Close
 


Bayan ng Pola, Oriental Mindoro, labis na apekado ngayong ng oil spill | Frontline Sa Umaga
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlineSaUmaga | Magsasampa na ng kaso ang lokal na pamahalaan ng Pola laban sa RDC Reield Marine Services o ang may-ari ng lumubog na oil tanker sa Oriental Mindoro. Inireklamo rin ng LGU ang tila hindi pamamansin sa kanila ng nasabing kumpanya. #News5 | via Mon Gualvez Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere Website: news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:25
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Magsasampana ng kaso ang lokal na pamahalaan ng POLA laban sa RDC-REL, the Marine Services o ang may-ari ng lumubog na oil tanker sa Oriental Mindoro.
00:10.0
Bukod kasi sa problema ang idinulot ng oil spill nito sa bayan, inirereklamo rin ng POLA-LGU ang hitila hindi pamamansin sa kanila ng nasabing kumpanya.
00:19.0
Nasa front line ng balitang yan, Simon Juarez.
00:22.0
Tila balik sa COVID-19 lockdown, ganyan ang pakiramdam ng mga residente sa Barangay Kalima, POLA, Oriental Mindoro.
00:32.0
Bukod kasi sa bawal mangisda at kumain ng mga lamang dagat, hindi na rin pwedeng uminom ng tubig mula sa mga poso at deep well.
00:40.0
Ang mga ito pa naman ang pangunahing pinagkukunan ng tubig ng ilang residente roon.
00:44.0
Ito po ay isa namin sa pangangailangan sa pang-araw-araw. Dahil po itong aming mga ano ay minsan po ay sa dami po ng aming mga gawain,
00:53.0
kung anong pong malapit sa amin, dito po kami umaasa sa tubig. Mahigpit po dahil bawal kami kumuha ng inumin,
01:00.0
dahil kailangan pong i-examine kung kontaminado ang tubig namin. Kailangan namin magsuot muli ng face mask para sa palusuga namin.
01:10.0
Isa ang bayan ng Pola sa mga sumasalo sa tumagas na langis. Ang mga batu nga sa dalampasigan dito may mansya na ng nangyaring oil spill.
01:20.0
Habang maraming bakawan naman sa lugar, ang balot ng maitim at makapal na langis.
01:26.0
Gumawa ng ilang residente rito sa Pola ng man-made oil spill boom gaya nito na ginamitan nila ng kawayan para maharang daw kahit papano yung mga langis na posibleng umabot dito sa lugar.
01:37.0
Sa bahaging yun kasi, sa likod itong tulay ay nakapuesto yung batuhan mangrove forest sanctuary na posibleng mapinsala.
01:45.0
At kapag nasira yan, aabutin daw ng dalawampu hanggang tatlumpung taon bago ito makapagpatubo muli.
01:53.0
Ang lokal na pamahalaan ng bayan nakatakda ng magsampa ng kaso sa may-ari ng lumubog na oil tanker.
01:59.0
Hanggang ngayon kasi, wala pa rin nakikipag-ugnayan mula sa nasabing kumpanya sa Pola LGU.
02:05.0
Alam mo yung mag-extend ka ng hand na kayo yung sumira ng kalikasan ng bayan ng Pola.
02:11.0
Pumunta kayo dito, makipag-usap.
02:14.0
Yung puntahan ninyo ay may problema ng lugar.
02:17.0
Di ba yung tama na pumunta sila at magsabi na,
02:21.0
ay, nandito po kami para makipag-usap inyo.
02:25.0
Walang ganon.
02:27.0
Natukoy na ng Department of Environment and Natural Resources ang posibleng kinaroonan ng lumubog na oil tanker.
02:33.0
Nasa layong 7.5 nautical miles ito o halos 14 na kilometro mula sa Balisangan Point na katapat ng bayan ng Pola, Oriental Mindoro.
02:42.0
Nasa 1,200 feet ang lalim nito sa karagatan.
02:46.0
Dahil sa perwisyong dulot ng oil spill, 76 na coastal barangay ngayon sa Oriental Mindoro ang isinailalim na sa state of calamity.
02:55.0
Bukod naman sa mga bayan ng probinsya, umabot na nga rin ng oil spill sa Antique.
03:00.0
Nagsagawa rin ng aerial inspection ng Office of Civil Defense o OCD.
03:05.0
Inassess nila kung gaano na kalawak ang inaabot ng oil spill mula sa pinaglubugan nito sa Balisangan Point.
03:11.0
Nagbabalita mula sa Frontline, Mon Gualvez, News 5.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.