Close
 


Masarap na Almusal
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode

Mindore├▒ang Mangyan
  Mute  
Run time: 05:37
Has AI Subtitles


Video Transcript / Subtitles:

About AI Subtitles »

00:00.0
Habang nagpapainit nga sa napakatingkad na sikat ng araw itong mga magaama ko,
00:04.0
kako ako'y mag-aasikaso na ng pang-almusal namin.
00:06.5
Nakalib nga pala itong asawa ko sa trabaho,
00:08.5
kaya kahit pa pano meron akong katulong sa pag-aalaga ng dalawang bata.
00:12.5
Dahil February na nga mga mare, it's my birth month.
00:15.5
Sabi nga nung asawa ko ay ano daw ang gusto kong pa-birthday.
00:18.0
Biniro ko nga siya na kako ikaw na lang ang duties sa gabi kay Ellie,
00:21.0
para kako hindi na ako napupuyat.
00:23.0
Aba'y pumayag din naman nga ang tiyo mo na siya na ang magpupuyat.
00:26.5
Kaya kahit pa pano nga, medyo masarap at mahaba-haba na rin yung tulog ko.
00:30.5
At dahil siya nga yung puyat, edi pagluluto naman natin ang masarap-sarap na ulam.
00:34.5
Tortang talong nga pala itong niluluto ko.
00:36.5
Talaga namang miss na miss ko nang kumain ng talong.
00:39.0
Paano baga naman eh nung buntis nga ako,
00:40.5
ayaw na ayaw ng inay na ako'y kakain ng talong
00:42.5
para daw hindi manggitim yung aking anak pag umiiyak.
00:45.5
Request din nga ito ng asawa ko na mag-ulam daw naman kami ngayon ng corned beef.
00:49.5
Napakadalang din lang talaga namin mag-ulam ng ganito,
00:52.0
lalo pa nga nung buntis ako, hindi man lang ako nakakain ng ganyan.
00:56.5
Napaibig din nga rin lang akong tumikim ngayon yan,
00:57.5
kaya napabili naman ako ng isang lata.
00:59.5
Kapag ganito nga nagluluto ako ng corned beef,
01:01.5
hindi talaga mawawala yung patatas para naman may dagdag sustansya.
01:06.5
Naglaga na din nga ako nitong okra para naman may kapakner na gulay.
01:10.5
Tapos nagprito na din nga ako ng tuyo.
01:12.5
Amoy pa nga lang nitong tuyo, talaga naman ako'y nagugutom na.
01:15.5
At pagkatapos ko nga maluto lahat ng aming ulam,
01:18.5
isangag naman ako ng kanin, bali naglagay nga lang ako din ng asin,
01:22.0
ng paminta, tapos ng fried garlic para mas lasang lasa yung bawang.
01:32.0
At dahil luto na nga, ayan, kain na po tayong mga mare.
01:35.0
Thank you Lord sa blessings!
01:38.0
Kakatapos nga lang namin kumain ng umagahan,
01:40.0
e bumili na nga agad ang inay ng pang-ulam namin para daw sa aming pananghalian.
01:44.0
Isasain ko nga lamang are, kaya binalot ko nga lamang dito sa mga dahon ng gabi.
01:49.0
Gustong-gusto ko rin talaga yung luto ng ganito dahil napakalinam-nam din naman talaga niyan.
01:53.0
Naglalagay nga lang ako din ng sibuyas, bawang, luya, tapos suka.
01:56.5
Ganun nga lang kasimple itong lutuin pero talaga namang napakasarap din niyan.
02:02.5
At nung hapon nga iniwan lamang namin si Elysia kay daddy niya
02:05.5
dahil meron nga pala kaming punsu ng pupuntahan ngayon.
02:08.5
Nakakahiya naman nga kung hindi kami pupunta
02:11.0
dahil tinahi pa nga itong damit na suot ni Kiona nung lola nung may birthday.
02:15.0
Tuwing may punsyunan nga sa kanila ay palagi kaming kumbidado
02:18.0
at padamit pa nga itong si Qning.
02:20.0
Kaya ayan, kahit kakaanak ko nga lamang ay larga din agad ako.
02:23.5
Pagkaratingan namin dito sa kanila,
02:25.0
ayan, sinalubong na agad kami nung nanay nung may birthday
02:27.5
kaya inabot na rin namin yung regalo namin.
02:30.0
Eto pala yung may birthday na bata at pinuputungan pa nga pala siya dito.
02:34.0
Eto nga si Kiona, pagkarating namin ay humihinang nga agad ng balloon
02:37.0
kaya yan, inabotan na agad nung ninang niya at may kasama pa nga agad pa giveaways.
02:41.0
Maya-maya pa nga ay tinawag na rin kami para kumain.
02:44.0
Eto nga yung pinsan ko, kasabay ko pang kumain
02:46.0
at nagpapakuha pa nga ng lechon.
02:48.0
Binulungan ako.
02:49.0
Sabi ko nga sa kanya,
02:50.0
huwag ka na ka akong mahiya at yan naman talaga ay pinapalamon sa tao.
02:54.0
Salamat nga pala dito kay lulang Idnan na nagtahingan ng damit ni Qning.
02:58.0
Binulungan pa nga ako niya diyan,
02:59.0
nadamihan ko daw ng kain pa rin.
03:01.0
Dahil marami daw silang handa.
03:04.0
Sa daming ang pagkain na kinuha namin,
03:06.0
chak na pati hapunan ay damay na nari.
03:08.0
Hindi pa nga kami tapos kumain diyan.
03:10.0
Eto naman kumari ko,
03:11.0
ay nagabot na agad ng sorbetes.
03:13.0
Tuwang-tuwa na naman ang aling maliit na tapagbigyan ng ice cream.
03:16.0
Paano bago naman pa ganitong punsunan nga lang siya nakakatikim ng ganyan
03:19.0
dahil ayoko nga siyang pagpapakaini na masyadong matatamis.
03:22.0
Natanawan ko nga din eh,
03:23.0
aring inaan ako,
03:24.0
kaya naman tinawag ko na at sabi ko magmanon na sa akin
03:27.0
at ibibigay ko na sa iyo itong papasko ko bago mo pakako ako singilin.
03:31.0
Shout out nga din pala dito sa nag trending na bata na eto na magaling kumanta.
03:35.0
Follow niyo rin pala yung page aray.
03:37.0
I need to break out the darkness tonight
03:43.0
I'm not afraid
03:50.0
When the waves are flooding the shoreline
03:56.0
Shoutout nga din pala dito sa nagtrending na bata na ito na magaling kumanta
04:00.0
Follow niyo rin pala yung page niya na Mahusay
04:02.0
Shoutout nga din pala dito sa mga followers natin na nakilala ako dini sa punsyonan
04:07.0
Kakatuwa naman kako kayo ay at salamat nalang kako sa inyong panunood
04:12.0
At dahil nga kami nakakain na ay di kako kami mauwiin na
04:15.0
Nagpaalam na nga kami dito sa ina nung may birthday at sabi nga niya antay ka muna at mayroon daw siyang ipapadala
04:20.0
Aba ay nakakatuwa naman kako ay kumain na nga ay may pasilipin pa ay talagang namang libre na nga kako ang hapunan na re
04:26.0
Happy birthday nalang kako dini kay Tutoy at ayun na nga dahil kami kumain na may pasilipin pa ay di umuwi na kami
04:32.0
Malayo pa nga kami nakabang na agad si inay kung mayroon daw kaming dalang silipin at ayan nga inabot ko na nga sa kanya
04:38.0
Pagkarating naman namin dito sa bahay inunbox ko na nga itong parcel na matagal ko nang iniintay
04:43.0
Eto nga ay pinadala lang sa amin from Bliss Baby Stop
04:46.0
Nakakatuwa nga dahil complete set nga siya ng beddings for Ellie
04:50.0
Inihiga ko nga saglit dito si Ellie at tingnan nyo naman oh ang ganda
04:54.0
At binuksan ko na nga din ito pang isang bundle na pinadala nila at nakakatuwa nga dahil mayroon pa ding set ng mga medyas
05:00.0
Meron nga din kasama pa nitong tagkiss at saka itong mga pares pa ng boots, ng mittens at saka sombrelo
05:06.0
Iba't ibang klase din nga ng damit ang pinadala nila
05:09.0
Merong short sleeves, merong long sleeve at meron pang sleeveless
05:13.0
May kasama din nga itong pajama, shorts, lampin at saka meron pang pranela
05:18.0
Alam nyo ba mga mare sobrang mura rin lang talaga nitong pang newborn set na ito
05:22.0
Kung gusto nyo din para sa mga new babies ilalagay ko na lang yung link sa comment section
05:27.0
And yun lang for today's video maraming salamat po sa inyong panonood
05:32.0
God bless!