Close
 


Anunsiyong bawas-pasahe ng gobyerno nagdulot ng kalituhan: grupo | TeleRadyo
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Nagdulot ng kalituhan ang anunsiyong bawas-pasahe sa iba-ibang pampublikong sasakyan, sabi ni Manibela national president Mar Valbuena. For more TeleRadyo videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PL7amYNiWriCx_GugFDKNmRiV_xrWB_Uqf To watch the latest updates on COVID-19, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PL7amYNiWriCxDMQr0qW4Q_QS25yEr6PCT For more TeleRadyo full episodes, click the link below: https://bit.ly/TeleRadyo_Livestream Subscribe to the ABS-CBN News channel! http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #TeleRadyo #ABSCBNNews #LatestNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 16:18
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Magandang umaga sir Mar Camar. Magandang umaga at maraming maraming salamat sa pagtugon niyo sa amin sa Umaga Diyas Report.
00:09.0
Magandang umaga sir Henry. Kapasensya na kayo at nasa biyahe kasi kami kaya medyo maingay ang lugar.
00:17.0
Okay lang okay lang kasi kami nga nagpapasalamat na kahit na nasa biyahe pinagukulan niyo kami ng panahon.
00:26.0
So napag-usapan niyo na ba itong unang-una pagbalik sa 9 pesos na pasahe?
00:32.0
At pangalawa, papano ang mechanics nito? Papano ang mechanism nito? Papano?
00:39.0
Babayaran ba ito sa inyo ng gobyerno? Papano?
00:42.0
Sir Henry, wala pa nilalabas na mechanics ang ating gobyerno kung ano ang magiging guidelines po.
00:56.0
Ang naiintindihan ko lang ang sabi ng DOTR, magkakaroon ng discount ang ating mga pasahero.
01:05.0
So kami na naman po sa transport sector ang mahihirapan nito at magdadala po ng pasakit.
01:11.0
Kaya nga ang sabi natin dapat hindi mo ito nilalabas hanggang walang mechanics dahil nga po nagkakaroon na naman po ng kaguluhan sa panahon ng ating mga kasamahan.
01:23.0
Oo nga. So ang latest kagabi, wala pa raw budget. Pero nauna na kasi ang announcement. Yan ang problema.
01:33.0
So yun ang sinasabi nyo na baka kalahin ng mga pasahero, na-implement na ito.
01:41.0
Nararanasan nyo ba na nakikipagtalo yung pasahero?
01:46.0
E hindi. Sabi doon sa balita, sabi ng gobyerno nine pesos na lang daw.
01:53.0
Totoo po yan sir Henry. Talagang yung ating mga mananakay, ang alam po nila efektibo na yung discount.
02:04.0
At ang mahirap dito sir Henry, papaano yung halimbawa doon sa ruta hindi makakasama doon sa diskwento, wala pong sasakay doon sa kalahate na hindi makaka-avail ng subsidy.
02:20.0
So merong tumatakbo na may diskwento, may tumatakbo na walang diskwento. Kawawa naman po yung hindi makaka-avail at wala pong sasakay dito.
02:29.0
Oo. So hindi pala lahat babayaran ng gobyerno sa pagbawas sa pasahe?
02:41.0
Tama po kayo sir Henry. Yan sana yung mapag-aralan bago sana nilabas, bago sila nag-announce na merong discount sa pamasahe.
02:54.0
Siyempre ang mindset ng ating mananakay, lahat pong sasakyan nilang PUJ o bus, meron pong diskwento.
03:03.0
Problema yan. Nakikita ko problema yan.
03:07.0
Siyempre sir Henry, papaano ngayon magtatawag ang aming kasamahan sa jeepney. Sasakay kayo dito sa kaliwa, merong diskwento. Itong nasa kanan, walang diskwento.
03:20.0
Ganon po ba itatawag ng aming dispatcher o mga caller po sa terminal?
03:25.0
Hindi ko malamang. Parang mangyayari, sa isang side, doon lang may diskwento. Sa isang side, walang diskwento.
03:46.0
Di mag-aagawan sa isang side ang mga pasahero?
03:52.0
Opo. Kasi sir Henry, ang sabi ng DOTR, ang makaka-avail nito, karamihan ang mga consolidated o mga naka-co-op.
04:03.0
Sa isang ruta, hindi lahat yan naka-consolidate o naka-co-operatiba. So mangyayari yan, magkakagulo ang ating mga kasama na drivers. Bukod yan, makikipagtalo sa atin ang ating mga mahal na mananakay. Kasi ang pagkakaalam nila lahat po ito may diskwento.
04:25.0
So yung mga babayaran lang ng gobyerno for the discount, yung kasali sa kooperatiba o yung merong kooperatiba?
04:40.0
Opo sir Henry. Ang sinasabi, yung mga consolidated entities lang ang masasali dito. Mahirap para sa ating mga kasamahan, lalo ngayon. Kahit ako nahihirapan magpaliwanag sa ating mga kasama dahil wala pang binibigay ng mechanics, ang sinasabi lang ibababa yung pamasahe.
05:04.0
So ang agam-agam ng iba, babalik sa P9 pero walang subsidy. Di po ito ipaliwanag ng DOTR sir Henry?
05:34.0
So walang pampasal sa subsidiya ng gobyerno kaugnay nitong diskwento na sinasabi. Mahirap nga. Pero okay, sa puntong ito gusto rin kamustahin. Kasi in-extend nga ang deadline para sa mga modernized jeepneys.
05:58.0
Kamusta ang paghahanda o usap-usapan ng mga grupo ng drivers at operators kaugnay ng pag-implementa ng modernized jeepney? Sabi nyo nga mukhang hindi mo modernized jeepney yan. Mini bus yan."
06:28.0
... Patuloy na mainit ang ating mga kasamahan ng drivers at operators, lalong-lalo na ngayon may lumabas na diskwento. Pero ayon sa pag-uusap namin ng LTFRP, DOTR at Malacanang, hanggang Dec. 31 aaralin pa muna ang omnibus franchising guidelines...
06:58.0
... ayusin, alisin o idagdag sa programa. Patuloy nitong franchise consolidation sir Henry, ito ang talagang inaayawan natin dahil marami na ang nawalan ng trabaho dito o naluge. Pwede naman kaming mag-modernize nang hindi kami nagko-consolidate o hindi kami nagko-corporation o kooperatiba."
07:28.0
... May bibigyan nila ng diskwento ang kooperativa marahil in preparation na para sa modernized jeepney dahil mga kooperatiba lamang ang talagang mapapagbigyan sa modernized jeepney na tinatawag na ito.
07:58.0
... Hindi ba kayo wala ba kayong meeting na pinapatawag ng LTFRB, kinukonsulta tungkol sa mga bagay-bagay sa pagbubuo o pagbubuo ng IRR dito sa kooperativa?"
08:28.0
... May pag-asa pa rin ang ating mga kasamahan. Pero ang sabi nga natin sa diyalogo, magkasama tayo sa pagbuo ng Implementing Rules and Regulations o IRR na sana ang mga nag-kooperativa na nag-consolidate na nare-respeto po natin yan.
08:58.0
... Bigyang laya natin na makapamili sila na hindi nasasakal sa mga grupo na pwede nilang salihan o napupwersa silang salihan ito. Magkagandaan lang ngayon sir Henry kung hindi pumutok ang tigil pasada hindi mangyayari lahat ito, hindi marireview ang mga guidelines na nakapaloob sa omnibus franchising guidelines...
09:28.0
... At sa PUBMP kasi pa-utang talaga ito, hindi ka nag-consolidate, hindi ka mag-kooperativa, ang tawag namin dito pa-utang vehicle modernization program."
09:58.0
... May mga kasamahan kami, umaabot na halos P80M ang hindi nila nababayaran na utang o amortization sa bangko dahil mahina ang biyahe. Hindi naman natin alam kung kailan ito magiging malakas at kung kailan kami makakabawi."
10:29.0
... Kasi kung hindi kayo makakabayad buwan-buwan, ang interest patong-patong yan."
10:34.0
... At ang masaklap dito sir Henry, hindi nakakabiyahe ang ilang kasamahan namin dahil naka-freeze ang mga sasakyan dahil nahatak na ng bangko pero hindi ito pinapabiyahe."
11:04.0
... So yan ang naging efekto ng programa na hindi napag-aralang mabuti."
11:34.0
... Kasi mga mahahaba ang ruta, nakaka-sustain sa ngayon kasi maraming pasahero sa lugar. Pero karamihan mga nag-modernize, talagang na-bankrupt lang dahil napilitan kahit hindi viable ang ruta."
12:04.0
Q. Pwede mong sabihin saan saan ang ruta ito?
12:34.0
... Papayagan ba ito ng bangko kahit alam mong hindi niya kayang magbayad? So doon pa lang nakakakita ako ng medyo corruption o mga mafia, sindikato doon sa programa sir Henry.
12:49.0
Sir Henry uutang ako sa iyo. Alam mong hindi ako makakabayad pero pinayagan mo pa rin ako mag-loan?"
13:19.0
... Dapat doon lang siya sa isang garahe. Hindi ito binibiyahe sa ibang lugar at bawal dapat ibiyahe sa ibang lugar. Kasi kung ano lang ang ruta na nakalagay sa inapply natin, dapat doon lang din siya bumiyahe.
13:32.0
So bawal na magpalipat-lipat tayo ng ruta sir Henry. Pero nangyayari yan ngayon para masustain ang pagbabayad o makaipon ng pambayad doon sa loan.
14:02.0
... Pero may ruta na maigse na hindi talaga kaya at malulugit malulugi lang."
14:33.0
... Ngayon wala na silang ibibiyahe kung hindi sila lahat mabibigyan ng units. At kapag nag-loan tayo sir Henry, sa isang kooperativa minimum 15 kaagad ang kailangan mong kune nasa sakyan."
14:47.0
... Minimum yan. So naglalaro siya ng P36M to P40M at nag-monthly amortization po nito sir Henry, nasa P480,000 to P500,000."
15:03.0
... Hindi nga kaya kung ganoon. Kung sumahin natin yung isang ruta sir Henry, paano yan makakabaya? Exacto lang yan, pantawid pang araw-araw ng ating mga kasamang drivers at operators."
15:19.0
... Mahirap nga kaya kailangan talaga i-review. Kailangan talaga pag-aralan."
15:49.0
... Maraming salamat po sir Henry."