Close
 


ANG MALALANG DI PAGKAKAPANTAY-PANTAY NA KABUHAYAN SA PILIPINAS
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
ANG MALALANG DI PAGKAKAPANTAY-PANTAY NA KABUHAYAN SA PILIPINAS #informador #EnzoRecto #BUNYOG #AttyRPT
Enzo Recto
  Mute  
Run time: 07:16
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:30.0
Isipin ninyo kung gaano kalala ang hindi-pantay na kabuhayan sa Pilipinas.
00:38.0
Maniniwala ba kayo na ang yaman ng siyam na negosyanteng Pilipino ay mas malaki pa sa pinagsamang yaman ng 55 milyong Pilipino?
00:46.0
Ito ang mahirap na kalahati ng populasyon ng bansa.
00:49.0
Ito ang pinakahuling ulat ng Forbes at ng Oxfam International.
00:53.0
Ang kabuo ang yaman ng siyam na bilyonaryong ito ay mahigit 40 billion dollars o 2.2 trillion pesos.
00:59.0
Isaisahin natin ang mga super mayaman na mga ito.
01:02.0
Una, ang magkakapatid na C. Sila ay may netong 12.6 billion dollars o 693 billion pesos.
01:10.0
Pangalawa, si Manuel Villar. Siya ay may 7.8 billion dollars o 429 billion pesos.
01:17.0
Pangatlo, si Enrique Razon Jr. Siya ay may 5.6 billion dollars o 308 billion pesos.
01:24.0
Pangapat, ang magkakapatid na Gokong Wei. Sila ay may 3.1 billion dollars o 170.5 billion pesos.
01:32.0
Panglima, ang pamilyang Aboitiz. Sila ay may 2.9 billion dollars o 159.5 billion pesos.
01:40.0
Panganim, si Isidro Consangi at kanyang mga kapatid. Meron silang 2.9 billion dollars o 159.5 billion pesos.
01:49.0
Pampito, ang pamilyang Tony Tan-Kakchong. Meron silang 2.6 billion dollars o 143 billion pesos.
01:57.0
Pangwalo, si Jaime Zobel Ayala. Meron siyang 2.55 billion dollars o 140.25 billion pesos.
02:05.0
Pangsyam, si Ramon Ang. Siya ay may 2.45 billion dollars o 134.75 billion pesos.
02:13.0
Hindi pa kasama dito si na Andrew Tan na may 2.4 billion dollars at Lucio Tan na may 2 billion dollars.
02:20.0
Ayon pa kay Oxfam Pilipinas Executive Director Erica Jeronimo.
02:24.0
Nakakalungkot talaga na napakaraming namamatay dahil sa kakulangan ng mga pasilidad sa kalusugan.
02:30.0
Sila rin ay nakakaranas ng gutom sa gitna ng napakataas na halaga ng pagkain.
02:36.0
Samantalang ang mayayaman ay lalong nagpayaman sa panahon ng pandemia.
02:41.0
Kilalanin pa natin ang mga ganid na supermayaman na ito, ang anim na magkakapatid na si.
02:46.0
Sila ay may chain ng SM Department Stores, Malls, Supermarkets, Banco de Oro, Hotels, Real Estates, at Pagmimina.
02:57.0
Si Manny Villar naman ang may napakalawak na real estate at property development tulad ng Vista Land, Camellia,
03:04.0
at iba pang subdivisions, Star Malls, Vista Malls at All Home Superstores.
03:10.0
Pinasok na rin niya ang mass media sa telebisyon.
03:13.0
Si Enrique Razon Jr. naman, sa kanya ang higanting International Container Terminal Services o ICTSI na nangugunang ports operator na may mga sangay din sa Asia-Pacific, Eastern Europe, Africa at Amerika.
03:25.0
At kanya rin ang Soler Resort and Casino. May negosyo na rin sa water utilities at renewable energy.
03:32.0
Ang anim na magkakapatid na Gokong Wei naman, sa kanila ang JG Summit na may ari ng Cebu Pacific Airlines, Telecommunications, Banco, Universal Ravina na gumagawa ng noodles, chichiria at iba pang food products, at may sosyo pa sa Shakey's Pizza.
03:46.0
Ang pamilyang Aboitiz naman, sa kanila ang Aboitiz Equity Ventures. Nasa power generation, banking, financial services, food, infrastructure, lupa at data.
03:57.0
Ang pamilyang Kansanji. Sa kanila ang Dambuhalang DMCI Holdings, property development, construction, mining, power generation, at water services.
04:07.0
Ang pamilyang Kakchong naman, sa kanila ang Jollibee Foods na may 3,200 branches sa Pilipinas at 2,600 branches sa ibang bansa.
04:15.0
Control na rin nila ang Double Dragon Corporation na may ari ng Mang Inasal at Greenwich Pizza.
04:21.0
Si Jaime Zobel de Ayala naman. Sa kanila ang Ayala Group. May distillery, bankong BPI, real estate at property development ng Ayala Lands, hotels, telecommunications tulad ng Globe, at education.
04:34.0
Si Ramonang naman, sa kanila ang San Miguel Conglomerate tulad ng San Miguel Corporation, San Miguel Beer, Hinebra San Miguel at Magnolia.
04:42.0
Meron ding power generation, infrastructure, at may control sa Eagle Cement. Kasalukuyang may proposed na $15 billion na airport at CP Complex sa 2,500 hectare sa gilid ng Manila Bay.
04:54.0
Wala nang kailangang ipaliwanag pa. Napakalinaw na.
04:58.0
Sa Pilipinas, ang mga supermayaman ang lalong yumayaman. Ang mayihirap ay lalo pang nagihirap. Ang mayayamang ito ang tinatawag ng mga oligarko.
05:08.0
Sa bawat ikot ng ekonomiya, sa kanila napupunta ang pinakamalaking parte ng kinikita.
05:13.0
Samantala, ang mga karaniwang Pilipino, mga trabahador, magsasaka, mangingisda, maging mga intelektwal at profesional, at mga maliliit na namumuhunan ay naghahati sa latak at tiratira ng mga higanting mayayaman.
05:26.0
Ang yamang hawak ng mga oligarkong ito ay sapat na sana para makaangat sa tunay na pagunlad ang Pilipinas.
05:32.0
Sapat sana itong puhunan sa tunay na industrialisasyon tulad ng pagmamanufaktura ng mga makinarya na magagamit sa pagmanufaktura at agrikultura, paglikha ng mga sasakyang panlupa, pandagat at himpapawid na may pinakamodernong antas ng teknolohiya.
05:47.0
Subalit na nanatili silang nasa komersyo, pinansyal at serbisyo, at ang pangkonsumo lang sa manufacture kung saan sila ay nagkakamal ng higanting tubo mula sa pawis at tali ng mga Pilipino.
05:58.0
Sapat din sana ang yaman nila para maging puhunan upang tayong mga Pilipino ang makinabang sa ating mga likas na yaman tulad ng mga mineral, likas na gas gaya ng samalampaya, agricultural, yamang dagat at iba pa.
06:10.0
Ang mga likas na yamang ito ay pwedeng tayo na ang magproseso at pagkakitaan sana ng malaki ng bansa.
06:16.0
Magagamit din sa maraming industriyang tayo na ang mayari at makikinabang.
06:21.0
Ito ang nagdudumilat na katotohanan sa ating bayan.
06:24.0
Lubhang dipantay ang hatian sa yaman.
06:27.0
Hanggang masakit pa, ang mga oligarkong ito ang among pinagsisilbihan at kasabuat ng kasalukuyang pamahalaan.
06:33.0
Ang tanong, hanggang kailan ang ganitong kaayusan?
06:36.0
Kailan at paano mababago ang tatsulok na hugis ng lipunan?
06:39.0
Ang kasagutan ay nasa atin.
06:41.0
Ang unang hakbang ay mamulat na tayo sa katotohanan ng ating bayan.
06:46.0
Nagumbatid at mulat tayo sa katotohanan saka natin maitatakda ang kalutasan sa mga suliranin ng ating bayan.