Close
 


EXCLUSIVE: Doktor na idinadawit sa Salilig hazing case iginiit na di nakita ang biktima | TeleRadyo
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Sinabi ng doktor sa ABS-CBN News, na pinayuhan niya na dapat dalhin sa ospital ang pasyente. For more TeleRadyo videos, click the link below: https://bit.ly/TeleRadyo2022_2 To watch the latest updates on COVID-19, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PL7amYNiWriCxDMQr0qW4Q_QS25yEr6PCT For more TeleRadyo full episodes, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgJC37ssz2eLnr18Tn7Plid Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #TeleRadyo #ABSCBNNews #LatestNews
ABS-CBN News
  Mute  
Run time: 05:13
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ang doktor na idinadawit sa Salilig hazing case. Exclusibo siyang nakausap ng ABS-CBN News at iginiit niyang hindi nakita si John Matthew Salilig nang sunduin ang pinsan na kabilang sa mga sumailalim sa initiation rights ng fraternity.
00:17.0
Yan ang headline Pilipinas ni Jeff Caparaz, Exclusibo.
00:22.0
Sa gitna ng pagdinig sa Senado kahapon kaugnay ng Salilig hazing case, inungkat ng chairman ng kumite na si Sen. Francis Tolentino kung natukoy na ang doktor na tumanggi umanong tignan ang biktimang si John Matthew Salilig.
00:36.0
Sa bahagi kasi ng salaysay ng isa sa mga sospek na nasa NBI, humingi umanusa ng tulong sa pinsang doktor ng isa nilang kasama.
00:45.0
Ang Lee ay sinundo ng kanyang pinsan na isa rin doktor. Buhay pa hon ito si Matthew, isa rin doktor. Subalit tinanong kung pwedeng tumulong ang kanyang pinsan na doktor para asistihan si Matthew.
00:59.0
Sabi po nung doktor, hindi pwede. May doktor na pala doon ayaw magbigay ng assistance. At saka anong ginagawa niya doon? Siguro inimbita siya para tumulong, nakita niya ang kondisyon nung bata, umayaw siya. That's a violation of his oath as a medical practitioner at pwede siyang kasuhan.
01:20.0
Nang marinig ng doktor na tila siya ang tinutukoy sa pagdinig kahapon, agad siyang nagtungo sa Binan City Police kaninang madaling araw para magbigay ng kanyang salaysay. Kinumpirma niya siya ang pinsang doktor ni Alyas Lee at siya ang sumundo dito sa Paranyake. Ayon sa kanya, nasa bahay na siya at nagpapahinga mula sa duty sa ospital ng tawagan ng pinsan para magpasundo.
01:43.0
Hindi pa raw binigay nung una ng pinsan ang lokasyon kung saan susunduin. At nang nakausap na niya ay may bigla o manong umagaw ng telepono ng pinsan at nagtanong.
01:53.0
Nung kausap ko siya, mayroong parang nagtanong, nakausap ko na kung may taong mawalan ng malay, anong magandang gawin? Kung anong dapat gawin?
02:06.0
Sa tanong na ito, ayon sa doktor, pinayuhan niya na dapat dalin sa ospital ang pasyente. Ikinagulat niya ang pahayag ng isa sa mga sospek sa pagdinig na tumanggi siyang tulungan si John Matthew.
02:36.0
Nasa sakya ko, sinundo ko lang yung pinsan ko. So parang taliwas dun sa kwento ngayon na lumalabas sa hearing na nasa harapan ko daw yung tao naghihingalo, na hindi ako gumawa ng kahit anong first aid or medical treatment.
02:53.0
Kasi wala akong nakitang pasyente na nakahandusa."
02:57.0
Dagdag pa ng doktor, kung may nagbigay alam lang sana sa kanya ng sitwasyon, posibleng ginawa niya ang tungkulin bilang isang doktor.
03:06.0
Asuming na you have an idea, ano sa tingin mo yung gawin? Kung meron kang idea sa doktor?
03:12.0
Kung nakakita ka ng isang humihingi ng tulong, lalo na critical, syempre sa doktor, may oath tayo na tutulungan yung mga nangangailangan. Pero kung nasa danger ka rin, isipin mo din sa sarili mo.
03:27.0
Nakiramay din siya sa naiwan ni John Matthew.
03:30.0
Nakikiramay ako sa family ni John Matthew. So kahit ako, nabigla ako sa nangyari, nagalit ako.
03:38.0
Syempre, brotherhood yan eh. So bakit humantong dun yung brotherhood kung brother mo yan? Bakit kailangan humantong sa ganun?
03:47.0
Pag-aaralan naman ang Binyan PNP ang pahayag ng doktor at ikukumpara ito sa mga testimonya ng mga suspect na hawak nila at hawak ng NBI.
03:57.0
Kung doon sa ating, with regards to the hazing, sigurado ako wala naman siyang kilalaman dun sa hazing incident. He is not part of the planning na magkakaroon ng initiation and even he is not there during the initiation rites.
04:16.0
On my personal view, kung sa hazing pag-uusapan, wala. E yun lang siguro, yung alleged na hindi niya tinulungan yung ating victim during yung hard time ni Matthew na pinagdadaanan.
04:33.0
Handa naman Ania siyang humarap sa Senado at magbigay ng pahayag sa NBI kung kinakailangan. Sa ngayon, nasampahanan ang Binyan PNP ang lahat ng sangkot sa insidente kung saan pito ang nasa kustudiya nila at labing isa pa ang at-large.
04:48.0
Para sa Headline Pilipinas, Jeff Caparaz, ABS-CBN News.
05:03.0
Thank you for watching!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.