Close
 


Puerto Galera, naghahanda na sakaling tamaan sila ng oil spill | Frontline Tonight
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlineTonight | Naghahanda na rin ang Puerto Gallera sa tumagas na langis mula sa lumubog na MT Princess Empress. Isa kasi sa pinanganagmbahang abutin ng oil spill ang beach sakaling mag-iba ang direksyon ng hangin. #News5 | via Mon Gualvez Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere Website: news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 04:01
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Naghahanda na rin ang Puerto Galera sa tumaga sa langis mula sa lumubog na Empty Princess Empress.
00:06.0
Isa kasi sila sa pinangangambahang abuti ng oil spill sakaling mag-iba ang direksyon ng hangin.
00:12.0
Nasa frontline ng balitan niyan, Simon Gualvez.
00:17.0
Isa-isang nilalagay sa gilingan ang mga balat ng niyog na ito sa Puerto Galera.
00:21.0
Ito ang magiging palaman na ilalagay sa tinatahin nilang net na magsasalbing improvised oil spill boom sa kanilang bayan.
00:28.0
Gagamitin niyan sakaling umabot sa kanila ang tumagas na langis mula sa Empty Princess Empress sa Nauhan, Oriental Mindoro.
00:35.0
Yung pamamaraan po namin, gagawin pa po namin siyang into coco lugs para po mas mataas yung surface area
00:44.0
and mas mataas po yung absorption, mas madali din po siyang i-collect, paalis ng dagat, and madali din pong i-replace.
00:52.0
Isa ang Puerto Galera sa pinangangambaang abutin ng tumagas na langis sakaling mag-iba ang direksyon ng hangin.
00:58.0
Dahil sa weakening na amihan, may posibilidad niya na makarating sa Verde Island Passage
01:05.0
at maka-apekto sa lugar ng Puerto Galera, Calapan at ibang towns sa Batangat, yung oil spill.
01:13.0
Bagay na makakapilay daw ng husto sa kabuhayan ng mga taga-Puerto Galera.
01:18.0
It's more than epekto ng COVID. Kasi ang problema dito, masyadong mahaba yung long-term talaga yung epekto ng oil spill.
01:29.0
May imagine mo yung white sand beaches mo.
01:31.0
Yung diving kasi ang aming talagang industry. Yan yung aming talagang pinagkukunan ng hanaboy sa tourism.
01:41.0
Marami sa mga nagkalat ngayon sa Dalampasigan, itong tinatawag nila na tarballs
01:46.0
at mga namuong langis na pinaniniwala ang galing sa lumubog na tanker.
01:50.0
Ang problema, hindi daw ito basta-basta nalulusaw o nawawala.
01:56.0
Kaya kailangan itong mano-manong pinupulot at inaalis mula sa Dalampasigan.
02:00.0
Dahil kung hindi, maaari daw itong maging delikado, hindi lamang sa kalikasan, kundi higit sa kalusugan ng tao.
02:07.0
Sabi ng Philippine Coast Guard, sa ngayon ay hindi pa rin bumubulwak yung nasa 800,000 liters na industrial fuel nakarga ng lumubog na Empty Princess Empress.
02:16.0
Pero babala ng non-government organization na Oceana, mapa-diesel oil o industrial fuel man ang naitatalang oil spill, paraho pa rin yang mapanganib.
02:25.0
Pero in general kasi yung oil may polycyclic aromatic hydrocarbons na tinatawag or PAH.
02:32.0
So itong PAH kasi toxic siya. So sa environment, sa hayop, sa isda, toxic siya na kung sa tao.
02:42.0
Pwede siyang carcinogenic so pwede siyang makakos ng cancer in the long run.
02:46.0
Sa ulat na inilabas ng Department of Health kanina, umabot na sa 122 na individuals o rental mindoro ang nagkasakit dahil sa oil spill.
02:55.0
Karamihan sa kanila, sumakit ang ulo at nagkaroon pa ng ubot sipon.
02:59.0
Either through skin transmission o yung pagpasok, inhalation o di kaya ay kanilang symptom sa mga chan.
03:10.0
Siniguro naman ng contractor ng Empty Princess Empress na maibigyan ng danyos ang mga apektadong residente.
03:17.0
Ang problema, baka raw abutin pa ito ng ilang buwan.
03:21.0
May proseso din po sila na susundin. Number one po, yung mga claims ay hindi naman po kaagad na masasabing valid. So binavalidate nila yung claims.
03:36.0
Tuloy-tuloy naman ang ginagawang pakikipagtulungan ng Japanese Coast Guard pagdating sa cleanup drive.
03:42.0
Nagbabala na rin na otoridad sa iba pang lugar na maaaring abutan ng oil spill.
03:46.0
Nagbabalita mula sa Frontline, Mon Gualvez, News 5.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.