Close
 


Pola, Oriental Mindoro, nasa state of calamity dahil sa oil spill | Frontline Tonight
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlineTonight | Isinailalim na sa state of calamity ang Pola, Oriental Mindoro dahil sa tumagas na langis mula sa lumubog na oil tanker. Ipinagbabawal na rin muna roon ang pangingisda. #News5 | via Elaine Fulgencio Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere Website: news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:57
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Isinailalim na sa State of Calamity ang Bayan ng Pola sa Oriental Mindoro
00:04.6
dahil yan sa tumagas na langis mula sa lumubog na oil tanker.
00:08.3
Ipinagbabawal na rin muna roon ang pangisda.
00:11.3
Nasa front line na balitan yan si Elaine Fulgencio.
00:16.7
Kumalat na sa iba't ibang lugar sa Oriental Mindoro
00:19.6
ang tumagas na langis mula sa lumubog na oil tanker malapit sa Bayan ng Nawana.
00:24.7
Sa huling aerial inspection kanina ng Philippine Coast Guard,
00:27.8
aabot sa tatlong kilometro ang lawak ng tumagas na langis sa dagat ng nawan.
00:33.8
Kung tutuusin, nabawasan yan kumpara sa anim na kilometrong haba ng oil spill
00:38.6
na naiulat noong March 1.
00:40.9
Isang araw matapos lumubog ang Empty Princess Empress.
00:44.9
Ang problema, may halo na raw kasing industrial fuel ang langis na umabot na sa mga baybayin.
00:51.4
Karga kasing ng lumubog na barko ang 800,000 liters na industrial fuel.
00:56.6
Kung ito'y industrial fuel, may palatandaan na maitim, makapal yung langis, at may foul odor.
01:11.2
Ang tumagas na langis umabot na sa mga baybayin ng Pola, Pinamalayan, Gloria, Bansod at Bungabong.
01:19.4
Sa bayan nga ng Pola, nagdeklara na ng state of calamity dahil sa lawak ng oil spill sa kanilang dagat.
01:26.2
Pinagbabawal na rin muna ng LGU ang panginisda sa lugar.
01:30.6
Nauna nang nag-utos ng fishing ban ang lokal na gobyerno ng nawan dahil sa oil spill.
01:36.2
Problema nga lang ngayon ng PCG, ang pahirapang paglalagay ng oil spill boom
01:41.2
o panlinis sa mga baybayin na may naninikit na langis.
01:45.0
Ang challenge sa amin, napakalakas ng alon pa rin dun sa area.
01:47.8
Yung nasa barko, nag-e-spray sila ng dispersant para ma-contain yung langis.
01:55.4
Pero ang pinakamabisa talaga ay yung oil spill boom.
01:59.7
So we will attempt again."
02:01.7
Nagbabala naman ang mga marine experts sa bansa
02:05.2
na higit 24,000 hectares ng coral reef ang nanganganig masira dahil sa oil spill.
02:11.3
Bukod sa kabuhayang maaapektuhan dulot ng nangyaring oil spill,
02:15.0
isa sa pinangangambahan na madamay din dito ang mga marine protected areas
02:19.7
na sakop ng baybayin ng Oriental Mindoro na mahigit ilang dekada nang inaalagaan.
02:25.2
Kaya tingin ni Bungabong Mayor Elgin Malaluan,
02:28.2
may magagawa sana ang lumubog na Empty Princess Empress para maiwasan ng trahedya.
02:33.4
"...Yang may mga ganyang cargo na alam naman natin na dangerous cargo yan na makakapikto sa kalikasan, dapat bago kayong maglayag, alam naman nyo five days before ay alam na ninyo ang weather condition na inahayag ng ating pag-asa. So bakit ito ay nahayaan pa?"
02:55.4
Kung mapapatunayang may kapabayaan, posibleng maharap sa criminal at civil charges ang may-ari ng Empty Princess Empress.
03:04.1
Sa ngayon, bumuo na rin ang National Disaster Risk Reduction and Management Council ng task force na tututok sa oil spill.
03:11.8
Pinayuhan naman ng provincial government ng Oriental Mindoro na huwag muna kumain ng anumang isda o lamang dagat na nahuli mula sa lugar na may oil spill.
03:21.0
Huwag na rin daw lumapit sa mga lugar kung saan may bakas ng tumagas na langis.
03:26.0
Nakahanda naman daw tumulong ang national government sa mga pamilyang maapektuhan ng oil spill, ayon yan kay Pangulong Bongbong Marcos.
03:34.9
Sabi ng Pangulo, pagtutuonan din nila ng pansin ang mga manging isdang mawawalan ng hanap buhay dahil sa insidente.
03:43.8
Nagbabalita mula sa Frontline, Elaine Fulgencio, News 5.