Close
 


Ano ang panalangin ni Ruben Enaje sa pagpapapako niya ngayong Semana Santa 2023?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ibinahagi ni Ruben Enaje, 62-anyos na karpintero at sign painter na taga-Barangay San Pedro Cutud, City of San Fernando, Pampanga at 33 beses nang boluntaryong nagpapapako sa krus tuwing Biyernes Santo taun-taon, ang nag-udyok sa kanyang isabuhay ang pagpapakasakit ng Panginoong Hesukristo. Aniya, ito na ang huling pagkakataong magpapapako siya dahil sa edad at nabibigatan na siya sa krus na pinapasan. Hangga't wala pang nahahanap na kapalit, maaaring siya pa rin ang magpapapako ngunit hindi na siya ang magpapasan. Mula pa noong 1985 siya nagpapapako at natigil matapos ang Semana Santa noong 2019 dahil sa restrictions ng COVID-19 pandemic sa sumunod na taon. "Kung talagang sinsero ka sa panata, kahit gaano kasakit ay tatanggapin mo 'yun," aniya. "Ang pamamanata, nasa puso iyan." Hiling at panalangin niya sa pamamanatang ito na mawakasan na ang pandemya na nakaapekto nang malaki sa buong mundo. #News5 | via JC Cosico Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everyw
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 11:39
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Nung nabalitan ko na pinayagan na ulit dahil medyo okay na yung pandemya, yung COVID.
00:10.0
Masaya ko dahil hindi lang para sa akin na kundi sa buong bayan na sa Fernando, sa siyudad.
00:20.0
Dahil sa ilang taon na nahinto, mababalik ulit ako. Ang tinatawag naming pagpapako sa krus dito sa San Fernando.
00:32.0
Bakit po kayo masaya tayo?
00:34.0
Masaya ko dahil bumalik na ulit yung pagpapako dahil sa yung ginagawa ko na magpapapako, maguulit ulit.
00:46.0
So noong mga nakaraang taon po, ano pong ginagawa niyo? Since hindi nga po siya pinayagan, ano pong ginagawa niyo noong 2020?
00:54.0
Noong 2020, ang ginagawa lang namin, yung tatlong krus, tinatayo lang namin dito sa tapak ng working shop ko.
01:08.0
Pagka hindi mawala yung respeto sa aming barangay, yung ginagawa ko, tinayo ko lang. Dalawang taon yan ang ginagawa ko.
01:20.0
Anong nagpakiramdam siyo noong nakaraang dalawang taon na hindi mo nagawa yung panatam?
01:24.0
Siyempre, nalulungkot ako dahil dapat makapagpahinga na tayo ng maaga. Dahil naampat o natigil, tutuloy pa rin natin.
01:37.0
So nalungkot po kayo kasi nga po hindi niyo nagawa noong nakaraang dalawang taon?
01:41.0
Oo, dalawang taon. Biruin mo. Dapat talaga tuloy-tuloy.
01:47.0
Kasi talagang kahit gusto namin dito sa barangay, yung kapitan namin pwede. Pero yung mga namamahala sa ating mga seguridad,
01:56.0
lalo na yung kapakanan natin sa kalusugan, yung Department of Health talagang ayaw nila.
02:03.0
Pero tangingin ko lang po, bakit niyo po ba ito ginagawa? So nakalipas po na 33 years, bakit niyo po ito ginagawa?
02:12.0
Unang-una ako, may panata sa akin noong isang na taon. Dahil natapos na yun, tinuloy ko.
02:22.0
Yung isa kong anak at asawa ko, pinagpanatakin natin. Kaya tuloy-tuloy mong magpapako sa course.
02:31.0
Pero bakit di po siya inabay sa hantay? Ano po yung nagkotsok po sa inyong magpapako sa course?
02:38.0
Kasi noong 1985, habang ako yung nagtatrabaho, nahulog ako sa building.
02:45.0
Yung ginagawa ko, nagpipinta ko no. Nadulas ako. Ayun, bumulusok pa baba.
02:53.0
Himala naman na walang nangyari sa atin.
02:55.0
Di ka na sugata? Di ka na ano?
02:58.0
Walang pilay, walang galaw.
03:01.0
Dahil habang pababa ko eh, Diyos ko lang yung nasabit ko.
03:05.0
Wala na akong alam kung paano kong bumagsak.
03:08.0
Nahulog po kayo habang nagpipinta po kayo?
03:10.0
Yes.
03:11.0
Sibidor po kayo, diba?
03:12.0
Yes.
03:13.0
Okay. Tapos, sa apoy lang?
03:14.0
Sa tarlac pa.
03:15.0
Sa tarlac? Okay.
03:17.0
Ano pa tayo, mali-mali ito po sa pangyayaring ito? Ano ba po yung nagkotsok sa inyo?
03:21.0
Noong ako ay nahimas-masan eh. Namula na lang ako na.
03:26.0
Sabi ko na, parang pumasok bigla sa isip ko na magpapasalamat sa pamamagitan ng pagpako sa cross.
03:34.0
Yun po yung pinakanagotsok po sa inyo?
03:36.0
Oo, yun talagang pumasok ko hanggang sa isip ko.
03:39.0
Eh, katunayan, buwan ng Pebrary nun, kung kaalam ko eh.
03:44.0
Eh, wala pang ano, hindi pa ako nagmamahal na araw.
03:48.0
Pero bakit ko na, bakit naisip yung...
03:53.0
Tayo, sinasabi po ng DOH, hindi ba ito delikado?
03:56.0
Kasi bahay niya, maabusan ng dugo, magkaroon ng infeksyon. Ano po ang reaksyon nito?
04:00.0
Yung sinasabi nga na baka ma-dehydrate yung mga namamanata dahil yung dugo dumalabas, no.
04:10.0
Sa tagal-tagal ng aming ano dito, mahal na araw na ginagalap.
04:17.0
1950 pa ito, ginagawa na. Pero wala pa namang naulat na na-dehydrate sa mga namamanata.
04:27.0
Eh, katunayan, yung mga iba, sa puso lang naglilinis eh.
04:35.0
Hindi bomba na, no.
04:38.0
Eh, alam naman natin na medyo marumi yun, no.
04:41.0
Hindi naman na-iinfeksyon yung mga sugat.
04:45.0
Pag-ibigay po ba, hindi po kayo nababahala doon sa possible effect ng pagpapapako sa inyo?
04:50.0
Sa akin, wala. Kasi kung talagang sincero ka sa iyong panata, kahit na gano'n kasagyan, talagang tatanggapin mo yun.
04:59.0
Pero yung sugat, wala pa namang nangyari na nasaktan ako ng tolo.
05:06.0
Kung baga kaya naman.
05:08.0
Kung kaya naman natin.
05:10.0
Masa, nasa puso mo yung pamamanata. Walang mangyayari sa iyo.
05:15.0
Pero tayo, narinig ko, nabanggit mo rin kanina.
05:18.0
Plano mo rin eh, baka ito na yung last year. Bakit po?
05:21.0
Plano kong talaga ito na yung last year ko.
05:23.0
Kasi may edad na tayo at saka nabibigatan na tayo dito sa ating cross.
05:29.0
Sana makahanap na ng...
05:32.0
Pasa may mahanap na kapalit, titingin na ako.
05:37.0
Paano kung wala ang mahanap?
05:39.0
Siguro, pagpapatuloy natin kung walang mahanap.
05:43.0
Pero sana meron?
05:44.0
Oo, sana meron.
05:46.0
Sakaling wala, siguro, 63 na ako na.
05:51.0
Iba na lang yung magpapasan ng cross, iba yung mapapasan.
05:56.0
Sakaling magbigat pa rin, wala akong maanggawang bago nito,
06:02.0
ibang tao yung papasan.
06:04.0
At ako naman yung ipapako doon sa boardroom namin.
06:07.0
Kumbaga, ikaw pa rin yung ipat-ipat ako, pero hindi po kayo yung magpapasan.
06:11.0
Magpapasan. Hindi ako magpapasan, ako rin yung ipapako.
06:15.0
Kumbaga, yan po ay kung walang mahanap na kapalit.
06:19.0
Pero tayo, yun po sa pagbabalik po itong pagtako this year,
06:24.0
kano ninyo po alay itong gagawin?
06:28.0
Alay ko naman ito sa mga naapektuan ng COVID-19,
06:32.0
saka hiling din natin sa ating mga napanginoon.
06:36.0
Kahit marami ng naapektuan sa pandemya na ito,
06:41.0
hiling ko sa kanya na ano na,
06:47.0
yung tama naman, yung paglaganap ng COVID-19,
06:54.0
hinto na lang.
07:00.0
Hindi naman para sa akin, sa buong mundo,
07:03.0
hindi ba na COVID-19 sa buong mundo?
07:05.0
Sana bigyan ng mga gawin ng ating Panginoon na mawawala na itong COVID-19.
07:12.0
Tayo, nabanggit nyo last year na sana may makapalit sa inyo,
07:18.0
ano po yung mga katangyan na dapat napapalit sa inyo?
07:21.0
Sana, kung may papalit, yung katangyan,
07:26.0
yung nasa tamang katawan siya, maganda yung pangangatawan,
07:32.0
kahit may bisyo, kaya niyang gampanan yung pinoportrait niya ng Kristo.
07:41.0
Kailangan, hindi naman siya masyadong masama, hindi naman masyadong mabuti.
07:45.0
Tamtaman lang yung pag-uugali niya.
07:47.0
Igit sa lahat, ayaw namin na may related sa drug.
07:55.0
Ayaw namin.
07:56.0
Kahit kung may inom na nga lang, pwede yun.
07:58.0
Huwag lang sa drugs.
07:59.0
Kasi baka at papasan ng cross, nakahitit siya.
08:06.0
Iwas-iwas niya sa mga tao yung cross,
08:10.0
kung ano yung baga,
08:13.0
pag nakapapuna siya, baka ano yung pagsasabi, sabi niya sa itaas.
08:18.0
Kailangan talaga, nasa usong pag-iisip siya.
08:22.0
Tsaka yung nasa puso niya talaga yung pamamanata.
08:28.0
Kasi marami sa ating mga kasamaang nagpapapako,
08:34.0
wala sa puso nila eh.
08:36.0
Iniisip nila yung binabayaran sila eh.
08:38.0
Kasi dito, maraming binabayaran sa mga ibang barangay, sa ibang probinsya.
08:46.0
Kumukuha ng mga tao dito sa barangay namin para magpapako.
08:50.0
Binabayaran sila.
08:52.0
Pero dito sa Puntud, wala akong bayad yan.
08:54.0
Ah, so hindi ito kayo binabayar?
08:56.0
Wala po.
08:57.0
Talagang personal po?
08:58.0
Oo, talagang panata po.
09:00.0
Kasi pag namanata ka, wala talagang bayad yan.
09:04.0
Kausap mo lang na ng Panginoon.
09:07.0
Ihihingi ka ng tulong, gagawin niya.
09:11.0
Pero yung mga nagpapabayad,
09:14.0
kahit anong gawin nila,
09:17.0
humiling sa Panginoon na tulungan sila sa kanilang mga pangusuga,
09:21.0
sa mga pamilya,
09:23.0
hindi magaganap yung hinihingi nila.
09:25.0
Kasi may kasamang pera yun.
09:31.0
Nangangalakal sila.
09:33.0
Kinakalakal nila yung pamamanata nila.
09:36.0
Pero ito, dun po sa nakalipas na 33 years,
09:39.0
tapos 34th year nga po ngayon,
09:41.0
meron bang nabago sa buhay mo sa ginagawa po ninyong papapako?
09:45.0
E, nasabi ko nga sa'yo, nung nagtatrabaho ko,
09:47.0
nagkikipagtrabaho lang.
09:49.0
Kahit gaano pa kahirap o kahit gaano kataas yung building na kapatipintahan ko.
09:54.0
Ilang feet po ba yun? Ilang floor?
09:56.0
Tatlong palapang pa lang yun.
09:58.0
Pero yung inakyatan ko,
10:00.0
pinakamataas, siyem na palapang.
10:02.0
Saan po kayo nahulog?
10:04.0
Sa pangatulong. Sa third floor.
10:08.0
Maliba po dun,
10:09.0
ano po yung talaga mga nabago after niyang mamanata?
10:12.0
Yung dati, nakikipagtrabaho.
10:15.0
E ngayon, sarili ko na yung trabaho.
10:17.0
E yung dati, squadron lang kami dito.
10:21.0
Naka-builder rin tayo ng lupa.
10:24.0
May sasakyan na rin tayo.
10:26.0
May motor na rin tayo.
10:28.0
Basta yung nasabi ko,
10:30.0
pag nasa puso mo talaga yung pamamanata,
10:33.0
lahat ng hihilingin mo sa Panginoon,
10:35.0
hindi magtatagal, ibibigay siya.
10:39.0
Basta tayo, hindi ko kayo takot
10:41.0
dahil sa possible na infection?
10:46.0
Yung mga infection, wala sa amin.
10:48.0
Hindi namin niisip yun.
10:50.0
Kasi, pagkagaya niyan,
10:52.0
ilang taon na rin,
10:54.0
pagkatapos mong mapa ko,
10:57.0
yung City Health namin dito,
11:00.0
bibigyan ka ng gamot.
11:02.0
Pain-relieve and antibiotic.
11:05.0
Libre yun.
11:08.0
Tsaka mas ano dun,
11:10.0
kumbaga...
11:11.0
For safety lang.
11:13.0
Kaya hindi po kayo takot?
11:15.0
Kasi ang pinakalayo niya po ay...
11:17.0
Yung pamamanata na talagang nasa puso talaga.
11:21.0
Na kahit anong sakit.
11:23.0
Oo.
11:24.0
Dati wala namang binibigay na gamot.
11:27.0
Wala kaming iniinom na gamot.
11:38.0
Thank you for watching!