Close
 


Bantag naghihintay ng kumpas ni Marcos bago makabalik sa puwesto | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Nagkita sa graduation ceremony ng Philippine National Police sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang suspendidong hepe ng Bureau of Corrections na si Gerald Bantag. For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVP2022_2 To watch the latest updates on COVID-19, click the link below: https://youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgUjPkc730KnTVICyQU6gBf For more ABS-CBN News, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgG2ln-vtKXb-oLlGEZc3sR Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com/ Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #TVPatrol #ABSCBNNews #LatestNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 03:17
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nanguna sa pagbibigay ng mga parangal at diploma sa 208 kadeting nagtapos ng Bachelor of Science in Public Safety sa Philippine National Police Academy sa kanilang graduation ride sa Silang, Cavite.
00:18.0
Isa sa mga graduates si Cecile Bautista Bantag, anak ng suspendidong jefe ng Bucor na si Gerald Bantag. Ilang saglit na nagkasabay sa entablado si na Pangulo Marcos at Bantag pero hindi sila nagkausap.
00:34.0
Nakaharap ngayon si Bantag sa reklamong murder, kaugnay sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid at umanoy middleman sa krimen na si June Villamor. Sinampahan din siya ng mga reklamong plunder, graft at malversation of public funds, kaugnay naman sa mga questionabling pasilidad sa loob ng Bucor.
00:54.0
Sinuspendi si Bantag at pinalitan ang officer in charge na si dating AFP chief Gregorio Catapang Jr.
01:15.0
Naniniwala naman si Bantag na magiging mahusay na public servant ang nag-iisa niyang anak na lalaki na si Cecile. Ayon kay Cecile, hindi siya pinanghihinaan ng loob sa kabila na mga kontrobersyang kinasasangkutan ng ama.
01:36.0
Samantala nagpaalala naman si Pangulo Marcos sa PNPA graduates na parating magintuwid sa pagganap sa tungkulin.
01:57.0
Sa mga nagtapos, 186 ang papasok sa PNP, labing isa sa BFP at labing isa rin sa BJMP.
02:08.0
Pangarap ng class valedictorian na si Police Cadet Francis Geneta ang maging hepe ng PNP.
02:26.0
Panganay si Geneta sa tatlong magkakapatid at solo siyang itinaguyod ng kanyang inang magsasaka at mananahi.
02:34.0
Pinakita naman kay Pangulo Marcos ang plano ng PNPA sa pagdevelop ng kanilang compound.
02:43.0
Sabi ni PNPA Director Police Major General Eric Noble, palalawakin nila ang parade grounds at tatawagin itong Marcos Field.
02:53.0
Joyce Balanso, ABS-CBN News.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.