Close
 


Oil spill mula sa M/T Princess Empress, nakapasok sa ilog sa Pola | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Pormal na ring hiniling ng Philippine Coast Guard ang tulong ng Amerika para sa paglilinis ng kumalat na langis. For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVPatrol2022 To watch the latest updates on COVID-19, click the link below: https://youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgUjPkc730KnTVICyQU6gBf For more ABS-CBN News, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgG2ln-vtKXb-oLlGEZc3sR Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #TVPatrol #ABSCBNNews #LatestNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 05:18
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Nakarating na sa ilog sa Pola, Oriental Mindoro, ang oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress.
00:08.0
Formal na rin hiniling ng Philippine Coast Guard ang tulong ng Amerika na malinis ang kumalat na langis.
00:15.0
At live mula Oriental Mindoro nagpa-patrol, Dennis Datu.
00:19.0
Dennis, ano na ang sitwasyon sa mga inihandang oil spill boom?
00:25.0
Yes Sen, maraming mga oil spill boom ang inilatag ang Philippine Coast Guard.
00:33.0
Gayun din itong mga residente na nagbayanihana sa paggawa ng mga improvised oil spill boom.
00:38.0
Gawa sa mga bote, gawa sa mga lambat, gawa sa mga dahon ng niyog at maging gawa sa mga dayami.
00:45.0
Pero nakakalusot pa rin itong mga inilatag na mga oil spill boom dahil malaki yung alon kaya tumatawid lamang yung langis.
00:54.0
Kahit Tilapia at Bangus na hindi naman galing sa dagat, hindi na mabili ang panindan ni Nanay Tessy sa palengke.
01:05.0
Ito'y simula ng kumalat ang langis sa dagat ng Pola Oriental Mindoro.
01:10.0
Walang bumibili, walang pera ang tao, walang bigas, walang saging, kababagyo lang.
01:22.0
Ngayon naman ay grasa naman ang dumating. Ayapatayin na talaga ang tao.
01:29.0
Pusibling tumagal ang kanilang kalbaryo dahil patuloy pa ang paglawak ng epekto ng oil spill.
01:35.0
Kaninang umaga, nagkalat muli sa dalampasigan ang mga langis.
01:40.0
At pagsapit ang hapon, tuluyan ang nakapasok sa Kasiligan River sa mismong sentro ng bayan ng Pola ang langis.
01:47.0
Hindi kinaya ng oil spill boom na inilatag sa buhanga ng ilog ang lakas ng hampas ng alon, kaya nakalusot ang langis.
01:55.0
Agad nagsagawa ng clean-up ang mga maangisda, mga residente at coastguard.
02:00.0
Nasa loob ng Kasiligan River ang malawak na mangrove forest na isang fish sanctuary. Isa rin itong tourism site.
02:08.0
May parang salong-salong namin yung oil. Ang mangrove area ko, Henry, 533 hectares. Ganon kalaki.
02:17.0
Alam mo sa probinsya, ano kami dito eh, yung bayanihan. Pero dapat naman kahit pang paano yung sako binigay nalang kaya. Sobrang bagal.
02:31.0
Formal na rin humingi ng tulong ang Philippine Coast Guard sa Amerika para sa paglilinis ng oil spill.
02:47.0
Sinabi naman ni Abu na handa ang Philippine Coast Guard na tumanggap ng tulong mula sa China sa gitna ng issue sa agawans na teritoryo sa West Philippine Sea.
02:56.0
Kapag tayo nangangailangan at maraming gusto ng tumulong, sino ba ang tumatanggi sa tulong o assistance na ibibigay sa atin?
03:03.0
Nauna lang dumating kahapon ang disaster relief expert ng Japan. Dahil sa oil spill, higit isanlibong mga tourism workers ang nawala ng kabuhayan mula sa siyam na bayan sa Oriental Mindoro. Tulong ang kanilang panawagan ngayon.
03:18.0
Sen, umaapila si Mayor Cruz ng kalagdagan pang oil spill boom para maprotektahan ang kanilang dagat, ang mga ilog at mga bakawan.
03:28.0
Tulong din na dagdag na ayuda ang mga relief goods ang kailangan dito sa Bayan ng Pola dahil napakaraming mga residente, libu-libu ang nawalan ng kabuhayan dahil sa oil spill. Sen.
03:40.0
Dennis, pakipaliwanag mo nga sa atin kung paano yung ginagawang clean up. Hanggang ngayon ba talagang mano-mano na sinasalok yung langis o meron ba yung equipment na pwedeng makatulong?
03:54.0
Ngayon ay sako-sako ang paglilinis. Yung mga residente ang binabayaran ng cash-forward program ng gobyerno at maging nung harbor star. Minimum wage ng bayad kada araw at isara lamang kada pamilya ang pwedeng maglinis.
04:13.0
At itong paglilinis ay dalawang oras lamang bawat isang tao ang pinapayagan dahil sa exposure sa langis. So talagang mahirap yung ginagawang paglilinis dahil minsan kulang sa mga PPE, kulang din sa mga lalagyan, mga drum at mga sako na paglalagyan nung naku-collect ang langis sa Zen.
04:36.0
So malawak, labing isang barangay dito sa Bayan ng Pola ang apektado, ang kakailangan ng linisin talagang kapag kinukuha yung langis ay sinasalok talaga lalo na dun sa mga ilalim ng malalaking bato, Zen.
04:48.0
Alright, so in terms of tulong na hinihingi natin mukhang tao ang kailangan at at the same time ay equipment katulad ng PPE. Maraming salamat, Dennis Datu.