Close
 


PCG at Japan Coast Guard, rumesponde sa pinaglubugan ng MT Princess Empress | Frontline Tonight
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlineTonight | Gustong paimbestigahan ni 2nd District Oriental Mindoro Rep. Alfonso Umali sa Kamara ang tumagas na langis mula sa lumubog na MT Princess Empress. Hindi kasi aniya siya papayag na hindi mabayaran ang mga naapektuhang kabuhayan at kalikasan sa kanilang probinsya dahil sa oil spill. #News5 | via Mon Gualvez Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere Website: news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 04:02
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Gustong paimbestigahan ni Oriental Mindoro Rep. Alfonso O'Malley sa kamara
00:04.4
ang tumaga sa langis mula sa lumubog na Empty Princess Empress.
00:08.4
Hindi daw kasi siya papayag na hindi mabayarang ang mga naapektuhang kabuhayan at kalikasan
00:13.8
sa kaninag probinsya dahil sa oil spill.
00:16.2
Nasa front line na malita niyan Simon Gualvez.
00:20.4
Ito ang kuha mula sa impapawid kung saan lumubog ang oil tanker na Empty Princess Empress sa dagat
00:26.0
na sakop ng nauhan Oriental Mindoro.
00:28.4
Dalawang tugboat ang nangungunan sa paglikom ng tumagas na langis.
00:32.2
Bahagi yan ang ginagawa nilang clean-up drive.
00:36.4
Kanina, sinamaan ng News 5 ang PCG at Japan Coast Guards sa pagresponde dito.
00:42.4
Papalapit pa lang kami, kita na ang maitim na patsipatsing langis.
00:46.8
Dalawandang metrong oil spill bumang nakakabit sa mga tugboat para magsilbing harang sa inaanod na langis.
00:52.4
Nakapuesto ang dalawang tugboat sa layong 3 nautical miles
00:56.0
o haalos 5 kilometro mula sa sinasabing lokasyon ng lumubog na tanker.
01:00.6
Yung malaking bahagi na yun na kumikinang na tubig,
01:04.2
dito pinaniniwala ang lumubog yung Empty Princess Empress.
01:07.6
Malakas yung amoy ng langis dito sa bahaging ito ng lugar.
01:11.0
At ang sinasabi ng Philippine Coast Guard,
01:13.2
nakakapag-release daw ng nasa 10 hanggang 20 litro ng langis kada oras itong lumubog na tanker.
01:20.0
Katunayan, mas kaunti na raw yan kumpara sa hindi bababa sa 30 litro ng langis
01:24.6
na inilalabas ng tanker kada oras nitong mga nakalipas na araw.
01:28.2
Base yan sa Malayan Towage and Salvage Corporation,
01:31.4
ang kinuang kontraktor ng may-ari ng Empty Princess Empress.
01:34.8
Tingin nila, ang kargang 800,000 liters na industrial fuel ng tanker ang kumakalat na ngayon sa dagat.
01:41.8
Ganyan din ang pahayag ni PCG Oil Spill Incident Commander Jeronimo Tovilia.
01:46.4
Mas mahirap do'y itong alisin kumpara sa automotive diesel na gamit ng tanker.
01:51.4
Mas malapot kasi yung industrial fuel kumpara sa engine oil like diesel.
02:00.4
So mas malapot siya kaya mas mahirap siyang idisperse.
02:04.0
And pag nag-emulsify siya, medyo mas magpunad siya kaya mas mahirap siyang ilinisin.
02:13.0
Gumagamit na rin ng mga otoridad ng skimmer o panghigup ng langis.
02:16.8
Mayroon ding mano-manong nagsasalok ng langis.
02:20.0
Naglalagay din sila ng dispersant para mas madaling malusaw ang mga namuong langis.
02:24.6
Ang problema, limitado lamang dapat ang paggamit ng kemikal sa dagat.
02:29.2
Hindi naman natin lahat ma-applyan ng dispersant and medyo nililimit lang natin yung use ng dispersant
02:35.6
kasi meron din siyang effects sa environment.
02:38.6
Gumagamit din ng Water Cannon ang Philippine Coast Guard para mabilis na ma-mix yung inilalagay na dispersant sa mga tumagas na langis.
02:45.6
At dahil sa malakas na pwersa nito, paraan din daw yan para madaling ma-disperse o mawala yung mga tinatawag na oil sheen
02:52.4
o yung mga maninipis at kalat-kalat na langis sa ibabaw ng dagat.
02:56.4
Sa March 20, inaasang darating sa bansa ang Remotely Operated Vessel o ROV mula Japan.
03:02.4
May kakayaan nitong makitang sitwasyon sa ilalim ng dagat at malaman ng pinakamabilis na solusyon sa oil spill.
03:09.2
Sa gitna ng ginagawang clean-up, gustong paimbestigan sa kamara ni Oriental Mindoro 2nd District Representative Alfonso Umali Jr. ang trahedya.
03:17.2
Ayaw daw kasi niyang mapabayaang hindi mabayaran ang mga naapektuang kabuhayan at kalikasan dahil sa oil spill.
03:24.2
Kawawa naman tayo pag ganyan ang ganyan nalang, kahit wala mga permit, pinapayagan.
03:28.2
E, paano kung tumagal ito? Di para na naman tayong pandemic nito, na bigay tayo ng bigay, hindi naman nagiging effective.
03:36.0
Nauna ng tiniyak ng RDC Railed Marine Services na may ari ng oil tanker na makikipag-ugnayan sila sa mga apektadong LGU para sa danyos perwisyo.
03:48.0
Nagbabalita mula sa Frontline, Mon Gualvez, News 5.