Close
 


MGA BANGAW NG HARING BANGAW NG DAVAO, NAGLALABASAN NA NAMAN! LAPID FIRE NI ROY MABASA (FIRST PART)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Mga bangaw ng Haring Bangaw ng Davao, naglabasan na naman!
LAPID FIRE ni Percy Lapid
  Mute  
Run time: 34:15
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
... Mga kaibigan magandang gabi po at pagpaumanhin ninyo. Bago tayo tumalakay mga kaibigan ay ganap na alas 11 tayo magpapaalam maya mayang konti sa pagkat may mahalagang dadaluhan bukas na mamaya ipaliliwanag sa inyo.
00:30.0
... sa World Population Review doon sa kanilang segment ng education ranking doon 2021. Ang Pilipinas ay sa ikalimamputlimang pwesto sa 79 na bansa o 79 na bansa na kanila sinirve yan.
00:57.0
... Ito may kinalaman sa edukasyon ng bawat bansa na kanilang tinignan. Alam niyo doon sa survey, sabi ko nga 55 tayo o ikalimamputlima, lamang lang tayo ng isang paligo sa Uruguay at dalawang paligo sa Morocco.
01:20.0
... Habang Indonesia naman mga kaibigan ay lamang sa atin ng isang paligo dahil ito ay nasa ikalimamput-apat na pwesto. So yan ang kalagayan ng ating edukasyon noong 2021. Kung hindi ako nagkakamali ito bumaba pa noong 2022 ng bagya.
01:50.0
... At ito si Vice President Sara tungkol sa mga suliranin na kinakaharap ng ating bansa especially sa sektor ng edukasyon.
02:08.0
... Isa sa mga pangunahing problema niya ay yung matagal ng kakulangan sa silid-aralan sa buong kapuluan. Batang paslit pa lang tayo, problema ng Pilipinas ang kakulangan sa classrooms.
02:28.0
... Pero nakakapagtaka ang dami ng magnanakaw ang pumasok at lumabas ng kulungan at yung iba nahalal pa nga muli. Pero ang problema sa edukasyon yan pa rin. Di nyo ba nahalata? Yan pa rin ang pinag-uusapan ng problema sa sektor na yan."
02:59.0
... Siya rin, si Toothbrush rin ang kalihim ng Department of Education. So Anya, bulag. Hindi naman daw Anya bulag ang kanyang tanggapan sa mga problema ng kakulangan ng classrooms.
03:18.0
... Di naman kami bulag diyan, nakikita naman namin yan. Di lang kakulangan ng classrooms kung di maging sirasirang classrooms na sa tagal na panahon di na nakukumpuni o nare-repair. Yan ay nakakalat sa buong bansa."
03:36.0
... Pero sa mga ingot, magandang pakinggan ang klaseng talumpati ni Toothbrush. Pero ang tanong, totoo ba meron kang malasakit? Yan ang malaking katanungan natin sa palatong tunang ito. Ikaw ba talaga? Pag sinasabi mo yan nagmamalasakit ka ba talaga?
04:00.0
... Isipin niyo, itong si Toothbrush naging mayor naman ito ng Dabao, hindi ba? Kaya siguro dapat bukod sa sinasabi niya ang talumpati niyan, ilahad niya sa bayan kung ano ang nagawa niya mismo sa Dabao para tugunan ang problema pinag-uusapan niya o ang topic na kanyang ini-raise o pinag-uusapan natin ngayong gabing ito.
04:23.0
... Yan ang kakulangan ng classrooms sa buong Pilipinas at mga sira-sirang classrooms sa iba't ibang lugar dito sa ating kapuluan.
04:36.0
So, karamihan kasi ng mga bagong school buildings, para lang sa inyong mga kaalaman mga kaibigan, karamihan sa mga bagong school buildings o classrooms yan na itinatayo sa mga liblib na lugar ng ating bansa o pati na ang nire-repair, yan ay galing sa inisiyatibo ng iba't ibang grupo...
05:04.0
... maaaring privadong sektor o ang iba naman ay galing sa mga grants ng foreign governments na nagdo-donate ng school buildings dahil pupunta sila sa mga kanayunan nakikita nila ang kakulangan talaga.
05:22.0
Especially diyan sa Mindanao kung saan nanggaling ito si Toothbrush mga kaibigan. Andami talagang kakulangan diyan ng school buildings, classrooms. Kaya ang mga bansa, mga foreign governments tuloy-tuloy sila ng pagdo-donate diyan pero siyempre di naman dapat sila ang inaasahan natin.
05:42.0
So ang nakamalaking kaipokrituhan rito sa sinasabi ni Toothbrush sa usapin ng kakulangan ng silid-aralan, ang pagbibigay niya ng priority tungkol sa sarili niyang intelligence funds.
06:12.0
At P150M para sa isang portfolio o tanggapan niya bilang kalihim ng Department of Education. Sumatotal ng intelligence funds niya ay P650M.
06:43.0
Bakit hindi niya unahin ang edukasyon kung talagang siya ay sincero sa sinasabi niya? Bakit hindi unahin ang karunungan na ibabahagi natin sa mga kabataan para pag sila lumaki hindi sila maging tanga?
06:57.0
Yan ang lumalabas na viral video yata ng mga nakaraang araw, ang pinakikita ni former Sen. Trillanes. Mga kaibigan, ang P650M, alam niyo ba, makakagawa yan ng daan-daang classrooms maging school buildings kung gugustuhin lang nitong si Toothbrush.
07:22.0
Bakit kailangan unahin mo pa ang paglaban sa komunismo? E hindi naman yan ang tungkulin mo. Yan ay tungkulin ng armed forces at iba pang ahensya na anagtatalaga para sa peace and order.
07:35.0
Hindi po ba? So mga kaibigan, yan tuloy paglaban sa komunismo na yan, sa paningin natin ginagawa nalang pera-pera yan mga kaibigan. Ginagawa nalang pagkakaperahan ng ibang mga grupo at individual dyan.
07:54.0
Kaya nga sa kabila ng mga paglaban na ito, hindi nyo ba na po na dumami ang mga nagsasalita laban sa tungkol dito sa red tagging? Bakit hindi po ba?
08:08.0
So sa totoong usapan, ang kaya lamang apihin ng mga ito ay yung sarili nilang mga kababayan, yung mga maliliit, nilulupig at pinararatangan ang mga kapwa nila na ang mga ito ay komunista, nilalagyan ng red tag mga kaibigan dahil hindi nila mga kaalyado ang mga ito.
08:36.0
Yan lang naman ang simple paliwanag dyan. Kapag kalaban nila, nilalagyan nila ng red tag. O di ba ganyan ang ginawa nila ng eleksyon? Katakot-takot na red tagging ang ginawa nila kay VP Lenny lang mga kaibigan. Hindi po ba?
09:06.0
At komunismo sa buong mundo na nananakop ng ating karagatan sa West Philippine Sea ay hindi nyo magalaw. Yan ang pinakamalaking komunismo mga kaibigan. Hindi po ba?
09:19.0
Ang masakit pa hindi nyo magalaw, kinaibigan pa. Hindi ba? Ni hao, gong di. Hindi po ba? So tigilan lang natin ang pagiging impostor. So isa kayo impostor.
09:36.0
Kung lumalabang kayo sa komunismo, ang kaya nyo lang duruin o takutin ay ang sarili ninyong mga kababayan. Lalo na ang mga walang kakayanan. So kapag pareho ng pag-iisip, hindi nyo pareho ng politika, nilalagyan nyo ng tagging.
09:55.0
Ganyan po kasimple ang nangyayari sa paglaban ng kuno sa komunismo. At tagal-tagal na natin ginagawa yan mga kaibigan. Parang kung pakikinggan natin sila, hindi nababawasan lalo dumadami.
10:08.0
Hindi po ba? Bagamat ang ginagastos dito taon-taon ay billion-billion piso. So aminin natin na ang tunay na dahilan kaya ganito yan, kaya ganito tahirap ang ating sektor ng edukasyon.
10:25.0
Eto, tapata na tayo. Hindi naman yan sa anu-anong dahilan, walang budget. Hindi po yan. Ang tunay na dahilan diyan ay dahil po sa laganap na korupsyon sa ating bansa. Yan po ang tunay na dahilan kung bakit napakababa po ng ating sektor ng edukasyon.
10:45.0
Isipin ninyo, ang billion piso pera ng bayan, pinagpaparti-partihan ng mga politiko. Lalo na itong mga political dynasty na siyang dahilan ng pagbagsak ng mga sektor gaya ng edukasyon.
11:04.0
Puro lang kayo kwento, wala namang kayong wenta. So huwag na tayo magmaang-maangan, isi-simplify natin ang pinag-uusapan natin. Eto, kailangan natin itong bigyan diin palagi para makita ng mamamayan kung saan napupunta ang kanilang kwarta.
11:21.0
O, isipin ninyo ilang porsyento ang aktual na napupunta sa mga proyekto kapag binawas mo ang kurakutan sa gobyerno. Alam nyo easily, kwestyonable kung saan napupunta ang 45% sa mga proyekto.
11:43.0
Minsan, sinabi ko na sa inyo, magsimula tayo sa local government. Kailangan ito paulit-ulit natin i-emphasize para maintindihan natin kung saan tumatapon ang pera na dapat binubuhos sa mga napaka-importanting sektor gaya ng edukasyon at kalusugan.
12:04.0
Magkatambal po yan para maging masaya ang isang bansa. Di ko sinasabing dalawa na lang na yan pero yan ang premiadong sektor na dapat pagtuunan ng pansin ng bawat gobyerno.
12:17.0
Pumunta kayo sa mga first world countries. Discuss natin dito sa Finland, Canada, Australia, New Zealand. Ang kanilang pangunahing bentahe ay ang kanilang health and education sector dahil maganda nga ang delivery ng serbisyo.
12:37.0
Sinabi ko nga easily 45% ang nawawala per project. Baka kapag nawala yang porsyentuhan, ang 45% na sinasabi ko sa inyo, naglalaro ang range na yan from 40 to 45.
12:53.0
Pag-ubod na talaga ng walangya yung namumuno sa isang lugar, baka umabot sa 50%. Isipin ninyo may contractor pa. Paano kung contractor kailangang kumita ng 20%? Isipin ninyo 30%. Ano pang klaseng project yang matitira sa inyo?
13:11.0
Hindi po ba? So ito sinasalamin lang ng mga sinasabi nito si Toothbrush ang laganap na kaipokrituhan sa gobyerno.
13:24.0
Isipin mo, pag-upong pag-upo niya, ang inatupad niya kagad mga kaibigan, ang focus niya kagad ng kanyang tanggapan ay intel funds. Imbis na isipin mo, education ka, mas inisip mo pa...
13:41.0
Pag ilalaban natin ang komunista, dahil dumadami sila, naapektuhan ang mga estudyante, nagre-recruit sila dyan, inunan niya pa yan kesa sa kakulangan ng classrooms.
13:54.0
E trabaho ng ibang sektor yan, trabaho ng militaryan, trabaho ng marinang polis o ibang ahensya ng pamahalaan pero hindi ang Department of Education.
14:06.0
Pag-upo kayo pero hindi gagamitin sa intelligence. Hindi yan para sa intelligence funds. Maraming pwedeng pagbuhusan ng pera, yan ang intelligence funds na ginagamit ninyo.
14:20.0
Isipin mo P650M sa dalawang tanggapan. So intelligence fund, marunong din ito mga magugulang din. Wala nga audit. Simpling-simple, alam nyo na.
14:36.0
So ito naman pong mga mambabatas, isipin ninyo. Tinalakay kunyari ang intelligence funds ng tanggapan ng pangalawang Pangulo, gayon din ng kanyang inuukupahang Department of Education.
14:53.0
Pero halos walang kumibo mga kaibigan maliban dito kay Sen. Riza Monteveros at isang hindi ko alam kung totoong opposition nito si Coco Pimentel. Opposition o pakawala hindi ko alam.
15:08.0
Pabalik-balik na dito hindi ko maintindihan ang totoong pagkataon nito. Kaya tayo i-questionable kapag naririnig natin ito. Bagamat magkaminsan maganda ang sinasabi, kaya lang nauuna sa atin ang pagdududa kapag nagsasalita ito.
15:24.0
Tapagkat isa ito sa tumangkilik sa nakaraang administration na naging pulisiya, nakita nyo naman. Anyway, sinasabi natin ang mga mambabatas, di nagsikibo nung sila ay tinatalakay itong mga intelligence funds, itong situtbras.
15:46.0
Bakit? Kasi naman, kahit sila sa kanilang budgets may nakatagong pork barrel ang mga yan na nilalagyan lang ng ibang pangalan iniiba-iba para malito ang taong bahay.
16:16.0
So, ito sa atin ang style dito mga kaibigan, lituhan. Lilituhin ka rito sa daming issue. Magpapalabas ng isang issue tapos may puputok na isang issue rito.
16:44.0
... Nililito ang taong bayan para ma-de-focus kayo, para magkalukuluko na kayo. Kaya hindi na natin alam niyo, lumalabas pa lang issue, tinatalakay pa lang natin, may lumalabas na isa. Hindi ba kayo nakakalata?
17:14.0
... Ang mga bangaw na kilalang malapit sa hari ng mga bangaw sa Dabao. Alam niyo, nabulabog ang kampo ng mga bangaw ng magpahayag itong International Criminal Court na muli itong bubuksan ang investigation ng extrajudicial killings na nangyari sa Pilipinas.
17:44.0
... Mula noong 2011 hanggang 2019 sa ilalim ni Gong Di. So nabulabog sila. Kaya ito naglalabasan na naman ang mga bangaw. Nagiingay na naman. May isang kulamnista diyan kung ano.
18:03.0
Nililigaw niya ang kwento. Dalawa sila noong isang putatsing sa Amerika. Ginugulo nila ang kwento. Binabalik nila sa Cebuyas para takban nila itong issue ng ICC.
18:33.0
... So nabulabog sila noong lumabas itong ICC ulit na muli nilang bubuksan. Tila nagpapanik at nabulabog ang mga bangaw ng Dabao.
19:03.0
... Ito ang mga bubukaso na patuloy na pepeste sa kampo ni Duterte at ng kanyang mga minions. Tandaan nyo yan, habang nandyan ang ICC, hindi matatahimik ang konsensya niya.
19:16.0
... Sapagkat yan, mananatili lang ang kaso, reklamo sa ICC hanggat hindi natin sinasagot siya squarely or directly. Kailangan niya saguti natin, hindi binabaliwala lang natin, winawalis natin. May dahilan itong ICC na ito. May mandato ito.
19:36.0
Mga kaibigan, kung sa bagay, kita na naman ng mga bangaw, isipin ninyo. Kaya naglalabasan ngayon yan kasi naaambunan na naman ng mga mumu, mga kaibigan.
20:06.0
Pagkwento lang natin. Pakiramdaman nyo kasi kailangan sa panahon na ito, ito ang panahon ng panliligaw. Nililigaw tayo nitong mga kaibigan.
20:27.0
Ito, ang issue ng ICC, dinadala nila kung saan saan gaya sa Sibuyas para mawala ang focus ng taong bayan sa karumal-dumal na war on drugs na kumitil sa libu-libong buhay doon sa nakalipas na maraming taon.
20:53.0
Lalo na sa ilalim ng Tuterte, nililihis nila yan. Isipin ninyo. Ang payo ko lang huwag tayong magpapatangay, huwag tayong magpapadala sa agenda nila, dito sa agenda ng mga bangaw na ito.
21:14.0
Alam nyo, naisip-isip ko tuloy lalo kung kumikinang sa katotohanan ang sinabi ni Ka Percy bago pa siya pinaslang.
21:27.0
Ito ang may kinalaman sa maitim na balak ng ilan na guluhin at agawin ang trono sa Marcos Jr. administration.
21:58.0
Pangitang-pangitang mga kaibigan. Ako nag-o-observe lang ako sa social media, tinitignan ko ang takbo ng mga balita, kung saan direction dinadala, more or less magkakaroon kayo ng idea na may gustong mag-orchestrate ng mga issue.
22:19.0
So, masdanin nyo ang mga trolls at ang mga bangaw sa social media. Sobrang active na naman. Today, especially today, mga kaibigan pagmasdanin nyo.
22:32.0
Nakikita ko ngayong mga chat groups, pinag-uusapan nila. Pero ako, kung kayo magpapatangay dyan, kawawa naman kayo sapagkat nailigaw na kayo. Ililigaw na naman kayo na wala sa focus ninyo itong pinag-uusapang ICC.
22:51.0
Mas importante ito, alam nyo kung bakit? Gusto nito itama ang pagkakamali na nangyari dito sa atin. Sino ang mga humahadlang? Tingnan natin.
23:02.0
Ang ilan sa mga humahadlang kagaya ni Enrique, Mar Joseph, si Tatang Enrique. Ano ba si Tatang Enrique? Di ba nakulong yan? Kaya lang siya pinalabas dahil sa kanyang katandaan. So anong-anong naging kaso niyan? Hindi po ba plunder?
23:23.0
Tapos paniniwalaan natin ito na ang gusto lang mangyari ng ICC ay papanagutin iyong mga nagkasala. E kung hindi nga naman papapanagutin ang mga yan, sino pa ang may kakayahan na mapanagut ang mga ito?
23:43.0
At paulit-ulit nalang mangyayari yan dito sa ating bansa kung walang mananagot dito. Ganyan ang nagiging vicious cycle sa ating bansa dahil kayang-kaya nilang paikuti ng batas dito.
23:57.0
Pero sa ating pag-aanalisan, ang kabutiang idinulot nitong issue ng ICC, at least para kay Bongbong Marcos mga kaibigan...
24:26.0
... Alam nyo itong issue ng ICC nagsisilbi itong isang deterrent o pananggalang sa mga nakaambang pagtatangka sa kanyang administration.
24:42.0
Kaya kung ako ang tatanungin mo, kung ako si Bongbong Marcos mga kaibigan, sasabihin ko sa kanya pabayan mo siyang maglinger yan ang issue ng ICC. Huwag ka maniwala sa mga nagsasabi sa paligid.
24:56.0
Maganda nga yan para may control ka, may hawak ang bola. Hindi pinababayaan mo na ang mga gustong gumiba sayo sila ang may hawak ng bola at sila ang magdidikta kung anong tempo ang gusto nilang isayaw mo.
25:10.0
Hindi po pwedeng ganyan. Ikaw ang pangulo ngayon e. So magpakita ka ng liderato ngayon.
25:16.0
Oh, hindi na sila makapag-antay kasi dahil alam nila na wala din namang kapasidad at track record yung kanilang queen ng mga bangaw mga kaibigan.
25:43.0
Sa totoo lang ang dapat matakot sa ICC ang mga taong may ginawang katarantaduhan o kasalanan. Bakit ka matatakot kung wala kang ginawang kasalanan? Sagutin mo o imbestigahan ninyo.
26:10.0
Ang problema, kaya sila matatakot, ang issue na pinag-uusapan, crimen laban sa sangkatauhan. Crime against humanity. Yan ang pinag-uusapan sa kaso ng ICC na hindi ma-address-address sa sarili nating bayan.
26:33.0
Alam nyo, hindi ako naniniwala doon sa... Masyadong maraming magaling kasirite, magaling manligaw. Akala mo kung magsalita ng Ingles, napaka pantas na tao. Pero pag pinakinggan mong mabuti ang argumento nila ay paligoy-ligoy lamang.
26:52.0
Ang intention ay i-delay o harangin itong gagawin na imbestigasyon ng ICC. Hindi ako naniniwala doon sa issue ng jurisdiksyon in the first place.
27:04.0
Dahil sa libu-libong kaso ng namatay sa ilalim ng drug war ng Duterte, ito naman ay totoo. Hindi naman talaga ito nasagot o natugunan ng pamahalaan especially sa ilalim ng Duterte, hindi nabigyan ng justisya ang mga pamilya ng namatay na ito.
27:27.0
Wala nga. Kaya nagtatanong ang ICC nasan? Nasaan ang inimbestigahan ninyo? Nasaan ang kaso? Nasaan ang mga kinasuhan niyong pulis? Nasaan? Yan ang tanong ng ICC, nasaan?
27:40.0
So yan sa kabila ng puro paasa, yan ang ginawa ng gobyerno. Paasa, maghantay kayo dyan. Kunwari sasagot pero wala naman ginagawang aksyon. Pinapaasa lang ang ICC, dini-delay ng dini-delay.
27:58.0
Ano ang ginawa ngayon? Hindi ba ang ginawa nila? Nung masusukul na sila noong 2018, aba mga kaibigan, noong Marso ng sumunod na taon itiniwalag nila ang Pilipinas sa Tratado noong Rome Statute para matakasan nila.
28:18.0
Isipin ninyo para matakasan nila ang obligasyon nila, tumalikod sila sa ating pinirmahan, nilagdaan at niratipikahan na Tratado mga kaibigan. Isipin ninyo ang ginawa ng mga ito?
28:33.0
Nilagay nila sa kamay nila ang kinabukasan ng ating bansa dahil sa kanila. Hindi man lang tayo tinanong, nag-decision sila para sa sarili nila. E wala pa silang pananagutan na ginagawa.
28:50.0
Pero kitang-kita naman lahat yan, dilatory tactic, delaying tactic. Yan ang ginawa ng gobyerno sa loob ng ilang taon nung sila tinatanong ng ICC.
29:05.0
So tandaan natin na ang iniimbestigahan lamang ng ICC ay ang mga krimen na nangyari sa ilalim ng panahon na tayo ay kasapi pa sa Rome Statute. Kailan po yan?
29:21.0
Nagsimula po yan noong 2011. E nagkataon noong 2011 na yan may kaso sa Dabao City ng mayor pa itong si Duterte. Kaya po nasama from 2011 to 2019 ay iimbestigahan sila.
29:40.0
Di lang naman yan si Duterte, pati ang mga taong inaakala ng ICC ay may kinalaman. At yan ang ginagawa ng ICC ay base na rin sa reklamong isinampas sa kanila.
29:52.0
So maliwanag po, kaya ang jurisdiction, huwag nyo nang iligawang kwento rito. May jurisdiction ng ICC sa mga panahon na yan sapagkat tayo ay miembro o kasapi pa ng Rome Statute during those days or during those period from 2011 to 2018.
30:11.0
Sabihin nyo na hanggang Marso 2019 mga kaibigan. Wala naman pinag-iba. Ang estilo na ginagamit nito ng mga lumalaban sa ICC wala naman pinagkaiba yan sa pang-aantala na ginagawa nitong si Gerald Bantag mga kaibigan.
30:35.0
Na isa sa mga inaakusahan na nasa likod ng pagpatay kay Kapercy Lapid. Ganon din ang ginagawa, nakita ninyo? Hindi ba? Delay, delay, delay. File ng file ng motion. Wala naman.
30:51.0
Wala namang basehan ang mga motion. Basta file lang siya ng file para sila makabili ng oras at maaantala nila at lalo nilang pasamain ang loob ng pamilya ng mga biktima.
31:02.0
Nakita nyo na merong sistema. Ano talaga yan? Playbook yan mga kaibigan. Playbook ng mga gago yan mga kaibigan, ang ganyan na ayaw nilang managot sa mga ginawa nilang katarantaduhan kung meron mang basehan.
31:21.0
So, by the way, bukas po may hearing na naman ito pong kaso ni Kapercy Lapid, ang pagkapas lang kay Kapercy Lapid. Meron pong hearing na naman sa preliminary investigation sa Department of Justice.
31:44.0
Kasi sinasabi ko sa inyo kanina na kaya po tayo ay magpapaalam ng ganap na exacto alas 11 ng gabi para ako po naman ay makapagpahinga rin.
31:57.0
Kasi pagkat kanina po buong araw may mga importanteng lakad tayong inasikaso na somehow may kinalaman pa rin sa kaso ni Kapercy at sa dito po sa ating programa.
32:27.0
At may inhibit itong mga prosecutors at tanggalin sa DOJ ang kaso, ilipat sa ombudsman, mabuti ito i-dismiss ng mga prosecutors sa pagkat wala naman talagang basehan yan. Basura e.
32:57.0
Ang panila, kinalamay nalang natin ang kalooban ng ating abugada para hindi siya magalit kasi nakita ko galit-galit. Pikun-pikun siya sa pang-dedelay na ginagawa sa kaso ni Kapercy.
33:27.0
At may discussion na kung ano ang gagawin namin kung sila ay magdi-decision na ba kung may probable cause o may dahilan kung bakit dapat isampa o hindi isampa itong kasong ito sa korte. So yan, bukas titignan natin kung anong development bukas at kung meron pa silang mga i-re-resolve na ibang issue.
33:57.0
At sa halbanang itong hinaharap ng panel of prosecutors, kung ang reklamo laban kay Bantag, Sulueta at Al ay may probable cause o dahilan para ma-isampana sa korte.