Close
 


PHL, JPN Coast Guards pinuntahan ang pinaglubugan ng MT Princess Empress | Frontline Pilipinas
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlinePilipinas | Nag-inspeksyon ang Philippine at Japan Coast Guard sa bahagi ng karagatan kung saan lumubog ang oil tanker na pinagmulan ng oil spill sa Oriental, Mindoro. Ipinakita nila ang mga paraang ginagawa para mapigilan ang pagkalat ng langis. #News5 | via Mon Gualvez Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere Website: news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:57
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Nag-inspeksyon ang Philippine at Japan Coast Guard sa bahagi ng dagat kung saan lumubog ang oil tanker na pinagmula ng oil spill sa Oriental Mindoro.
00:10.0
Ipinakita nila ang mga paraang ginagawa para mapigilan ang pagkalat ng langis.
00:15.0
Nasa front line ang balitan niyang Simon Gualvez.
00:18.0
Kasama ang Philippine at Japan Coast Guards, pinuntahan namin ang bahagi ng dagat na sakop ng nauhan Oriental Mindoro kung saan lumubog ang Empty Princess Empress.
00:37.0
Dalawang tugboat ang nangunguna sa offshore oil containment o pagkontrol sa pagkalat ng tumatagas na langis.
00:43.0
Papalapit pa lang kami sa mga tugboat, napansin na namin ang maitim na patsi-patsing langis.
00:50.0
Nakakabit sa mga tugboat ang nasa 200 metrong oil spill boom para magsilbing harang sa inaanod na langis.
00:57.0
Nakapwesto ang dalawang tugboat 3 nautical miles o halos 5 kilometrong layo mula sa sinasabing lokasyon ng lumubog na tanker.
01:04.0
Sa pwestong yan, mas madali raw na maaharang at may iipo ng mga tumatagas pang langis.
01:09.0
Yung malaking bahagi na yun na kumikinang na tubig, dito pinaniniwala ang lumubog yung Empty Princess Empress.
01:16.0
Malakas yung amoy ng langis dito sa bahaging ito ng lugar.
01:19.0
At ang sinasabi ng Philippine Coast Guard, nakakapag-release daw ng nasa 10 hanggang 20 litro ng langis kada oras itong lumubog na tanker.
01:28.0
Mas kaunti na raw yan kumpara sa 30 litro ng langis na tumaga sa tanker nitong mga nakalipas na araw.
01:35.0
Tingin ng Malayan Towage and Salvage Corporation na kinuang contractor ng may-ari ng barko,
01:39.0
ang kargang industrial fuel na ang kumakalat ngayon sa dagat, mas mahirap na itong alisin kumpara sa automotive diesel oil.
01:46.0
Mas malapot kasi yung industrial fuel compared sa engine oil like diesel.
01:55.0
So mas malapot siya kaya mas mahirap siyang i-disperse.
02:00.0
And pag nag-emulsify siya, medyo mas makunad siya kaya mas mahirap siyang ilinisin.
02:07.0
Gumagamit na rin ang Coast Guard at ang contractor ng skimmer o panghigup ng langis.
02:13.0
Meron ding mano-manong nagsasalok ng langis.
02:18.0
Naglalagay din sila ng dispersant para mas madaling malusaw ang mga namuong langis.
02:22.0
Yun nga lang, limitado lamang daw ang paggamit nilang na kemikal sa dagat.
02:25.0
Hindi naman natin lahat ma-apply ang dispersant and medyo nililimit lang natin yung use ng dispersant kasi meron din siyang effects sa environment.
02:35.0
Sinubukan din kanina ang mungkay ng Japan Coast Guard na padaanan ng barko ang mga namuong langis.
02:40.0
That's why gumagamit din tayo ng mga mechanical na mga pamamaraan para mapabilis natin sila na ma-recover bonk.
02:49.0
Kahit may oil spill boom, makikitang may lumulusot pa rin langis.
02:56.0
Kaya payo ng Japan Coast Guard bugahan nito ng malakas na tubig.
02:59.0
Gumagamit din ng Water Cannon ang Philippine Coast Guard para mabilis na mamix yung inilalagay na dispersant sa mga tumagas na langis.
03:06.0
At dahil sa malakas na pwersa nito, paraan din daw yan para madaling ma-disperse o mawala yung mga tinatawag na oil sheen o yung mga maninipis at kalat-kalat na langis sa ipabaw ng dagat.
03:17.0
Sa ngayon, umaabot na sa 700 hanggang 1500 litro ng concentrated oil ang nakukuha sa dagat sa araw-araw na clean-up.
03:25.0
Hinihintay din ang Remotely Operated Vessel o ROV na may kakayang makita ang sitwasyon sa ilalim ng dagat.
03:31.0
Gagamitin ito para mapag-aralan kung anong pinakamabilis na paraan para masipsip yung mga natitirang langis sa lumubog na tanker.
03:38.0
Sa March 20, inaasang darating sa bansa ang ROV mula Japan.
03:43.0
Nagbabalita mula sa Frontline, Mon Gualvez, News 5.