Close
 


Paano Uminom ng Tubig para Ligtas ang Kidneys. -By Doc Willie Ong (internist and Cardiologist)#1410b
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Libreng Lunas at Effective! I-Share natin sa kaibigan po. Paano Uminom ng Tubig para Ligtas ang Kidneys. By Doc Willie Ong (internist and Cardiologist)#1410b Panoorin ang Video: https://youtu.be/9QdfVHjBc-g
Doc Willie Ong
  Mute  
Run time: 16:35
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Simpleng tip lang po. Tamang pag-inom ng tubig para maligtas yung kidneys natin.
00:08.0
Yan ang gusto natin para sa inyo. Libre, mura, walang babayaran.
00:13.0
Simpleng pag-inom lang ng tubig na nakikinig sa atin.
00:17.0
Hindi na magkakasakit sa kidney stones, UTI, at hopefully, mabawasan ang kidney failure.
00:25.0
Tamang pag-inom ng tubig lang, mababawasan ang risk ng kidney disease.
00:32.0
At 80% ng Pilipino hindi umiinom ng sapat na tubig.
00:38.0
Kung sapat lang ang pag-inom natin ng tubig, marami, matitipid,
00:44.0
masahaba buhay nyo, hindi kayo magkakasakit, hindi pa maka-hospital.
00:50.0
Hindi maka-hospital sa mga kidney disease.
00:53.0
Tingnan mo ang estimate sa Europe.
00:56.0
Sabi nila, pag ang mga tao sa Europe, I think sa kahit anong lugar sa buong mundo,
01:02.0
uminom lang ng dalawang litrong tubig araw-araw, 8 glasses, matitipid nila 273 million euros.
01:11.0
Around 13 billion pesos matitipid.
01:14.0
Tayo siguro dalawang billion, ilang billion matitipid.
01:18.0
Bakit makakatipid tayo kung inom lang tayo ng 8-10 basong tubig?
01:24.0
Kasi inom lang daw ng tubig every hour.
01:30.0
5 seconds lang ang pag-inom mo.
01:32.0
I mean, basta uminom ka every hour, marami nang maiwasan.
01:36.0
Anong mga sakit na maiwasan? Napakarami.
01:40.0
UTI, infection sa ihi.
01:43.0
Merong na-admit yan, masakit pag ihi, nilalagnat.
01:47.0
Gamot sa UTI, ang first aid yan talaga, uminom ng maraming tubig.
01:52.0
Yung iba nga, yung mga mild UTI lang sa babae, yung mga simple UTI lang sa babae,
01:58.0
iinuman mo lang ng dalawang basong tubig,
02:01.0
bigla, pag na-ihi mo yan, mababawasan na.
02:05.0
Paano nga, pag konti ang ihi natin, yung bakteria sa daanan ng kidney, sa pantog,
02:12.0
ay mabilis dumami.
02:14.0
Kasi konti siya.
02:16.0
Pero kung marami ininom mong tubig, yung konting bakteria doon, medyo lalabnaw.
02:22.0
Mas hindi siya makaka-apekto.
02:25.0
Diba? Parang sa inidoro, diba?
02:28.0
Pag umihi ka na madilaw, pag konti lang ang tubig, parang sobrang dilaw.
02:33.0
Pero kung marami ang tubig ininom mo, tapos flush ka pa ng flush.
02:38.0
Pag isang beses, pasensya na sa example ko,
02:41.0
Pag isang beses mo lang pinilash ang inidoro, tapos umihi ka, parang hindi pa ganun kalinis.
02:47.0
I-flush mo dalawang beses, mas malinis ang tubig.
02:51.0
I-flush mo tatlong beses, mas malinis pa.
02:53.0
Ganun din yan.
02:55.0
So, pag inom tayo ng maraming tubig, yung mga bakteria sa ihi, mababawasan.
03:01.0
Matatanggal pa, lalo na kung mild lang ang UTI sa babae o sa lalaki.
03:06.0
Isa pa, kidney stones.
03:08.0
Kung meron kayong bato sa bato, ako nagkaroon na ng kidney stones.
03:11.0
Kasi nung resident ako, fellow ako sa PGH,
03:16.0
di ako gano'ng minom ng tubig.
03:18.0
Kasi tinatamad ako mag-CR, punta sa pasyente, mag-CR, punta sa pasyente, nagmamadali.
03:23.0
Kala ko makakatipid ka ng oras, hindi pala.
03:26.0
Magkakakidney stones ka, sobrang sakit.
03:30.0
Parang dito sa may private part mo, feeling mo parang magdudumi.
03:36.0
Parang dudumi ka, parang nagka-crumps.
03:39.0
Pero wala namang lalabas ng dumi.
03:41.0
Kidney stone na pala.
03:43.0
So, paano mawalang kidney stone?
03:44.0
Inom lang maraming tubig.
03:45.0
Siguro, 3 litro, 12 glasses a day. Mahugasan.
03:50.0
May mga infektiyon sa katawan, may lagnat.
03:53.0
Tubig lang ang katapat yan.
03:54.0
Mataas ang lagnat mo.
03:55.0
Inuman mo maraming tubig.
03:57.0
Pag may sakit ka, kasi dehydrated ka.
04:00.0
Pag lumabas yung ihi mo, bababa yung lagnat.
04:04.0
O paano ito nangyari?
04:06.0
Tubig mo, normal, maligam-gam na tubig.
04:10.0
Tapos paglabas ng ihi mo, ang init.
04:13.0
Kasi ang init ang temperature mo.
04:15.0
So, paglabas ng ihi mong mainit, bababa ang temperature mo.
04:19.0
Bababa lagnat.
04:20.0
May sakit sa baga, may plema.
04:22.0
Ang dami mong plema.
04:24.0
Pag maraming tubig iinumin mo, magiging mas malabnaw ang plema mo.
04:30.0
Sakit ng ulo, migraine, headaches.
04:33.0
Pag masakit ang ulo mo, minsan dehydrated lang yan.
04:38.0
Dehydrated lang ang problema yan.
04:41.0
So, bibigyan ko kayo ng tips.
04:43.0
Paano ang tamang pag-inom ng tubig?
04:47.0
Unang-una, every hour mas maganda.
04:50.0
Every 30 minutes, every hour.
04:53.0
Pwede rin ito sa sakit sa tiyan.
04:56.0
May hyperacidity, may GERD.
04:59.0
Marami dyan may GERD, may hyperacidity.
05:01.0
Like ako, di ba?
05:03.0
Bago ako humiga sa gabi, at least 3 hours na nakalipas yung pagkain ko.
05:08.0
Pero minsan after 3 hours, mapifil mo sa madaling araw.
05:11.0
Parang may laway dito.
05:13.0
Kailangan nakataas yung higa mo.
05:15.0
Kundi aakyat yung kinahin mo.
05:17.0
Iinuman ko yan ng tubig kahit madaling araw.
05:19.0
Para lang mahugasan ito.
05:20.0
Kasi yung acidus at yan,
05:22.0
Pag kumakyat dito sa lalamunan, hindi mo nahugasan,
05:26.0
Pwede masira yung lalamunan mo.
05:28.0
Yung mga singers, bawal yan, di ba?
05:31.0
Yung mga nagsasalita, masisira lalamunan mo.
05:34.0
Pag tumama doon yung acid.
05:36.0
Kaya kailangan sips of water every 30 minutes, every hour.
05:40.0
Pag ising.
05:41.0
Pag sa gabi, syempre kung kailan lang nagising.
05:44.0
Ito po, Japanese water therapy.
05:48.0
Pinakamaganda talaga tubig.
05:50.0
Pwede tubig, kung gusto mo tsaa minsan.
05:53.0
Malabnaw naman ng tsaa.
05:54.0
Gusto mo lemon water, okay din yan.
05:57.0
Mas maganda, hindi alak ang liquid mo.
06:02.0
Hindi soft drinks, hindi iced tea, matamis kasi yan.
06:06.0
Kape, siguro hanggang dalawang tasa lang.
06:08.0
Huwag din masyadong maraming coffee.
06:10.0
Kasi madi-dehydrate din kayo.
06:12.0
Maraming benefit yung water therapy.
06:16.0
Nakakapayat din sya, kasi tubig lang.
06:19.0
Good for metabolism, lalo na pa nag-exercise.
06:23.0
Pag nag-exercise kayo, bago mag-exercise, inom ng tubig.
06:26.0
Tapos mag-exercise, inom ng tubig.
06:29.0
Kasi makikita mo, magbabago kulay ng ihing mo pang nag-exercise ka.
06:33.0
Mas madilaw.
06:34.0
Metabolism, fights kidney stone, kidney infection, heartburn.
06:38.0
Sinabi ko sa inyo, healthy skin, pampaganda ng balat.
06:42.0
Prevents headache.
06:44.0
Pampapayat, kasi zero calories.
06:47.0
Libre lang ito.
06:49.0
Walang babayaran dito, walang bibilhin, inom ka lang ng tubig.
06:53.0
Basta malinis ang tubig mo.
06:54.0
Kahit anong tubig, wala tayong na-endorse sa kahit anong tubig.
06:59.0
Yung tubig na malinis lang.
07:00.0
Kung purified water, kung gusto mo bottled water.
07:03.0
O pinakuluan, nasa sa inyo po.
07:06.0
Pero ang pag-inom ng tubig, tulad na sinabi ko, may limit din.
07:12.0
Hindi unli ang tubig.
07:16.0
May limit.
07:18.0
Ang gusto natin, ang kulay ng ihi, ganito.
07:21.0
Light yellow, ito pinakamaganda.
07:23.0
Kung mas light pa, okay din.
07:25.0
Pag-ising nyo sa umaga, ganito ang kulay ng ihi.
07:28.0
Dehydrated na ito.
07:30.0
Kaya sa Japanese Water Therapy,
07:32.0
Payo ko nga pag-ising sa umaga.
07:34.0
Ako nga, madaling araw.
07:36.0
Pag gumising ko, 4am.
07:37.0
Uunahan ko na, isang basong tubig na maligam-gam.
07:40.0
Ito, isang baso o dalawang basong tubig sa umaga.
07:44.0
Para maging ganito.
07:45.0
Pag ganito na, ay hindi na ito maganda.
07:48.0
Dehydrated, parang may dugo na ito.
07:50.0
Pinkish, baka may dugo na ito.
07:53.0
So, dapat ganito lagi.
07:55.0
Pag nakita nyo dumidilaw ng ganito,
07:58.0
Inom na kayo ng tubig.
08:00.0
Okay.
08:01.0
Pampapayat.
08:03.0
Ano ang limit?
08:05.0
Para sa akin, 8 to 10 glasses.
08:07.0
Pero siguro kung masyadong mainit,
08:09.0
Nag-exercise kayo,
08:10.0
Umabot kayo ng 12 glasses,
08:12.0
Labing dalawang baso o 3 litro, okay din yun.
08:15.0
Ang maximum, for the average person,
08:18.0
ay 4 litro or 16 glasses a day.
08:22.0
Huwag na kayo lumampas.
08:24.0
Lalo na kung payat kayo,
08:26.0
Nasa size din natin yan, huwag na tayo lumampas.
08:29.0
Kasi pag lalampas dyan,
08:31.0
May danger din ng hyponatremia.
08:34.0
Ibig sabihin, lumalab daw masyado yung dugo.
08:37.0
Bumababa ang sodium.
08:39.0
Meron kasi yung sodium potassium sa dugo natin.
08:43.0
Hindi pwede sumobrababa ang sodium.
08:46.0
Pag sumobrababa ang sodium, bakit?
08:48.0
Ginawa mo malabnaw.
08:50.0
Dinamihan mo ng tubig mo.
08:51.0
Lumabnaw masyado.
08:52.0
Nagugulo yung utak natin.
08:54.0
Pwede masuka.
08:56.0
Pwede magkumbulsyon.
08:58.0
Pwede mahilo.
09:00.0
Kaya hindi maganda rin.
09:01.0
Sobra labnaw.
09:02.0
Tama-tama.
09:04.0
Tapos, kung meron kang heart failure,
09:06.0
Sa may edad.
09:07.0
Sa may edad, dahan-dahan lang.
09:09.0
Baka hindi kayanin ng puso.
09:10.0
Minsan yung biglang, lalo na mahina ang puso.
09:13.0
O may kidney failure.
09:14.0
Na sira na talaga ang kidneys.
09:16.0
Na umihi.
09:17.0
O may manas.
09:18.0
Hindi na po pwede.
09:19.0
Pero basically,
09:20.0
Sa ordinaryng tao,
09:22.0
Sa atin na healthy,
09:24.0
Mas maganda pa rin 8 to 10 glasses.
09:26.0
Alam ko, pwede naman less than 8 glasses.
09:28.0
Pero para sigurado, damihan nyo na.
09:30.0
Wala naman masama.
09:32.0
Basta i-balance nyo lang sa buong araw.
09:36.0
Huwag agad-agad.
09:37.0
Like ngayon,
09:38.0
Tapos manood ng video,
09:40.0
Umihi kayo, tingnan nyo anong kulay.
09:42.0
Pag medyo dark, inom na kayo isang basong tubig.
09:45.0
Pwede rin ang lemon water.
09:48.0
Ang lemon water, konting lemon lang nilalagay mo.
09:51.0
Nasa sa inyo.
09:53.0
Ang lemon water, marami siyang benefits.
09:56.0
Marami nilalagay sa mga articles na sinosobrahan ng benefits.
10:01.0
Parang anti-cancer, anti-
10:03.0
Actually, hindi naman talaga.
10:05.0
Ang napatunayan ng research,
10:08.0
May benefits hanggang dito lang sa apat na ito.
10:12.0
Basically, apat lang yan.
10:14.0
Pampalakas, good for energy.
10:19.0
May vitamin C, may tulong.
10:22.0
For digestion, pwede yan.
10:24.0
Maraming tubig.
10:26.0
Pampapayat, pwede yan.
10:28.0
For exercise performance, pwede yan. May tulong.
10:32.0
At ang lemon water, meron siyang citrate.
10:35.0
Yung citrate, nakakapigil sa kidney stones.
10:39.0
Yung calcium stones.
10:41.0
So, kung prone kayong magkaroon ng kidney stones,
10:44.0
Pwede ang lemon water. May citrate siya.
10:47.0
Parang gamot din yang binibigay sa kidney stones.
10:51.0
Gano'ng karaming tubig ang iniinom.
10:55.0
Kung bata, 1 to 3 years old.
10:57.0
Mga 4 na baso.
10:59.0
Bata, 4 to 8 years old.
11:01.0
6 na baso.
11:02.0
Adult, adult size, 8 to 10.
11:05.0
Mga 10 glasses.
11:07.0
Buntis, nagpapadede, breastfeeding.
11:10.0
Mas marami, 13 glasses.
11:12.0
Mas malaking tao, construction worker, napapawisan.
11:16.0
Mas maraming tubig.
11:18.0
Tapos, isa pa kung talagang nagtatae.
11:23.0
O talagang pawis na pawis.
11:25.0
Minsan, hindi lang tubig.
11:27.0
Kailangan meron ka konting salt and sugar.
11:30.0
Anyway, kailangan meron ka rin kinakain.
11:33.0
Ganito, pinakamaganda.
11:35.0
Ito, medyo dark.
11:37.0
Ito, hindi na maganda pag ganyan ang kulay ng ihi.
11:39.0
Paano naman pag lumabo na yung ihi?
11:42.0
Pag cloudy na siya.
11:43.0
Minsan pag tingin nyo, cloudy.
11:46.0
Kaya sabi ko, yung example ko sa inidoro,
11:48.0
I-wash mo lang. Malaking tulungan tubig.
11:51.0
Meron pang bagong pag-aaral.
11:54.0
Lately lang ito, I think this year.
11:56.0
Yung mga dehydrated, hindi ka naumiinom ng tubig.
12:01.0
Una-una, pumapangit.
12:03.0
Lumulubog yung muka.
12:04.0
Lumulubog yung mata.
12:05.0
Kulang sa tubig.
12:07.0
Plus, mas nagkakaroon sila ng heart failure.
12:11.0
So, nagtataka nga yung mga experts doon,
12:14.0
Bakit yung mga hindi umiinom ng tubig,
12:17.0
sila pa humihinang ang puso?
12:19.0
Kala natin, bawal maraming tubig.
12:22.0
Kala natin, pag sinobrahan mo ng tubig,
12:24.0
mga heart failure, baliktad pala.
12:26.0
Yung nung bata pa sila,
12:28.0
lagi silang dehydrated,
12:30.0
nahihirapan pala ang puso.
12:32.0
Pag dehydrated yung katawa,
12:33.0
nahihirapan yung katawa,
12:34.0
nahihirapan yung puso,
12:36.0
bumibigay siya, nag-heart failure.
12:38.0
So, dapat, hydrated ka habang healthy ka pa.
12:41.0
Pero syempre, kung malala na yung sakit sa puso,
12:44.0
mahina na, heart failure o kidney failure,
12:47.0
remedyo-remedyo, babawasan na yung tubig.
12:51.0
Pero, pang malalang sakit na yun,
12:53.0
para sa ating healthy pa,
12:55.0
kailangan maraming tubig.
12:57.0
So, pag cloudy ng ihi mo,
12:59.0
baka dehydrated ka,
13:00.0
baka may infection ka,
13:02.0
baka may diabetes,
13:04.0
baka may kidney stone,
13:05.0
baka may UTI.
13:07.0
Okay, symptoms of UTI,
13:09.0
masakit sa pag-ihi, may nilalagnat.
13:12.0
Mga diabetes din,
13:14.0
ihi din ang ihit.
13:16.0
Pag may diabetes,
13:17.0
ihin ang ihit,
13:18.0
magugulo yung payo natin.
13:21.0
So, ang kailangan nito ay
13:23.0
gamot sa diabetes.
13:25.0
Paggamot mo yung diabetes mo,
13:27.0
kasi mababago yung ano natin.
13:30.0
Yung mga may problema sa prostate,
13:32.0
ihi din ang ihit,
13:34.0
papa-check din natin yung prostate sa mga lalaki 40, 50 and above.
13:40.0
Ihin ang ihis sa gabi,
13:42.0
masaring problema ito.
13:44.0
Ako, madalas ako,
13:46.0
sa tingin ko kasi isang reason,
13:48.0
ito, bago lang ito,
13:49.0
yung umiihi sa gabi.
13:51.0
Minsan kasi, syempre, pag tumatanda tayo,
13:53.0
mas manas yung paa.
13:54.0
Yan ang napapansin ko.
13:55.0
Mas tumatanda,
13:56.0
syempre, mas ano na yung mga ugat natin sa paa,
13:59.0
hindi na gano'ng kaganda.
14:01.0
So, mas nagmamanas.
14:02.0
So, pag-higa natin,
14:03.0
yung tubig sa paa,
14:04.0
minsan maabot ng 5 liters yan,
14:06.0
kung may manas ka,
14:08.0
bumabalik sa katawan.
14:09.0
Kaya na iihi ka sa gabi.
14:11.0
So, sa akin, wala namang masama doon.
14:14.0
Alangan naman di tayo uminom.
14:16.0
Siguro, bago ka lang matulog,
14:18.0
iihi mo lang maigi.
14:20.0
Ang tip ko dyan,
14:21.0
may tip ako dyan.
14:23.0
I-try nyo double urination.
14:27.0
O, bago lang itong payo ko sa inyo.
14:29.0
Double urination.
14:31.0
Lalo na sa may edad.
14:32.0
Naka-iihi ka na, di ba?
14:34.0
Okay.
14:35.0
O, intay ka muna sandali sa urinal.
14:37.0
O, mag-imagine ka muna.
14:39.0
Mamaya, after a few seconds,
14:41.0
o 30 seconds,
14:42.0
mapapansin mo,
14:43.0
uy, meron pa ang iihi.
14:45.0
Uy, magko-contract ulit.
14:46.0
So, second, iihi mo lahat.
14:49.0
So, unang iihi, may matitira pa ang residual urine.
14:53.0
Siguro, may problema sa prostate,
14:55.0
o nangkakaida.
14:56.0
Tapos, iihi mo pa pangalawang beses.
14:58.0
Para pigang-piga.
15:00.0
Bago ka matulog sa gabi.
15:02.0
O pag kumiihi ka sa umaga,
15:03.0
mas maganda yan.
15:04.0
Para hindi ka rin iihin ng ihi sa gabi,
15:06.0
o iihin ng ihi sa umaga.
15:08.0
Pa-check din, baka may ibang problem.
15:10.0
Sa pantog, sa prolapse,
15:13.0
kung babae, maraming anak,
15:14.0
o sa prostate,
15:15.0
o baka may infection.
15:16.0
O yan, nangkakaidad.
15:20.0
Okay.
15:21.0
So, yan po.
15:22.0
Limit din ang kapi sa gabi.
15:24.0
Yan ang mga tips natin.
15:26.0
Pwede ka naman magbawas ng tubig sa gabi,
15:29.0
o iwas ang mga kapi,
15:30.0
healthy weight,
15:32.0
elevated during the day.
15:33.0
Ayan o, kita niyo.
15:35.0
So, ibig sabihin,
15:36.0
yung manas sa gabi na,
15:39.0
kaya sa gabi bumabalik yung tubig sa puso,
15:43.0
kaya umiihi sa gabi.
15:44.0
Ang magagawa lang natin sa akin,
15:46.0
basta safe lang sa gabi.
15:48.0
Meron kang konting ilaw,
15:49.0
may night light ka.
15:51.0
Yung CR malapit lang sa'yo.
15:53.0
Walang masama.
15:54.0
Gumising ka every 3 hours.
15:57.0
Punta ka sa CR.
15:58.0
Ingat lang, huwag madadapa.
16:00.0
Okay.
16:01.0
So, simpleng pag-inom ng tubig,
16:03.0
marami, masasold na problema nyo.
16:05.0
Libre, walang babayaran.
16:07.0
Share nyo po sa inyong mga kaibigan.
16:09.0
God bless po.
16:10.0
Anong klaseng tubig daw?
16:12.0
Tubig lang, pwede na.
16:13.0
Huwag na kayo bumili ng mamahalin.
16:15.0
Wala po ako ina-endorse.
16:16.0
Wala kayong bibiling malinis na tubig.
16:19.0
Purified water,
16:21.0
pwede na yan.
16:22.0
Yung galong-galon.
16:23.0
Gusto nyo bottled water,
16:24.0
pwede.
16:25.0
Gusto nyo pakulo,
16:26.0
basta malinis na tubig,
16:27.0
pwede.
16:28.0
Mineral water,
16:29.0
okay din naman.
16:30.0
Basta malinis.
16:31.0
Yun lang ang kailangan natin.
16:32.0
Salamat po.