Close
 


Oriental Mindoro, isinailalim sa state of calamity dahil sa oil spill | Frontline Tonight
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlineTonight | Isinailalim na sa state of calamity ang buong Oriental Mindoro dahil sa oil spill. Siyam na bayan na roon ang apektado. #News5 | via Elaine Fulgencio Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere Website: news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:41
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sinailalim na sa State of Calamity ang buong Oriental Mindoro dahil sa oil spill.
00:04.8
Siyam na bayan na roon ang apektado ng tumatagas na langis mula sa lumabog ng MT Princess Empress.
00:10.5
Nasa From Animalitang Yan, Elaine Fulgencio.
00:16.0
Maitim at mahirap tanggalin ang naninikit na langis sa bangka ng mangingisdang si Jimelito sa Pola, Oriental Mindoro.
00:23.8
Gamit ang balat ng nyog, matyaga niyang kinukuskos ang langis para matanggal.
00:28.7
Mula yan sa tumagas na langis ng lumabog na MT Princess Empress sa kalapit na bayan ng Nawan.
00:34.3
Karga nito ang 800,000 liters na industrial oil.
00:38.0
Pero kahit anong pagkikis-kis ang gawin ni Mang Jimelito, hindi pa rin niya magagamit ang bangka.
00:44.0
Pinagbawalan na kasi ng provincial government ng Oriental Mindoro ang pumalaot sa mga lugar na may oil spill.
00:51.0
Wala na po kaming magagawang ibang hanap na ibang trabaho kundi yan lang pong alam namin eh, pangingis daw.
00:58.8
Gawawa naman po yung aking mga anak.
01:01.8
Gano'n ang kuhan po, hindi na po makapagpalaot eh, dahil bawal na po.
01:06.8
Bawal na rin muna kumain ng anumang lamang dagat o pag-inom ng tubig sa mga deep well at poso.
01:12.3
Sa huling tala ng kanilang provincial government, umabot na sa siyam na bayan sa Oriental Mindoro ang tumagas na langis.
01:19.8
Dahil dito, inilagay na ni Gov. Bons Dolor ang buong Oriental Mindoro sa state of calamity.
01:25.3
Bukod pa sa mga lalawigan na yan, umabot na rin sa antike ang tumagas na langis.
01:30.3
Sa ngayon, natukoy na ng Department of Environment and Natural Resources ang kinaroroonan ng lumubog na oil tanker.
01:37.3
Nasa layong 7.5 nautical miles ito o halos 14 na kilometro mula sa Balinsangan Point nakatapat ng Bayan ng Pola sa Oriental Mindoro.
01:46.3
Nasa 1,200 feet naman ang lalim nito sa karagatan.
01:50.3
At dahil sa nangyaring oil spill, mas lalong kailangan na rin ng mga residente na magsuot ng face mask.
01:57.3
Di mo naman nakikita yan, nasa hangin.
01:59.3
Pag nalanghap ng isang tao, maaari magkaroon ng hirap sa paghinga, maaaring mas lumala ang hika, mas lumala ang emphysema.
02:06.3
Maaari rin magkaroon ng gastrointestinal problems.
02:09.3
Katulad ng nagsusuka, sumasakit ang siya, minsan nagtatai.
02:14.3
Pinayuhan din ng Department of Health na magdoble ingat ang mga tumutulong sa paglilinis ng mga tumagas na langis.
02:21.3
Hanggat maaari, importante rin daw ang pagsusot ng angkop na personal protective equipment.
02:26.3
Hindi po ito yung mga usual na mga PPEs na ginagamit natin nung may COVID sa ospital.
02:32.3
May PPE po tayo na ginagamit for us to be protected from hazardous materials.
02:37.3
Ito po yung makakapal na PPE na makakapal na gloves at saka yung ating respirator na po ang ginagamit.
02:44.3
Samantala, humarap na rin sa provincial government ng Oriental Mindoro ang may-ari ng lumubog na Empty Princess Empress.
02:52.3
Kumuha na rin daw sila ng dalawang kontraktor na mangunguna sa pagpigil sa lalong pagkalat ng oil spill.
02:58.3
Pero pangamba nila, kulang daw ang isang taon.
03:01.3
Yung ibang areas na naapeptuhan, hindi po nararating ng mga equipment. So manggagaling po sa dagat.
03:08.3
Mabibigat po yung ibang equipment, hindi rin lumagpo din ang mababaw. So meron yung logistical problems.
03:15.3
Humihiling na rin ang mga kontraktor sa pamahalaan na mapabilis ang proseso ng mga kinakailangang permit para sa mga gagamiting robotic equipment na inaasahang darating ngayong linggo.
03:27.3
Nagbabalita mula sa Frontline, Elaine Fulgencio, News 5.