Higit P100 bilyon dapat i-refund ng Meralco sa mga konsumer: mga eksperto | TV Patrol
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Bumaba ang bayarin sa kuryente ng manicuristang si Vilma, baka umano dahil nagtipid sila kaya nabawasan, pero hindi siya sigurado dahil hindi naman niya naiintindihan ang sangkaterbang numerong nasa bill.
00:15.0
Hindi ko na rin iniintindi at hindi ko naman din naiintindihan so wala na. Binabayaran ko na lang po.
00:23.0
Ang importante ang number doon?
00:25.0
Ang importante ang yung babayaran ko.
00:30.0
Kung si dating ERC Commissioner Alfredo Non ang tatanungin, dapat lalo pang bumaba ang bayarin ng lahat ng consumer ng Meralko.
00:39.0
Isang dekada na umanukasing, hindi na bago ang distribution rate o singil sa kuryente na napupunta sa Meralko.
00:47.0
Sa kwanta ni Non, lagpas P100B ang dapat irifund sa mga consumer.
00:54.0
Yung 2012 to 2015 na regulatory year, mga P22B excluding interest.
01:03.0
Yung lapse period na tinatawag, which is 2016 to 2022, yun ang mas mahaba eh, mga P90B excluding interest din.
01:14.0
So kung pagsasamayan natin yung dalawa, mga P110B to P120B excluding interest.
01:22.0
Gate ng grupong Nasicor, taon-taon dapat niriripaso ang rate ng Meralko at hindi pwedeng nakapako sa mahabang panahon dahil pwede na itong bumaba na pabor sa mga consumer.
01:33.0
Dahil nagvoluntary refund ang Meralko ng P13.8B, lumalabas talaga na unjust and unreasonable yung rates.
01:43.0
Kaya kawawa talaga ang consumer dito kasi nakikita na natin na nawala na yung regulation.
01:51.0
Depensa ng Meralko, lahat na sinisingil nila sa publiko ay aprobado ng ERC at anuman ang rate dumaan ito sa masusing proseso kabilang na ang mga public hearings.
02:04.0
Nasa ERC na ang bola para resolbahin ang isyo kaugnay sa distribution charge ng Meralko. Lahat kasi nang sinisingil sa ating mga consumers, dadaan at kailangang aprobahan ng komisyon.
02:18.0
Aminado ang komisyon na naghahabul sila para maresolba ang isyo ng distribution charge ng Meralko.
02:26.0
Hindi siya ura-uradang trabaho pero pinagsisikapan namin na matapos siya. Siguro ay mapapangako namin, katulad din ang pinangako ko na din naman dati.
02:36.0
Third quarter ang nakaschedule namin distribution reset. Pinipilit namin may matapos within the year.
02:45.0
Kung sakaling sobra nga ang nasingil, may mekanismo naman na pwedeng ibalik ito sa consumer.
02:52.0
Pag may maling sino-charge, unang-una pinapatigil yung maling pag-charge, pangalawa pinag-re-refund mula nung panahon na in-implement yung iligal o mali na charging.
03:04.0
So pinapag-refund yung bulto na yun bukod sa may penalty on the utility.
03:11.0
Samantala, good news sa mga motorista dahil amoy rollback sa Martes, mahigit piso na ang ibinagsak sa presyo ng lahat ng imported na petrolyo sa unang apat na araw ng trading.
03:24.0
Yung malaki pung naging kadahilan ng pagbulusok ay yung nangyari pung mga nakaraang araw na tungkol sa financial crisis.
03:30.0
Yung mga bangko na nagsara, particularly sa Silicon Valley Bank at siya ka po yung Signature Bank, tapos po yung isang malaking bank, yung Credit Suisse.
03:41.0
So sabihin na po natin na parang nagkaroon po ng crisis of confidence sa financial sector.
03:47.0
Kung matuloy ang bawas, lulobo pa ang net rollback sa diesel at kerosene at liliit naman ang net increase sa gasolina.
03:56.0
Alvin L. Chico, ABS-CBN News.