Close
 


SINABAWAN NYA ANG MGA BIKTIMA
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
ANG TINAGURIAN NA ANG SABAWERO NG BANSANG MEHIKO SAMA SAMA NATING ALAMIN MGA KATINAGALOG KO. SOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 10:30
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ang binansagan na ang El Pozolero, umabot sa isang libo ang mga biktima na nilusaw niya.
00:07.0
Papaanong ito ay kanyang ginawa? At ano ang dahilan? At ano naman ang kanyang kinahantungan?
00:12.8
Sama-sama natin itong mas malaliman pa na pagkukwentuhan.
00:17.0
Ang Pozolero ay isang popular na pagkaing-sabao sa bansa ng Mexico.
00:22.6
Gawa ito sa baboy, kumbaga maihahalin tulad ito sa dinuguan dito sa ating bayan na Sinilangan.
00:29.4
Nang masakote ng otoridad itong si Santiago Mesa Lopez sa kanyang tinitirahan,
00:35.2
ang napaka masangsang na amoy ang sa kanila ay gumulantang.
00:39.2
Nang tanungin ng otoridad itong si Santiago kung ano ang naaamoy nila,
00:43.6
ayon naman sa kanya ay gumagawa lamang ito ng popular na sabaw na ang Pozolero.
00:49.4
Ngunit walang makapaghahanda sa otoridad sa karimarimarim nila na matutuklasan.
00:55.6
Sa pelikula madalas nating makita at napapanood ang mga glamurosong pamumuhay
01:00.6
na mga taong sangkot sa hindi legal na gawain.
01:04.6
Sindikato po mga katinagalog ko sa madaling salita.
01:08.2
Pera, babae, kapangyarihan at ilabaang walang katapusan nila na kasiyahan.
01:13.6
Ang mga bagay na nakukuha lang kung ikaw ay isa sa may hawak ng mataas na katungkulan
01:19.4
o marahil siga at kinatatakutan.
01:22.0
At talaga namang malamang ito ay ang masidihi nila na kadahilanan.
01:26.4
Hindi na pinaliwanag pa kung saan dinadala ang mga labi na mga nagiging biktima
01:31.4
ng mga sindikatong ito hanggang sa nasakote itong si Santiago.
01:36.0
Nagmula itong si Santiago sa pamilya ng magsasaka.
01:39.4
Bata pa lamang ay mahilig na ito sa mga hayop,
01:42.2
na siya naman naging kasangkapan na maasama ito sa mga iligal niya na samahan.
01:47.6
Nang taong 1996, napasama ito sa mga pinakamalaking iligal na organisasyon sa bansa ng Mexico.
01:55.0
Hindi para maging miyembro kung hindi alagaan ng mga kabayo na mga ito at maging isa na ring karpentero.
02:01.6
Ngunit tila ba, nang makita nito ang bilis ng pag-asenso ng mga taong nakapaligid sa kanya,
02:07.6
itong si Santiago ay tuluyang nasilaw na sa Pera.
02:11.4
Hindi nagtagal, hindi lamang kabayo ang inaasikaso niya.
02:15.2
Kasama na ito sa hindi-ligal na transaksyon na ginagawa ng kanyang grupo.
02:20.8
At unti-unti mula sa pagiging wala,
02:23.4
tumaas ng tumaas ang kanyang posisyon hanggang sa isa na ito sa pinakamahalaga sa grupong sinalihan niya.
02:30.4
Sa tindi ng dedikasyon itong si Santiago ay lumakilalo ang operasyon ng kanyang grupo.
02:36.2
Hindi nagtagal ay pinalawak na ng kanyang grupo ang kanilang teritoryo.
02:41.4
Nagkasagu pa sila ng isa pa sa pinakamalaking grupo sa bansa na Mexico,
02:46.4
na siya naman na humahawak ng pinakamalaki nila na kukuling teritoryo.
02:51.2
Sa panahong ito, laganap na sa bansang Mexico ang madugong kinalalabasan ng kanikanilang pakitaan at palakasan.
02:59.2
Maging ang gobyerno ng Mexico ay wala nang magawa sa tindi ng kanilang mga operasyon na ginagawa.
03:06.4
Umabot ng 24,000 buhay ang nabuhis sa paliksahan ng dalawang magkaibang mga kupunan.
03:15.0
Ngunit sa dami ng bilang ng katawang ito, mahihirapan ang kahit sino.
03:19.4
Kung basta-basta na lamang naililibing o itatapon ito, mahirap na mag-iwan pa ng mga ebidensya.
03:25.8
Kaya naman sa kaganapang ito ay mas naging malago pa ang kabuhayan nitong si Santiago.
03:31.2
Nang huling bahagi ng taong 1990s, ang dalawa sa pinakamataas na leader ng grupo na kinabibilangan nito ay bigla na lamang siya na pinatawag.
03:40.4
Ayon sa utos may gagawin daw siya na magaling na eksperimento.
03:44.4
Nang makarating si Santiago sa isang tagong lugar, sa kanyang pagtataka ay binigyan siya ng mga ito na mga binti ng baka
03:51.8
at inutos na itapon ito sa isang dram na may lamang pinaghalu-halo kung ano-anong mga likido.
03:58.2
Matapos nasundin ito ang utos ng kanyang amo, ibinilin sa kanya na matsyagan ang kalalabasan ng bakang laman
04:06.2
dahil sila daw ay aalis at may kinakailangan na importante daw na lalakarin.
04:11.8
Matapos ang ilang oras ay tumawag itong si Santiago sa kanyang mga amo.
04:16.4
Ayon sa kanya na nangyari na ang nais nila na maganap.
04:20.2
Natunaw ang malaking tipak ng karne, walang natira, kahit pa ang buto ay nalusaw na.
04:26.6
Ayon kay Santiago na tanging natira ay ang likido na ngayon ay kulay pula na, na siya namang labis na ikinatua nila.
04:34.4
Makalipas ang alim na buwan muling ipinatawag si Santiago, sa pagkakataong ito ang trabahong gagawin niya ay mas detalyado na.
04:42.2
Ayon sa dalawang amo nito na sa kanyang pagtatanong sa mga miyembro nila na tagaibang bansa pa
04:48.2
na gano'n dapat ang gawin nila sa mga labi ng kalaban na nadadali nila.
04:53.0
Ito ay upang walang matira na ebidensya.
04:56.0
At si Santiago naman ang napili nila upang maisakatuparan ang kanilang bagong efektibong pamamaraan.
05:03.2
Dagdag ng dalawang amo ni Santiago na masyado na marami ang dapat daw nila na despatchahin
05:09.8
at masyadong delikado kung ito ay kanila lamang daw na ililibing.
05:14.0
Kaya naman ang pamamaraan ito ay ang pinaka maiging taktika ng kanyang grupo.
05:18.8
Malinis, walang matitira na kahit ano pang mga ebidensya.
05:23.2
At dinala naman sa kanya ang una niyang naging biktima.
05:26.6
Pareho ang pamamaraan na ginawa niya.
05:28.6
Sa pagkakataong ito, mas malaki na ang lalagyana niya.
05:32.2
At matapos lamang ang ilang oras, tanging napakaliit na buto na lamang ang natira.
05:37.4
Sa kanina ay buong tao na inilubog niya.
05:40.6
Dito na ipinanganak ang magiging bansag sa kanya, ang tagagawa ng sabaw.
05:46.6
Siya ang bumili ng lahat ng kinakailangan nila,
05:49.4
simula sa gloves na gagamitin hanggang sa dram at mantika.
05:53.6
Tila ba ito na ang magiging bagong silbi niya sa grupo na sinalihan niya?
05:58.6
Isang text lamang ang kailangan upang alamin kung saan niya susunduin ang kanyang tatrabahuin.
06:05.0
Sa tulong ng kanyang mga bagong alalay, tuloy-tuloy lamang sa kanila ay pag-agapay.
06:10.2
Ayon mismo sa kanyang sariling kumpisal, nang kalaunan ay mahuli ito.
06:14.8
Paminsan isang araw ay dalawa, ngunit kadalasan ay mas marami pa sa limak ang ipinatutunaw sa kanya.
06:22.0
Matapos matunaw ay itinatapon niya ang likido sa lupang hinukay nila doon,
06:26.6
kasama na ang natitirang maliliit na mga buto.
06:29.8
Malawak ang lupain na sa kanya ay ibinigay.
06:32.4
Tila ba ito ay ang naging laboratorio na niya at opisina?
06:36.2
Tila ba naging maayos naman ang lahat?
06:38.2
Ngunit dahil nga sa galitong kalakaran mga katinagalog ko ay palagian na walang kasiguraduhan.
06:44.2
Tila ba nagiging maasim na ang samahan nila ng mga amo na pinagsisilbihan niya?
06:50.0
Nang taong 2008, bumaliktad si Santiago at sinalihan ang kalaban niya na malaking grupo.
06:56.6
Kung noon katawan lang ng kalaban ang kanyang tinutunaw,
07:00.4
ay dinedispatsya na niya ngayon ay ang katawan ng mismo na naging matagal na kaibigan niya.
07:06.8
Ngunit ayon mismo sa kanya, nawala siyang pakialam
07:09.8
dahil ito naman ang nagbibigay sa kanya ng maunlad niya na kabuhayan.
07:14.6
Ngunit pabaliktad ang lahat.
07:16.6
Enero ng taong 2009, isang tawag ang natanggap ng mga otoridad
07:21.2
isiniwalat sa kanila ang kanyang pinagtataguan.
07:24.6
Nang sugurin ito ng otoridad, doon nila naabutan si Santiago na lasing at may hinahalog kung ano-ano.
07:31.8
At talaga naman hindi daw nila masikmura ang amoy nito.
07:35.4
Nang tanongin ng mga otoridad itong si El Posolero kung ano ang niluluto nito,
07:40.2
sinagot niya ito na ito raw ay ang sabaw ng lamang dagat.
07:43.8
Ngunit hindi nagtagal ay umamin din ito sa totoong laman ng kanyang kawa.
07:48.6
Ayon sa kanya, tatlong daan daw ang bilang ng mga tao na tinunaw niya.
07:53.6
Ngunit hindi ito pinaniwalaan ng otoridad.
07:56.6
Ayon sa isa pang tawag na natanggap nila sa hindi naman tao na nagpakilala,
08:01.6
higit daw sa isang libo ang labi na tinunaw at ginawa nito na sabaw.
08:07.2
Kumalatang maigi ang kwentong ito sa buong bansa ng Mexico.
08:11.2
At doon nasiwalat pa ang mas masaklap na katotohanan.
08:15.2
Sa pag-aamin nitong si Santiago hinukay ng otoridad ang buong paligid ng kanyang laboratorio.
08:21.2
Tinawag niya na manukan ang lugar na ito.
08:24.2
Ang matindi ang tinatawag nila na manukan na pinagtatapunan ay totoong isa na manukan.
08:31.0
Doon nagaalaga ng napakaraming manok upang itago ang totoong nangyayari sa lugar na kanyang pinagtatrabahoan.
08:38.4
Ang masaklap sa kwentong ito ay marami na itong tinuruan ng ganitong pamamaraan.
08:43.8
Dagdag nitong si Santiago na napakabigat daw buhatin ng labi na mga tao.
08:48.4
Tila ba sa tuwing nagsasalita ito ay isang normal na araw lamang sa kanyang trabaho.
08:53.8
Nang tinanong ito ng polis kung siya ay nagsisisi sa kanyang ginawa, sumagot ito ng oo.
08:59.0
Sinabihan niya na minsan na niyang sinabi sa amo na ayaw na niya ng gawain ganito.
09:03.6
Ngunit hindi basta-basta po pwedeng umalis sa lugar na kanyang pinaggasadlakan.
09:09.2
Sa paglilitis, nagbigay itong si Santiago ng pahayag.
09:13.0
Ayon sa kanya na hindi daw siya nagbebenta o kumikitil ng buhay ng tao.
09:18.2
Hindi daw siya halima o wala daw siyang tinunaw na babae o bata.
09:22.2
Tao lamang daw siya na ginagawa ang trabaho na iniatang sa kanya na mga taong hindi tatanggap ng hindi sa trabahong ipinagagawa sa kanya.
09:32.0
Sa dulo humingi ito ng tawad sa pamilya ng mga biktima at sa panginoon daw na lumikha sa kanya.
09:37.8
Ngunit hindi ito matanggap na maayos ng pamilya dahil nahatulan man ng labing dalawang taon sa kulungan,
09:44.8
hindi naman ito totoong sinabi kung nasaan pa ang ibang mga labi ng kanyang mga tinunaw na biktima.
09:51.6
Mga katinagalog ko, naniniwala po ba kayo na inosente itong si San Diego?
09:56.6
Ito ay dahil wala naman daw siya na kinuhang buhay.
09:59.4
Ang gawain lang niya ay gawin daw sila na sabaw.
10:02.6
Isulat po ang inyong salubin sa comment section sa ilalim upang sama-sama na ito ay ating basahin.
10:09.0
Mga katinagalog ko maraming salamat po sa pagsama ninyo sa segment natin sa araw na ito.