Close
 


Anemic Ka Ba? May Kakaibang Sintomas Yan. - Payo ni Doc Liza Ramoso-Ong
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Anemic Ka Ba? May Kakaibang Sintomas Yan. Payo ni Doc Liza Ramoso-Ong Panoorin ang Video: https://youtu.be/_Ka1Ozgu9Cw
Doc Willie Ong
  Mute  
Run time: 15:23
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Topic natin, anemia.
00:03.5
So, mababang CBC o anemia
00:06.5
Dahilan ng maraming sakit, baka hindi mo pa alam.
00:10.0
Kaya tayo ay magpa-CBC
00:13.0
Kasi dahil sa CBC, malalaman natin ang ating mga sakit.
00:17.5
So, magbibigay ako ng mga practical na tips.
00:20.5
Ano ang sintomas ng anemia?
00:23.0
Pagod, nanghihina, maputla
00:27.5
May palpitasyon, yung mabilis at irregular yung tibok ng puso.
00:32.0
Yung hingal, minsan di ba parang hingal na hingal ka
00:37.0
Nagtataka iba, bakit daw mahingalin sila?
00:40.5
Nahihilo, lalo na pagbiglang tayo, nahihilo ka.
00:44.5
Yung iba, sumasakit ang dibdib, so akala mo may angina ka.
00:49.0
Malamig yung mga kamay, paa
00:52.0
Masakit yung mga kalamnan, lalo na yung mga binti
00:55.5
Akala mo may restless leg syndrome ka.
00:58.5
Masakit ang ulo.
01:00.5
Dahil sa lakas ng pintig ng puso mo
01:03.5
minsan may naririnig ka dun sa tenga mo na
01:06.0
yung may gumaganon.
01:08.0
So, malakas yung whoosh doon sa iyong tenga.
01:11.0
Pwedeng may crack doon sa labi.
01:14.0
Yung iba, lumalaki yung dila.
01:16.0
Sa mga bata, hindi maka-concentrate.
01:19.0
Kahit sa mga may edad, hindi makatrabaho.
01:22.0
May leg pain, may leg cramps.
01:24.5
Tatlong dahilan bakit nagkakaanimya ang isang tao.
01:28.5
Una, nawalan ng maraming dugo o blood loss.
01:33.0
Halimbawa, malakas yung regla.
01:35.5
May dumudugo palang ulcer sa bituka, hindi alam.
01:39.5
O kaya may polyps o cancer sa katawan.
01:43.5
Number two, pwede rin hindi nakakagawa o kulang ng paggawa ng red blood cell.
01:51.5
Halimbawa, yung mga pagkain, kulang sila sa iron, folic acid, vitamin B9 at vitamin B12.
02:01.0
So, kulang mula doon sa pagkain.
02:03.0
Kaya, kulang din yung paggawa ng red blood cell.
02:06.5
Number three, pwedeng mabilis masira yung red blood cell.
02:10.5
Ang red blood cell, ano ba yung red blood cell na yan?
02:14.5
Siya yung tagadala ng hemoglobin.
02:17.5
Yung hemoglobin, yan yung iron-rich na protina.
02:22.0
So, didikit yun sa oxygen mula sa baga.
02:25.5
So, dadaan yan sa iyong baga.
02:27.5
At mula sa baga ay iikot na, dadalahin sa buong katawan ng red blood cell.
02:34.5
Ngayon, kapag may anemia, kulang ka sa red blood cell.
02:40.0
O sabi ko nga, yung RBC mo hindi na nakakagawa.
02:46.5
Paano mo malalaman kung anemi ka?
02:49.0
Dito, mas maganda magpa-CBC ka.
02:52.5
Mura lang mo yan sa laboratorio.
02:54.5
Maaaring mga 150 pesos lamang.
02:58.0
Sa kalalakihan, gusto mo hindi bababa sa 13.5 grams per deciliter.
03:04.5
At sa kababaihan naman, hindi bababa sa 12 grams per deciliter.
03:10.0
Pag sa bata, depende sa edad ng bata.
03:13.0
So, iba-iba yung normal values.
03:15.5
Alam nyo ba, mula doon sa inyong CBC, marami pala kayong matutuklasan na sakit ninyo.
03:24.0
O mula doon sa mga nararamdaman ninyo.
03:27.0
Halimbawa, yung mga autoimmune na sakit.
03:30.5
O sakit sa kidney.
03:32.5
Kasi anemic sila.
03:34.5
Yung mga may cancer.
03:36.5
Halimbawa, colorectal cancer, sakit sa atay, sakit sa puso, sakit sa thyroid.
03:43.0
Hindi mo alam, pero madi-discover mo lamang kapag anemic ka mula sa iyong CBC.
03:50.0
Mura lang po yan.
03:51.0
Kaya pag naramdaman nyo yung mga sinabi kong sintomas kanina, maganda po magpa-CBC na kayo.
03:59.0
Ano yung mga sakit na matutuklasan ninyo kung may anemia kayo o anemic kayo?
04:06.5
Number one.
04:07.5
Halimbawa, napakalakas ng iyong regla.
04:10.5
Pero akala mo, normal lang yun sa iyo.
04:14.0
Kasi palagi nang ganun.
04:16.0
Pero nagtataka ka, bakit parang laging hilong-hilo ka?
04:20.0
O ang sakit ng mga kalamnan mo.
04:23.0
Yung biglang tayo mo, parang iikot yung paningin mo.
04:28.0
Dahil nagpa-CBC ka, nakita mong mababa.
04:31.5
Alam nyo, bumababa yan.
04:33.5
Nakaaranas na po ako ng CBC na less than 10. Yung RBC, less than 10.
04:41.5
Dahil malakas magregla.
04:43.0
Pwede pa pong may makakilala ko bumaba hanggang 8, hanggang 6.
04:48.0
Kailangan pa silang pumunta sa emergency room at sa lina ng dugo.
04:53.0
Pag sa babae malakas magregla, baka po may myoma kayo.
04:59.0
O may bukol sa matres.
05:01.0
O kaya naman, siyempre ayaw natin yung mga cancer sa reproductive system natin.
05:06.5
Number two, yung mga may kidney disease.
05:11.5
Nagiging anemic din sila.
05:13.5
Kasi hindi na gumagawa yung kidney natin ng hormone na erythropoetin.
05:19.0
Ito yung nagsisignal dun sa ating buto, bone marrow.
05:23.5
Na gumawa pa ng RBC.
05:25.5
Kaya yung mga nakadialysis, mapapansin nyo, mababa yung kanilang RBC.
05:30.0
Anong gamutan nila?
05:32.0
Nag-i-inject po sila ng hormone na erythropoetin.
05:36.0
Number three, may mga tao po, laging nagdo-nose bleeding.
05:40.0
Dugo ng dugo ang kanilang ilong.
05:42.0
Mababa din ang kanilang hemoglobin.
05:45.0
Number four, baka naman may dumudugusat yan.
05:50.0
Hindi nyo nga nakikita dun sa inyong inodoro.
05:54.0
Pero pag CBC nyo, aba bakit ang baba ng hemoglobin?
05:58.0
So, maaaring may pagdugusat yan.
06:00.0
Digestive o problema sa pag-ihi.
06:03.0
Baka dun sa urinary tract ang ating problema sa ihian.
06:08.0
Number five, baka may ulcer sa sikmura.
06:11.0
O kaya sa bituka, kailangan mo ng endoscopy.
06:15.0
O kaya naman colonoscopy o fecal occult blood test.
06:20.0
Kasi ayaw po natin ang mga colorectal cancer.
06:24.0
Yung mga nasugatan din na operahan.
06:27.0
Anyway, nasa ospital naman sila.
06:29.0
So, madidetect kung bumababa yung hemoglobin.
06:32.0
Yung kanilang CBC.
06:34.0
Number eight, yung mga tao na may heart failure,
06:37.0
ay maaaring magkaroon ng iron deficiency anemia.
06:42.0
Kasi pag may pamamaga sa katawan,
06:45.0
yung liver natin mas gagawa ng hormone na hepcidin.
06:49.0
So, ito po ay para yung iron ay manatili dun sa loob ng selula.
06:55.0
So, yun yung pang-bawi ng ating liver.
06:59.0
Pero may heart failure na pala.
07:01.0
Sa mga buntis, bagong panganak, breastfeeding,
07:05.0
pakainin sila ng masustansyang pagkain.
07:08.0
Yung pala yung dahilan bakit yung mga bagong panganak
07:11.0
ay pinapakain mabuti ng liver ng mga isda.
07:16.0
Kasi yun yung maraming iron.
07:18.0
Ika nga, bigyan ng maraming sabaw.
07:21.0
Number ten, kailangan mong pumunta sa hematologist
07:25.0
kapag natuklasan dun sa iyong CBC
07:28.0
ay meron kang pernicious anemia,
07:30.0
o kulang sa vitamin B12,
07:32.0
may aplastic anemia,
07:34.0
yung bone marrow mo hindi na gumagawa ng blood cell.
07:37.0
So, sila na po ang magpapaliwanag.
07:39.0
Yan po ang doktor para sa dugo,
07:42.0
ang tawag sa kanila hematologist.
07:45.0
Sa ating mga senior citizen,
07:48.0
dahil kulang na sa kinakain nila,
07:50.0
hindi nila napapansin mababa pala sa iron
07:53.0
kasi wala na nga silang ganang kumain.
07:56.0
Yung iba pa nagkakaroon ng sakit sa puso,
07:58.0
o maaari silang magkaroon ng sakit sa puso.
08:01.0
O kaya yung mga may depresyon,
08:04.0
so nagde-develop sila ng sakit sa puso.
08:07.0
At makakaramdam sila ng angina.
08:10.0
Yung iba nga pwedeng ma-heart attack.
08:12.0
O may tinatawag na arrhythmia, yung papalya,
08:15.0
yung pagtibok ng puso.
08:17.0
Dahil kulang sa hemoglobin.
08:21.0
May mga chronic na sakit na nagkakos,
08:24.0
o malalaman lamang dahil sa mababang CBC o anemia.
08:29.0
Katulad ng mga autoimmune na mga sakit.
08:32.0
May mga tao dahil nagjejeta,
08:35.0
o dahil sa kahirapan,
08:36.0
o gustong magpapayat.
08:38.0
Ako, ginawa ko rin yan.
08:40.0
Kain ko lang, kanin, tuyo.
08:42.0
Sabi ko, low calorie.
08:44.0
Yung pala, kulang sa nutrisyon.
08:47.0
Lalo na yung ating mga sanggol, infants,
08:50.0
tsaka yung mga lumalaking bata.
08:52.0
Madi-delay ang development nila.
08:55.0
So dapat po pakaini ng mayaman sa iron,
08:59.0
vitamin B9 at vitamin B12.
09:02.0
Yung mga folic, ano po kasama yan.
09:05.0
At napansin nila, yung mga may sakit sa atay,
09:07.0
75% ang kakaroon ng anemia.
09:10.0
Kasi side effect po ng pagkakasakit sa atay
09:14.0
ay nagkakaroon sila ng pagdurugo sa bituka
09:17.0
o tiyatawag na GI bleeding.
09:19.0
So nagiging anemic din sila.
09:20.0
Nagkakaroon ng hemorrhage.
09:22.0
So ano ang mga tips natin?
09:24.0
Kumain po tayo ng mga pagkain mayaman sa iron,
09:28.0
sa folic acid at B12.
09:30.0
Pag sinabi nating iron, ito po yung mga baka o laman.
09:34.0
Verding gulay, napakarami pong iron.
09:37.0
Pag sinabi naman natin na vitamin B12,
09:41.0
ito po din yung mga karne o laman.
09:44.0
Pag folic acid o yung B9,
09:47.0
ito po pinanggagalingan nito.
09:49.0
Yung mga citrus fruits, yung mga dalandan, suha,
09:52.0
verding dahon ng gulay, marami din.
09:55.0
Tapos yung mga legumes, yung mga buto-buto,
09:58.0
katulad ng mga munggo.
10:00.0
Maganda din po yan.
10:02.0
Number two, i-check nyo yung buong katawan nyo.
10:05.0
Kayo na po ang magawa ng physical exam sa inyong sarili.
10:09.0
Tignan nyo po dito sa ilalim ng talukap ng inyong mata.
10:12.0
Pag mukhang maputla, baka anemic.
10:15.0
Tignan nyo po ang inyong palad.
10:17.0
Pag putlang-putla na yan at hindi na pink,
10:20.0
eh pwede rin hong mababa kayo sa inyong CBC.
10:23.0
Tapos pakinggan nyo o hawakan nyo yung pulsuhan ninyo.
10:27.0
Regular ba yung pagpitik?
10:30.0
Baka naman patalun-talun na ho yan.
10:32.0
Yung mga doktor, maaaring marinig kung merong murmur.
10:37.0
May hingal ba kayo?
10:39.0
Kapa inyo yung tiyan nyo, nasa kanan ho.
10:42.0
Baka lumalaki yung inyong atay.
10:44.0
Tignan nyo rin po yung mga buto-buto ninyo.
10:48.0
Masakit ba?
10:49.0
Yung lakad ba ninyo?
10:51.0
Diretso?
10:52.0
Baka naman hilong-hilo na pala kayo.
10:53.0
Hindi na kayong makalakad ng diretso.
10:56.0
Dahil sobrang baba na ng inyong hemoglobin.
11:00.0
Pagbiglang tayo, hilo ba kayo?
11:02.0
Muscle nyo masakit?
11:04.0
Ang mga doktor na pwede niyong puntahan.
11:07.0
Kapag nagpa-CBC kayo, kasi pwede naman kayong pumunta sa laboratory.
11:11.0
Pwedeng hematologist.
11:13.0
Pag sa tingin nyo, problema nyo sa tiyan.
11:16.0
Halimbawa, sa bituka, sa liver, gastroenterologist.
11:20.0
Pag sobrang lakas ng pagdurugo, ng menses, ng regla or vaginal bleeding.
11:25.0
OBGYN
11:27.0
Pag meron kayong nararamdaman na masakit sa dibdib, palpitasyon o kaya irregular.
11:33.0
Cardiologist.
11:35.0
Pagdating sa lakad, neurologist.
11:37.0
Baka yung mga senses nyo hindi na tama.
11:40.0
At kailangan nyo rin ng nutritionist para sabi sa inyo ano yung mga dapat ninyong kainin.
11:47.0
Tapos, pag nagpa-CBC kayo, makikita nyo iba-iba yun.
11:53.0
May RBC, siya yung nagdadala ng oxygen doon mula sa baga papunta sa buong katawan.
12:01.0
Makikita nyo yun.
12:02.0
Pag sabing WBC, panlaban nyo yan sa infeksyon.
12:06.0
Yung platelets, yan yung nagpapabuo ng dugo kapag kayo ay nasugatan.
12:11.0
May makikita din kayo hemoglobin.
12:13.0
Yan po yung protina sa RBC.
12:15.0
Pag ademic, lahat yan bumababa.
12:18.0
Hematocrit, ilan sa iyong dugo ay RBC.
12:22.0
Meron pang mga mincorposcular volume, MCV.
12:26.0
Ito yung laki ng RBC.
12:28.0
Ipa-interpret nyo doon sa inyong doktor.
12:31.0
Number three tip natin sa buntis.
12:33.0
Yung mga micronutrient, katulad ng iron at folic acid.
12:38.0
Maganda po sinu-supplement o binibigyan sila ng supplementation.
12:42.0
Sa iba pong mga health center, libre po yun.
12:45.0
Ayaw natin na magkasakit.
12:48.0
Gusto natin isalba yung nanay at yung sanggol.
12:51.0
Hanggang sila ay makapanganak.
12:53.0
At number three, yung mga bata, yung mga sanggol.
12:56.0
Maganda pa kainin sila ng mga iron-fortified foods.
13:00.0
Kung hindi, madi-delay po ang kanilang development.
13:03.0
Kaya nga sa pag-aaral sa elementary school,
13:05.0
Bakit mas mahina ang pang-intindi ng ating mga kabataan?
13:09.0
Baka anemic yan.
13:11.0
Tatanong sa akin,
13:12.0
Ano ba yung pinakamaraming iron?
13:15.0
Simula ngayon, kakain na kami o yan ang ihahanda ko.
13:18.0
Ito po yung mga top foods na marami sa iron.
13:22.0
Siyempre, may kamahalan po.
13:24.0
Pero yung baka, yung manok, yung isda, yung hipon.
13:28.0
Verding dahon ng gulay, mura-mura po.
13:31.0
Lahat po ng talbos natin.
13:33.0
Kangkong, kamote, alokbati.
13:36.0
Sa mga vegetarian naman, yung mga tokwa, beans, garbanzo.
13:42.0
Vitamin C kailangan po para ma-absorb yung iron.
13:46.0
Ito po yung mga citrus fruits.
13:48.0
Yung mga dalandan, suha, bayabas.
13:51.0
Itlog po, mura-mura.
13:54.0
Although medyo tumaas ngayon.
13:55.0
E kailangan din po para sa iron.
13:58.0
Sa pagdating sa nuts, pwede po yung mga kasoy, pagprutas, pakwan.
14:03.0
At good news, pwede po kayo kumain ng tsokolate.
14:05.0
Marami ring iron.
14:07.0
May mga ibang tanong pa po sa anemia.
14:09.0
E kung apektado daw ba yung mata kapag anemica?
14:13.0
Yes po.
14:14.0
Pwedeng man labo ang inyong paningin.
14:17.0
At yung iba nagkakaroon nga ng bleeding sa retina.
14:20.0
Yung iba din thirsty o uhaw na uhaw.
14:24.0
Kasi yun po yung ginagawa ng katawan kapag anemic.
14:28.0
Pwede kayong magkaroon ng back pain.
14:30.0
Bakit ang sakit ng inyong buto-buto o ng inyong legs?
14:34.0
Yung parang akala nyo ang restless leg syndrome.
14:37.0
Yung pala sobrang baba na yung CBC niyo.
14:40.0
Pwedeng kumati ang balat o magkaroon ng hair loss.
14:43.0
Pwedeng sumakit ang ulo nyo?
14:45.0
Mag-headache ba? Yes, pwede.
14:47.0
Magkaiba po ang anemic sa low blood pressure.
14:52.0
Pression po yun.
14:53.0
So magkaiba yun.
14:54.0
Pwede bang manlamig yung inyong kamay at paa?
14:57.0
Yes.
14:58.0
At nakita nila, kaya sinabi ko po din ng neurologist,
15:02.0
kasi pwede rin pong ang anemia ay risk factor sa pagkakaroon ng ischemic stroke.
15:07.0
Sana po naliwanagan kayo makita nyo ang kahalagahan ng murang CBC.
15:12.0
Pero yung nararamdaman nyo, yun na mismo yung sintomas.
15:16.0
So anemia pala dahilan ng isang sakit na pwede nyong ma-discover sa sarili niya.
15:21.0
Salamat po.