Close
 


Mahigit 17,000 sundalo ng Pilipinas, Amerika, lalahok sa Balikatan | Frontline sa Umaga
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlineSaUmaga | Plantsado na ang pinakamalaking Balikatan exercises sa pagitan ng Pilipinas at Amerika na gaganapin sa Abril. Bibigyang-prayoridad dito ang depensa ng Pilipinas pagdating sa karagatan. #News5 | via Bryan Castillo Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere Website: news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:18
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Plansyado na ang pinakamalaking balikatan exercises sa pagitan ng Pilipinas at Amerika na gaganapin sa susunod na buwan.
00:07.0
Bibigyang prioridad dito ang depensa ng Pilipinas pagdating sa karagatan.
00:11.0
Nasa frontline ng balitan yan si Brian Castillo.
00:16.0
Sa gitna ng tumitinding tensyon sa West Philippine Sea,
00:19.0
mas tinututukan ngayon ng Armed Forces of the Philippines ang pagtugon sa mga banta sa seguridad ng bansa.
00:26.0
Kaya naman puspusa na ang paghahanda ng AFP para sa taonang balikatan exercises sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
00:34.0
Gaganapin ang joint military exercises sa Abril.
00:37.0
Layo nitong paigtingin ang interoperability o pagtutulungan ng mga tropa ng dalawang bansa.
00:56.0
Mahigit labing pitong libong sundalo mula sa Pilipinas at Amerika ang lalahok sa balikatan.
01:01.0
Magsisilbi namang observers ang ilang bansa tulad ng Japan, South Korea, United Kingdom, France at India.
01:10.0
Magsasanay ang mga sundalo, particular sa maritime at coastal defense.
01:14.0
Kabilang sa mga isasagawa sa karagatan ay ang live fire exercises kung saan papalubugin ang isang lumang bangka.
01:21.0
Sabay-sabay itong aatakihin ng pinagsamang pwersa at kagamitan ng Pilipinas at Amerika.
01:36.0
Gaganapin ang mga aktividad sa Luzon at piling lugar sa Visayas.
01:40.0
Kabilang narito ang karagatang bahagi ng Zambales kung saan malapit ang Scarborough Shoal.
01:45.0
Meron ding pagsasanay sa Palawan kung saan naroon ang Kalayaan Island Group at ilang pang teritoryo na may presensya ang China.
01:52.0
Kasama rin ang Batanes na bahagi ng Pilipinas na malapit sa Taiwan.
01:58.0
Paglilinaw naman ang AFP, pinili ang mga lugar dahil angkop ang mga ito sa mga isasagawang senaryo
02:04.0
at walang kinalaman sa anumang issue sa pagitan ng mga bansa.
02:15.0
I can do anything I want within my territorial land, within my territorial waters.
02:24.0
So, this is not a provocation.
02:28.0
Batid naman daw ng AFP na may mga tutol sa isasagawang balikatan na exercises.
02:33.0
Pero gate nila, obligado ang Pilipinas na gawin ito sa ilalim ng mutual defense treaty.
02:39.0
Dapat din daw ay maunawaan ng publiko ang kahalagahan ng pagsasanay ng militar kasama ang ibang bansa.
02:45.0
They are helping us. They are training alongside us. We are learning something from them.
02:50.0
They are also learning something from us.
02:52.0
It all boils down to an improvement in our combat capability and combat readiness.
02:59.0
Sa April 11 hanggang April 28, isasagawa ang balikatan exercises.
03:04.0
Nagbabalita mula sa Frontline, Bryan Castillo, News 5.