Ilang jeepney driver, hindi nakiisa sa malawakang tigil-pasada | Frontline Pilipinas
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Unang araw ng tigil pasada. May mga hindi bumiyahe pero maraming namasada pa rin.
00:06.0
Meron namang libreng sakay ang mga LGU. Yun nga lang naging kakumpetensya pa sila ng mga jeepney driver.
00:13.0
Live mula sa Mandaluyong, nasa front line, ang maliitang iyan, si Gio Robles. Gio, may nasasakyan ba ang mga jeep d'yan?
00:21.0
Sheryl Julius, kung ako ang tatanungin, totoo nga ang sinabi ng LTFRB noong nakaaraang linggo na hindi mapaparalisa ng tigil pasada ang transportasyon sa Metro Manila.
00:35.0
Makikita nyo sa likuran ko, hile-hilera, hindi na uubusan ang pumapasadang jeep ang terminal na ito dito sa Mandaluyong.
00:43.0
Halos dalawang oras nag-abang ng jeep sa Quiapo ang kasambahay na si Jocelyn. Lunes na lunes, pero wisyo ang dulot sa kanya ng unang araw ng isang linggong tigil pasada ng mga jeep.
00:57.0
Mahirap nga eh. Papasok na ako ng trabaho ko. Kanina pa po ako naghihintay dito eh.
01:03.0
Pinangunahan ng grupong Manibela ang tigil pasada bilang pagkondena sa taning na ibinigay ng LTFRB para sumali sa kooperatiba ang mga tsuper at operator bilang bahagi ng PUV Modernization Program.
01:18.0
Ang grupong Pistón maagang nagprotesta kanina sa Monumento sa Kaluokan. Humingi na lang sila ng pang-unawa sa mga pasaherong nahirapang makasakay.
01:29.0
Pabor naman daw sila sa PUV Modernization pero sana raw, abot kaya sa mga tsuper.
01:34.0
Itong laban na ito hindi para sa driver. Para sa lahat. Para sa ating sa lahat yan. Hindi kami tumututul sa modernization na yan. Nakapalit ang mga jeep namin.
01:45.0
Ang problema masyadong mahal. Hindi kaya ng mga operator yan.
01:49.0
Pero hindi lahat ng jeep ni driver nakiisa sa tigil pasada. Tulad ni Reggie na biyahing Commonwealth Marikina. Ayaw rin daw niya ng PUV Modernization.
02:00.0
Pero sa hirap ngayon ng panahon, mas piniliraw niyang pumasada para hindi magutom ang kanyang pamilya.
02:06.0
Magbibiyahe pa rin kami. Kahit na tigil pasada sana, makikiano sana kami sa kanilang kaso nga lang wala rin kami pang ano kaya biyahe na lang po kami.
02:14.0
Tuloy rin ang biyahe ng mga jeep na may rutang Libertad Calentong sa Mandaluyong. Pero reklamo nila, bawas ang kita nila ngayon dahil sa mga libring sakay ng mga LGU.
02:26.0
May nagtatawag pa yung nakasakay doon sa libring sakay. Kasi para sa akin dapat nakabackup lang sila. Kaya siguro ngayon na datngan nyo, mas marami yung nakapila na jeep.
02:39.0
Ganyan din ang reklamo ng mga tricycle driver na umasang kikita ng doble ngayong araw.
02:45.0
Dahil pong libring sakay ngayon, doon pa lang ako punta lahat ng mga pusayero. Wala pa kami kinikintay.
02:53.0
Sanib pwersa ang MMDA at mga lungsod sa Metro Manila sa paghahatid ng libring sakay.
03:00.0
Sa Maynila nga, tatlong daang electric tricycle ang pinakalat sa lungsod para sumaklolo sa mga walang masakyan.
03:07.0
Nakabawas din sa epekto ng tigil pasada ang pagsuspindi sa face-to-face classes ngayong linggo.
03:14.0
Wala rin number coding ngayong araw para mas maraming makagamit ng mga pribadong sasakyan.
03:20.0
Tantyan ng manibela at piston, 80% ng mga jeep sa NCR ang nakiisa sa transport strike.
03:27.0
Pero ayon sa LTFRB, 10% lang ng mga jeep sa Metro Manila ang hindi bumiyahe habang 5% lang sa buong bansa.
03:37.0
Ayon din kay Transportation Secretary Jaime Bautista, hindi ramdam sa mga lansangan ang tigil pasada.
03:43.0
Napakarami pa rin mga bumibyaheng mga jeep. Nandiyan yung mga bus operators natin, yung mga modern jeep. Kaninang maga minumonitor ko yung operations ng itong mga buses and modern jeep.
04:04.0
And maganda naman yung nakikita namin.
04:08.0
Iginiit naman ni LTFRB Chairman Tshofilo Guadis na wala ng extension sa December 31 deadline ng PUV consolidation o yung pagsali ng mga tsuper sa kooperativa.
04:38.0
Tapos marami pa ang makikiisa bukas at sa susunod na araw o marami pa rin ang mamamasada.
04:44.0
Kakapasok lang din na balita Julius ayon sa MMDA, suspendido pa rin hanggang bukas ang number coding scheme. Balik sa inyo sa studio.