Close
 


‘Sulit Nga Ba?’ (Aired March 14, 2023)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Umabot na sa 13.7 trilyong piso ang pambansang utang ng Pilipinas. Sa kabila ng laki ng ating utang, binabalak ng Kamara de Representante na gumasta ng siyam na bilyong piso para sa pag-aamyenda ng ating saligang batas sa pamamagitan ng Constitutional Convention o Con-Con. Sulit naman daw ang gagastusin ng taong bayan para rito dahil ang Con-Con ang susi sa mas maunlad na ekonomiya ng bansa. Pero saan naman natin kukunin ang siyam na bilyong piso kung ang ating gobyerno ay naghahagilap pa ngayon ng pagkukunan ng pera para sa isang libong pisong ayuda na ibibigay sa siyam na milyong mahihirap na pamilyang Pilipino? Think about it. Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere Website: news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 15:18
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
13.7 Trillion Pesos.
00:14.0
Ganyan na po kalaki ang pambansang utang ng Pilipinas.
00:19.0
Yan ang pinakahuling informasyon na inilabas po ng Bureau of Treasury as of January 2023.
00:27.0
Tumaas ito ng 14% mula noong Enero nung nakaraang taon at inaasahan pa itong patuloy na tataas.
00:37.0
Sa 116 milyon na populasyon ng bansa ngayon,
00:42.0
kailangan nating magambag-ambagan ng 118,000 pesos bawat isa para mabayaran ang utang na ito ngayon.
00:55.0
Sa gitna po ng patuloy na paglaki ng utang ng Pilipinas,
01:01.0
itinuturing po naman ng malaking mayorya sa Kamarad Representante na nagsusulong ng pag-aamiyanda sa ating saligang batas
01:10.0
sa pamagitan po ng Constitutional Convention na ang halagang higit siyam na bilyong piso ay napakaliit lamang nagastusin
01:21.0
kumpara sa mga benepisyong makakatulong daw sa ekonomiya ng ating bayan.
01:30.0
Higit siyam na bilyong piso ang gagagastusin po ng bayan kung sakasakaling matutuloy ang Constitutional Convention na ito
01:40.0
kung saan maghahalal po ng isang delegado na magmumula sa 253 distrito sa buong Pilipinas
01:50.0
at 63 naman o 20% ng Kon-Kon ang itatalaga bilang sektoral representatives.
02:00.0
Kung matutuloy, ang 316 na mga delegado na ito ay tatanggap ng 10,000 pisong allowance bawat araw, bawat isa.
02:13.0
Sila o manoy magtatrabaho ng limang araw sa loob ng isang linggo o dalawampung araw sa isang buwan
02:21.0
o tatanggap ng 200,000 piso na allowance bawat buwan, maliban pa sa 40,000 pesos bawat isa para sa transportation allowance
02:36.0
at karagdagang 30,000 pesos bilang rent allowance bawat isa.
02:43.0
Suma total, 270,000 pesos ang tatanggapin na kabayaran ng bawat isa sa 316 na mga delegado sa Kon-Kon.
02:56.0
Ang bawat isang delegado ay mayroong tatlong itatalagang tauhan na seswelduhan din ng taong bayang.
03:06.0
December 1 ngayong taon hanggang June 30 ng 2024 ang sinasabing panahon ng Constitutional Convention.
03:16.0
Ito ang paliwanag ni Congressman Rufus Rodriguez, ang Chairman ng House Committee on Constitutional Amendments,
03:23.0
ng siyayaming makapanayam.
03:46.0
... So therefore that will be 316 delegates and that will all be about more than P1.2 billion for the honorarium or the per diem of our convention.
04:04.0
Total cost of the convention will be about P4 billion, yung convention to appeal.
04:10.0
And then may gasto sa eleksyon, P1.5 billion, may gasto sa P1.0 billion, P1.9 billion at P15.5 billion.
04:22.0
Yes kasama na yan sa P4 billion na operation sa Congress. May tatlong staff ang ating mga delegado.
04:31.0
May chief of staff, may researcher or legal counsel, and then no. 3 he will have a messenger utility at low that will be spent for by the budget for the convention.
04:46.0
May holding office at the PICC. Maglirenta na sa PICC. Doon na sa plenary hall ng PICC, doon na ang ating sesyon sa convention.
04:58.0
We have a very neutral venue which is the PICC. Doon sila mag-work.
05:05.0
And they will have also paid, to be honest, to be clear, they will also have P40,000 as traveling expenses a month.
05:14.0
Why? Because every week they will be going home, Monday to Friday, they go to their families in their provinces, in their districts from Friday evening and then to Sunday and come back.
05:27.0
But we estimated that the traveling expenses will be about P10,000 a week, so P40,000 a month.
05:34.0
And then meron pa silang maglirent sila ito, titiran sila sa Manila. So under the statistics of the NEDA, the rentals now at PSA, Philippine Census Authority, rentals in Manila is about P30,000.
05:51.0
So they will also have to pay P30,000 a month.
05:54.0
So meron silang P200,000 stipend plus P40,000 allowance, that's P240,000, and another P30,000 for rentals na kanina titirhan.
06:05.0
Yes, P270,000, traveling and ledging expenses. That is correct.
06:13.0
Okay. P270,000 total sa bawat isang delegado, P316,000 for seven months.
06:19.0
That's correct.
06:20.0
That is correct. Yan po ang tinig ni Congressman Rufus Rodriguez.
06:25.0
Sino ang maaaring tumakbo bilang delegado sa Konkon na kakatawan sa bawat distrito?
06:32.0
Sino mang residente at butante sa distrito sa loob ng isang taon, 25 anyos pataas at college graduate?
06:44.0
Walang pagbabawal na lumahok sa halalampo ng Konkon ang sino mang kamag-anak ng mga halal na opisyal mula sa distrito o lalawigan o miyembro ng dinastiya.
06:58.0
Nangangahulugan na sino mang kaangkan ng dinastiya sa lalawigan ay maaaring tumakbo sa halalan.
07:06.0
Para nga sa mga delegado ng Konkon, basta't 25 anyos, college graduate, reestradong butante at walang final conviction of a crime involving moral turpitude.
07:20.0
Bagamat ang ipinapangalandakan po ng mga nagsusulong ng Konkon sa Kamara na pawang mga economic provisions lamang ng ating kasalukuyang Saligang Batas ang aamiyandahan o babaguhin ng mga delegado ng Konkon,
07:33.0
mismong si Chairman Rufus Rodriguez na ang nagsasabi na kapag nagsimula na ang convention mismo, maaaring nang baguhin ng mga delegado nito ang alinmang provision ng ating Saligang Batas.
07:50.0
So may buhay lang ito at doon lamang kayo pe pwedeng gumalaw sa economic provisions ng Saligang Batas?
08:03.0
They have also constituent plenary powers and so it's possible. We have to be honest and frank on this. It is possible but we are definitely urging the elected and appointed delegation na sa economic provisions na tayo because very divisive kung mag-discuss sila ng mga political amendments.
08:29.0
Nangangahulugan na maging ang term limits o paglilimita sa haba ng panunungkulan ng mga halal na opisya ng gobyerno ay maaari nilang baguhin.
08:41.0
At maaari din na sa halip na gawan ng enabling provision o klarong provision ng batas ang kasalukuyampung pagbabawal ng 1987 constitution sa political dynasty, ito ay pe pwedeng tuluyan na nilang alisin.
09:03.0
Sulit naman daw po ang gagastusin ng mga Pilipino sa Konkon na ito sapagkat ito umano ang magbibigay daan sa pagpasok ng maraming dayuhang mamumuhunan sa ating bansa.
09:18.0
Datapot ilang batas na ang ipinasan ng Kongreso na nag-aamienda sa ating Public Service Act kung saan pinapayagan na ang isan daang porsyentong pagninigosyo ng mga dayuhan sa telecommunications, railways, expressways, airports at shipping industries.
09:40.0
Maging ang Foreign Investment Act ay inamiendahan na rin kung saan pinapayagan na ang isan daang porsyentong pangangapital ng mga dayuhan sa mga lokal na negosyo.
09:53.0
Pati na nga po ang Retail Trade Liberalization Act ay inamiendahan na rin kung saan binabaan ang halaga na ipupuhunan ng mga dayuhang kapitalista sa retail enterprises na kanilang patatakbuhin sa Pilipinas.
10:11.0
Ano pa bang mga batas ang kakailanganin po ng Pilipinas para humikayat sa mga dayuhang namumuhunan na magnegosyo dito sa Pilipinas?
10:23.0
Marahil gusto nilang kalikutin ang probisyon sa Article 12 ng ating kasalukuyang Saligang Patas na nagsasaad na
10:37.0
Ang lahat ng mga lupaing-ari ng bayan, mga tubig, mga mineral, karbon, petrolyo at iba pang mga langis mineral, lahat ng mga lakas ng mga potensyal na enerhya,
10:55.0
mga pangisdaan, mga kagubatan o mga kahuyan, buhay ilang, halaman at hayop, at iba pang mga likas na kayamanan ay ari ng Estado.
11:11.0
Hindi maaaring ilipat kaninuman ang lahat ng iba pang mga likas na kayamanan maliban sa mga lupaing-pansakahan,
11:22.0
dapat sumailalim sa ganap na kontrol at supervisyon ng Estado ang paggalugad, pagpapaunlad, at pagsasagamit ng mga likas na kayamanan.
11:35.0
Ang mga gawain ito ay maaaring tuwirang isagawa ng Estado o ito ay maaaring makipagkasundoang koproduksyon,
11:45.0
magkasamang pakikipagsapalaran, bakasang produksyon sa mga mamamayang Filipino o sa mga korporasyon o mga asosasyon na ang 60% man lamang ng puhunan ay ari ng gayong mga mamamayan.
12:06.0
Ang provisyon bang ito ang gustong baguhin ng mga nagsusulong ng Kon-Kon?
12:13.0
Ang ipagkanulo ang mga Pilipino sa mga dayuhan na siyang magkakaroon na ng kontrol sa ating mga likas na yaman?
12:26.0
Ang panukalan ito na inaprobahan po ng kamara ay panukalan na isang resolution of both houses.
12:34.0
Ibig sabihin, wala itong silbi kung hindi sasangayunan ng Senado.
12:40.0
Ngunit kung sumakay ang Senado sa resolution na ito at pumayag sa gustong mangyari ng mga kongresista
12:49.0
at matuloy nga ang halalan at pagtatag ng isang constitutional convention,
12:56.0
ang bagong saligang batas na kanila pong mabubuo ay dadaan pa sa isang plebisito
13:01.0
na lalahukan ng lahat ng registradong butante sa Pilipinas.
13:06.0
Ang plebisitong ito ay hindi lamang simpleng pagboto ng yes or no.
13:11.0
Ika ni Comelec Chairman George Garcia.
13:14.0
Kinakailangan po ng bawat provisyon na aaprobahan o tututulan ng taong bayan ay nakasulat sa balota.
13:22.0
At dahil diyan, kakailanganin po ninyo, nating lahat, tayong mga Pilipino, na gumastah ng karagdagang 11 to 12 billion pesos.
13:41.0
Saan po naman natin kukunin ang perang yun?
13:44.0
At habang abala ang tatlong daan at isang kongresista, 301, ito po yung mga bumoto-pabor dito,
13:55.0
sa pagsusulong po sa konkon na ito,
13:58.0
naghahagila pa rin ang gobyerno ng pagkukunan ng pera para sa isang libong pisong ayuda
14:06.0
sa siyam na milyong mahihirap na pamilyang Pilipino.
14:11.0
Isang libong piso nahahatiin pa sa dalawang bigay o limandaang piso sa bawat pamilya sa loob ng hindi masabing kung gaano kahabang panahon.
14:24.0
Pero agad na nasiguro ng kongreso ang pagkukunan ng higit siyam na milyong mahihirap na pamilyang Pilipino.
14:34.0
Pagkukunan ng higit siyam na milyong pisong pera ng bayan para sa kanilang isinusulong na konkon.
14:47.0
Pero sulit naman daw ito, ika ng mga kongresista, dahil ito ang susi sa mas maunlad na ekonomiya at maunlad na buhay ng mga Pilipino.
15:05.0
Hmm, naniniwala ba kayo doon?
15:09.0
Think about it.