Close
 


News ExplainED: Private armies | Frontline Tonight
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#NEWSExplainED | Ipinag-utos na naman ng isang pangulo ng Pilipinas ang pagbubuwag ng private armies sa bansa. Hindi na bago ang utos na ito ni Pres. Bongbong Marcos. Ang bawat administrasyon kasi ay nangakong bubuwagin ang private armies at private armed groups na namamayagpag sa kanayunan. Naging paulit-ulit na ito pero parang pabalik-balik lang ang problema. Himayin natin ang usaping ito. #FrontlineTonight Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere Website: news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 04:49
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ipinag-utos na naman ng isang Pangulo ng Pilipinas ang pagbubuwag ng mga private armies sa buong bansa.
00:05.5
Siyempre po, hindi na bago itong utos na binigay ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:09.5
Ang bawat administrasyon nangako na bubuwagin ng mga private armies at mga private armed groups na mamayagpag sa kanayunan.
00:17.0
Naging paulit-ulit na nga ang utos na ito pero parang pabalik-balik lamang ang problema.
00:22.5
Halimbawa po, noong November 2009, nangyari yung Maguitonaw massacre.
00:27.0
Kung sa 58 taong pinatay kasama ng 32 media men.
00:31.0
Ang tinulong sala rin ang Pamilya Angpatuan at kanilang private army na namamayagpag noon sa Maguitonaw.
00:38.0
Pero sa pagsusuri po ng Philippine Center for Investigative Journalism,
00:42.0
hindi sariling pera ang ginamit ng Pamilya Angpatuan para buuhin ang kanilang private army.
00:48.0
Pondo mismo ng gobyerno ang ginamit ng angkan o yung internal revenue allotments ng probinsya at mga munisipalidad.
00:56.0
Baril ng gobyerno, bala ng gobyerno, at pati mga kawanin ng gobyerno sinama na sa kanilang private army.
01:03.0
Bilang pagdugon po rito, tinatag ni Nooy Pangulong Gloria Arroyo ang Independent Commission Against Private Armies or ICAPA.
01:11.0
At kinumpirama po ng ICAPA na marami sa 112 na private armies sa bansa noong 2010
01:18.0
ay pinupondohan mismo ng gobyerno sa pamamagitan ng mga politiko.
01:22.0
Katunayan, marami rao sa mga private armed groups na ito ay kunwari mga civilian volunteer groups o mga CBOs o kaya ay mga armed auxiliaries.
01:33.0
Panlaban daw dapat sa mga rebelding grupo.
01:35.0
Pero ang katotohanan, ginagamit po sila para sa lokal na politika.
01:40.0
Ito po ang mga rekomendasyon ng ICAPA kay Pangulong Arroyo noong March 2010.
01:45.0
Una, isa pong kompletong imbentaryo ng mga baril na ini-issue sa mga CAFGU ng AFP at sa mga CBO at civilian auxiliaries ng PNP.
01:54.0
At ang mas mahigpit na pag-regulate sa paggamit ng mga opisyal na uniforme ng polis at mga sundalo.
02:01.0
Pero may mga nagduda kung may patutungon nga ang rekomendasyon ng ICAPA.
02:06.0
Dahil mulat sa pool, alam naman daw ng mga otoridad na nagagamit lamang sa politika ang mga baril na ito.
02:12.0
Isa sa mga sabit sa kontrobersya ng private armies ay mismong si Pangulong Arroyo.
02:17.0
Ang Arroyo administration ni Kase ang nag-arma sa pamilya ang patuan dahil ang pamilyang ito ang pinakamalapit na political ally ni Pangulong Arroyo sa Central Mindanao.
02:28.0
May ilang sumubok solusyonan ang problema gamit po ang batas.
02:32.0
Si Congressman Rufus Rodriguez sinulong ang House Bill 2756 na nag-de-define at nagbabawal sa mga private armies.
02:40.0
Sa panukala, ang private army ay ang isang grupo ng mga armado sa labas na militar at ng pulisya na ginagamit para sa krimen o di kaya para sa political or economic na interest ng isang tao, grupo o pamilya.
02:55.0
At kasama po sa definisyon na iyan, ang mga government armed groups na labas na sa kanilang mandato ang mga kilos.
03:02.0
Ang sino bang public official na mahuli na may private army ay may kulong na 12 to 20 years at perpetual disqualification sa public office.
03:12.0
Sa Senado naman, sinulong dati ni Sen. Antonio Trillanes ang SB or SB 2620 na may mga kaparehas na probesyon.
03:21.0
Pero pinagbabawalan din ang pag-abuso sa mga security details o yung mga ofisyal na bodyguard na binibigay ng gobyerno sa mga politiko.
03:31.0
Kung ang kanilang trabaho ay labas na po sa pagbibigay ng seguridad, maitutuloy na rin dapat silang private army.
03:38.0
Pero hindi po umusad ang mga panukalang batas na ito. Gano'ng katalamak ba ngayon ang mga private armies?
03:45.0
Noong October 2018, sinabi po ng PNP na may binomonitor daw silang 77 private armed groups na may katumbas daw na 2,000 katao. 2018 pa po iyon.
03:56.0
Taong 2021 naman, sinabi naman ni Interior Secretary Eduardo Año na meron silang tayang 155 private armed groups sa buong bansa na ginagamit ng mga lokal na politiko.
04:08.0
At kalahati rao sa mga grupong iyan maituturing na highly active.
04:13.0
Pero eto po, sumunod naman ang taon, April 2022, ayon kay nuoy PNP Chief Leonardo Carlos, dalawa na lang ang natitirang private armies sa buong bansa.
04:24.0
At ang mga ito ay nasa SOC Sargent Region namang na kinabibilangan daw ng South Cotabato, Cotabato, Sutan Cotrat, Sarangani at Tien San.
04:32.0
Disbanded or inactive rao ang iba dahil sa matagumpay rao na pagsubok ng pamahalan sa mga private armies.