Close
 


DESIREE | PAPA DUDUT STORIES
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg Papa Dudut Stories Horror Music used : " The House" composed and produced by "Vivek Abhishek" Music link : https://youtu.be/2Do5iRAhbtg SUBSCRIBE us on YOUTUBE: https://youtu.be/DQQmmCl8crQ Follow on Facebook: https://bit.ly/33RWRtP Follow on Instagram: https://bit.ly/2ImU2JV FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 42:21
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Malaki ang naitutulong ng isang tulay sa atin lalo na sa pang-araw-araw nating buhay.
00:06.6
Nagiging mabilis ang ating paglalakbay dahil sa mga tulay na siyang nagdudugtong sa dalawang magkaibang lugar.
00:15.1
Ngunit hindi natin maaalis na ang ibang tulay ay merong kwento, maaaring masaya, malungkod o nakakatakot.
00:24.9
Paano na lamang kung ang tulay na palagi natin dinadaanan ay nababalot pala ng isang misteryo at kababalagan?
00:33.8
Dadaan ka pa rin ba rito kahit pa maaaring may makasabay ka sa paglalakad na hindi mo nakikita?
00:42.1
Dear Papa Dudut,
00:44.1
Sumulat po ko sa inyo para ishare ang kwento tungkol sa isang kinakatakutang tulay sa aming lugar.
00:51.9
Mismong kasi ako ay naka-experience na mga nakakatakot sa tulay na yon.
00:57.4
Itagun mo na lamang ako sa pangalan na Desiree.
01:03.0
36 years old na ako ngayon at may sarili na akong pamilya.
01:07.6
Laking probinsya ako Papa Dudut hindi na nga lang ako naninirahan sa probinsya na yon simula ng mag-asawa ko.
01:14.9
May tulay sa aming lugar na siyang dinadaanan ang mga tao sa amin.
01:20.0
May malawak na ilog sa ilalim ng tulay na yon.
01:23.6
Noong bata pa ako ay gawa pa ang tulay na yon sa malapad na tabla.
01:28.8
Ang sabi sa akin ng nanay ko ay gano'n na yon kahit noong bata pa siya.
01:33.8
Matibay naman ang tulay na yon kahit yari lang sa makapal na tabla.
01:40.2
Natatandaan ko na nagagawa pa nga naming maghabulan ng mga kalaruko sa tulay na yon.
01:47.0
Pero hindi na malasisira o bumibigay.
01:50.1
Ilang bagyo na rin ang dumaan pero nanatiling matatag pa rin ang tulay sa aming lugar.
01:56.6
Sobrang laki ng tulong ng tulay na yon para sa amin Papa Dudut.
02:00.8
Hindi na kasi namin kailangan na buwaba pa ng ilog para makapunta sa kabilang parte ng ilog.
02:08.4
Pero nakatulong man sa marami ang tulay na yon,
02:12.0
ay hindi pa rin yon nawawala ng kwento ng kababalaghan.
02:17.2
Ang una kong narinig na kwento sa tulay ay ang tungkol sa White Lady na nagpapakita roon.
02:26.8
Natatandaan ko na ginamit ng mga magulang ko ang White Lady para takutin kami.
02:32.5
Noong bata kasi kami ay mahilig kaming maglaro ng tagotaguan tuwing gabi ng mga kalaruko.
02:38.9
At hindi may iwasan na mapunta kami sa may tulay.
02:42.8
Kapag daw pumunta kami roon ay kukunin kami ng White Lady at hindi na kami makakauwi sa bahay kahit kailan.
02:50.8
Doon na raw kami maninirahan sa tulay habang buhay kasama ang sinasabi nilang White Lady.
02:58.1
Natatakot ako noon sa White Lady sa tulay kahit na hindi ko pa naman ito nakikita.
03:03.6
Pero dahil sa bata pa ko ay natural na nga siguro na matigas sa aking ulo.
03:09.2
Minsan ay hinahamon ko pa ang mga kaibigan ko na magpunta kami sa tulay kapag gabi para makita noon yung White Lady.
03:18.1
Sumisigaw pa nga kami sa tulay at tinatawag namin yung White Lady para magpakita siya sa amin.
03:26.4
Pero wala namang nagpapakita sa amin papadudod.
03:30.1
Ang palagi nangyayari ay magkukunwari ang isa na nakikita niyang White Lady tapos doon na kami magtatakutan at magtatakbuhan.
03:40.7
Matapang lamang ako kapag kasama ko ang mga kalaruko pero kapag mag-isa na ako ay hinding hindi ako nagpupunta sa tulay na yon lalo na kapag gabi.
03:51.6
May kwento pa nga na huwag daw dadaan sa tulay ng mag-isa tuwing gabi dahil sasabayan ka sa paglalakad ng White Lady.
03:59.2
O kaya ay makikita mo siyang nakalutang sa unhan mo.
04:03.8
High school ako ng isang malakas na bagyo ang tumama sa aming lugar.
04:08.4
Nasira ang aming bahay at isa pa sa mga nasira ay ang tulay.
04:13.2
Lumipat na kami ng bahay at doon na kami nanirahan sa bahay ng parents ng tatay ko.
04:19.6
Dalawang barangay ang layo noon mula sa tulay, Papa Dudut.
04:23.6
Doon na rin sinimulan ang gobyerno na ayusin ang tulay at gawing mas matibay at kongkreto.
04:30.3
Pansamantala kapag kapasok ako sa school ay gumababa pa kami ng ilog hindi kasi pwedeng hindi ako dadaan doon kapag papasok ako ng school.
04:40.1
Walang ibang daanan kundi yun lamang.
04:43.1
Inabot din ng mahigit isang taon bago tuluyang natapos ang tulay na yon, Papa Dudut.
04:48.5
Naging simentado na yon at pwede lang daanan ng mga tricycle at iba pang mga sasakyan.
04:55.4
Na hindi gaanong kalakihan.
04:58.0
Marami ang natuwa kasi naglevel up na ang tulay sa aming lugar.
05:02.5
Hindi na yung nakakatakot tawiran hindi kagaya noong tabla pa lamang yon.
05:07.2
Mas marami na ang pwedeng dumaan ng sabay sabay hindi kagaya dati.
05:12.2
Na hindi kayo pwedeng marami at kapag may kasalubong ay may kailangan pang magbigay ng daan.
05:19.9
Pero hindi pa rin natapos ang kwento ng katatakutan tungkol sa tulay na yon.
05:25.2
May chismis na kumakalad sa amin na wala raw bagyo o lindol ang makakapagpasira ng tulay na yon dahil sa binuhusan daw yun ang dugon ng tatlong bata.
05:36.0
Kahit nga ang nanay ko ay paniwalang paniwala sa kwento na yon.
05:42.3
Maniwala ka sa akin Marie?
05:44.3
Totoo na may binuhus na dugon ng mga bata sa tulay.
05:48.6
Ginawa raw yon ay gabi para walang makakita ang ibang tao.
05:52.6
Inihalo sa simento ang dugo para maging matibay ang tulay.
05:56.5
Kwento ng kapitbahay namin na si Ati Baby na siyang source na mga nagbabagang chisme sa aming lugar.
06:04.3
Diyos ko nakakatakot naman.
06:06.7
Paniguradong may bago na namang magmumulto sa tulay bukod dun sa White Lady.
06:12.0
E paano mo na sigurado na totoo yung sinasabi mo?
06:15.2
Wala namang nawawala mga bata dito sa atin.
06:19.1
Ang Natatakot na Sabi Ni Mama
06:22.3
Siyempre hindi sila kukuha ng mga bata dito sa atin kasi masyadong obvious.
06:26.6
Sa ibang lugar sila kumuha.
06:28.4
Ang sabi pa nga sa akin ni Badet ay may nabalitaan siya na tatlong bata na nawawala sa Maynila.
06:34.8
Siguro yun ang tatlong bata na pinagkuhaan nila ng dugo.
06:39.0
Nalalaki ang mga matang sabi ni Ati Baby.
06:42.5
Nakakatakot na pala ang panahon ngayon.
06:45.2
Baka mamaya ay dito naman sa atin kukuha ng mga bata tapos ilalagay ang dugo sa mga tulay na ginagawa sa kung saan, ang wika pa ni Mama.
06:55.2
Totoo yan.
06:56.6
Kaya nga mga anak ko, alas 6 pa lamang ng gabi ay hindi ko na pinapalabas ng bahay.
07:01.7
Mahirap na.
07:03.2
Mas mabuti na ang ligtas sila, sabi naman ni Ati Baby.
07:07.6
Simula nang malaman ni Mama ang kwentong yon ay hindi na talaga niya kami pinapalabas tuwing gabi.
07:14.0
6pm pa lamang dapat daw ay nasa bahay na kami.
07:18.0
Nabadrip ako noon kasi mahilig pa naman kaming gumala sa gabi ng mga kaibigan kong babae.
07:24.6
Lumadan din kami sa tulay na yon sa gabi at wala namang kaming nararanasan nakakaiba o kung anong nakakatakot.
07:31.9
Pero dahil sa bata pa kaming magkakapatide, kailangan naming sumunod sa aming mga magulang.
07:38.5
Mas lalo pang naragdagan ang takot ng mga tagroon sa aming tulay,
07:42.8
nang isang kwento pa ang kumalat.
07:45.6
Huwag daw maglalakad sa gilid ng tulay dahil
07:49.2
hihilahin ka ng tatlong bata sa tulay.
07:53.2
Nagsimula ang kwentong yon na may isang lasing na nahulog sa tulay.
07:56.8
Mabuti't mataas ang tubig sa ilog nang mangyari yon kaya hindi siya bumagsak sa mabatong ilalim ng ilog.
08:04.8
Ang lasing mismo ang nagsabi na may humila sa kanyang mga bata kaya siya nahulog sa ilog at muntik nang malunod.
08:13.2
Pero may isang pagkakataon na lagpas na ng alasays ng gabi ay hindi pa rin ako nakakaumin ang bahay.
08:20.4
May program kasi kami sa school at nagpapractice kami ng sayaw ng mga kaklasiko.
08:26.0
Sa bahay ng kaklasi namin kami nagpractice.
08:28.5
Nagpaalam naman ako kina mama kaya alam nila na gagabihin ako.
08:33.2
Ang dili ni mama ay magpahatid ako sa matandang kasama sa bahay ng kaklasiko para hindi sila mag-alla.
08:41.1
Nang pauwi na kami ay nahiyana akong magpahatid sa mga kasama ng kaklasiko sa bahay.
08:46.7
Saka may mga kaklasi naman akong kasama sa paglalakad kaya naisip ko na hindi ko na kailangang magpahatid pa.
08:54.1
Yun nga lang bago ako dumating sa tulay ay ako na lamang mag-isa dahil nauna lang nakarating ang mga kasama ko sa kanika nilang bahay.
09:01.9
Nang time na yon ay hindi na ako masyadong natatakot sa tulay papadudud.
09:07.5
Wala pa kasi akong personal na horror experience sa tulay.
09:11.8
Ang iniisip ko pa nga ay ginagawa lang nilang panakot ng tulay sa mga bata para hindi na magpunta doon kapag gabi.
09:20.4
Medyo maaga rin ang time na yon siguro ay 7pm pa lamang.
09:24.9
Kampanti ako naglalakad sa tulay, nasa gitna na ako ng maalala ko ang kwento na huwag maglalakad doon sa gabi ng mag-isa dahil magpapakita ang white lady.
09:37.7
Medyo tinablan ako ng takot ng maalala ko yon papadudud.
09:42.3
Kaya ang ginawa ko ay binilisan ko ang paglalakad at sakalang ako nakahinga ng maluwag nang makatawid ako ng walang white lady na nagpakita sa akin.
09:53.8
Natawa na lamang ako kasi napatunayan ko na hindi totoo ang kwento tungkol sa tulay.
10:00.0
Duman kasi ako ng mag-isa roon pero wala naman akong nakitang white lady.
10:05.2
Pag uwi ko sa bahay ay very proud pa ako.
10:08.8
Naikinawento yon sa nanay ko.
10:11.7
Naku ka Desiree ha?
10:14.0
Hindi ba ang sabi ko sa iyo ay magpatid ka sa matanda tapos dumaang ka pa ng mag-isa sa tulay?
10:20.5
Magpasalamat ka na lang at hindi nagpakita sa iyo yung white lady ang sabi ni mama sa akin.
10:27.2
Hindi po talaga yon magpapakita kasi hindi siya totoo. Masyado po kayong naliniwala sa kwento ni ate baby.
10:33.6
Wala namang nakapagpapatunay na totoo yung white lady sa tulay eh ang turan ko.
10:39.4
Anong hindi totoo?
10:41.1
Kilala mo ba yung anak na lalaki ni Ninang Tiona mo?
10:44.6
Naglakad ang ating gabi sa tulay tapos nagpakita sa kanya yung white lady.
10:50.2
Hanggang ngayon nilalagnat dahil sa takot ang anak ng ninang mo.
10:55.3
Uwi ka ni mama.
10:57.3
Ayaan mo na po ang importante iligtas naman ako naka uwi dito sa bahay natin katwiran ko.
11:03.1
Kahit na makinig ka pa rin Desiree.
11:05.6
Huwag matigas ang ulo mo at baka matulad ka sa anak ng Ninang Tiona mo.
11:10.0
Mabuti sana kung makaka uwi ka pa rito sa bahay.
11:13.1
Paano kung kunin ka nung white lady ang sabi pa ng nanay ko?
11:17.9
Dahil na dumaan ako ng gabi ng mag-isa sa tulay at walang nangyari sa akin ay nasabi ko na chismes lang talaga ang mga kwentong kababalagaan sa tulay na yon Papa Dudut.
11:29.1
Maraming beses pa akong dumaan sa tulay na ako lamang mag-isa at walang nangyari sa akin at walang white lady o mga bata na nagpapakita sa akin.
11:38.6
Hindi ko na lamang sinabi yon sa nanay ko kasi OA talaga siyang mag-react.
11:43.1
Ewan ko ba sa mama ko kung bakit ang tanda na niya pero naniniwala pa rin siya sa mga ganong klase ng kwento.
11:51.9
Isang araw sa skula ay kinuwento naka klase ko na meron silang nakitang white lady sa tulay na yon Papa Dudut.
11:58.8
Naglaka daw sila ng nanay niya sa tulay ng may sumitsit sa likuran nila.
12:04.4
Paglingon daw nila ay nakita nila ang white lady na nakalutang at papalapit sa kanila.
12:09.8
Sa takot nila ay napatakbo sila ng mabilis Papa Dudut.
12:14.0
Mabuti raw at hindi sila nito kinuha dahil baka raw ay hindi na siya makakapasok sa school.
12:20.6
Natawa ako sa kwento ng kaklase ko.
12:23.8
Ako nga madalas na dumadaan ng mag-isa sa tulay na yon sa gabi pero walang nagpapakita sa aking white lady.
12:30.4
Gusto ko nga na magpakita siya para malaman ko kung totoo ba talaga siya.
12:35.1
Ang mayabang kung sabi.
12:38.0
Huwag mo nang pangarapin na magpakita sa iyo ang white lady sa tulay ni Desiree.
12:42.4
Sabi nila kapag nakakita ka ng white lady at ipinakita niya sa iyo ang mukha niyang bungo na lang ay mamamatay ka.
12:49.9
May pananakot na sabi ng isa kong kaklase.
12:54.1
E di magpakita siya sa akin wala kong pakialam sa kanya, sambit ko.
12:59.4
Yabang mo naman.
13:01.2
Baka naman kapag nagpakita sa iyo yung white lady ay hindi ka makatakbo at maihi ka pa sa sobrang takot.
13:08.4
Turan ng kaklase kong nagkwento.
13:11.7
Ipinagkibit balikat ko lang ang sinabi niyo ng kaklase ko Papa Dudut.
13:16.5
Para sa akin kasi ay walang dapat na ikatakot sa tulay.
13:20.7
Ako nga na madalas dumaan doon sa gabi ay walang white lady na nakikita.
13:26.1
Kaya inisip ko na gawa-gawa lamang ang kwentong iyon.
13:30.4
Nang kaklase ko, siguro e para magpasikat lamang.
13:34.8
Sabi ko pa noon, sakalang ako.
13:37.2
Maniniwala sa mga kwentong kababalaghan tungkol sa tulay kapag ako mismo ang nakaranas o nakakita.
13:44.7
Sabi nga e, to see is to believe.
13:48.1
Nakatapos ako ng high school nang hindi ko nakikita mga sinasabing kanuluwa ng tulay.
13:54.6
Maraming beses na dumana ko roon ng gabi at mag-isa pero wala talaga.
13:59.6
Kaya kahit na anong bago pang kwentong umusbong tungkol sa tulay ay wala ng epekto sa akin yun, Papa Dudut.
14:07.1
Hindi na ako naniniwala sa mga ganon dahil feeling ko ay ginagawa lamang nilang panakot ng tulay sa mga bata.
14:14.0
Minsan na rin ako naging bata at noon ay natakot din ako sa tulay.
14:19.4
Pero nang lumaki na ako at nagkaroon ng isip ay doon ko nalaman na wala talagang dapat na ikatakot sa tulay na yun.
14:29.1
Pagkos ay dapat pa nga itong pasalamatan dahil malaki ang tulong na naibibigay nito sa mga tao sa amin lugar.
14:36.1
Sadyang ganon nga lang siguro sa isang probinsya.
14:40.0
Hindi nawawala ng mga kwentong kababalaghan at katatakutan.
14:44.7
Medyo madali pa namang maniwala ang ilan sa amin sa mga kwento kahit nawala itong basihan.
14:51.6
Nang mag-college ako ay education ang kursong kinuha ko Papa Dudut.
14:56.7
Doon pa man ay pangarap ko na ang maging isang teacher sa high school.
15:02.4
Na-inspired kasi ako sa mga naging guro ko noong nag-aaral ako at gusto kong maging kagaya nila.
15:09.7
Supportado naman ako ng mga magulang ko sa gusto kong course dahil kung ano raw ang gusto ko ay yun ang kunin ko.
15:17.6
Hindi raw kasi tama na sila ang magdidesisyon para sakin pagating sa bagay na yun.
15:24.4
Ang isa sa naging struggle ko dati sa college ay ang biyahe.
15:30.2
Medyo matagal at malayo kasi ang school kung saan ako nag-aaral.
15:34.4
Kailangan kong sumakay ng isang jeep at tricycle bago ako makauwi.
15:39.0
Palagi kasing gabi na ako nakaka-uwi sa amin kaya naisipan kong magboarding house.
15:44.9
Kaya lang ay hindi ako pinayagan ni Mama at Papa.
15:48.2
Bakaro kung ano mangyari sakin magtiis na lang daw ako sa ganong klase ng setup nagigising ako ng maaga at uuwi ng gabi na.
15:56.2
Masasanay din naman daw ako.
15:59.2
Nang panahong yun ay nanatiling matatag ang tulay sa aming lugar.
16:03.4
Talagang ang matibay at maayos ang pagkakagawa roon dahil kahit maraming bagyo na ang dumating
16:09.8
tapos may kidnapang tumama sa tulay ay hindi man lang yun bumigay.
16:14.0
Marami pa rin ang nagsasabi na kaya matibay ang tulay ay dahil sa binuhusan ng dugo ng mga bata ang semento na ginamit doon.
16:22.7
Patuloy pa rin ang mga kwento ng kababalaghan sa Tulay Papadudut.
16:29.3
Narinig mo na ba yung latest sa tulay Marie?
16:31.9
Aba, nung isang gabi lang pala ay may pinakita naman ng White Lady.
16:37.6
Kilala mo ba si Gardo, yung may tanima ng gulay sa bundok?
16:42.6
Dumaan daw sa tulay ng madaling araw, mag-isa lang siya.
16:47.1
Tapos nang nasa gitna na siya ay bigla raw siyang kinilabutan.
16:50.8
Wala naman daw siyang nakikitang White Lady sa paligid pero pag tingala niya ay nakita niyang nakalutang sa ulohan niya yung White Lady.
16:58.6
Ayun, napatakbo sa takot si Gardo.
17:02.1
Nanlalaki ang mga matang kwento ni Ati Baby sa nanay ko.
17:06.6
Diyos ko, nakakakilabot naman yan.
17:09.2
E ano raw bang nangyari kay Gardo? Tanong ni Mama.
17:13.3
Sabi ng kapitbahay nila ay nakatulala si Gardo hanggang sa ngayon.
17:17.4
Malamang sa takot kaya siya nagkaganoon.
17:20.3
Tugon pa ni Ati Baby.
17:23.4
Hanggang ngayon pala ay nasa tulay pa rin ng White Lady na yon.
17:27.6
Kaya hindi talaga ako dumadaan doon mag-isa kapag gabi.
17:31.5
Bakit kasi dumaan pa siya roon ng mag-isa?
17:34.1
Alam naman niya ang kwento tungkol sa tulay na yon dito sa atin.
17:38.4
Naiiling na uwi ka ni Mama.
17:41.4
Pagkatapos ng tismisa nila Mama at Ati Baby ay ako naman ang kinausap ni Mama.
17:46.7
Ikakwento sana niya sa akin ang kwento ni Ati Baby pero sinabi ko na hindi ko na kailangan.
17:52.5
Sa lakas kasi ng boses nila ay narinig ko ng lahat.
17:56.4
Sinabi ni Mama sa akin na huwag na huwag akong dadaan sa tulay na yon ng mag-isa tuwing gabi.
18:03.2
Magpapakita raw sa akin ang White Lady at baka matulala rin ako kagayan ang nangyari kay Gardo.
18:11.6
Ma, maraming beses na ako nakadaan sa tulay na yan nung high school ako ng mag-isa.
18:16.4
Kahit na gabi pa.
18:18.2
Pero wala pong White Lady na nagpapakita sa akin.
18:21.9
Hindi na po ako bata para maniwala sa mga ganong klase ng kwento ang natatawa ko pang sabi.
18:28.2
Hindi ka lang natchachempuhan ang White Lady basta makinig ka na lang sa akin, turan pa ni Mama.
18:34.7
Hindi natchachempuhan? Bakit?
18:37.2
May break time po ba ang White Lady sa pananakot niya sa tulay?
18:40.5
At natataon na break time niya sa tuwing dumadaan ako?
18:43.7
Pabiru ko pang sabi.
18:46.1
Ang pilosopo mo talaga.
18:48.5
Kapag ikaw napakita ng White Lady ay saka mo lang sasabihin na totoo ang aking sinasabi.
18:54.7
Sabi pa ni Mama.
18:57.1
Para kumalman na si Mama ay sinabi ko sa kanya na hindi naman talaga ako dumadaan sa tulay kapag umuwi ako mula sa school dahil nakasakay ako ng tricycle.
19:06.8
Mula sa school ay sumasakay ako ng jeep at muhababa ako sa paradahan ng tricycle
19:11.9
At pagkatapos ay sasakay na ako ng tricycle pa uwi sa bahay namin.
19:16.3
Isinigit ko pa ang kagustuhan ko na magboarding house.
19:20.2
Ang sabi ko kung natatakot siya para sa akin ay dapat payagan na nila ako na magboarding house.
19:27.4
Para hindi na ako palaging dumadaan sa tulay.
19:30.8
Pero hindi pa rin ako pinayagan ni Mama.
19:34.1
Ginagawa ko parao dahilan ang tulay para lamang makuha ko ang aking gusto.
19:40.4
Nang time na yon ay nagkaroon ako ng maniligaw na si B-boy.
19:45.1
Nagkatrabaho siya sa isang water station sa aming lugar.
19:49.1
Matanda siya sa akin ng isang taon, cute siya, papadudut at dati pa man ay crush ko na siya.
19:55.3
Nagkakilala kami kasi kapag walang paso kayo inuutosan ako ni Mama na bumili ng tubig sa water station kung saan nagtatrabaho si B-boy.
20:04.4
Tuksuhan lamang noong simula hanggang sa niligawan ako ni B-boy,
20:08.7
inilihim ko ang paniligaw ni B-boy sa akin pero sadyang walang lihim na hindi malalaman ng mga tao sa lugar namin.
20:15.1
Isang gabi kinausap ako ng nanay ko at ang sabi niya ay may nakapagsabi sa kanya na niligaw si B-boy sa akin.
20:23.2
Itinanggi ko yon, papadudut.
20:26.0
Ang sabi pa ni nanay ay huwag daw ang kagaya ni B-boy ang gawing kong boyfriend dahil hindi ito nag-aaral.
20:33.5
Wala raw akong magiging buhay sa lalaking kagaya ni B-boy.
20:38.5
Pero dahil sa gusto ko talaga si B-boy ay hindi ako nakinig sa nanay ko.
20:43.1
Sinagot ko po si B-boy pero ipinaalala ko sa kanya na secret muna ang aming relasyon dahil mapapagalitan ako ng mga magulang ko.
20:52.7
Pumayag naman si B-boy dahil naiintindihan niya na hindi siya magagawang tanggapin ang pamilya ko dahil mahirap lamang siya.
21:00.1
Sinabi ko sa kanya na huwag niyang minamalit ang sarili niya dahil ako ang klase ng babae na hindi tinitingnan ang estado sa buhay ng isang lalaki.
21:10.4
Basta mahal ko ay yun lamang ang mahalaga sa akin.
21:13.5
Saka naniniwala rin ako na aasenso si B-boy sa buhay dahil sa masipag ito.
21:19.3
Ewan ko ba sa nanay ko kung bakit nakapagsasalita siya ng ganoon sa kagaya ni B-boy.
21:25.6
E hindi naman kami sobrang yaman papadudut.
21:29.6
Sa tuwing nagkikita tuloy kami ni B-boy ay palaging patago.
21:33.6
Minsan ay inaabangan niya ako sa paradahan ng tricycle at doon kami naguusap na dalawa.
21:41.0
Kahit na sinasabi ni mama sa akin na may kwentong nakakarating sa kanya na may nakakakita sa amin na naguusap kami ni B-boy ay itinatanggi ko yun.
21:51.2
At sinasabi ko na tsismis yun at hindi totoo papadudut.
21:55.9
Birthday ko noon, pumasok ako sa school.
21:59.0
Ang usapan namin ni B-boy ay magdidate kami.
22:02.0
Maaga kasi ang last subject ko.
22:04.5
Kaya makakalabas ako ng school ng maaga.
22:07.6
Pero hindi natuloy ang date namin dahil sa trabaho ni B-boy.
22:12.2
Hindi raw siya pinayagang umabsent ng boss niya dahil wala yung isa niyang kasama sa trabaho.
22:18.7
Kaya nagtext si B-boy sa akin at nagsabi niya ay sa ibang araw na ramang kami magdate.
22:24.3
Parang late celebration namin ang birthday ko.
22:27.6
Ang sabi pa niya sa text ay kung pwedeng magkita kami sa may tulay dahil yun lamang ang lugar.
22:33.5
Alam niya na walang makakakita sa amin dahil takot nang dumaan ang mga tao doon kapag madilim na.
22:39.2
Iabot lang daw niya sa akin ang regalo niya.
22:43.4
Naintindihan ko naman si B-boy kaya ang sabi ko ay ayos lang yun.
22:47.0
Importante pa rin ang trabaho niya dahil yun ang pinagkukunan niya ng pera.
22:52.4
Tumambay muna ako sa boarding house ng isa kong kaibigan at doon ako nagpalipas ng oras hanggang sa gumabina.
22:59.6
Hindi ko sinabi kay mama na maaga akong makakalabas ng school kaya ang expected niya ay gabi akong makakauwi sa bahay namin.
23:07.4
Nang gumabina ay tinext ko na si B-boy na paalis na ako sa boarding house ng aking kaibigan.
23:13.4
Sumakay na ako ng jeep at nang muaba ako sa paradahan ng tricycle.
23:18.4
At naglakad na ako papunta sa tulay.
23:21.4
Siguro ay mga 5 minutes na lakaranyon mula doon papadudod.
23:27.6
Pagdating ko sa tulay ay naroon na si B-boy.
23:30.4
Halos kakarating niya lang daw kaya hindi siya matagal na nakintay sa akin.
23:35.3
Ibigay na ni B-boy sa akin ng regalo niya isang teddy bear.
23:38.6
Tuwang-tuwa at kilig na kilig ako sa regalo niya sa akin papadudod.
23:43.2
Pasensya ka na ha.
23:44.8
Yan lang ang nakayanan ko ang nahihiyang sabi pa ni B-boy.
23:49.3
Ano ka ba? Ang cute nga nitong gift mo eh.
23:52.6
Thank you B-boy ha.
23:54.6
Ako nga ang dapat na mag sorry sa iyo kasi hanggang ngayon ay hindi ko pa rin masabi kinamama na magkasintahan tayo.
24:01.3
Patagutuloy tayo kung magkita palagi, turan ko.
24:05.5
Ayos lang yun sa akin, naiintindihan ko naman.
24:08.2
Saka alam ko na hindi habang buhay tayo na ganito ang sabi pa ni B-boy.
24:14.8
Kahit naibigay na ni B-boy ang regalo niya sa akin ay hindi pa rin kami umalis sa tulay.
24:20.4
Umupo muna kami sa gilid at nagkwentuhan.
24:23.6
Nangako siya sa akin na tuloy ang date namin na celebration ang birthday ko.
24:29.6
Sa akin ay okay lang kahit wala na yun.
24:34.0
Ayoko kasi na mapipressure si B-boy at ang importante nakapagkita kami sa mismong araw ng aking birthday at nakapag-usa pa.
24:43.9
Habang nag-uusap kami ni B-boy ay napansin ko na parang bigla siyang naging balisa.
24:48.9
Hindi siya mapakali at maya at maya ang paglingon niya sa paligid.
24:52.9
Hindi na ako nakaties kaya nagtanong na ko sa kanya.
24:56.5
May problema ba? Parang kanina ka pang hindi mapakali dyan, tanong ko kay B-boy.
25:02.6
Para kasing may ibang tao dito eh, hindi mo ba naririnig?
25:07.1
Kanina pang merong sumisitsit, pabulong na sagot ni B-boy.
25:12.1
Sumisitsit? Wala naman akong naririnig, baka kuliglig o ibon lang yun ang sabi ko.
25:19.7
Hindi, meron talaga eh, sitsit ng tao, sambit pa ni B-boy.
25:25.2
Tinatakot mo lang yata ako eh, wag mong sabihin na pati ikaw ay naniniwala na merong multo sa tulay ang natatawa kong wika.
25:34.2
Hindi naman sa ganun pero may sumisitsit talaga, ang sabi pa ni B-boy.
25:39.6
Nang tingnan ko si B-boy sa muka ay hindi ko nakita na nagbibero siya o nananakot lang.
25:45.3
Ramdam ko na seryoso siya sa kanyang sinasabi.
25:48.6
Mayamaya ay nag-aya na siyang umuwi dahil ibanarawa ang pakiramdam niya.
25:52.4
Bukod sa kinikilabutan siya ay parang nasuso ka siya na hindi niya maintindihan.
25:57.7
Kahit gusto ko pa siyang makasama ng mas mataga alay umalis na kami sa tulay papadudod.
26:04.3
Nag-aalala na rin kasi ako sa kanya at baka kung ano na yung nararamdaman niya.
26:10.1
Pag-uwi ko sa bahay ay nakatanggap ako ng text message mula kay B-boy.
26:15.6
Ang sabi niya ay merong siyang nakitang babaeng nakasuot na puting damit sa tabi ko kaya nag-aya na siyang umuwi.
26:22.5
Kahit na hindi ako naniniwala sa white lady sa tulay ay kinelabutan pa rin ako sa mga nalaman ko.
26:29.0
Sinabi ko kay B-boy na huwag siyang magbiro ng ganon dahil hindi ako natatakot.
26:34.5
Iginit niya na totoo ang sinasabi niya sa akin at wala raw siyang dahilan para magbiro siya sa akin ng ganon.
26:40.8
Doon lang daw niya napatunayan na totoo pala ang kwento ng katatakutan sa tulay na yon.
26:45.9
Dahil siya mismo ang nakakita.
26:48.0
Hindi na lang daw niya yon sinabi sa akin habang nasa tulay kami dahil baka matakot ako.
26:54.1
Narealize ko na wala naman talagang dahilan si B-boy para gumawa ng kwento o takutin ako.
27:00.9
Hindi siya ang klase ng tao na gagawa ng ganon dahil masyado siyang seryoso.
27:06.4
Kaya kahit papano ay unti-unti nang nababago ang paniniwala ko tungkol sa tulay papadudut.
27:12.6
Napatanong na ako sa sarili ko kung meron ba talagang white lady sa tulay papadudut.
27:19.3
Pero kung meron, nakapagtataka na hindi ko man lang yon nakita kahit na isang beses at dami ng beses
27:26.4
na dumana ko doon ng gabi tapos wala akong kasama.
27:31.1
Makalipas ang five months ng lihim na relasyon namin ni B-boy,
27:35.9
ay nagbreak na kami.
27:37.8
Paano inalaman ko na meron pala siyang ibang nililigawan habang kami pa?
27:42.1
Umami naman si B-boy sa akin na totoo yon nang katwira niya ay sawa na siya sa tinatago namin ang aming relasyon.
27:49.2
Mas gusto niya raw ang isang relasyon na hindi na kailangang itago pa.
27:54.1
Masakit para sa akin ang paghihwalay namin pero naisip ko na hindi ko pa kayang ibigay ang gusto ni B-boy
28:01.2
at ayoko siyang ikulong sa relasyon namin na hindi na siya masaya.
28:05.4
Kaya naman pinalaya ko siya papadudut.
28:08.0
Ang ginawa ko ay mas nagfocus na lamang ako sa aking pag-aaral.
28:14.0
May isang pangyayari na ipinagtaka ko
28:17.1
habang nasa stage ako ng pag-move on sa break namin ni B-boy.
28:24.0
Napanaginipan ko kasi yung sinasabi nilang White Lady sa tulay.
28:28.7
Mag-isaraw ako noong naglalakad sa tulay, gabi at sobrang tahimik.
28:33.3
Malapit na ako sa dulo nang may marinig akong sumisitsit sa akin.
28:38.0
Tumigil ako at luminga sa paligid pero wala kong nakitang ibang tao.
28:42.6
Mayamaya ay nawala na ang pagsitsit at napalitan niyo ng pagtangis ng isang babae.
28:48.5
Parabang sobrang lungkot niya sa paraan ang kanyang pag-iyak papadudut.
28:53.3
Dahil sa panaginip lamang yun ay matapang ako doon.
28:57.3
Pinakinggan ko ng maige kung saan ang gagaling ang pag-iyak hanggang sa malaman ko na sa ilog yun nagbumula.
29:04.7
Pumunta ko sa gilid ng tulay at nang sumilip ako sa iba bae may nakita akong babae na nakatayo sa ibabaw ng tubig.
29:11.2
Siya ang umiiyak pero nakayo ko siya kaya hindi ko nakikita ang kanyang mukha.
29:16.2
Hindi ko alam kung bakit parang narinig ko na sinasabi ng babae na sumama ako sa kanya.
29:22.7
Mayamaya nga ay sumampa ako sa may gilid ng tulay at tumalon ako mula doon.
29:28.1
Nagmagising ako ay parang kinapos ako sa paghinga.
29:31.8
Yung pakiramdam na parang matagal akong nalublob sa tubig at hindi na nakahinga.
29:38.2
Nagtaka ako kung bakit ako na naginip ng ganon papadudut.
29:42.3
Hindi ko naman iniisip yung tulay saka yung white lady doon.
29:48.2
Makalipas ang ilang araw ay isang balita ang kumalad sa amin lugar.
29:52.2
Merong isang dalaga na tumalon sa tulay at nagpatiwakal.
29:56.3
Bababaw ang tubig sa ilog kaya hindi ito nakaligtas sa kamatayan.
30:00.9
Ayon sa mga narinig ko ay ginawa yun ng babae dahil sa dami ng problema nito sa buhay.
30:06.9
May mga nagsabi din na hindi raw totoo na nagpatiwakal ang babae dahil
30:11.5
ang may kagagawan daw no na yung white lady sa tulay.
30:15.6
Mukhang sumapi raw sa babae ang white lady na ito.
30:19.1
Kaya ito ay nagtulak sa babae para wakasan nito ang buhay niya.
30:24.2
Nang dahil sa kwento na yun ay mas lalong lumala ang takot ng mga tao na dumaan sa tulay tuwing gabi.
30:30.6
Ang iba'y umiikot pa ng mas malayo huwag lamang mapadaan sa may tulay.
30:35.7
Kahit ako ay apektado sa kwento na yun papadudut yun ay dahil sa sinabi ni B-boy na nakita niya ang white lady.
30:42.3
At dahil na rin sa napanaginipan ko.
30:45.0
Pero saktong takot lang naman ang meron ako dahil sa tuwing dumadaan ako sa tulay para makauwi sa amin ay sakay naman ako ng tricycle.
30:53.5
Hindi pa rin ako nag-iisa dahil may kasama pa rin akong driver o kaya ay ibang pasahero.
31:00.0
Ngunit may isang beses na habang sakay ako ng tricycle pa uwi ng bahay ay may kakaibang nangyari.
31:06.0
Dalawang kaming pasahero noon.
31:08.0
Sa loob ako nakaupo habang yung isang pasaherong lalaki ay sa likod ng driver.
31:12.8
Para sakin ay normal na gabi lamang yun papadudut.
31:16.2
Gustong-gusto ko na nga makauwi dahil nagugutom na ako.
31:19.5
Tapos nag-text pa ang mama ko ng paborito kong ulam ang niluto niya.
31:25.3
Nang patawid na kami sa tulay ay nang nasa gitna na kami ay biglang namatay ang makina ng tricycle.
31:32.7
Kuya bakit po kayo tumigil? Wala na po bang gas? Tanong ko.
31:37.8
Full tank ako eh ewan ko ba. Biglang na lang tumigil. Kakamot-kamot sa ulo na tugo ng driver.
31:45.6
Maya-maya ay sumigaw yung lalaki sa likod ng driver. Ang sabi niya ay merong babae sa gilid ng tulay.
31:51.8
Tininan ko ang tinuro niya pero wala akong nakita ang babae.
31:55.7
Buwaba na yung lalaki sa tricycle at tumakbo ng mabilis palayo.
31:59.7
Gusto ko na sanang tumakbo dahil kakaiba ang kilabot na nararamdaman ko ng sandaling yun pero hindi ko alam kung bakit hindi ako buwaba para tumakbo.
32:08.3
Pinipilit naman ang driver na buhayin ulit ang tricycle at nakikita ko sa kanya na natatakot na rin siya.
32:15.4
Panaypang reklamo niya dahil mukhang nagkunwari lang yung isang pasahero na natatakot ito at nakakita ng white lady para tumakbo at hindi na makapagbayad ng pamasahe.
32:27.2
Kahit na anong pilit ng driver ay ayaw talagang mabuhay ng kanyang tricycle papadudut.
32:33.0
Nakiusap pa siya sa akin na baka pwedeng buwaba muna ako ng saglit at itutulak niya muna ang kanyang tricycle.
32:39.8
Wabana ako at naglakad pa alis sa tulay at si kuya naman ay itinutulak ang tricycle at parang himala na biglang nabuhay ang makinanon ng lumampas yun sa may tulay.
32:51.6
Nagpaglaruan niyata tayo ng white lady sa tulay eh, nakita mo ba?
32:55.6
Nang maalis ko sa tulay itong tricycle ay biglang naging maayos na, sabi ng tricycle driver.
33:01.4
Hindi naman siguro kuya, next time, e-check niyo po muna ang tricycle ninyo bago kayo bumiyahe, turan ko.
33:08.4
Talagang in denial pa ako ng time na yon sa white lady na nasa tulay.
33:14.1
Pero sa loob-loob ko ay nagdadalawang isip ako kung totoo nga ba na may kinalaman ng tulay kung bakit biglang huminto yung tricycle o baka totoo rin na may nakitang babae yung isang pasahero.
33:27.0
Kung noon ay nagtataka ako kung bakit hindi nagpapakita sa akin yung white lady.
33:32.2
Nang time na yon ay nagtataka naman ako kung bakit parang unti-unti nang pinaparamdam sa akin ng tulay na totoo ang mga kwentong nakadikit dito, lalo na yung white lady.
33:44.4
Sa tuwing dumadaan tuloy ako sa tulay, kahit sakay pa ako ng tricycle ay hindi na ako tumitingin sa kung saan.
33:51.7
Yumuyo ko na lamang ako at kung minsan ay pumipikit pa ako, papadudot.
33:57.1
Sakalang ako nagbumulat ng mata kapag nakalampas na kami sa may tulay.
34:01.9
Minsan ay narinig ko na naman na may ikinawento si ate baby sa nanay ko.
34:07.0
Ayon sa kanya ay pati yung babaeng tumalon sa tulay ay nagpapakita na rin daw doon.
34:13.1
May nakakita raw kasi rito na isang bata at matapos na makita yun ang bata ay nilagnat ito, papadudot.
34:20.4
Hindi na ako kumontra sa nanay ko ng time na yon.
34:23.5
Kahit mapaano kasi ay naniniwala na ako sa mga kwento tungkol sa tulay.
34:28.9
Hanggang isang malakas na bagyo ang tumama sa aming lugar.
34:32.9
Kinailangan naming lumikas ng pamilya ko sa isang mas mataas na lugar dahil inabot na ng bahang aming bahay.
34:39.8
Umapaw na kasi ang tubig sa ilog at inabot noon ang tulay.
34:45.4
Na unang beses na nangyari.
34:47.7
Takot na takot ako noon, papadudot.
34:50.2
Noon lang kasi may tumamang bagyo sa amin ng ganon kalakas.
34:55.2
Tapos gabi pa yun, nag-landfall.
34:59.0
Kinabukasan ng umaga nang humupa na ang bagyo ay nalungkot ang lahat ng makita nila na nagkaroon ng crack ang gilid ng tulay.
35:06.0
At ang mismong tulay.
35:08.4
Simula noon ay tanging mga tricycle na lamang ang pinayagan na dumaan sa tulay dahil natatakot ang mga tao
35:14.4
na kung may manaking sasakyan ay bigla na lamang yung gumuho.
35:17.8
Ganon din ang ipinayo ng gobyerno sa aming lugar.
35:20.9
Saka nalang daw ulit hahayaan na dumaan ang malalaking sasakyan kapag naayos na yon.
35:26.2
Pero dahil sa wala pa raw pondo para sa pagpapayas ng tulay, baka matatagalan pa bago yon maayos at magawa.
35:35.0
Isang gabi kalalabas ko lamang ng school.
35:37.5
Pauwi na sana ako noon pero bigla akong kinausap ng isa kong kaibigan na nag-aaral din sa school na yon.
35:44.5
Desiree, mamaya ka na umuwi, sumama ka sa bahay namin.
35:49.3
Birthday ko ngayon at may handa ako. Doon ka na mag-dinner.
35:53.0
Anyaya sa akin ni Donna.
35:56.1
Sige pero magpapaalam muna ako sa mama ko na late ako makaka-uwi. Turan ko.
36:01.8
Umayag naman ang nanay ko matapos kong mag-text sa kanya kaya sumama na ako sa bahay ni Donna.
36:07.6
Kumain lang ako roon at nagbalot ng kaunting pagkain.
36:11.2
Siguro mga 9pm na ako nakaalis sa bahay nila.
36:14.4
Sumakay na ako ng jeep at dahil kakatapos lang ng bagyo, ay marami pang daan na may mga punong nakaharang.
36:22.0
Naging matagal ang biyahe at inabot na ng isang oras bago ko nakarating sa paradahan ng tricycle.
36:29.2
Hindi ko naman alam na kapag ganong oras pala ay wala ng tricycle kaya wala na akong pagpipilihan kundi ang maglakad pa uwi sa aming bahay.
36:38.6
Medyo natakot ako nang maalala ko na kailangan ko palang dumaan sa tulay ng naglalakad.
36:44.1
Pero dahil sa wala naman akong choice ay sinimulang ko na ang paglalakad.
36:48.4
Pagdating ko sa tulay ay inihanda ko ng sarili ko sa pagtakbo.
36:53.5
Yun ang paraang naisip ko para mabilis kong malagpasa ng tulay.
36:57.9
Alam ko na kung may makakita sa akin ay baka pagtawanan ako pero wala na akong pakialam papadudot.
37:04.8
Malapit na ako sa tulay nang may makita akong dalawang babae na naglalakad sa may tulay.
37:11.1
Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil sa meron akong makakasabay.
37:16.0
Binilisan ko ang paglalakad para maabutan yung dalawang babae nang nasa likuran ako ng mga babae ay binagalan ko ng paglalakad.
37:23.9
Natuwa pa ako kasi naisip ko na hindi ko naman pala kailangang tumakbo pa.
37:29.2
Habang naglalakad ako ay nagtaka ako kung bakit biglang tumigil sa paglalakad yung dalawang babae sa unahan ko.
37:35.7
Pagkatapos ay may narinig akong umiiyak na babae sa kung saan.
37:40.8
Tatakbo na sana ako pero napatingin ako sa paa ng mga babae at gano'n na lamang ang takot ko
37:46.8
nang malamang kong hindi nakasayad sa tulay ang kanilang mga paa.
37:51.2
Nakalutang sila papadudot.
37:54.6
Hindi na ako nagisip ng time na yun at tumakbo na ako ng mabilis hanggang sa makarating na ako sa bahay.
38:01.4
Noon ay tuluyan na akong naniwala na merong ngang white lady sa tulay na yun.
38:06.7
Wala namang tao na kayang lumutang kaya naniniwala ako ng mga white lady nga yung nakita kong dalawang babae sa tulay ng gaming yun, papadudot.
38:17.2
Hindi ko nagawang makapasok sa school ng tatlong araw dahil inapoy ako ng lagnat.
38:21.6
Sinabi ko sa nanay ko ang nangyari at nakita ko sa tulay.
38:26.0
Ang sabi niya sa akin ay yun ang dahilan kung bakit ako nilagnat.
38:30.0
Binana niya ako sa isang albularyo at nang suubin ako ay lumabas sa suob sa akin yung tulay at dalawang babae.
38:38.4
Kaya simula nang mangyari yun sa akin ay hindi na talaga ako dumaan sa tulay na yun tuwing gabi nang hindi ako nakasakay ng tricycle.
38:47.2
Kapag inaabot ako ng sobrang gabi ay nagpapasundod na lamang ako sa tatay ko o kaya ay sa kapatid ko.
38:53.6
Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang kwento ng katatakutan sa tulay na yun, sa aming lugar.
38:59.6
Nalaman ko yun nung umuwi ako sa amin para magbakasyon kasama ang aking asawa at mga anak.
39:05.5
Kinakatakutan man ang tulay na yun ay hindi ko pa rin maalis na may mga ala-ala ako sa lugar na yun na habang buhay kong hindi makakalimutan.
39:15.7
Dito ko na po tatapusin ang sulat ko, Papa Dudut.
39:19.4
Isang karangalan para sa akin na ikaw ang nagbasa ng aking kwento.
39:25.3
Maraming salamat.
39:27.5
Sincerely yours, Desiree
39:31.1
Hindi natin maaalis na sadyang maraming bagay at pangyayari ang hindi kayang ipaliwanag.
39:36.6
Mga bagay at pangyayari na nagbibigay sa atin ang palaisipan at takot.
39:42.3
Sa mga galitong sitwasyon ay walang iba tayong makakapitan kundi ang ating pananampalataya lamang sa ating puong may kapal.
39:51.1
Dasal at paniniwalang hindi tayo pababayaan ng Diyos.
39:56.4
Yan po ang ating magiging sandata pero hindi lamang ang sarili natin ang dapat nating ipagdasal
40:02.8
kundi magiging ang katahimikan at kapayapaan ng mga kaluluwang hindi matahimik.
40:10.8
Hindi ma natin alam kung bakit sila nagpapakita o ano pa ang dahilan ng kanilang pangangambala
40:19.7
kung bakit sila hanggang ngayon ay narito sa ating mundo
40:22.8
ay mas makakabuti kung hilingin natin sa Diyos na mapunta na sila sa dapat nilang paruroonan.
40:29.2
Hanggang sa muli ako po ang inyong si Papa Dudut. Maraming salamat po sa inyong lahat.
40:40.4
Laging may lungkot at saya
40:46.6
Sa Papa Dudut stories
40:50.9
Laging may karamay ka
40:59.6
Mga problema ang kaibigan
41:04.9
Dito ay pakikinggan ka
41:11.6
Sa Papa Dudut stories
41:16.2
Kami ay iyong kasama
41:23.8
Dito sa Papa Dudut stories
41:28.3
Ikaw ay hindi nag-iisa
41:37.2
Dito sa Papa Dudut stories
41:41.2
May nagmamahal sa'yo
41:49.2
Papa Dudut stories
41:54.2
Papa Dudut stories
42:01.9
Papa Dudut stories