Gastos sa burol, libing kasama sa 20 pct discount para sa seniors: SC | TV Patrol
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Malaking bagay para sa mga matatanda ang kanilang Senior Citizens ID.
00:05.0
Malaki ang pakinabang nito sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
00:09.0
May 20% discount sa pagkain, pamasahe, gamot at ibang serbisyo.
00:14.0
Ngayon, sa disisyon na inilabas ng Korte Suprema, hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay,
00:21.0
ay mapapakinabangan nila ang kanilang Senior Citizen ID.
00:25.0
Basis sa disisyon, sakop ng Republic Act 7432 o ang Senior Citizens Act,
00:31.0
ang 20% discount ng mga senior citizen mula burol hanggang sa libing.
00:37.0
Lumabas ang disisyon matapos sabihin ng isang Korte sa Cagayan de Oro na tanging sakop sa implementing rules and regulations
00:45.0
ng RA 7432 ang kabaong, urn, morgue sa ospital at ang transportasyon ng labi papunta sa libingan
00:54.0
at hindi kasama sa diskwento ang lote.
00:58.0
Pero sinabi ng Korte Suprema, nasa klaw nito pati ang libingan.
01:02.0
Malaking bagay para sa 61 anos na si Aling Ofelia ang 20% discount, lalo na para sa mga maiiwang mahal sa buhay.
01:12.0
Pero palagay ko din, hindi po siya enough. Dapat mas malaki ng 20% kasi unang-una,
01:22.0
this is the last time that we can pay homage to that dead body, dead person, di ba?
01:28.0
So kailangan mas malaki kasi last naman na niya ng i-enjoy kumbaga.
01:33.0
Ayon kay Atty. Franklin Quijano, chairman ng National Commission for Senior Citizens, pwede pang lumaki ang diskwento.
01:40.0
Pati po yung VAT ay magiging exempt, sir Peter. So pag ang isang institution ay may binabayarang VAT at ang senior citizen ay gustong mag-avail,
01:54.0
so hindi lang yung 20% discount, pati po yung VAT ay maii-exempt din.
02:01.0
Ayon kay Rafael Jose, CEO ng isang memorial chapel sa Quezon City, matagal na nilang ibinibigay ang 20% discount ng mga funeral services,
02:12.0
pati sa cremation services. Hindi lang para sa mga senior citizens, kundi pati sa mga persons with disabilities din.
02:20.0
It includes everything, casket and services, merchandise meaning urn, or if you request for transportation,
02:29.0
let's say kailangan nyo ng coaster, kailangan nyo ng service car, kasama yun lahat sa ano.
02:36.0
Paalala ng National Commission for Senior Citizens sa mga may-ari ng funerarya at libingan sa buong bansa,
02:43.0
dapat sundin ang batas at ibigay ang nauukol na benepisyo ng mga senior citizens.
02:49.0
Jec Batallones, ABS-CBN News.