagtingin sa akin na Mr. R.
12:33.0
Talaga katawan lang ang habal sa akin.
12:39.0
Durog na durog ako ngayon.
12:44.0
And then one day bumalik ako ng pangasinan para kuhain lahat ng gamit ko.
12:50.0
Si Mr. C.
12:53.0
Niaya ako bigla na mag-inom bago ako umuwi.
13:00.0
Si Mr. C., siya yung station head, diba?
13:04.0
Naging close ko rin naman siya.
13:06.0
Para ko na siyang kuya.
13:10.0
Patapos na sana kaming mag-inuman ni Mr. C.,
13:14.0
nang biglang sumunod si Mr. R.
13:21.0
Wala akong choice kung di makisama.
13:26.0
At nang matapos na kami, nasa daan na.
13:30.0
Nagaabang ng masasakyang bus.
13:33.0
Ewan ko ba kung lasing si Mr. R.,
13:35.0
kinukulit niya ako na huwag na lang daw muna akong umuwi.
13:39.0
Magpalipas na lang muna ako ng gabi doon.
13:44.0
Alam ko sa sarili ko na gusto ko pa siyang makasama.
13:49.0
Pero ako na lang ang iiwas.
13:52.0
Ayokong mawasak at madurog.
13:57.0
Nang bigla niya akong yakapin.
14:01.0
Hintayin mo ko ha, huwag ka muna mag-boyfriend ha.
14:04.0
Babayaran ko lang yung mga utang ko dito,
14:06.0
tas mag-re-resign na rin ako.
14:08.0
At iuuwi kita sa amin.
14:11.0
Ganun ang paulit-ulit niyang sinasabi sa akin.
14:17.0
Oo DJ Rocky, marami siyang utang sa station
14:20.0
at nasasabong niya.
14:25.0
Paulit-ulit ang mga salitang hintayin mo ko.
14:29.0
Hindi ko alam kung anong mararamdaman at iisipin ko.
14:37.0
Tatlong linggo na akong nandito ngayon sa Tarlac.
14:41.0
Nasa healing process pa ako ngayon.
14:44.0
Gusto ko ng kalimutan si Mr. R.
14:46.0
Ewan ko ba walang araw na hindi siya pumapasok sa isipan ko.
14:52.0
May mga balita pa naman ako sa kanya
14:54.0
kasi panaitawag sakin si Mr. C.
14:57.0
Kinukumusta ako.
14:59.0
At syempre hindi siya nawawala sa topic namin.
15:03.0
Naging confident ko kasi si Mr. C.
15:06.0
Sa kanya ako nag-oopen.
15:11.0
Tiwala naman ako kay Mr. C.
15:13.0
na alam kong mag-kumpara sila ni Mr. R.
15:17.0
Hirap pa rin ako makalimut.
15:20.0
Gusto kong umiyak.
15:21.0
Gusto kong may maiyakan
15:23.0
para mabawasan lahat ng sama at sakit na nararamdaman ko.
15:29.0
Mahirap at masakit.
15:33.0
Kaya nga sa mga nakikinig ngayon ang kwento ko,
15:36.0
lalong-lalo na sa mga kababaihan,
15:40.0
huwag niyong isusuko ang bataan hanggat wala kayong label.
15:46.0
At para naman sa kalalakihan, please lang,
15:49.0
huwag na huwag niyong guguluhin ang buhay ng babae
15:53.0
kung hindi niyo naman kayang panindigan hanggang dulo.
15:58.0
Huwag puro katawan lang,
16:00.0
matuto kayong magmahal ng totoo.
16:05.0
Sana may matutunan kayong aral sa kwento ko.
16:09.0
Hanggang dito na lang po DJ Rocky.
16:12.0
Muli, ako si Dina at ito ang aking secret file.