Close
 


SINO ANG MGA GATCHALIAN NG VALENZUELA CITY?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SINO ANG MGA GATCHALIAN NG VALENZUELA CITY? #informador #gatchalian #valenzuelacity #enzorecto #attyrpt #bunyog
Enzo Recto
  Mute  
Run time: 10:13
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:30.0
Ang pamilyang Gatchalian ay isang kilalang pamilya sa politika at negosyo mula sa Valenzuela City.
00:39.0
Ang pamilya ay kilala sa malakas na presensya nito sa parehong politika at negosyo na may maraming miyembro na humahawak ng mga posisyon sa politika at nagmamay-ari ng mga matagumpay na kumpanya.
00:52.0
Ang mga kilalang miyembro ng Gatchalian ay sina Wyn, Kenneth, Rex, at Wes, na siyang parehong anak ni na business industrialist William Gatchalian at Di Hua Ting, na siyang pastor at tsirma ng kanilang simbahan na Jesus Our Life Ministries.
01:08.0
Bagamat hindi pumasok sa politika ang mag-asawa, ang mga anak nito ang nagsimula ng kani-kanilang karir sa politika, simula sa panganay ng ngayong senator Wyn Gatchalian.
01:19.0
Si Sherwin Wyn Ting Gatchalian ay ang isang politiko at negosyante na nagsisilbing senador mula noong 2016. Sa buong karir niya sa politika, siya ay miyembro ng Nationalist People's Coalition o NPC.
01:34.0
Dati siyang nagsilbi bilang 1st District Representative ng Valenzuela mula 2001-2004 at mula 2013-2016. Siya ang naging mayor ng Valenzuela mula 2004-2013.
01:52.0
Sinunda naman siya ng kanyang kapatid na si Reclon Rex Ting Gatchalian nang tumakbo ito bilang 1st District Representative ng Valenzuela noong 2004 ngunit natalo ni outgoing mayor Bobbitt Carlos.
02:06.0
Noong 2007, muli itong tumakbo sa parehong puesto at nahalal bilang 1st District Representative ng Valenzuela hanggang 2013.
02:16.0
Nakatatlong termino naman siya sa pagka-mayor ng Valenzuela noong 2013, 2016 at 2019. At dahil term-limited na siya sa pagka-mayor, tumakbo muli siya bilang 1st District Representative ng Valenzuela noong 2022.
02:35.0
January 31, 2023 nang i-appoint ni PBBM si Rex Gatchalian bilang Secretary of Social Welfare and Development.
02:46.0
Si Wesley West Ting Gatchalian naman ang bunsong kapatid ng mga Gatchalian na pumasok sa politika na siyang sunod nahalal kay Rex Gatchalian sa pagka-mayor sa Valenzuela noong 2022.
02:59.0
Una siyang nahalal sa public office noong 2013 bilang party list representative ng Alay Buhay Party List hanggang 2016 at naging isa SE District Representative ng Valenzuela.
03:12.0
Bilang representative, nagsilbi siya bilang House Deputy Speaker mula 2020 hanggang 2022.
03:20.0
Nagsimula ang tagumpay ng pamilya noon kay William Gatchalian nang nagtatag siya ng kumpanya sa plastic industry noong 1969 sa Valenzuela City.
03:30.0
Ang kumpanya na ito ay lumago at ngayong isa ng conglomerate ng mga kumpanya tinatawag na Wellex Group Inc.
03:39.0
Mula sa isang maliit na pabrika ng plastik, mula noon ay naging isa ito sa pinakamalaking investment firms sa Pilipinas na may mga interes mula sa hotel businesses hanggang real estate development, oil mining, aviation, trading and banking.
03:55.0
Ilan sa mga kabilang na kumpanya sa Wellex Group Inc. ay sa industriya ng hotel at kasinos ang Waterfront Hotels and Casinos.
04:05.0
Sa real estate, Philippine Estates Corporation na may mga township na nagngangalang Jaro Grand Estates sa Iloilo, Pacific Grand Villa sa Cebu, Metro Manila, at Valenzuela, Metro Tech Industrial Park sa Valenzuela, at Pearl of the Orient sa Rojas Boulevard, Manila.
04:23.0
Isa din ang Plastic City Corporation o Plastic City Compound sa Canumay, Valenzuela.
04:29.0
Sa industriya ng Petrochemicals, NPC Alliance Corporation. Sa Aviation, Air Philippines. Sa Trading, Consumer Products Distribution Services, Inc. at GAC Logistics, Inc.
04:45.0
Sa Oil Exploration, Wellex Petroleum Inc. at Forum Pacific Inc. Sa Mining, Wellex Mining Corporation. At sa Banking, Express Savings Bank Inc.
04:59.0
Liban pa dito ang mga ilang mga kumpanya na kabilang din sa mga korporasyon na ito. Katapusan ng January 2023, anti-mining groups at mga residente ng Sibuyan Island ng Romblon ay bumuo ng human barricade upang ihinto ang pagmimina ng mga truck na naglalaman ng nickel ore ng isla.
05:20.0
Nananawagan ang mga residente ng Sibuyan Island sa Romblon na suspindihin ang mining exploration activities doon dahil ang pagkuhan ng nickel ore ay nakakasira sa ekosistem ng isla gayon din sa mga lokal na kabuhayan doon.
05:35.0
Hinimok ng mga Sibuyanon ang Department of Environment and Natural Resources na suspindihin ang mining operations ng Altay Philippines Mining Corporation o FMC sa isla na tahanan ng mga natatanging flora at fauna.
05:51.0
Ang Sibuyan Island ay tinawag na Galpagos of Asia dahil ito ay hiwalay sa kapuluan ng Pilipinas at katulad sa volcanic islands ng Galpagos, mayaman ito sa mga kakaibang halaman at hayop na hindi matatagpuan saan man sa mundo.
06:07.0
Si Kenneth Gatchalian, isang miyembro ng pamilya Gatchalian, ay ang direktang beneficiaryo ng Dinamo Atlantic Ltd. na nag-acquire ng Sibuyan Nickel Properties Development Corporation, isang partner ng Altay Philippines Mining Corporation o ATMC.
06:23.0
Ang grupo ng Gatchalian ngayon ay may-ari ng ATMC.
06:28.0
Matatandaan na ang 25-taong mineral agreement para sa pagmimina sa Sibuyan Island ay nagsimula noong December 2009 bilang isang midnight deal ng dating kalihim ng Din na si Atienza, bago siya tumalikod sa kanyang posisyon upang tumakbo para sa isang lokal na posisyon.
06:47.0
Di lang ito ang mga kontrobersyal na kinakaharap ng mga Gatchalian. 2009 nang si ombudsman Conchita Carpio Morales ay nagpahayag ng pagkumpirma sa nahanap na probable cause dahilan upang kasuhan ang dating mga opisyal ng Local Water Utilities Administration o LWU, mga opisyal ng Wellex Group Inc., Forum Pacific Inc. at Express Savings Bank Inc. o SB, sa kaugnay sa hindi tamang pag-acquire ng SB.
07:16.0
Ang Arroyo Apointee, kasina si Prospero Pichay Jr. ng LWU ay namili ng mga bangko na kung saan isa dito ay ang Express Savings Bank Inc. o FC, isang lokal na thrift bank na nasa Laguna na pag-aari ng mga Gatchalian.
07:32.0
Sinasabing ang bangkong ito sa Laguna ay lugi o bankrupt na, ngunit binili pa din ng LWU.
07:39.0
Ang pagbili na ito ay inaaprobahan ng kahit na malinaw na lugi na ito at nakapaglipat ng halos 780 milyon pesos mula sa pundo LWU ay patungo sa FC ng walang regulatory approval galing sa Monetary Board.
07:55.0
Ang transaksyon ay nagresulta sa pagbabayad ng humgit kumulang 80 milyon pesos sa mga may-ari ng bangko.
08:02.0
Ang SB ay na-place sa ilalim ng receivership at kasalukuyang nasa proseso ng pagliliquidate ng Philippine Deposit Insurance Corporation.
08:11.0
Ang gobyerno ay nawala ng hindi bababa sa 80 milyon 3,070 pesos dahil sa pagbili nito.
08:18.0
2016 nang nag-post ng 90,000 pesos bail si William Gatchalian, na kilala rin bilang Plastics King, patungkol sa krimen tungkol sa aligasyon ng hindi tamang pag-aari ng bangko ng LWU.
08:33.0
Siya ay akusado ng tig-isang count ng violation sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Malversation of Public Funds, at Manual of Regulation for Banks.
08:44.0
Ang kanyang asawa, anak, at ilang executive ng kanyang kumpanya, ang Wellex Group Inc., ay co-accused din sa kaso at nag-post ng parehong halaga ng bail.
08:55.0
Sa yaman at kapangyarihan ng mga Gatchalian sa iba't ibang industriya ng bansa at politika, masasabing walang laban talaga dito ang ordinaryong Pilipino.
09:05.0
Paano na ang mga sibuyano na lumalaban sa kanilang kabuhayan at likas-yaman ng kanilang lugar?
09:11.0
Kung ang mga Gatchalian ay kayang-kaya mag-bail out sa halos ilang milyon na graft case na ito at patuloy pa din na mamayapag sa politika, panigurado ng kayang-kaya din nilang lusutan ang pagkasira at pagmina sa yaman ng Sibuyan Islands.
09:26.0
Sa pagka-appoint ni Rex Gatchalian bilang sekretary ng DSWD, pinapatibay nito ang hawak ng pamilya sa politika.
09:35.0
Susunod na ba ito sa pagkasenador sa kapatid nitong Siwin Gatchalian?
09:40.0
Isang matinding denasti naman ba sa politika ang binubuo ng pamilyang Gatchalian ng Valenzuela City?
10:10.0
Thank you for watching!