Close
 


News ExplainED: Rice price movement under PBBM | Frontline Tonight
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#NewsExplainED | Binuhay muli ni Pres. Bongbong Marcos ang kaniyang pangako o pangarap noong kampanya na maibaba ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo. Himayin natin ang presyo ng bigas sa ilalim ng kaniyang pamumuno sa report na ito. #News5 #FrontlineTonight Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere Website: news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 04:27
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Binuhay muli ni Pangulong Bongbong Marcos ang kanyang pangako o pangarap ng kampanya na mababa ang presyo ng bigas sa 20 pesos kada kilo.
00:08.0
Sa launching nga po ng Kadiwa ng Pangulo Store sa Camarines Sur kanina, sinabi ng Pangulo na malapit na itong makamit dahil na sa 25 pesos na po ang binibentang bigas sa mga tinatawag na Kadiwa Stores.
00:19.0
Pero kung babalikan mo po ang mga presyo ng bigas mula pa noong April 2022, isang buwan bagong eleksyon,
00:25.0
at ikukumpara po ito sa presyo ng bigas ngayon, parang hindi po ito buwaba.
00:31.0
Katunayan, lalo pa itong tumaas.
00:33.0
Ang regular milled na local rice nabibili po sa 38 pesos per kilo noong April 2022.
00:41.0
Ang regular milled na imported rice naman, nasa 37 pesos per kilo.
00:46.0
Pero ngayong Marso 2023, ang regular milled na local po ay umabot nasa 40 pesos per kilo at ang regular imported nasa 44 pesos per kilo.
00:58.0
Ganoon din po sa local well-milled rice na nasa 40 pesos per kilo noong April 2022. Ngayon ng Marso ay nasa 46 pesos per kilo na po.
01:08.0
Katunayan itong mga nakarang linggo, kapansin-pansin na tumaas ang presyo ng bigas ng hanggang 4 na piso kada kilo.
01:15.0
Ang imported regular milled rice na binibenta noong Enero itong taon sa 38 pesos kada kilo kahapon, kahapon po ay nasa 44 pesos per kilo na po.
01:26.0
Ang well-milled na imported, mas malit naman tinaas, mula 44, nasa 46 pesos per kilo na po ngayon.
01:33.0
Kung ganoon, ano ang basean ng Pangulo para sabihin na malapit na tayo sa pangakong 20 pesos na bigas?
01:39.0
Gaya po nang sabihin natin kanina, sinabi po ito ng Pangulo sa launching ng Kadiwa ng Pangulo Store sa Camarines Sur.
01:46.0
Ang Kadiwa po ay isang proyekto ng Office of the President at ng Department of Agriculture para po maghatid ng mumurahing bilihin sa taong bayan.
01:54.0
At dito nga po sa Kadiwa Store, binibenta ang bigas sa halagang 25 kada kilo. Malapit na nga sa 20 pesos na pangarap.
02:02.0
Pero ito po, ang Kadiwa ay kung tawagin Special Siopao. Hindi po ito ang tunay na presyo sa mga pampublikong palengke dahil subsidized po ito ng gobyerno na mabuti naman talaga para sa mga consumers.
02:14.0
Pero sabi nga dati pa ni dating Agriculture Undersecretary Fermin Adriano, hindi ito maaring maging batayan para masabing mababa na nga ang presyo ng bigas.
02:23.0
Dahil unang-una po, hindi nga ito ang tunay na presyo sa mga pampublikong merkado. Isa pa, limited areas at designated dates lamang ang operasyon ng mga Kadiwa Stores.
02:34.0
Sa tansyangan ni Adriano, para lang mabenta sa 20 pesos ang bigas, kailangan ngayong maglaan ang gobyerno ng P400B per year para sa subsidiya.
02:44.0
Ang kabuhang budget po ng Agriculture Department, wala pa pong kalahati niyan. Nasa P165B lamang this year.
02:53.0
Ayon naman kay Jason Cainglet, ang Director ng Grupong Samahang Indusya ng Agrikultura o SINAG, posible naman talaga ang 20 pesos na bigas kung ipipilit basta i-subsidize nga ito ng gobyerno.
03:05.0
Ang talagang tanong ayon kay Cainglet ay kaya ba ng gobyerno na panindigan ang presyo nito ng pangmatagalan?
03:12.0
Ayon kasi sa SINAG, ang farm gate price ngayon ng palay o ang presyo ng bentaan ng mga magsasaka nasa 22 to 23 pesos kada kilo ng palay.
03:22.0
Palay pa lang po iyan, hindi pa po iyan bigas. Para maging bigas, i-memeal pa po ito at i-mamarket at pagdating po sa palengke, karaniwang dumudoblay na ang presyo niyan.
03:32.0
Kung gayon, ang totoong presyo raw ng bigas ay nasa 42 hanggang 46 pesos talaga ayon sa SINAG.
03:40.0
Isa pa, ayon din sa SINAG, ang binibenta sa mga kadiwa stores ay napakakaunti lamang, nasa 2% lamang ng lahat na bigas na binibenta.
03:50.0
Ang binibenta sa mga palengke para sa general population ay 98% ng kabuhuang benta ng bigas.
03:57.0
At ayon nga sa grupo, kung talagang gustong pababain ng gobyerno ang presyo ng bigas, hindi daw subsidia ang solusyon.
04:04.0
Ang solusyon daw ay pababain ang cost of production ng palay sa mga magsasakah at tanggalin ang sobrang middlemen na pinagkakitaan ang trabaho ng mga magsasakah.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.