Close
 


Sarili Kong Pamilya Ang Umubos ng Pera't Pasensya Ko - Raqi's Secret Files (February 2, 2023)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ibinigay na ng sender nating si Lyn ang lahat lahat. Pero hindi pa raw ito sumamsapat sa pamilya niya. Raqi's Secret Files with DJ Raqi Terra 3pm-5pm Share your secrets at raqiterra@gmail.com Watch Live: http://bit.ly/WatchLiveLoveRadio Listen Live: http://bit.ly/LoveRadioListenLive Download our Mobile App: http://bit.ly/LoveRadioPH Facebook: https://www.facebook.com/loveradiomanila Twitter: https://twitter.com/loveradiomanila Instagram: https://www.instagram.com/loveradiomanila #LoveRadioManila
Love Radio Manila
  Mute  
Run time: 11:30
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
And now, it's time for DJ Rocky's Secret Files.
00:30.0
Ibinigay ko na lahat, pero para sa pamilya ko, wala akong naitutulong sa kanila.
01:00.0
Hi, DJ Rocky. Lagi akong nakikinig sa programa mo. Itago mo ako sa pangalang Lynn, 35 years old. At ito, ang aking secret file.
01:30.0
Eleven years and counting na po akong OFW. Kasalukuyan akong nagtatrabaho dito sa Hong Kong. Hiwalay ako sa asawa ng almost 12 years. Meron kaming dalawang anak.
02:01.0
Kinakaya ko naman ang lahat. Kaya lang minsan, nakakapagod na. Problemado ako ngayon. Tatlo kaming magkakapated. Ako ang panganay. Dalawang lalaki ang sumunod sa akin.
02:25.0
Yes, katulad nga ng nabanggit ko kanina, nakakaramdam na ako ng pagod. Pagod na pagod na ako. Pakiramdam ko rin, eh, depres na ako.
02:50.0
Ilang beses na akong muntikang masagasaan ng sasakyan. Dahil kapag naglalakad ako, para akong lutanga. Minsan, magugulat na lang ako, nasa bahay na ako galing palengke. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi.
03:15.0
Sa awa naman ng Diyos, eh, hindi ko naman nakakalimutan ang mga anak ko. Grade 12 na ang panganay ko. Grade 10 naman ang bunso ko. Ang nanay ko, may sakit sa puso. Pabalik-balik sa ospital.
03:39.0
At pag nauospital si nanay, ako lahat ang gumagastos. Nagkandabaon-baon na ako sa utang sa banko para lang may panggastos sa kanya. Sabi pa ng doktor, kailangan niya ng pacemaker para gumana ng maayos ang puso niya.
04:05.0
Ayokong manumbat dahil nanay ko siya. Pero hindi ko lang maiwasang sumama ang loob sa ibang mga kapatid ko dahil wala akong nakukuhang tulong mula sa kanila. Pakiramdam ko, pasan-pasan ko ang buong mundo.
04:31.0
Yung dalawa kong kapatid na lalaki, mula pagkabinata nila hanggang ngayon na may kanya-kanya na silang pamilya, eh sa akin pa rin umaasa. Lalo na yung sumunod sa akin.
04:52.0
Hindi man 100%, pagpalagay na nating 80% ng obligasyon ko, ako pa rin. 80% ng obligasyon ako pa rin.
05:13.0
Ilang beses na akong nagsabi sa kanila na magsikap naman sila kasi may kanya-kanya na kaming buhay. May mga anak din ako na dapat kong pagipunan ang future.
05:27.0
Nalo na't si nanay may sakit, hindi dapat mawalan ng ulam, panggatas, panggamot at mga kung ano-ano pang kailangan. Malit lang o hindi ako makapagpadala ng pangulam ng nanay, sasabihin agad ng mga kapatid ko na maramot ako o masama na akong anak.
05:48.0
Paminsay hindi kinakaya ng sahod ko, kaya ang naging diskarte ko. Day off, nagtitinda ako ng pre-love clothes o bags o kung ano-ano na pwede pang pagpakitaan.
06:05.0
Kaya lang kahit anong diskarte ko, kulang pa rin. Kinakapos pa rin ako sa mga gastusin at bayarin sa Pilipinas. Kasi nga, pati kapatid ko parehas sila, kargo ko pa rin.
06:25.0
Every time nasabihin ko sa kanila na magsigap naman kayo at huwag kayong umasa sakin, sila pa ang galit, ako pa ang masama, ako pa ang madamot at ako pa ang walang silbing kapatid.
06:41.0
Para sa kanila, wala pa akong naitulong sa kanila. Kahit ibinigay ko na ang lahat, nakakasama ng loob. Pero more than that, pagod na pagod na ako DJ Rocky.
07:02.0
Para kung sirangpla ka, kasasabi sa kanila na ito na yung nararamdaman ko. Pero wala talaga eh.
07:15.0
Nagpagawa ako ng sarili kong bahay sa tabi ng lumang bahay. Kasasabi ko baka pag humiwalay na ako sa kanila, eh magsisikap na sila. Pero parang mali pa rin ata.
07:31.0
Kasi ngayon, ang lumang bahay, pasira na. At nabalitaan ko sa anak ko na sa bahay na pinagagawa ko, doon na tumira ang mga kapatid ko.
07:46.0
Hindi man lang nga sila nagtanong sakin kung pupwede ba o hindi. Walang respeto sakin na ate nila o may ari ng bahay. Mga gamit ko sa bahay, sira-sira na rin dahil hindi nila iniingatan.
08:03.0
Sa sarili kong bahay, parang wala akong kalayaan. At peace of mind, wala akong katahimikan. Bigas, grocery, at electric bill ako lahat. Hindi sila nag-aambag.
08:21.0
Pag nakapagsasalita ako ng mga salitang masasakit sa kanila, kapag napupuno ako, ang mga anak ko ang binabalikan nila.
08:36.0
Nakakadurog ng puso na wala ako sa Pilipinas para kampihan ang mga anak ko.
08:43.0
Sila ang nagbabalita sa akin kung ano yung mga sinasabi ng mga kapatid ko tungkol sa akin.
08:51.0
Sila ang nakakarinig ng mga masasakit na salita tungkol sa akin.
08:56.0
At paminsan, tungkol din sa kanila na hindi naman dapat pagsasalitaan ng mga ganun. Sinasabihan daw na wala silang kuwenta, na malandi.
09:16.0
At nakukuwenta pa yung pag-aalaga ng mga kapatid ko sa kanila. Pinagtutulungan nila. Pinagtutulungan nila ako, pati ang mga anak ko.
09:35.0
At ang masaklap dito, ang nanay ko, kampi sa kanila. Never kong naramdaman na kinampihan ako ng nanay ko.
09:47.0
Kaya ngayon napapatanong ako, bakit ganun DJ Rocky? Para bang pera lang ang mahalaga sa kanila? Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin. Unti-unti na akong nauubos.
10:11.0
Iniisip ko nga, hindi ko na tatapusin yung pinagagawa kong bahay. Gusto ko na lang mag-ipon ng mag-ipon. At pag may tamang ipon na ako, magahanap ako ng ibang bahay na malayo sa kanila.
10:30.0
Baka sakali lang na kapag ginawa ko yun, magsisikap sila. At baka dun ko matagpuan ang mapayapang buhay.
10:45.0
Yung bahay na pinagagawa ko, ibibigay ko na lang sa kanila. Tama ba itong naiisip ko? Kailangan na kailangan ko talaga ng payo. Hanggang dito na lang po DJ Rocky.
11:09.0
Muli, ako si Lyn. At ito ang aking secret file.