Close
 


OFWs na may unpaid claims sa Saudi employers, maaari nang mag-apply ng ayuda | TV Patrol
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Maaari nang mag-apply para sa P10,000 ayuda ang mga dating overseas Filipino worker sa Saudi Arabia na may unpaid claims. For more TV Patrol videos, click the link below: https://bit.ly/TVPatrol2022 To watch the latest updates on COVID-19, click the link below: https://youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgUjPkc730KnTVICyQU6gBf For more ABS-CBN News, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgG2ln-vtKXb-oLlGEZc3sR Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #TVPatrol #ABSCBNNews #LatestNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 03:47
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sa edad na 65, kailangan pang rumakit bilang elektrisya ni Alfredo, pantulong sa apat na anak at sampung apo.
00:09.0
Nabulilyaso kasi ang kanyang planong retirement ng Mabankarote, ang pinapasukang construction company sa Saudi.
00:16.0
22 years siyang nagtrabaho pero walang nakuhang end of service benefits nang mapilitan siyang umuwi noong 2016.
00:25.0
Nairender na natin yung talino, yung kalakasan, servisyo. Sacrificio ng pamilya, hindi mo sila nakapiling.
00:42.0
Tulad nga dalawang dekada ako dyan tapos pag-uwi ko ganyan nga mangyayari.
00:48.0
Nasa 10,000 OFWs ang naghahabol ng unpaid claims na may kabuoang halaga na P4.6B mula sa tatlong malalaking Saudi construction companies na tumiklop mula 2015 hanggang 2019.
01:03.0
Noong 2021, nangako ang Saudi Labor Minister kay dating Labor Sekretary Silvestre Belio III na aayusin ang issue pero hindi natupad.
01:14.0
Ngayon, sa ilalim ng bagong administrasyon, muling nabuhay ang pag-asa ng OFWs.
01:20.0
Sa Apex Summit noong Nobyembre, nangako ang mismong Saudi Crown Prince na si Mohammed Bin Salman kay Pangulong Marcos na babayara na ng Saudi government ang claims.
01:31.0
Pero habang wala pang malinaw na detalye, naglabas muna ng P100M pondo ang OWA at DSWD para sa P10,000 ayuda kada apektadong OFW.
01:44.0
Para makapag-apply sa ayuda, maaaring pumunta sa link na ito ng OWA. Ilagay ang mga personal na impormasyon at mag-upload ng government ID.
02:09.0
Makakakuha ng control number ang OFW para makuha ang ayudang cash sa land bank.
02:15.0
Ayon naman kay Alfredo, makatutulong ang ayuda pero mas importante sa kanila ang mabilis na aksyon sa kanilang claims.
02:23.0
Kahapon, umalis pa puntang Saudi si Department of Migrant Workers Undersecretary Bernard Olalya para umpisahan ang talakayan sa unpaid claims.
02:33.0
Nauna ng siniguro ni DMW Secretary Tuts Ople, hindi nila binibitawa ng issue pero hindi magiging mabilis ang proseso.
02:43.0
Everything that will be done will be done by Latam Ali. Dalamang mansa, hindi pwedeng tayo lang punta ka na dun. Punin mo na pera namin.
02:54.0
Hindi ko ganun kasimple. We have to go through the diplomatic process.
03:02.0
Paalala naman sa mga claimant OFWs na wala sa listahan ng OA makipag-ugnayan sa DMW at magbigay ng mga dokumento na magpapatunay na nagtrabaho sila doon at kasama sa mga hindi nabigyan ng end of service benefits ng naluging Saudi construction companies.
03:23.0
Zen Hernandez, ABS-CBN News.
03:32.0
Thank you for watching!