Close
 


News ExplainED: Tech vs oil spill | Frontline Pilipinas
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlinePilipinas | Sa lawak ng dagat, paano nga bang mahihigop ang litro-litrong langis na humalo rito? Nagawa na ito noon sa pinakamalaking oil spill sa kasasayan ng Pilipinas. Himayin natin 'yan sa #NewsExplainED. #News5 Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere Website: news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 04:39
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Nagkakandara pa ang mga otoridad para ma-contain ang oil spill na dulot ng paglubog ng MT Princess Empress sa may Oriental Mindoro noong nakaraang linggo.
00:13.0
Ang laman kasi ng Princess Empress ay 800,000 liters ng industrial fuel oil na karniwong ginagamit sa mga planta o barco na ibabyae sana nito mula bataan hanggang ilo-ilo.
00:25.0
Lumubog ang Princess Empress sa may nauhan Oriental Mindoro sa lalim na 400 metro. Sa lalim na 400 meters, wala raw tayong kagamitaan para ma-recover ang langis bago ito tumagas.
00:37.0
Si Transportation Secretary Jaime Bautista humingi na ng Technical Assistance sa Japan para ma-higop ang langis.
00:45.0
Sa ngayon, ang nagagawa lamang po natin ay subukang kolektahin ang namumunglangis na tubig at mag-spray na mga dispersant sa langis.
00:53.0
Pero hindi po itong unang nating karanasan sa mga malawak ang oil spill sa kasaysayan ng Pilipinas.
00:59.0
Agosto 2006, lumubog ang MT Solar sa may katimugang bahagi ng Guimaras Island. Ito ang pinakamalalang oil spill sa kasaysayan ng Pilipinas.
01:09.0
Ang MT Solar kasi may dalang 2.1 million liters ng bunker fuel, higit doble ng dalaan nitong Princess Empress.
01:17.0
Dahil sa lawak ng trahedya, maraming ahensya ang lumisponde sa loob at labas ng bansa.
01:23.0
Hindi lamang ang Coast Guard at ang D.E.N.R. kundi pati na rin ang U.S. National Oceanic and Atmospheric Administration,
01:30.0
ang International Maritime Organization, at ang Greenpeace at ang World Wildlife Fund.
01:35.0
Pati nga mga preso sa bilibid na Kisali. Nagpakalbo sila para mag-donate ng buhok sa paniniwalang maigi ang buhok ng tao para pang absorb ng oil spill.
01:45.0
Pati ang Manila LGU romonda sa mga barberiya at mga beauty parlor para manglekta ng buhok.
01:51.0
Mabuti na lamang, may natauhan at nagsabi na mas nakakasama pala ito sa kalikasan.
01:56.0
Ang buhok kasi ng tao, marami ng halong kemikal na maaring makasama sa kalikasan, lalo na kung galing ito sa mga beauty parlor.
02:04.0
Matapos ng 16 na taon, naibalik na rin ang likas na ganda ng Guimaras. Pero paano nila nagawa ito?
02:11.0
Ayon sa Office of Response and Restoration ng US National Oceanic and Atmospheric Administration, maraming paraan para labanan ng mga oil spill sa dagat.
02:21.0
Isa rito ang ginagawa na natin ngayon, ang paglalatag o pagbabomba ng mga chemical dispersants.
02:27.0
Ang dispersant ay isang kemikal na nagbe-breakdown ng langis sa mga mas malilit na oil droplets para lumubog.
02:35.0
Hindi po nito tinatanggal ang mismong langis. Pero dahil mas malilit na droplets na ito, mas mabilis na po itong mag-biodegrade o malusaw bago dumating sa dalampasigan.
02:46.0
Parang sabon at mantika. At pag mas malilit na ang mga droplets na ito, mas nakakain ng langis na mga microbes sa dagat.
02:54.0
Ayon sa National Center for Biotechnology Information, may mga microbes na tumutulong sa decomposition ng mga oil spill.
03:02.0
Medyo matagal lamang pero kalaunan ang langis ay nagiging carbon dioxide at tubig na lamang.
03:08.0
Pero ayon sa ilang environmental groups, hanggat nandiyan pang langis, may panganib pa rin ito sa marine life at coral sa ilalim ng dagat.
03:17.0
Ang isa pang paraan ay ang paglalagay ng mga floating barriers or booms para makontain ang langis at hindi lalong kumanat.
03:25.0
Kung bago pa lamang ang oil spill at hindi maalon, minsan ay sinisilaban ang oil spill para maubos agad.
03:32.0
At ang huli at pinakamahirap ay ang skimming o ang fisikal na pangkolekta ng langis sa tubig.
03:39.0
Maraming pagkakataon na hindi na pwedeng intayin na malusaw ang langis dahil sa panganib na dulot nito.
03:45.0
Pero ang pinakamalaking problema pa rin ay ang tonetoneladang langis na naiwan sa loob ng lumubog na barko.
03:51.0
Hanggat hindi ito nakukuha, patuloy itong tataga sa dagat at hindi matatapos ang trabaho ng lahat.
03:58.0
Para sa gimaras oil spill, kinontrata ang isang Italian company ang Sunsub Ltd.
04:04.0
na nagpadala ng mga remotely operated vehicles o mga submarine na walang tao sa loob.
04:11.0
Gamit itong ROVs, hinigop ng Sunsub ang 14,000 tons ng crude oil mula sa lumubog na barko.
04:19.0
Ang price tag nito tilatayang umabot ng $12,000,000 or P600,000,000 at binayaran gamit ang insurance ng lumubog na barko.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.