Close
 


LTFRB naghahanda na sa pamimigay ng discount sa ilang ruta | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Mula sa minimum fare na P12, posibleng maging P9 na lang ito sa ilang piling ruta sa Metro Manila at sa mga probinsiya. For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVP2022_2 To watch the latest updates on COVID-19, click the link below: https://youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgUjPkc730KnTVICyQU6gBf For more ABS-CBN News, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgG2ln-vtKXb-oLlGEZc3sR Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com/ Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #TVPatrol #ABSCBNNews #LatestNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 03:07
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Para makapasok sa trabaho, nakakadalawang sakay agad ng jeep ang kaherang si Rui Lei.
00:06.0
48 pesos ang inilalaan niyang pasahe sa jeep kada araw.
00:10.0
Kaya malaking tulong kung magkakaroon ng diskwentos sa pamasahe.
00:15.0
Mas magand, ma'am, sa bulsa kasi bawas na rin sa gastusin namin araw-araw.
00:21.0
Siyempre araw-araw pumapasok.
00:23.0
Malaki, ma'am, halos isan daan po napupunta lang sa pamasahe kasi nagda-tricycle pa kami.
00:28.0
Kasunod ng bas-bas ng Department of Transportation na magbigay ng diskwentos sa pamasahe
00:33.0
sa ilalim ng Service Contracting Program,
00:36.0
pinag-aaralan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pagpapatupad nito.
00:42.0
Mula sa minimum fare na 12 pesos ngayon sa mga jeep,
00:46.0
ibabalik ang pre-pandemic minimum fare na 9 pesos.
00:49.0
Ang nalalabing halaga ay ibibigay ng gobyerno bilang subsidiya.
00:54.0
Pero pili lang ang mga ruta na mabibigyan ng diskwentos sa pamasahe dahil sa limitadong budget.
01:10.0
Magiging hamon din ang monitoring sa mga tsuper,
01:13.0
lalot nakabase sa bilang ng pasaherong maisasakay ang ibibigay na subsidiya.
01:19.0
Pangamba naman ng ilang mga tsuper kung sila naman ang kapusin sakaling hindi agad maibigay ang subsidiya,
01:25.0
tulad ng nangyari sa ibang Service Contracting Program ng gobyerno.
01:30.0
Maraming pampasikot-sikot yung gano'ng sistema.
01:32.0
Kukunin pa doon sa DOTR at andyan na nga sa pasahero yung koneksyon namin.
01:37.0
Pampamilya namin sa pang-diesel magibigyan.
01:40.0
Kasi kukunin pa doon sa gobyerno eh.
01:42.0
Dapat sa arawan na rin iibibigay yun.
01:45.0
Panawagan naman ng ilang pasahero ng bus at UV Express,
01:49.0
palawigin pa ang programa bukod sa mga jeep.
01:52.0
Dapat lahat talaga.
01:53.0
Hindi lang bus, pati yung SUV.
01:56.0
Ang mahal ko kasi.
01:58.0
Batid naman ng LTFRB ang pangailangan ng iba pang pasahero sa mga tumatangkilik ng jeep
02:03.0
kaya hindi pa naaalis ang posibilidad na maisama rin sa programa ang UV Express.
02:08.0
1.2 billion pesos ang nakalaan sa budget para sa Service Contracting Program
02:14.0
pero hindi pa ito natatanggap ng DOTR.
02:17.0
Hindi pa kaagad masimulan kasi hinihintay yung pondo.
02:21.0
So ang pondo will come from DBM and then DBM will give it to DOTR and then DOTR will give it to LTFRB.
02:28.0
Oras na dumating yung pera, so yan na, umpisa na natin yung diskwento sa mga TUV.
02:35.0
Habang hinihintay ang pondo, bubuoyin pa ng LTFRB ang guidelines
02:40.0
habang kinukonsulta ang transport stakeholders.
02:44.0
Lady Vicencio, ABS-CBN News.