Close
 


PCG iimbestigahan ang ipinakitang permit ng may-ari ng MT Princess Empress | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Iimbestigahan na ng Philippine Coast Guard kung lehitimo ang ipinakitang certificate of public convenience ng kompanya ng lumubog na MT Princess Empress. Ito'y matapos igiit ng Maritime Industry Authority na walang kaukulang permit ang tanker nang maglayag. For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVP2022_2 To watch the latest updates on COVID-19, click the link below: https://youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgUjPkc730KnTVICyQU6gBf For more ABS-CBN News, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgG2ln-vtKXb-oLlGEZc3sR Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com/ Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #TVPatrol #ABSCBNNews #LatestNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 03:23
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sa Senate hearing kahapon, ibinunyag ng Maritime Industry Authority o Marina na wala pang Certificate of Public Convenience o CPC ang lumubog na empty Princess Empress.
00:13.0
Kaya hindi ito dapat na pinayagan ang Philippine Coast Guard na maglayag.
00:16.0
Matapos ang pagdilig sa Senado, naglabas na mga larawan na mga dokumento ang Philippine Coast Guard na nagpapatunay na may CPC ang tanker.
00:24.0
Pero sa panayam ng teleradyo, sinabi ng Marina na bagamat may CPC ang kumpanyang RDC Riel Marine Services Inc. ay wala pa itong permit para mag-operate ang empty Princess Empress.
00:37.0
Kasama po sa proseso, bago mag-operate ang isa pong bagong bariko, ia-add po yan sa kanyang fleet o sa kanyang CPC. Hindi pa po na i-add itong tanker Princess Empress doon po sa CPC ng kumpanya."
00:51.0
Kanina, sinabi ng Philippine Coast Guard na may natanggap silang kopya ng CPC bago naglayag ang tanker noong February 27.
00:59.0
Nakasarad umano sa CPC na may petsang September 27, 2022 na idinagdag ng RDC Riel Marine Services sa kanilang fleet ang empty Princess Empress.
01:10.0
Ito rin umano ang CPC na ay pinakita nila noong maglayag ang tanker sa Manila, Cebu, Misamis, Oriental at Iloilo.
01:18.0
Pero dahil sinabi ng marina na wala pa silang ibiligay na CPC, mag-i-investigan na ang Coast Guard.
01:24.0
Kami yung naipite kasi parang lumalabas walang CPC pero in truth mayroong sinasamit sa amin at yun nga yung pinangahawakan namin.
01:33.0
Kung ito may later on mapatunayang spurious, di dapat pananagutin natin yung nagbigay ng document."
01:40.0
Samantala, patuloy ang pagkalat ng langis sa Oriental Mindoro.
01:44.0
Ang pinakita kanina ng Disaster Relief Team ng Japan Coast Guard sa mga lokal opisyal ng Bayan ng Pola ang paggamit ng oil snare na efektibo umano para makuha ang langis sa dalampasigan.
01:55.0
Parating na rin sa lunes ang Remotely Operated Vehicle o RUB na may kakayang sisirin ang kinaroonan ng lumubog na empty Princess Empress.
02:04.0
Kaya rin itong sarhan ang mga butas sa tanker.
02:07.0
RUB din lang ang may kapasidad na maglagay ng pangsaksyon sa kanya.
02:12.0
RUB din lang ang may kakayahan na magsara ng leak sa ilalim. So kung may laman pa yung tanker, masasarahan niya."
02:20.0
Ayon kay Gobernador, umabot na sa 164 ang bilang na malagkasakit dahil sa oil spill sa Oriental Mindoro.
02:28.0
Nagbigay naman ng sampung araw na ultimatum ang Mayor ng Pola sa may-ari ng barco para magbigay ng ayuda.
02:35.0
Mag-isipan nila kung paano nila gagawa ng parang atutulungan ang mamamayan na Bayan ng Pola.
02:40.0
Nagbigay ako ng timetable na 10 days and after 10 days we'll file the case against them."
02:46.0
Ayon sa NDRRMC, umabot na sa higit 31,000 pamilya at higit 13,000 magsasaka at maangisda
02:54.0
ang apektado ng oil spill sa Mimaropa at Western Visayas regions.
02:59.0
Dennis Datu, ABS-CBN News, Oriental Mindoro.
03:05.0
Thank you for watching!