Close
 


MAGTAGUMPAY KAYA ANG PHILIPPINE DEVELOPMENT PLAN 2023-2028?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
MAGTAGUMPAY KAYA ANG PHILIPPINE DEVELOPMENT PLAN 2023-2028? #informador #philippinedevelopmentplan
Enzo Recto
  Mute  
Run time: 10:27
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:30.0
o PDP, ay nag-serve bilang overall na blueprint sa pagpaplano ng pag-unlad sa susunod na anim na taon ng Administrasyong Marcos Jr. sa bansa.
00:41.0
Ito ay nagpapakita ng mga pulisya, estrategiya, programa, at legislative priority ng pamahalaan na sumusuporta at kumusistente sa socio-economic agenda ni PBBM.
00:53.0
Ang tanong, maganda ba ito?
00:56.0
Oo maganda ito dahil tinatalakay nito ang mga plano daw ng administrasyon para sa pag-unlad ng Pilipinas sa pagtapos ng termino ni PBBM sa 2028.
01:07.0
Ngunit ano nga ba ang laman ng PDP plan na ito ni PBBM? May mga bago ba dito?
01:14.0
Sa halos 500 pahina ng economic plan na ito ng administrasyon, ilan sa major policy o programa nito ay layunin na mapabuti pa ang yaman at resources ng bansa sa kamay ng malalaking kumpanya, kabilang na ang mga foreign corporations.
01:30.0
Sa pagbabalat kayo ng pagbabago sa sektor ng produksyon upang magdagdag ng kwalidad na trabaho, ang administrasyong Marcos Jr. ay mag-implement ng liberalisasyon, deregulasyon, privatisasyon, at denasyonalisasyon sa ekonomiya.
01:45.0
Halimbawa, sa sektor ng agrikultura, panginisda, at forestry o EFF, plano ng gobyerno na simulan at palawakin ang mga toll-based processing facilities apamamagitan ng Build-Operate-Transfer o BOT scheme.
02:00.0
Sa programang ito, dapat magbayad ng user fees ang mga magsasaka at manginisda sa mga private operator para makapag-access sa processing facilities kahit na hindi ito dapat gawain ng gobyerno.
02:13.0
Layunin ni Marcos Jr. na dagdagan ang contract growing arrangements na pinamumunuan ng private sector at commercial forest plantations.
02:23.0
Magreresulta ito sa mas malaking konsentrasyon ng lupa sa mga rural na lugar at mas maraming pagpapalayas sa mga komunidad ng magsasaka at mga indigenous community.
02:34.0
Ang liberalization at deregulation ay mga economic policies na nag-aalis sa mga restriction at government controls ayon sa kanika nilang layunin.
02:44.0
Ang liberalisasyon o ang buong luwag ng pagpasok ng mga dayuhang produkto, lalo ng bigas, asukal, at iba pa.
02:53.0
Ito ay maaaring magdulot ng pagkamatay o pagpahirap sa mga magsasaka at lokal na producer dahil nakikipagkumpetensya ang mga ito sa mga imported products na higit mas mura sa lokal.
03:05.0
May posibilidad ng pagkawala ng trabaho sa sektor ng agrikultura at pabrika pati na rin ang lubusang pag-asa sa mga imported na mga produkto na maaaring magdulot ng price fluctuation sa bansa at supply disruptions sa foreign markets.
03:21.0
Halimbawa nito ay ang Rice Tarification Law na nag-liberalisa sa pag-import ng bigas at nagdulot ng halos pagkalugi ng mga magsasaka.
03:31.0
Sa kabilang banda, ang deregulasyon o ang pag-alis na ng kontrol ng gobyerno sa pagpresyo at singil ng mga pangunahing serbisyo sa tao tulad ng kuryente, tubig, skyways, expressways, at iba pa.
03:45.0
Maaaring itong magdulot ng pagtaas sa gastos, partikular na sa mga low-income family dahil hindi na ito namomonitor, nawawalan ng accountability ang mga kumpanya na nagdudulot ng monopolistic practices at mas mababang kwalidad ng serbisyo.
04:01.0
Ang Electric Power Industry Reform Act o EPIRA na nagderegula sa industriya ng kuryente ay nagdulot ng pagtaas sa presyo para sa mga konsumidor at pagbabago sa pag-privatize sa pag-produce at pag-distribution nito.
04:16.0
Sa ilalim ni ng pagkapangulo ni Marcos Jr., ang kanyang sentro ay ang privatization o pagbenta o paglipat ng pagmamayari ng isang government-owned na negosyo, operasyon, o ari-arian sa isang privado kumpanya.
04:31.0
Siya ay nagpapatupad ng isang omnibus na batas para sa Public-Private Partnership o PPP upang pag-isahin ang lahat ng mga proyekto ng gobyerno at ng sektor ng privadong infrastruktura.
04:43.0
Ang batas na ito ay magpapabilis sa proseso ng pagpapapribado ng infrastruktura sa pamamagitan ng PPP.
04:50.0
Bukod dito, ang National Economic and Development Authority o NEDA ay planong itaas ang threshold para sa mga proyekto na nangangailangan ng pag-apruba ng NEDA board, ibig sabihin magkakaroon ito ng kaunting evaluasyon at pagmonitor mula sa publiko sa mga proyekto ng PPP.
05:08.0
Gusto ni Marcos Jr. na magbigay ng mas maraming proteksyon sa mga kumpanya ng privado nakasangkot sa mga kontrata ng PPP.
05:17.0
Binago niya ang Implementing Rules and Regulations ng Build-Operate-Transfer o BOT Law.
05:23.0
Pinapalawak nito ang coverage ng material adverse government action sa lahat ng mga sangay ng gobyerno na kung saan pinapayagan nito ang contract termination at pagbaya din ang gobyerno sa naapektuhan na pribadong kumpanya.
05:38.0
Ang dalawang unang target para sa privatize sa ilalim ng Administrasyong Marcos Jr. ay ang EDSA Bus Carousel at ang Ninoy Aquino International Airport o NIA.
05:49.0
Sa unang quarter ng 2023, ang Department of Transportation o DOTR ay nagsisimula ng pagbid para sa pribadong operasyon at pagpapanatili ng EDSA Bus Carousel.
06:01.0
Ito ay sa kabila ng halos 390,000 na araw-araw na commuters na dati ay sumasakay sa bus ng libre ay ngayon kailangan na magbayad ng user fees na pribadong operator.
06:14.0
Pinapabuti rin ni Marcos Jr. ang mga patakaran at regulasyon ng PPP upang gawing mas kumikita ito para sa mga private investors sa pagprivatize ng NIA.
06:25.0
Ang recent power outage sa NIA ay ginagamit na pagkakataon upang ipagpatuloy ang pagpapribado ng paliparan.
06:33.0
Ang plano daw na ito ay upang mapabago ang outdated na paliparan, ngunit malamang na magdulot ito ng mas mahal na air travel para sa mga pasahero, kabilang ang libu-libong overseas Filipino workers na gumagamit ng NIA araw-araw.
06:47.0
Layunin ng DOTR na matapos ang mga termino ng pagprivatize ng NIA sa pagtapos ng first quarter ng 2023.
06:56.0
Sa totoo lang ang development plan na ito ni PBBM ay halos di nabago sa Pilipinas.
07:03.0
Ilan sa mga pangulo na nagpatupad ng liberalization, deregulation, at privatization sa bansa ay SINA, dating pangulong Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo, at Rodrigo Duterte.
07:18.0
Sa ilalim ni Ramos, ilang mga kumpanyang pag-aari ng Estado ay pinribatizado, kabilang ang Philippine National Oil Company at Philippine Telecommunications Corporation.
07:29.0
Tinuloy ni Estrada ang programa ng privatizasyon at binenta ng pamahalaan ang kanilang bahagi sa ilang mga korporasyong pag-aari ng Estado, tulad ng Philippine National Bank at National Power Corporation.
07:43.0
Suportado din ni Arroyo ang programa ng privatizasyon at pinribatizado niya ang ilang mga pangunahing ari-arian, kabilang ang Philippine Overseas Telecommunications Corporation at Manila Electric Company.
07:57.0
Binigyan niya ng batas ang Build Operated Transfer o BOTLAW, na nagbibigay ng framework para sa mga partnership ng pampublikong pribadong proyekto sa pag-unlad ng imprastruktura.
08:08.0
Si Duterte naman ay ang nagpirma sa Rice Tarification Law noong 2019, na nagliberalisa sa industriya ng palay sa pag-alaw nito sa unlimited rice imports.
08:20.0
Sa pangkalahatan ang mga repormang pang-ekonomiya na ito ay may layunin na mapaunlad ang bansa, ngunit maaari silang magdulot ng negatibong epekto tulad ng pagkawala ng trabaho, pagbabawas ng regulation at oversight, concentration of economic power, at pagtaas ng income inequality.
08:39.0
Kung ninanais talaga ng administrasyon paunladin ang ekonomiya ng bansa, hindi dapat sila umasa sa pag-import sa ibang bansa na ikinamamatay ng ating mga magsasaka.
08:50.0
Hindi nila dapat aalisin ang mga restriction at control ng gobyerno sa mga bilihin.
08:56.0
At hindi dapat nila ipagbenta ang mga pampublikong mga ari-arian ng mga ito.
09:02.0
Hindi ang mga band-aid solutions at pagbibenta ng mga ito ang solusyon, dahil kung ito talaga ay gumagana, bakit hindi pa maunlad ang bansa?
09:11.0
Sa panahon ni Ramos, Estrada, Arroyo, at Duterte, pare-pareho silang nangako ng unlad na ang bansa sa kanika nilang mga development plan, pero saan to naghantong?
09:22.0
Sa mataas na bill ng kuryente, patuloy na pagtaas ng bilihin, dapat ay magkaroon ng tunay na industrialisasyon ang Pilipinas.
09:32.0
Dapat ang bansa na mismo ang lumilikha ng mga makina, sasakyan, barko, heavy equipments, at iba pa, para magkaroon ng mga trabaho ang mga Pilipino at hindi na nag-abroad.
09:44.0
Tutal napakayaman natin sa mineral at marami tayong mga professionals at skilled na trabahador na nagtatrabaho sa mga industriya.
09:53.0
Dapat din sa bayan ang tunay na reforma sa lupa at mekanisasyon at kaunlaran sa kanayunan at agrikultura.
10:23.0
Thank you.