Close
 


Mga labi ni Negros Oriental governor Degamo, nakaburol sa kaniyang hometown na Siaton
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlineTonight | Naniniwala ang mga naulila ni Negros Oriental governor Roel Degamo na sindikato ang nasa likod ng pagpatay sa gobernador. Iniimbestigahan naman ng Philippine National Police (PNP) kung bakit absent ang lima sa anim na police escorts ng gobernador noong araw na siya ay pinagbabaril. #News5 | via Justinne Punsalang Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere Website: news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 04:12
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Naniniwala ang mga naulila ni Negros Oriental Governor Ruel de Gamo na sindikato ang nasa likod sa pagpatay sa gobernador.
00:08.0
Iniimbestigahan naman ng PNP kung bakit absent ang lima sa anim na police escorts ng gobernador noong araw na siya ay pinagbabaril.
00:17.0
Nasa front line ng balitan yan, si Justine Ponsalang.
00:21.0
Walang patid ang pagdating ng mga nakikiramay simula ng iuwi kaninang umaga ang mga labi ni Negros Oriental Governor Ruel de Gamo sa Shaton,
00:31.0
ang bayan kung saan siya ipinanganak, lumaki at nagsimula sa politika.
00:51.0
Naniniwala ang byuda ni Governor de Gamo na si Pamplona Negros Oriental Mayor Janice de Gamo na hindi lang iisang tao ang nasa likod ng pangbaslang sa kanyang asawa.
01:03.0
Hindi ako naniniwala na we are only talking here about one person. Grupo yan, sindikato yan. We are desperate for justice to be served.
01:15.0
Maging si Shaton Mayor Fritz Diaz na pamangki ni Governor de Gamo, ganito rin ang pariniwala.
01:21.0
Organisasyon to eh. Hindi to isang tao. Hindi kaya ni congressman yan mag-isa. Grupo sila eh. Grupo sila.
01:29.0
Hindi ito magiging peaceful ang Negros Oriental. Sobrang galit nila sa amin.
01:34.0
Posible rin anyang may kaugnayan ng krimen sa mga online sabong at droga, bagamat hindi na ito idinetalya ni Mayor Fritz.
01:41.0
Pati mga polis idinawit ng alkalde.
01:45.0
Yung hitman nila mga polis eh. Ang daming polis na nakapayrol. Kawawa yung polis na matino.
01:51.0
Matapang naman ang Hamon Interior Secretary Ben Hur Abalo sa taong nasa likod ng pagpatay kay Governor de Gamo.
01:57.0
Alam kong kilala mo naman kung sino ka eh. Alam mo naman na kung kano kalaking pwersa na itong nagahanap sa iyo.
02:09.0
At alam mo naman yung mga taong nahuli na namin at anong pwedeng magawa nito laban sa iyo. Sumuko ka na. Sumuko ka na.
02:21.0
Pero sabi ni Abalos, hindi raw siya kontento kahit pa lumunutan ngayon na isang Congressman Tevez ang umangay utak ng krimen.
02:29.0
You do not discount the fact na dapat bold minded ka sa lahat ng bagay dito eh. Mahirap ang pangalanan. Huwag muna natin pangalanan na kasi everyone is presumed innocent until his guilt is proven.
02:42.0
Tinututukan naman ngayon ng Philippine National Police ang pagiging absent ng lima sa anim na polis nang mamatay si Governor de Gamo mula sa pamaril noong March 4.
02:52.0
Siya mismo ang namili. Kilala niya itong mga ito. And siguro they have to explain bakit ano.
03:01.0
But usually kasi yung five na yan may rotation kasi yan. Sila mismo ang sasagot na yan na bakit noong time ng incident na iyon ay isa lang sa security detail niya ang nandoon.
03:12.0
Piyatawag na raw ang mga polis na ito para pagpaliwanagin pati na ang pamunuan ng PNP Region 7.
03:19.0
Ang byuda ni Governor de Gamo gustong makumpirma kung ilan o kung sino-sinong mga polis ang naka-assign sa kanyang asawa noong araw na siya ay mapaslang.
03:28.0
It is possible na what is in the list assigned to the Governor may not be the exact number of people that stayed with him.
03:41.0
Kasi nga kung titignan niyo, yung nephew niya board member. Yung anak namin board member din.
03:49.0
But I want this confirmed in the list kung yung mga pangalan na nandoon, yun din ba yung naka-detail sa mga anak ko.
03:58.0
Nagbabalita mula sa front line, Justine Ponsalang, News 5.