Close
 


KATAKOT-TAKOT na Pagpaslang kay Abby Choi!!
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE SANGKAY JANJAN DAILY: ✅ https://youtube.com/@sangkayjanjandaily Thank you sa inyo mga Sangkay. LIKE, COMMENT, SHARE, SUBSCRIBE, & CLICK THE BELL 🔔NOTIFICATION. ✅ For Inquiries: solidsangkay@gmail.com ✅ Instagram: @sangkayjanjantv ✅ Facebook Page: Sangkay Janjan FactCheck https://www.facebook.com/SangkayJanjanFactCheck Facebook Music/Vlogs: Sangkay Janjan Music & Vlogs facebook.com/SangkayJanjanTV ✅ Twitter: Sangkay Janjan TV @johnanthony_j Bigkis: Sangkay Janjan TV @SangkayJanjanTV JESUS LOVES YOU!!
Sangkay Janjan TV
  Mute  
Run time: 09:38
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Isang karumal-dumal na pangyayari ang sinapit ng isang model doon sa Hong Kong.
00:12.0
Ang nakakapangilabot at nakakadual na pangyayari sa kanya ay sumambulat po sa mga balitaan.
00:18.3
Ano ang nangyari kay Abby Choi?
00:21.3
Hello what's up mga sangkay! Magandang oras po sa inyong lahat mula sa Luzon.
00:31.3
Visayas, Mindanao, Sabah at maging sa ating mga kababayan na nasa iba't ibang bansa.
00:36.3
Shoutout din po sa lahat ng solid sangkay na palagi pong sumusuporta. Marami pong salamat.
00:41.3
Ito na mga sangkay, sa walang pagtatagal, umpisaan na po natin ito. Tara!
00:57.3
Isang istorya ng isang kilalang model doon po sa Hong Kong ang ating tatalakain ngayon.
01:03.3
Siya po ay si Abby Choi.
01:05.3
Ang istorya ng buhay niya mga sangkay ay talagang masasabi kong punong-puno ng kulay.
01:11.3
Ngunit humantong po sa isang hindi magandang pangyayari.
01:15.3
Si Abby Choi ay isa pong kilalang tao o personalidad sa Hong Kong.
01:21.3
Napakagandang model na kahit po apat na ang anak neto eh hindi pa rin po nagbago ang kanyang pangangatawan
01:28.3
kaya naman lagi pong hinahagilap ang kanyang pangalan na nais magpa-endorso o magpa-promote ng kanilang mga produkto.
01:36.3
At dahil nga sikat ang taong to maging sa social media eh talagang matunog ang kanyang pangalan at meron pong libu-libong mga follower.
01:45.3
Sa kabila po ng kanyang kasikatan at hindi maawat na career, sumambulat po sa mga balitaan ang isang pangyayari
01:53.3
na kahit po ako mga sangkay, inaduduwal ako sa tuwing maiisip ko kung papaano humantong ang buhay ni Abby Choi sa isang hindi magandang pangyayari.
02:03.3
Kung babalikan po natin ang istorya ng kanyang buhay, siya po ay dalawang beses ikinasal.
02:09.3
Nagkaroon siya ng unang asawa, subalit mga sangkay, hindi rin po nagtagal dahil nga po hindi maganda ang kanilang pagsasama kaya tumantong sa hiwalayan.
02:18.3
Pagkarating po ng 2016, nagkaroon po ng chance para muling umibig o magpasimulang bumuo ng pamilya itong si Abby Choi at dito po siya ikinasal.
02:29.3
Nagkaroon po ng dalawang anak sa panibago niyang asawa ng maayos na wala pong nagiging problema.
02:36.3
Si Abby Choi ay isang family oriented at maging yung mga taong nakapaligid sa kanya ay sinasabi na itong si Abby ay talagang palakaibigan
02:46.3
na kahit hindi niya po kakilala ay pinapakitaan niya rin po ng kabaitan.
02:51.3
Si Abby Choi ay marami pong charity program.
02:55.3
Ang kanyang pera mga sangkay ay ginagamit niya sa pagtulong sa maraming tao doon sa Hong Kong.
03:01.3
Ibig sabihin hindi lamang po basta-basta model itong si Mrs. Choi kundi talagang may kabaitan ang kanyang kaluoban sa kapwa-tao.
03:19.3
Ngunit, Febrero 21, 2023, dito po na ganap ang hindi inaasahang pangyayari.
03:26.3
Si Abby Choi ay umalis nung panahon na yun sa kanilang tahanan para sana sunduin ang kanyang anak.
03:32.3
Subalit, dito nagumpisa ang araw na kung saan hindi na po siya nakabalik at hindi na po nakita.
03:39.3
At dahil nga po sikat, kilala at maimpluensya itong si Abby, agad po rumispundi ang kapulisan para hanapin, halughugin ang model na ito.
03:49.3
Naging matindi ang pagkahanap ng kapulisan kay Mrs. Choi.
03:53.3
Subalit, lumipas po ang ilang araw ay talagang hindi pa rin po ito nakita.
03:58.3
Ngunit, dito na po, February 24, 2024,
04:02.3
mayroon pong isang apartment na bigla na lamang pong pinasok ng otoridad
04:07.3
sa kadahilanan mga sangkay na mayroon pong kakaibang ikinikilos ang lugar na yun.
04:13.3
May isang unit doon, mga sangkay, na kung saan pinasok ng otoridad
04:18.3
at laking gulat po ng kanilang makita ang buong paligid.
04:22.3
Sa lugar na ito, may nakita mga sangkay na mayroon pong isang apartment
04:27.3
na makita ang buong paligid. Sa lugar na ito, may nakita mga sangkay na mga tools
04:33.3
kagaya na lamang po ng grinder, chainsaw at marami pang iba na nakapagtataka kung saan ito ginamit.
04:40.3
Nahandahan pa naghanap ang mga otoridad ng mga ebidensya kung may makikita pa po sila doon nakakaiba.
04:47.3
Subalit laking gulat po nila nung buksan ang ref nitong kapulisan.
04:52.3
Dito sumambulat sa kanila ang nilalaman. Nakita po ang ilang bahagi ng kanyang katawan sa loob.
04:58.3
At maging ang mga nakapaligid, mga sangkay eh tila naduduwal dahil nga po sa tindi ng kanilang mga nakita
05:05.3
na kumpirma ka agad na ito nga po ay si Mrs. Choi.
05:09.3
Subalit tinahanap pa po nila ang ilang parte kaya't naghalughug pa po sila.
05:14.3
At ito pa ang sumunod na pangyayari. Sana po kayanin po ng inyong sikmura.
05:18.3
Nakita po ang kanyang ulo sa lutuan ng sabaw.
05:22.3
At nung tinignan nila ito mga sangkay, tila baga napakuluan na po na parang normal na naghahain o nagluluto ng ulam.
05:30.3
Matapos ang pangyayaring ito mga sangkay, ang otoridad po ay nagpatuloy na sa imbistigasyon
05:36.3
at dito na nagkaalaman mga sangkay na ang may-ari po ng unit o apartment na ito.
05:42.3
Ang umupa po ay walang iba ang tatay ng naunang asawa ni Mrs. Choi.
05:48.3
At dahil dito mga sangkay, walang pagdadalawang isip,
05:51.3
naging target na nga po ang pamilya ng sinasabing ex-husband ni Mrs. Choi.
05:57.3
Ilan sa mga kaanak kasama po doon ang tatay ay kinuha na po ng otoridad.
06:02.3
Ang kanyang ex-husband ay patakas na rin po sana, subalit hindi na rin po nakawala.
06:08.3
Hanggang sa buong pamilya na po niya ay kinuha na po ng otoridad.
06:12.3
Sa pagkakataong ito mga sangkay, naging mas malinaw na po ang pangyayari
06:17.3
kung sino ang may kagagawan.
06:19.3
Subalit ang katanungan, bakit nga ba nila ito nagawa sa isang napakabait at responsableng tao
06:25.3
na kung saan marami na po ang natulungan.
06:28.3
At sa sobrang lupet ng pamilya ng dating asawa ni Mrs. Choi,
06:32.3
sinubukan pa po nilang gamitan ng pera para bayaran sana ang hustisya.
06:37.3
Subalit mga sangkay tinanggihan ito at wala na pong nagawa ang kanilang kayamanan
06:42.3
na pwede sanang ipangsuhol.
06:44.3
Isang impormasyon ang lumabas mga sangkay, posible o mano na dahil sa isang lupa
06:49.3
na may nakatirik na luxury house na pinagmamayari mismo ni Mrs. Choi ang dahilan.
06:55.3
Nung binili kasi ang bahay na ito at lupa, ipinangalan sa kanyang biyanaan
07:00.3
ang napakagandang bahay na ito, siguro para makatipid,
07:03.3
hindi po natin alam kung ano ang pinaka-reason basta ipinangalan sa kanyang biyanan.
07:07.3
Ang naaalala ko dito mga sangkay yung mga kumukuha ng sasakyan na kung saan wala pa pong
07:12.3
kapasidad na dokumento para isubmit sa pangko.
07:15.3
Ang ginagawa po nila mga sangkay e kumukuha po ng isang tao na pwedeng magrepresent
07:21.3
at pangalan niya mismo ang nakataya sa pagkuha ng sasakyan dito sa Pilipinas.
07:25.3
Yun lamang po ang naiisip ko na baka ito ang dahilan kung bakit ipinangalan sa tatay
07:31.3
ng dati niyang asawa ang lupain at napakagandang mansyon na ito.
07:35.3
Bago mangyayari kay Mrs. Choi ang lahat ng ito, ibebenta na pala niya sana
07:41.3
ang lupain at luxury house at ang kikitain doon halos lahat ay ipamimigay
07:47.3
sa mga charity itutulong sa mga kapuspalad.
07:50.3
Ngunit mga sangkay hindi po akalain na hahantong sa ganito ang pangyayari.
07:56.3
Kaya nga mga sangkay sinasabi ng iba na malamang sa malamang eto po talaga ang dahilan
08:01.3
at wala na pong iba. Pero para sa inyong mga sangkay ano po ang inyong nakikitang dahilan?
08:06.3
I-comment lamang po sa iba pa. Tunay nga mga sangkay na sa mundong ibaba
08:10.3
o ay talagang wala pong kasiguraduhan at hindi po safe ang bawat paligid natin.
08:15.3
May ginagawa ka mang mabuti o hindi ka mabuti sa iyong kapwa,
08:19.3
pwedeng mangyayari ang hindi maganda sa atin.
08:22.3
Kaya naman mga sangkay, ugaliin po ang pananalangin nasa tahanan ka man
08:26.3
o bago lumabas sa inyong tahanan para may gabay ng Panginoon
08:30.3
at kahit anong mangyayari, may mga anghel na magbabantay sayo dahil ikaw ay nanalangin.
08:36.3
I invite everyone to please subscribe my YouTube channel.
08:40.3
Ito po ay ang isa kong YouTube channel na Sangkay Janjan Daily.
08:43.3
Dito po ako nag-upload ng mga kwelang videos, mga pampagod vibes mga sangkay,
08:47.3
pampatanggal po ng umay at stress.
08:50.3
Kaya naman ngayon mga sangkay, isubscribe nyo na.
08:53.3
Huwag na pong mag-anilangan pa.
08:55.3
At syempre, iklik nyo rin po ang notification bell para lagi po kayong maa-update
09:00.3
at pangako sa bawat video na mapapanood nyo, kayo po ay matutuwa.
09:05.3
So maraming maraming salamat po sa inyong panunood.
09:07.3
Hanggang sa muli, this is me, Sangkay Janjan.
09:09.3
Palagi nyo pong tatandaan that Jesus loves you.
09:12.3
God bless everyone.