Close
 


Posibleng pagpapa-deport kay Migrante Canada Chairperson Danilo De Leon nakaamba pa rin | TFC News
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Nakaamba pa rin ang posibleng pagpapa-deport kay Danilo De Leon, chairperson ng Migrante Canada, makaraang igiit ng immigration doon na wala itong nakikitang banta sa kaniyang buhay kung pababalikin siya ng Pilipinas. Sa kabila nito, hindi pa rin sumusuko si De Leon at tiniyak na itutuloy ang laban para sa karapatang manatili sa Canada. Nagpapatrol, Rowena Papasin. #TFCNews Like and follow TFC News Facebook: https://facebook.com/TFCNewsNow Twitter: https://twitter.com/TFCNewsNow Website: https://mytfc.com/news News website: https://news.abs-cbn.com/tfcnews Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch full episodes on iWantTFC for FREE here: http://iwanttfc.com Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews #TFC #TheFilipinoChannel #TFCNewsBritishColumbia #ABSCBNNews #TVPatrol #DaniloDeLeon
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 04:19
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Pansamantalang napigilan ang pagde-deport kay Immigrante Canada chairperson Danilo De Leon noong Agosto nang iutos ng Korte sa Ottawa na repasuhin ng Immigration Canada ang kanyang pre-removal risk assessment application. Pero makaraan lang ang tatlong buwan ng review, nagpa siya ang Immigration Canada na ibasura ang application ni De Leon dahil wala o mano itong nakikitang panganib sakaling pabalikin si De Leon sa Pilipinas.
00:30.0
Dahil pwede akong salubungin sa airport pa lang lalo't pag alam nila na iyong deportation ko alam nila kung kailan. Sinasabi nila na walang risk akong mapapauwi sa Pilipinas, safe ako, okay naman dapat ako magpauwi. Which is hindi naman nila alam kung ano ang totoo."
01:00.0
Enero nang i-file sa Federal Court ng Edmonton ng kanyang abogado ang hiling para sa judicial review ng desisyon ng Immigration Canada. Iginiit na De Leon na unang dumating bilang temporary foreign worker sa Canada noong 2009 dahil sa labor shortage noon na hindi kailanman siya naging pabigat sa gobyerno.
01:30.0
Nanawagan ang iba-ibang progresibong grupo na itigil ang deportation ni De Leon. Nangunguna rito ang Canadian Union of Public Employees o QP, ang pinakamalaking union sa Canada. Suportado rin ng ilang mambabatas na mabigyan ng permanent residency si De Leon batay sa humanitarian at compassionate grounds.
01:54.0
Sumulat si Filipino-Canadian lawmaker Mabel Elmore kay Immigration Minister Sean Fraser at iginiit na hindi tamang pagbayarin si De Leon sa mga mali sa immigration system. Hiniling ni Elmore kay Fraser na ipatupad nito ang mandate letter ni Prime Minister Justin Trudeau para maging regular na ang mga undocumented workers, bagay na sinangayunan ni De Leon.
02:24.0
Tumanggi muna magbigay ng pahayag si Fraser tungkol sa apila sa korte ni De Leon.
02:54.0
Halos umabot na sa target nitong 1,500 signature ang Change.org petition na humihiling na itigil ni Fraser ang deportation ni De Leon. Giit ni De Leon gagawin ang lahat para labanan ang deportation.
03:21.0
Regular na nagre-report in person si De Leon sa Canada Border Services Agency o CBSA kada dalawang linggo at sa telepono dalawang beses bawat linggo habang inihintay niya ang desisyon ng korte.
03:48.0
Para sa TFC News, Rowena Papasin, ABS-CBN News, Vancouver.
04:18.0
Thank you for watching!