Ilegal na pagre-refill ng LPG sa isang planta sa Bulacan, sinalakay ng NBI | Frontline Tonight
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Sinalakay ng NBI ang isang planta sa San Miguel, Bulacan na iligal na nagre-refill ng mga tanke ng LPG.
00:07.0
Daan-daang kinakalawang na tanke na pinapalitan ng brand ang tumambad sa mga otoridad.
00:13.0
Nasa frontline ang balitan niyan si Brian Castillo.
00:19.0
Sa visa ng search warrant,
00:21.0
pinasok ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation ang compound na ito sa barangay-salangan San Miguel, Bulacan.
00:28.0
Huli sa akto ang ilang tauhan ng plantang Bulk LPG Enterprises na nagre-refill ng mga LPG tank na may iba't-ibang brands.
00:37.0
Meron nag-file ng complaint dito sa NBI na isang LPG company kung saan ang kanilang report ay ang kanilang mga LPG tank
00:47.0
ay illegally nire-refill ng isang, actually maraming planta ito eh.
00:53.0
Itong LPG cylinder nila na may trademark nila ay nire-refillan at pinapalabas na nire-refillan ito sa legit na kumpanya.
01:03.0
Tumambad din ang patong-patong na naka-embark na mga LPG tank na burado ang pintura at nakaukit na markings
01:10.0
kabilang ang serial number ng tanke.
01:12.0
Nakaparada rin sa compound ang isang truck na puno ng mga nanlilimahid na tanke na iba't-iba ang laki.
01:18.0
Sabi ng NBI, pusibleng inihahanda ang mga ito para pinturahan at gamitin sa rebranding.
01:24.0
Hindi raw ligtas yung pagre-refill ng mga LPG tanks sa mga hindi-otorizadong refilling stations,
01:30.0
lalong-lalo na kung magkakaiba yung brand ng mga tanke.
01:33.0
Hindi na rin dapat gamitin at ibenta yung mga ganitong tanke na wala nang antatak, nangangalawang pa.
01:39.0
Ayon sa NBI, ilang linggo rin nilang minanmanan ng planta at gumawa pa ng serial ng test buy bago ikasah ang operasyon.
01:47.0
Ang nuraid na planta, nasa ilalim ng kumpanyang B-Gaz Corporation, na pagmamayari ng isang Alvin T.
01:54.0
Sinusubukan pa namin kunin ang panig ng B-Gaz Corporation.
01:58.0
Pero tanging humarap sa aming kanina ay ang katiwala ng planta.
02:02.0
Pusibleng hindi lang daw agad napansin at nagkahalu-halo na ang mga tankeng nire-refillan nila.
02:08.0
Nagulat kami, hindi nga namin alam kung ano ang gagawin. E nakapagkarga po kami ng tanke na hindi naman para po dapat kargahan.
02:17.0
Kasi po, nahahalo po kasi minsan yan, hindi po namin napapansin.
02:21.0
Hindi po napapansin ang mga nagkakarga po. E dati po naman kasi, dati naman po kami nagkakarga ng gano'n.
02:27.0
Aabot sa mahigit 600 LPG cylinders, refilling pump, gas compressor at iba pang gamit sa planta ang nakumpis ka.
02:35.0
Dahil wala ng gamit, tigil operasyon ngayon ng planta habang pusibleng maharap ang may-ari nito sa reklamong paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines at LPG Industry Regulation Act.
02:47.0
Ang next na plano naman namin is to verify all their documents and a report sa Department of Energy na siyang nagre-regulate ng mga ganitong industriya.
03:00.0
So makipag-coordinate kami para malaman lalo at malaman natin paano nakalusot itong mga establishment na ito without inspection or safety standards."