Close
 


Presyo ng bigas, tumaas ng P2-P4 kada kilo | Frontline Pilipinas
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlinePilipinas | Mapa-extra rice pa kaya kayo, mga Kapatid, ngayong P4 ang taas-presyo sa kada kilo ng bigas? 🍚 Sa ilang kainang may unli rice, may extra bayad na sa hindi makakaubos ng in-order nilang kanin. #News5 | via Shyla Francisco Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere Website: news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:07
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Mapa-extra rice pa kaya kayo?
00:02.5
Ngayon hanggang 4 na piso ang taas presyo sa kada kilo ng bigas.
00:06.5
Sa ilang kainang may unre-rice, may ekstra bayad na po
00:10.0
sa mga hindi makakaubos ng in-order nilang kanin.
00:13.0
Nasa front line na balitan yan si Shyla Francisco.
00:17.5
Hindi kumpletong pagkain nating mga Pinoy kung walang kanin.
00:22.5
Lalo na kung masarap ang ulam, di maiiwasang mapa-extra rice.
00:27.5
Pero ngayon ang mahal ng bigas,
00:29.5
sigurado raw na apektado ang presyo ng kanin sa mga restaurant at karinderiya.
00:34.0
Sa loob lang ng dalawang linggo,
00:36.0
hanggang 2 piso ang dagdag sa presyo ng lokal na bigas sa Metro Manila.
00:40.0
Ang dahilan daw niyan, mahal na abono.
00:43.0
Hanggang 4 na piso naman ang taas presyo sa kada kilo ng imported na bigas
00:48.0
dahil sa mahal na presyuan sa world market.
00:51.0
Ang sizzling house na ito sa Maynila,
00:53.0
dinarayo sa kanilang unre-rice promo.
00:55.5
Isang sakong bigas daw ang nauubos nila kada araw.
00:58.5
Sa kabila ng taas presyo sa bigas,
01:00.5
hindi raw nila itataas ang 99 pesos nilang unre-rice meals.
01:04.0
Pero may 29 pesos na raw silang sisingilin
01:07.0
sa kanilang customer kapag may tirang kanin.
01:10.5
Para hindi rin din po makakaroon ng waste tayo na rice
01:13.5
dahil sobrang mahal nga.
01:15.0
Kasi pinupuhunanan mam eh.
01:16.5
Aray ka talaga eh.
01:18.5
Pero kung tataas pa raw ang presyo ng bigas,
01:20.5
wala na raw silang magagawa
01:22.0
kundi magpataw na rin ng dagdag singil sa kanilang rice meals.
01:26.5
Sa karinderia namang ito,
01:28.0
13 pesos ang extra rice.
01:30.5
Hanggat maaari,
01:31.5
ayaw na raw nila itong taasan pa.
01:33.5
Kaya ang ginagawa nila,
01:35.0
binabawasan na lang ang takal ng kanin.
01:38.0
Magsasakripisyo kami sa umpisa kung kaya.
01:41.0
Or babawasan namin ng kaunti yung one cup
01:45.5
para hindi naman maapektuhan yung presyo.
01:52.5
Babala ng Federation of Free Farmers,
01:55.0
malabong bumaba ang presyo ng bigas,
01:57.0
lalo't nagbabadja pang humigpit ang supply
01:59.5
pagpasok ng tag-ulan.
02:02.0
Hindi pa masyadong stable yung supply.
02:07.5
And ang magiging problema natin
02:10.5
pagdating ng June, July, August later this year,
02:13.5
baka doon magkakalalabas yung very tight supply.
02:18.0
Ang grupong bantay bigas,
02:19.5
nananawagan sa pahamahalaan
02:21.0
na magpatupad na ng price control.
02:23.0
Humingi rin sila ng ayuda para sa mga magsasaka.
02:26.0
Ayon naman sa Department of Agriculture,
02:28.0
pinag-aaralan na nila
02:29.5
ang paghanap ng mas murang lokal na abono.
02:32.5
Ang pinakamaganda lang talaga dyan is that
02:34.5
mag-source tayo locally.
02:36.0
Kung whether it's compost, organic man,
02:38.5
or chemical fertilizer,
02:39.5
dapat meron tayo
02:41.0
para hindi tayo dependent doon sa ating import.
02:44.0
Nauna na rin sinabi ng DA
02:46.0
na may nakalaang P13.3B na pondo ngayong taon
02:49.5
sa Fertilizer Discount Voucher Program
02:51.5
para sa mga magsasaka.
02:53.5
Nagbabalita mula sa Frontline,
02:55.5
Shaila Francisco, News 5.