Close
 


Ang Reyna Na Nalunod Dahil Bawal Siyang Hawakan
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Don't forget to Subscribe: http://bit.ly/8moobly SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #crime #history #tragedy
Moobly TV
  Mute  
Run time: 07:44
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Nagmamakaawas si Queen Sunandha Kumariratana na iligtas siya at ang kanyang dalawang taong gulang na anak mula sa Rumaragasang Agos ng Ilog.
00:10.7
Ngunit ang tahangin ginawa ng mga kasaman niyang gwardya at ng mga taong nanonood ay hayaan silang mamatay.
00:18.0
Paano ito nangyari? Bakit wala man lang tumulong sa Reyna at sa kanyang anak?
00:23.0
Pero bago natin masagot ito, kailangan muna natin kilalanin si Queen Sunandha Kumariratana.
00:28.5
Si Sunandha Kumariratana ay ang ikalimampung anak ni King Rama IV ng Siam na ngayon ay Thailand.
00:36.5
Ipinanganak siya noong ikasampu ng Nobyembre 1860.
00:40.5
Sa murang edad ay ikinasal siya sa pumalit sa kanyang ama na si King Rama V o mas kilala bilang King Chulalongkorn.
00:49.0
Hindi nag-iisang asawa ng hari si Sunandha Kumariratana sa kultura ng Siam.
00:54.5
Ang hari ay dapat magkaroon ng higit sa isang partner upang masiguradong may magmamana ng trono.
01:00.5
Ito ang mga tinatawag na mga concubines.
01:03.5
Dalawa sa mga concubines ng hari ay kapatid ni Sunandha Kumariratana,
01:08.5
ngunit ayon sa mga kwento, siya ang pinakamamahal ni King Chulalongkorn.
01:14.0
Si Sunandha Kumariratana bilang first wife ng hari ay ang tumatayong Queen Consort o sa madaling salita, Reyna ng Siam.
01:23.5
Si King Chulalongkorn ay kilala sa kanyang pagiging mabuting hari.
01:27.5
Marami siyang pagbabagong ipinatupad sa kaharian ng Siam.
01:31.5
Ito ang naging dahilan kaya hindi nasakop ng ibang kaharian o bansa ang Siam noon.
01:38.5
Inayos niya rin ang pagkulekta ng tax sa kaharian.
01:41.5
Tinanggal niya ang mga nakaugaliang tradisyon at batas na sa palagay niya ay hindi tama,
01:47.5
katulad na lamang ng slavery at sapilitang pagtatrabaho para sa gobyerno na walang bayad.
01:53.0
Isa pa sa mga tinanggal niyang tradisyon ay ang pagdapa kapag kinakausap ang miyembro ng royal family.
01:59.0
Para sa kanya, hindi ito makatao.
02:02.0
Ngunit may isang tradisyon siyang hindi tinanggal na kalaunan ay magiging dahilan ng pagkawala ng kanyang pinakamamahal na Reyna.
02:11.0
At labis itong pagsisisihan ng hari.
02:14.5
Buntis noon ang Reyna Sunandha Kumariratana sa kanilang pangalawang anak ni King Chulalongkorn.
02:21.0
Nang magpasyasyang umalis kasama ng kanyang anak na babae na si Princess Karnaborn Bedjararatana,
02:28.0
balak niya ang pumunta sa kanilang bahay bakasyunan, ang Bangpa-in Royal Palace.
02:33.5
Nasa labas ito ng Bangkok, kaya't kailangan pa ng Reyna at ni Princess Karnaborn Bedjararatana
02:39.5
kasama ang ilang mga gwardya na tawirin ang Chowpraya River, ang pinakamalaking ilog sa Siam.
02:47.0
Dahil nga kabilang siya sa royal family, sinakay sa hiwalay na bangka ang Reyna at ang prinsesa.
02:53.0
Nakatali ang bangkang ito sa mas malaki pang bangka na siyang magdadala sa mag-ina sa kabilang bahagi ng ilog.
03:00.0
Ngunit sa kasagsagan ng kanilang pagtawid ay bigla na lamang rumagasa ang tubig sa ilog.
03:06.0
Hindi ito nakayanan ang kanilang bangka, kaya tumuob ito kasama ang Reyna at ang prinsesa ng Siam.
03:13.0
Nagmamakaawa si Queen Sonanha Kumariratana na iligtas siya at ang kanyang dalawang taong gulang na anak
03:20.5
mula sa rumaragasang agos ng tubig sa ilog.
03:24.0
Ngunit ang tanging ginawa ng mga kasama niyang gwardya at ng mga taong nanonood ay pagmasdan sila.
03:31.0
Isang maaaring dahilan ay ang paniniwala ng mga Siamese na kapag may nalulunod at tinulungan mo ito,
03:38.0
ikaw ang lalamuni ng tubig, kapalit ng buhay na sinagip mo.
03:42.5
Pero hindi ito ang pangunahing dahilan.
03:45.5
Ang dahilan ay ang paniniwala ng hindi maaaring hawakan ng ordinaryong tao ang miyembro ng royal family.
03:51.5
Oo, ito ang tradisyong hindi tinanggal ni King Chulalongkorn.
03:56.0
Hindi malinaw ang dahilan kung bakit bawal hawakan ng miyembro ng royal family.
04:00.5
Ang maaaring dahilan ay dahil Diyos o makapangyarihan ang tingin ng mga tao sa kanila noon.
04:07.5
Dahil dito ay nagdalawang isip ang mga gwardya at mga nakasaksi sa pangyayari
04:12.5
kung dapat ba nilang sagipin ang Reyna at ang prinsesa.
04:16.0
Pero batas lamang ito, buhay ng Reyna at ng kanyang anak ang nakasalalay
04:21.0
bakit kaya wala man lang naglakas ng loob na suwayin ito.
04:25.0
Ito ay dahil parusang kamatayan ang naghihintay sa sino mang hahawak sa Reyna
04:30.5
o kahit sa sinong miyembro ng royal family.
04:33.5
Ang totoo niyan ay may mga saksinoon na naisanang tulungan ng mag-ina
04:38.0
ngunit pinigilan ng mga gwardya dahil ipinagbabawal silang hawakan.
04:42.5
Nakakainismang isipin pero walang nagawa ang mga tao
04:46.5
kundi panuuring unti-unting malunod at mamatay ang Reyna
04:51.0
kasama ang prinsesa, Carnaborn Bejraratana.
04:55.5
Ang mas nakakalungkot pa na wala din ang ipinagbubuntis ng Reyna
05:00.0
na pinaniniwala ang isang batang lalaki.
05:04.0
Ito sana ang tagapagmana ng kaharian ng Siam.
05:07.5
Labing siyam na taong gulang lamang noon si Queen Sunanja Kumariratana.
05:12.0
Pero may mga nakapagsabi at ayon din sa diary ni King Chulalongkorn
05:17.5
na may naglakas loob na sagipin ang mag-ina
05:20.5
na iahon pa nila ang Reyna at ang prinsesa sa ilog.
05:24.0
Ngunit wala nang buhay ang mga ito.
05:27.0
Siguro kung hindi nagdalawang isip ang mga gwardya at mga tao sa paligid
05:31.5
at agad na tinulungan ang mag-ina, ay nabuhay pa sana sila.
05:36.0
Kung ano man ang nangyari noong araw na iyon, isa lang ang sigurado
05:40.0
labis na nagdalamhati si King Chulalongkorn sa pagkawala ng kanyang mag-ina.
05:45.0
Kaagad niyang tinanggal ang batas na nagbabawal hawakan ng miyembro ng royal family
05:49.5
ngunit huli na ang lahat dahil hindi na maibabalik ang buhay ng Reyna.
05:54.5
Pinakulong niya ang mga gwardyang kasama ng Reyna noong araw na iyon.
05:58.5
Kasunod nito ay inihanda niya ang isa sa pinakamagastos na libing sa kasaysayan
06:04.0
na nagkakahalaga ng kalahating milyong dolyar.
06:08.5
Umabot ng sampung buwan ang paghahanda sa libing.
06:11.5
Sa kalagitnaan ng paghahanda, may mga naisulat na pinaembal sa Munia ang dalawang anak
06:17.5
at nilagay sa trono kasama ang mga ginto at mga alahas
06:21.5
na parabang buhay pa rin ang mga ito.
06:24.5
Naniniwala ang hari na dito sila nararapat dahil sila ang tagapagmana ng kaharian.
06:30.5
May mga record din na nagsasabing tinurukan ng quicksilver ang katawan ng mag-ina
06:35.5
upang matuyo at pagkatapos ay itinago sa gintong banga.
06:39.5
Ito ay nangyari habang hinahanda ang kanilang cremation.
06:43.5
Makalipas ang ilang buwan, March 15, 1881,
06:47.5
alas 6 ng gabi tuluyan ng sinindihan ni King Chulalongkorn ang funeral pyre.
06:53.5
Isang taon pa na nanatili sa pangangalaga ng hari ang abo ng Reyna
06:58.5
bago niya tuluyang pakawala nito at hinayaang lumagay sa tahimik.
07:03.5
Pero hindi pa dito nagtatapos ang kanyang pagluluksa.
07:06.5
Nagpagawa pa siya ng marble statue para sa Reyna at dalawang anak.
07:11.5
Tanda na hindi niya makakalimutan ang mga ito.
07:15.5
Nakakalungkot ang dahilan ng pagkamatay ng Reyna at ng kanyang dalawang anak.
07:20.5
Kung ikaw ang nasa sitwasyon ng mga gwardya at mga nakasaksi sa pangyayari,
07:24.5
pipiliin mo ba ang tulungan ng Reyna kahit na ang kapalitay buhay mo
07:28.5
o hahayaan mo na lang silang malunod.