Close
 


Vhong Navarro nagpasalamat sa desisyong ipabasura ang mga kaso laban sa kaniya | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Nagpasalamat si Vhong Navarro sa pasya ng Korte Suprema na ipag-utos ang pagbasura ng mga kasong kinakaharap niya. Sa desisyon ng Korte Suprema, inisa-isa nito ang mga hindi pagkakatugma ng mga pahayag ng modelong si Deniece Cornejo. Nagpa-Patrol, Mike Navallo. TV Patrol, Martes, 14 Marso 2023 For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVPatrol2022 To watch the latest updates on COVID-19, click the link below: https://youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgUjPkc730KnTVICyQU6gBf For more ABS-CBN News, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgG2ln-vtKXb-oLlGEZc3sR Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #TVPatrol #ABSCBNNews #LatestNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 03:19
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Isang masaya pero emosyonal na Vong Navarro ang sumulubong sa mga manonood ng its showtime kanina.
00:06.4
Dahil sa Supreme Court, naniniwala po rin ako na may justice system sa Pilipinas.
00:10.6
Ipinagutos na kasi ng Korte Suprema na ibasura ang mga kasong rape, bisexual intercourse at acts of lasciviousness laban kay Vong
00:18.8
matapos makita ng Korte na tama ang naging pasyan ng Department of Justice noong 2018 at 2020
00:25.2
na ibasura ang lahat ng reklamo laban sa comedian host.
00:28.6
Sa desisyon ng Supreme Court Third Division, sinami nitong mali ang Court of Appeals
00:33.2
nang balikta rin nito ang desisyon ng DOJ at ipagutos ang pagsampan ng mga kaso laban kay Vong noong nakaraang taon.
00:40.0
Tatlong buwan na kulong si Vong. Nitong Desyembre lang siya nakapagpiansa at nakalaya.
00:46.8
Nawalan ako ng hope noong nasa loob ako pero hindi ako tumili sa pagdadasal
00:51.8
kaya eto na po, dininggin na po ng Supreme Court yung dasal natin.
00:56.8
At nakakaroon na po ng maganda ang ginawa nilang pag-resolva doon sa kaso ko
01:04.0
kaya maraming maraming salamat sa Supreme Court.
01:07.6
Inisa-isa ng Korte ang hindi pagkakatugma sa mga aligasyon ni Cornejo sa tatlong reklamong inihain niya sa DOJ.
01:14.0
Sa unang reklamo ni Cornejo, wala siyang binanggit na hinalay siya ni Vong noong magpunta ito sa kanyang kondo noong January 17, 2014.
01:23.2
Lumabas lang ang paratang ng panggagahasa sa ikalawa't ikatonyang reklamo.
01:27.6
Paiba-iba rin ang sinabi niya kung na-rape ba siya noong January 22, 2014.
01:32.6
Para sa Korte Suprema, hindi dapat pinayagan si Cornejo na magpapalit-palit ng mga aligasyon sa kanyang mga reklamo
01:40.0
para lang mapunan ang kakulangan ng kanyang kaso.
01:42.8
Hindi na rin kinailangan pang talakahin ng Korte ang CCTV footage ni na Vong at Cornejo sa elevator noong kondo noong January 22, 2014
01:52.2
kung saan makikita na isang minuto lang pagitan wala nang dumating si Vong at umalis si Cornejo.
01:59.2
Napakaraming inconsistencies doon sa complaint ni Ms. Cornejo.
02:06.2
Yun ang basihan ng Supreme Court at pinapag-dismiss niya yung information against Mr. Vong Navarro.
02:13.2
Git din ang Korte Suprema, ang preliminary investigation ay tungkuling ehekotibo ng mga prosecutor
02:19.0
at hindi pwedeng palitan ang desisyon nito ng pasya ng Korte.
02:44.0
Alos magsasampung taon din ang inabot ng mga kaso ni Vong.
02:48.0
Umaasa siyang matutulungan na ang mga ito.
02:51.0
Sinikap namin kunin ang panig ni Cornejo pero hindi pa kami binabalikan ng kanyang abogado.
02:56.0
Mike Navalyo, ABS-CBN News.
03:18.0
For those who have not yet subscribed to this channel, please do so now.