Close
 


Kamara, iimbestigahan kung bakit absent ang police escort ni Degamo noong araw na mapatay siya
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlineSaUmaga | Pinaiimbestigahan ng Kamara ang pag-absent ng lima sa anim na police escort ni Negros Oriental governor Roel Degamo noong araw na mapatay siya. #News5 | via Justinne Punsalang Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere Website: news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:02
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ina-iimbestigahan ng kamara ang pag-absent ng lima sa anim na police escort ni Negros Oriental Governor Ruel Degamo
00:07.3
noong araw na mapatay siya.
00:09.3
Ipinunto rin ng ilang mambabatas ang anilay mga pagkakaparehas sa pagpaslang kay Degamo at sa isang dating mambabatas.
00:17.7
Nasa front line ng balitan niyan si Justin Ponsalang.
00:22.2
Highly suspicious o lubos na kahinahinala.
00:26.0
Yan ang pahayag ni House Speaker Martin Romualdez ng matuklasang lima sa anim na police escort ni Negros Oriental Governor Ruel Degamo
00:34.9
ang absent nitong March 4, araw na pinatay ang opisyal.
00:38.9
Kaya naman ayon kay Romualdez, dapat nang magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon ng kamara.
00:45.1
Naiulat daw ni Degamo sa mga polis ang mga banta sa kanyang buhay kaya dapat mas naghikpit daw ang siguridad sa gobernador.
00:53.7
Dagdag pa ni Romualdez, tila alam ng mga slarin na walang proteksyon si Degamo kaya madali nilang nagawa ang krimen.
01:00.8
Sabi pa niya, kung matuklasan daw sa House Inquiry na may PNP personal na dawit sa krimen,
01:06.4
i-re-recommenda nila ang posibleng paghahain ng kasong kriminal.
01:10.4
Pero giit ni Romualdez, hindi naman nila layuning mag-akusa ng mga posibleng sangkot.
01:16.1
Pero base raw sa mga nangyari, hindi malabong may sabwatan.
01:20.9
Nauna naman ang sinabi ng PNP na iniimbestigahan na nila kung bakit hindi sumipot sa trabaho ang limang polis escort ni Degamo.
01:28.6
The SILG already instructed both the AFP and the PNP to locate and account yung mga security personnel na naka-assign po kaya gobernador Degamo.
01:43.0
Bukod naman dyan, ipinunto rin ni Romualdez ang tila malaking pagkakaparehas sa pagpatay kay Degamo
01:49.3
at kay dating albay Rep. Roel Batocabe noong December 2018.
01:54.0
May bantana rin daw sa buhay ng no-i-tumatakbong alkalde ng Bayan ng Daraga,
01:58.4
pero inalis ang dalawa sa tatlo niyang polis escort bago ang pagpaslang.
02:03.3
Parehas din daw inatake ang dalawa habang nasa public event,
02:07.6
si Batocabe na nasa gift-giving event ng mga senior, habang si Degamo na nasa bigayan ng ayuda.
02:13.5
Inutos na rao ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagbuo ng special task force Degamo na tututok sa imbestigasyon.
02:20.9
Pangungunahan ito ni Interior Secretary Ben Herr Abalos at Justice Secretary Boeing Remulia.
02:26.4
Kasalukuyan pa ang tinutugis ang tatlong persons of interest sa kaso.
02:30.8
Sinampakan na rin ang asunto sa Department of Justice si Rep. Arnie Tevez,
02:36.1
pero hindi naman rao siya tinutugis dahil kailangan pang pag-aralan ng DOJ ang kaso.
02:41.2
Malaya din daw baka ka-uwi sa bansa si Tevez na nasa ibang bansa dahil wala namang warrant of arrest laban sa kanya.
02:48.2
Nagbabalita mula sa Frontline, Justine Ponsalang, News 5.