Close
 


Booking sa mga resort sa Oriental Mindoro, kinansela ng mga turista dahil sa oil spill
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlineTonight | Bukod sa pangingisda, apektado rin ang turismo sa Oriental Mindoro dahil sa oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress. Nag-alok naman ng cash-for-work ang gobyerno para sa mga mangingisdang hindi makapalaot. #News5 | via Mon Gualvez Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere Website: news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 04:42
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Bukod sa pangingisda, apektado rin ang turismo sa Oriental Mindoro dahil sa oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress.
00:07.2
Nagalop naman ng cash-for-work ang gobyerno para sa mga mangingisdang hindi makapalaot.
00:11.5
Nasa Frontline Malitang Yan, Mon Guaves.
00:15.5
Ganito na ngayon ang itsura ng dagat sa bayan ng Pola sa Oriental Mindoro.
00:19.6
Maitimang tubig dahil sa malagkit na oil spill mula sa MT Princess Empress.
00:24.0
Ang lugar na yan, tinatayuan ng mga beach resort na sakto sana ngayong summer season.
00:28.5
Pero dahil sa nangyaring oil spill, cancelled na raw muna mga bookings sa kanila ng mga turista.
00:33.5
Itong March na ito, mayroon din kami cancellation dahil kasi nabalitaan niya nila ang oil spill na yan.
00:39.0
Hindi sila makapwedeng maligo dahil pinagbawal din ang maligo sa dagat dahil baka magka meron sila ng diferensya sa kanilang mga balat.
00:47.0
Ayon sa contractor ng lumubog na oil tanker, mahina isang taon para sa oil cleanup.
00:52.0
Dagnag problema rin kasi ang paminsan-minsang paglakas ng mga alon sa dagat.
00:57.0
Mabuti na lang, kalmado ang dagat kanina.
01:00.5
Kaya naman, nakapaglagay na ng spill booms ang Philippine Coast Guard kung saan may bakas ng tumatagas na langis.
01:06.0
Ang boom po natin, una ay pananggap po siya.
01:10.5
Nahapang sinasanggap po siya, yun yung pagkakataon upang kolektahin yung mahipon.
01:16.0
Ang dagat po natin na inagalaw, kaya maaari rin po talaga meron pa rin pong porsyento na makakaalpas.
01:24.0
Ngunit at least karamihan e, mababawasan.
01:27.5
May karagang 800,000 liters na industrial oil fuel ang lumubog na oil tanker.
01:32.0
Sa ngayon, mayigit 200 litrong langis na ang nakolekta mula sa dagat ayon sa Coast Guard.
01:37.0
Pero aminado ang PCG na hindi to kakaya rin ng cleanup ng mag-isa.
01:41.0
Kaya naman, hinihikayat na rin nila ang publika.
01:43.0
Ang barbershop nga na ito sa Calapan, naisip mang kolekta ng buhok na gagamitin sa cleanup operations.
01:49.0
Nabasa ko sa ilang article na ang buhok ay meron.
01:53.0
Isa siyang lipofolic material na ang property niya ay repellent siya sa tubig
02:01.0
pero absorbent siya sa oil. Proven and tested itong methodology nito.
02:06.0
Isang buhok sa ginamit bilang absorbent nung magkaroon ng oil spill sa Gimaras taong 2006.
02:11.0
Sabi kasi sa pag-aaral, ang isang kilo ron ng buhok kaya makapag-absorb ng nasa 8 litro ng langis.
02:21.0
Pero ang PCG kinontra ang paggamit ng buhok sa oil spill.
02:25.0
Unang-una, iyang buhok ay matagal matunaw.
02:30.0
Pangalawa, meron siyang mga chemicals na in-introduce siya kanya sa parlor,
02:35.0
alam naman natin mga chemicals na ginagamit, which are equally detrimental to the environment.
02:42.0
So hindi po, we are discouraging that."
02:45.0
Maging si Pangulong Bongbong Marcos, inikayat na rin ang mga pektadong residente na tumulong sa paglinis ng tumagas na langis.
02:51.0
Katunayan, ipinag-utos na niya ang paglulunsan ng cash for work program at paglulunsan na niya ang paglulunsan ng cash for work program
02:58.0
kung saan prioridad ng mga maingisdang hindi makapalaot dahil sa oil spill.
03:02.0
Pasuswelduhin sila sa pagtulong sa paglilinis.
03:05.0
Umaasa ang Pangulo na matatapos ang problema sa oil spill sa loob ng apat na buwan.
03:10.0
Sa ngayon, umakit na sa 43 ang nagkasakit sa Oriental Mindoro matapos makalanghap ng singaw ng langis.
03:29.0
Sa kabila nito, voluntary evacuation pa lamang ang ipinatutupad sa mga nakatira malapit sa dagat.
03:40.0
Pero magiging sapilitan daw ang pagpapalikas para sa mga senior citizen at may mga comorbidity sa mga lugar na babagsak sa ginawang air at water testing.
03:52.0
Hindi kayang makita karakarakan ng mata yung oil na nakamix sa buhangin, nakamix sa tubig.
04:03.0
Please, huwag na nating ipilit. Pagbawalan muna natin ang mga kabarangay natin sa tabi ng dagat.
04:11.0
Hindi po safe na manatili sa tabi ng dagat.
04:17.0
Sa biyernes, magsasagawa ng massive at simultaneous cleanup ang Coast Guard katuwangang kontraktor na kinuwa ng may-ari ng lumubog na Empty Princess Empress.
04:27.0
Nagbabalita mula sa Frontline, Mon Gualvez, News 5.