Close
 


Mga atletang Pinoy, kinilala sa 2023 PSA Awards
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlineSaUmaga | Kinilala ang mga atletang Pinoy na nagbigay-karangalan sa bansa sa Philippine Sportswriter Association Awards Night. Itinanghal na PSA Athlete of the Year si Hidilyn Diaz sa ikalawang sunod na taon #News5 | via Martie Bautista Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere Website: news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:15
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Kinilala ang mga atletang Pinoy na nagbigay karangalan sa bansa sa Philippine Sports Writers Association Awards Night.
00:07.0
Nasa front line na balitan niyan si Marty Bautista.
00:11.0
Time out muna sa pagsuot ng jersey at sapatos ang ating mga atleta.
00:16.0
Pinuno nilang Diamond Hotel sa Maynila para sa taonang Philippine Sports Writers Association Awards Night.
00:23.0
Nasungkit ni Tokyo Olympics Gold Medalist Heidelin Diaz ang Athlete of the Year Award sa ikalawang sunod na taon.
00:31.0
Ito ang ikatlong beses na napanaluna ng Pinay Weightlifting Queen ang parangal.
00:37.0
Sa kanyang speech, sinabi ni Heidelin na magtutuloy-tuloy lang siya sa sport
00:42.0
at puspusa na ang paghahanda niya para sa Paris Olympics sa 2024.
00:47.0
Gusto ko paring manalo sa Olympics.
00:49.0
Gusto ko paring mag-weightlifting.
00:51.0
Masaya ako. Masaya akong makita na yung mga inu-influence akong bata na sumali sa weightlifting na masaya sila.
00:58.0
And masaya ako na hoping na mas marami pang weightlifter maglalaro sa Olympics.
01:07.0
Itinanghal ding National Sports Association of the Year ang parent organization ni Diaz na samahang weightlifting ng Pilipinas.
01:15.0
Pinigyan naman ng Lifetime Achievement Award ang tinaguriang Long Jump Queen ng Pilipinas na si Elma Muros Posadas.
01:24.0
Nagpanalo ng labinlimang ginto sa Southeast Asian Games si Muros Posadas mula 1981 hanggang 2001.
01:33.0
Tabla sa pinakamarami sa athletics competition history ng turneo.
01:37.0
Dilang isang babae, empower women. So thank you Lord talaga.
01:41.0
Iiwanan ko ng ligasyang mga kabataan sa pamagitan ng sports.
01:45.0
Ginawaran din ng Hall of Fame Award ang Yumaong Sprint Queen ng bansa na si Lydia De Vega.
01:51.0
Kasama niya rin lumalaban noon para sa Pilipinas sa larangan ng athletics si Muros Posadas.
01:57.0
Tinanggap ng anak niyang si Stephanie Mercado ang parangat.
02:01.0
Pinangalanan namang Mr. Basketball si Scottie Thompson at Ms. Football si Serena Boldin ng National Women's Team.
02:10.0
Habang President's Awardee si Alex Ayala.
02:13.0
Binigyan din ng Tony C. Dayao Awards ang siyem na itinuturin na future ng Philippine sports.
02:20.0
Ang award na ito ay ibinigay sa mga atletang hindi lalampas sa 17 taong gulang at nagpamalas ng galing sa kanilang sports.
02:29.0
Pagkatapos ng matagumpay na taon para sa mga Philippine sports, next stop na sa mga atletang Pinoyang SEA Games na gaganapin sa Mayo.
02:37.0
Nitong nakaraang edisyon ng Palaro sa Vietnam, nag-awin ng 227 na medalya ang Pilipinas.
02:44.0
Lahat tayo kailangan magdasal. Maraming magic na gagawin especially in Cambodia.
02:51.0
Kailangan natin ang supporta ng lahat ng Pilipino.
02:58.0
Gaganapin ang 2023 SEA Games sa Cambodia.
03:02.0
Nagbabalita mula sa Frontline.
03:04.0
Marti Bautista, News 5.